You are on page 1of 22

Panahon ng Pangangatwiran at

Kaliwanagan
Panahon ng Kaliwanagan (Age of
Enlightenment)

• Nakasentro ito noong ika-18 na siglo kung saan ang ilang iskolar ay
nakabuo ng teorya sa pilosopiya na naging batayan ng konsepto ng
pamahalaan, demokrasya, at edukasyon sa kasalukuyang panahon.
• Sa panahong ito, ginamit ang katwiran at Siyentipikong
Pamamaraan sa lahat ng aspekto ng buhay.
• Tinawag din ito bilang Age of Reason dahil sa paniniwalang sa
paggamit ng pangangatwiran matutugunan ang mga suliranin sa
lipunan, at bubuti ang pamumuhay ng tao.
• Sinasabi din na isa itong kilusang intelektuwal dahil ang mga iskolar sa panahong ito
ay nagtangkang i-ahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng
katwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong
Panahong Medieval.
• Nakilala ang mga intelektuwal na ito bilang mga philosopher o grupo ng mga
intelektuwal na humikayat sa paggamit ng katwiran, kaalaman, at edukasyon sa
pagsugpo ng pamahiin at kamangmangan.
• Sinuri ng mga pilosopo ang kapangyarihan ng relihiyon, at tinututulan nila ang
kawalan ng katarungan sa lipunan.
• Sa kabuuan, ang Panahon ng Kaliwanagan ay humubog sa mga modernong kaisipan
hinggil sa pamahalaan, demokrasya, edukasyon, at maging sa sining at panitikan.
Mga Kilalang Pilosopo sa
Panahon ng Kaliwanagan
Thomas Hobbes

• Siya ay isang pilosopong Ingles na sumulat ng


akdang Leviathan noong 1651. Ang kaniyang akda ay tumatalakay
sa kalikasan ng tao at estado kung saan ang tao ay likas na
makasarili, kung kaya lagi niyang katunggali ang kaniyang kapwa.
• Sinabi rin niya na monarkiya ang pinakamabisang paraan ng
pamumuno.
John Locke

• Siya ay isang pilosopong Ingles.


• Isinulat niya ang Two Treatises of Government (1689) na nagsabi
na mahalaga ang gitnang uri ng tao, pati na rin ang karapatan sa
pagmamay-ari, pananampalataya sa agham, at pagtitiwala sa
kabutihan ng sangkatauhan.
Jean Jacques Rousseau

• Siya ay pilosopong Swiss French na nagsulat ng The Social


Contract noong 1762. Ang social contract ay kasunduan ng mga
malalayang mamamayan na lumikha ng isang lipunan at
pamahalaan.
• Isinulat din niya ang Emile noong 1762. Ang akda ay nagpapahayag
ng ideya tungkol sa edukasyon.
Francois Marie Arouet o Voltaire

• Siya ay isang pilosopong Pranses na naniwala na ang demokrasya


ay lalo lamang nagtataguyod ng kamangmangan ng masa.
• Para sa kaniya, isang naliwanagang hari na pinayuhan ng mga
intelektwal lamang ang maaaring makapagdulot ng pagbabago.
Baron de Montesquieu

• Isinulat niya ang On the Spirit of the Laws (1748) na naglahad ng


paghahambing sa tatlong uri ng pamahalaan: ang republika, monarkiya,
at despotismo.
• Itinaguyod ng kaniyang paniniwala ang Meterological Climate Theory o
ang kaisipan na ang klima at pagkakataon ang nagtatakda ng
pamahalaan.
• Isinulong din niya ang kahalagahan ng check and balance sa pamahalaan
at kung paano maisasakatuparan ito sa iba't ibang uri ng kapangyarihan
(ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal).
• Ang check and balance ay sistema kung saan ang tatlong sangay ng
pamahalaan ay may pantay-pantay na kapangyarihan at maaring
hadlangan ang pagmamalabis sa kapangyarihan ng alinman sa tatlo.
Denis Diderot

• Siya ay isang pilosopong Pranses na patnugot


ng Encyclopedi (1745), isang koleksiyon ng mga impormasyon ukol
sa iba't ibang tema, partikular ang agham at teknolohiya.
• Ang Encyclopedie ay naging daan upang maipahayag ang mga puna
at pagtutuligsa sa pamahalaan at lipunan.
Cesare Bonesana Beccaria

• Siya ay isang Italyanong criminologist.


• Isinulat niya ang Of Crimes and Punishment (1764) na tumuligsa sa
parusang kamatayan.
John Howard

• Isa siyang Ingles na prison reformist.


• Nahikayat niya ang House of Commons, ang lehislatura ng
Inglatera, na magpatupad ng mga batas tungkol sa reporma sa
kulungan.
Friedrich Nietszche

• Naniwala siya na kailangang mawasak ng malakas ang mahina


upang makabuo ng isang perpektong lipunan.
Friedrich Engels

• Isinulat niya ang The Conditions of the Working Class in


England na nagsasaad ng hindi maayos na kondisyon ng mga
manggagawa sa mga pabrika.
Karl Marx

• Ipinakilala niya ang konsepto ng dialectical materialism na


nagsasaad na ang kasaysayan ng isang lipunan ay nakabatay sa
tunggalian ng uri o class struggle.
John Locke

• Isinulat niya ang akdang An Essay Concerning Human


Understanding (1690) na tumalakay sa konsepto ng tabula rasa.
• Ayon sa tabula rasa, ang utak ng tao ay parang blankong papel na
magkakaroon lamang ng laman sa pamamagitan ng paggamit ng
limang pandama.
Mary Wollstonecraft

• Siya ang tinaguriang kauna-unahang peminista o tagapagtaguyod


ng pantay na karapatan ng kababaihan at kalalakihan.
• Isinulat niya ang A Vindication of the Rights of Women (1792) na
tumalakay sa karapatan ng kababaihan na bumoto at magkaroon
ng posisyon sa pamahalaan.
Franz Joseph Haydn

• Siya ang tinaguriang "Ama ng Symphony" at "Ama ng String


Quartet"
Wolfgang Amadeus Mozart

• Isa siyang kilalang kompositor na bihasa sa lahat ng uri ng musika.


Ludwig Van Beethoven

• Siya ay isang dakilang kompositor ng musikang klasikal.


Daniel Defoe

• Isinulat niya ang Robinson Crusoe noong 1719.


Ignacy Krasicki

• Isinulat niya ang The Adventures of Nicholas Experience noong


1776.

You might also like