You are on page 1of 14

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 5


Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo 
(Imperyalismo)

Name: Trixy G. Quiambao                    Section: 8-STE

●SUBUKIN●
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin
ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang inyong mga sagot. 
  
1. B                    6. A                 11. A
2. A                    7. C                 12. C
3. B                    8. C                 13. B
4. D                    9. A                 14. C
5. S                   10. D                 15. D
-BALIKAN-
Gawain 1
Panuto: Batay sa Mapa ng Daigdig sa ibaba, punan ang talahanayan ng iyong  natutunan tungkol
sa unang yugto ng kolonyalismo. Gawin at kumpletuhin ang mga hinihingi ng talahanayan sa
iyong sagutang papel.
Kolonyalistang Layunin ng Pananakop Mga bansang Nasakop
Bansa

1. Netherlands  Ang layunin ng pananakop ay tungkol sa pagpapalago ng East Indies (Indonesia)


mga aktibidad na pangkalakalan at mga likas na yaman.

2. Spain Ang layunin ng pananakop ay paghahanap ng mga bagong Pilipinas


rutang pangkalakalan, pananakop ng mga bansa o lupain,
paghahanap ng mga pampalasa o spices at pagpapalaki at
pagpapalaganap ng kristiyanismo.

3. Portugal Pagtuklas ng mga bagong rutang pangkalakalan, Calicut India (1502) Ormuz
paghahanap ng mga pampalasa at pag-sakop sa mga sa Golpo ng Persia (1510)
bansa. Diu at Goa sa IndiaAden sa
Red Sea
Malacca sa Malaya
Moluccas sa Ternate
Macao sa China
Formosa (Taiwan ngayon)
Bharain(1907)-Protectorate
ng Great Britain

4. France Ang layunin ng pananakop ay ang Pagpapaunlad sa mga French Indo-china (laos,
gawaing pangkalakalan sa pamamagitan ng pagpapagawa Cochin, China, Cambodia at
ng mga trading post sa ibang mga bansa. Annam)

5. England Pagsakop sa ivang mga bansa, paghahanap ng mga hilaw Ceylon (Sri Lanka ngayon)
na materyales at pagpapalago ng ekonomiya sa kanilang Malaya,Singapore
bansa. Persia (Iran)- dahil sa
pagtulong ng mga Ingles sa 
pagpapalaya sa Persia sa
kamay ng Portugal, 
nakapagtatag ng mga Ingles
ang sentro ng kalakalan 
sa kanluran at silangang
baybayin ng India.
Madras-nabigay sa British
East India Company ng 
concession.
Bombay-Inupahan ng
England(1668)
Delta ng Ganges(1690)-
pinayagan ni Emperador 
Aurangzeb (lider ng
Imperyong Mogul na
makakuha 
ng kapirasong lupa ang
England na ngayon ay ang
lungsod ng Calcutta

《TUKLASIN》
Gawain 2: Photo-Suri
Panuto: Pag-aralan ang ipinapakita ng larawan. Sagutang ang
mga sumusunod na  katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong mga
sagot sa sagutang papel.
 
1.Ano ang iyong mahihinuha sa larawan?

Makikita at mapapansin natin sa larawan ang mga bansang


Europeo tulad ng bansang Spain, Portugal, Italy, Germany,
France at iba pa, mahihinuha sa litratong ito na pinaghahatian
nila ang mga lupain sa kontinente ng africa.

2.Magbigay ng isang salita na maiuugnay mo sa larawan at


ipaliwanag kung ano ang ipinapahiwatig nito

Pag-agaw, Ang ipinahiwatig ng salitang ito ay ang pag-


aagawan ng mga bansang galing sa europe sa kontinente ng
africa, at Inaagaw ng mga bansang galing sa europe ang mga
lupain at kayamanan ng kontinente ng africa.

•SURIIN•
Mga Pamprosesong Tanong
Panuto: Saguting ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa
sagutang papel.

1. Bakit nahuli ang paggalugad ng mga Europeo sa Africa?


Nahuli ang mga Europeo sa paggalugad sa kontinente ng africa sapagkat kulang
pa ang mga kaalaman ng mga Europeo tungkol sa kontinente ng africa, at lalo
na sa mga kaloob-looban ng kontinenteng ito.

2. Ano ang mga natuklasan ng mga Europeo matapos 


nilang galugarin ang loobang bahagi ng Africa? 
Natuklasan ng mga Europeo ang mga iba't ibang uri ng mga likas na yaman na
nakapaloob sa  kontinente ng africa gaya na lamang ng brilyante, asukal, asin,
ginto, iron, cobalt, uranium, tanso, bauxite, pilak at marami pang iba.

3. Bakit pinagtuunan ng pansin ng mga Europeo ang pagkamkam ng mga lupain sa


Africa?
Pinagtuunan ng pansin ng mga Europeo ang pagkamkam ng mga lupain sa africa,
marahil nakita nila ang likas na yaman ng kontinenteng ito ay may potensyal
upang makatulong sa paglago o pag-unlad ng kanilang ekonomiya.

4. Paano nakatulong ang Dagat Mediterranean sa pag-unlad ng ilang lugar sa Africa?


Nakatulong ang dagat mediterranean sa pag-unlad ng ilang lugar sa africa,
dahil pinadali at pinabilis nito ang mga aktibidad na pangkalakalan, ito ang
nagsisilbing transportasyon ng sa gayon mapadali ang pagpapalitan ng mga
produkto.

5. Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga daungan ng mga


barkong nagdadala ng kalakal sa pag-unlad ng isang lugar?
Mahalaga ang pagkakaroon ng mga daungan ng mga barkong nagdadala ng
kalakal sa pg-unlad ng isang lugar, dahil ito ang nagsisilbing lagusan upang
makapag-prodyus, makatanggap at makipagpalitan ng mga produkto mula sa mga
ibang bansa, hindi lamang sa ibang bansa kundi pati narin sa loob ng bansa, at
ito ay may malaking tulong upang ang ekonomiya ng isang bansa ay
lumago/umunlad.

-SURIIN-
Ang Pagsali ng United States sa mga Bansang
Mananakop
Pamprosesong Tanong
Panuto: Saguting ang sumusunod na tanong.  Isulat ang iyong mga
sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng himpilang-pandagat ng


United State sa kanilang mga nasasakupan?

Nagkaroon ng proteksyon ang mga bansang kanilang  nasasakupan at ito rin


ay naging daan sa pagpapalakas at pagsasanay ng kanilang hukbong
sandatahan.

-SURIIN-
Ang Protectorate at iba pang Uri ng Kolonya
Mga Pamprosesong Tanong
Panuto: Saguting ang mga sumusunod na mga tanong.
 Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng layunin ng United States at Great Britain sa mga
bansang napailalim sa kanila.

Ang layunin ng US ay ang magpatuloy ang malayang kalakalan sa mga rehiyon


nito, isa rin sa layunin ay ang pagkuha  ng hilaw na mga materyales at
maproteksyunan ang mga aktibidad na pang-ekonomiko ng UNITED STATES,
Sa kabilang banda naman ang Great Britain ay naging solusyon ang mga kolonya
upang masolusyonan nito ang lumalaking populasyon ng tao sa Great Britain at
ang pagkuha rin ng mga likas na yaman sa mga bansang nakapailalim sa Great
Britain.

2. Alin ang madaling umunlad, ang mahihinang bansa na aasa sa sariling kakayahan o
ang magpasakop sa maunlad na bansa? Patunayan

Sa aking palagay ay mas madaling umunlad ang maging sakop sa maunlad na


bansa sapagkat kung ano ang pamamalakad na mayroon sila upang umunlad ay
maaari ding gawin nila iyon sa bansang nasakop nila. Bukod pa rito ay may mga
oportunidad din na pang-ekonomiya ang lumilitaw kagaya na lamang ng
pagkakaroon ng mga panibagong bansa na nagiging parte ng kalakalan.

-SURIIN-
Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at
Kolonisasyon
Mga Pamprosesong Tanong
Panuto: Saguting ang mga sumusunod na mga tanong.
 Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Paano mo mailalarawan ang paraan ng pamamahala ng mga Kanluranin sa mga
bansang kanilang sinakop?

Mailalarawan natin ang paraan ng pamamahala ng mga kanluranin sa mga


bansang kanilang sinakop sa pagiging Mahigpit at masaklap, Inaabuso ng mga
kanluranin ang mga yaman, nawawalan ng karapatan ang mga mamamayan sa
bansang kanilang sinakop, mas nagiging maunlad ang ekonomiya ng mga
kanluranin dahil sila ang nakikinabang sa likas na yaman ng bansang kanilang
sinakop.

2. Naniniwala ka ba na may mabuting naidulot ang pananakop ng mga Kanluranin sa


Pilipinas? Patunayan.

Naniniwala ako na kahit papaano’y may mabuting naidulot ang pananakop ng


mga Kanluranin sa Pilipinas sapagkat mas lumawak ang naging kalakalan
natin mula sa iba’t ibang bansa. Bukod pa rito ay may mga kultura din
tayong natutuhan mula sa kanila na kung saan ay pinapahalagahan na rin
natin hanggang sa kasalukuyan.

■PAGYAMANIN■
Gawain 3: Hanap-Hanay!
Panuto: Hanapin mula sa Hanay A ang tamang kahuluhan na nasa Hanay B.
 Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. B
2. D
3. A
4. E
5. C

Gawain 4: Imbestigahan Mo
Panuto: Batay sa Mapa ng Daigdig sa ibaba, kumpletuhin ang hinihingi ng bawat kolumn sa
susunod na talahanayan.  Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
Mga Bansang Mga Bansang Layunin ng Pananakop Epekto ng Pananakop
Nanakop sa Sinakop
Ikalawang
Yugto ng
Imperyalismo
1. Great Autralia, New Ang layunin ng Ang Great britain ang
Britain Zealand, India pananakop ay nakikinabang sa mga likas na
pamahalaan ang likas yaman, yumayaman ang
na yaman ng bansang kanilang bansa at nawawalan
sinakop, upang ng mga karapatan ang mga
mapaunlad ang gawaing mamamayan sa bansang
pangkalakalan at sinakop.
masolusyonan ang
paglaki ng populasyon.
2. United Philippines, Pagkakaroon o Naging mas malakas at
States Guam, Puerto Pagtatayo ng mga base- mahusay ang sandatahang
Rico militar sa mga bansang lakas, lumago ang ekonomiya,
sinakop, pagkontrol at ay nagkaroon ito ng malaking
pagpapalago ng epekto sa bansang sinakop.
aktibidad pang-
ekonomiya
3. France African Ang layunin ng Lumago ag ekonomiya at
countries: pananakop ay naging maunlad ang bansa,
Senegal, french pagpapalawak at mas napalawak at umunlad
sudan, pagpapalago ng ang pakikipagkalakalan, Sa
Mauritania, kalakalan, paghahanap kabilang banda naman ay
french Guinea, ng mga hilaw na nawalan ng kontrol ang mga
Ivory Coasy, materyales at mga likas bansang sinakop sa kanilang
Upper volta, na yaman. mga likas na yaman.
Dahomey
4. Belgium Congo Pagsakop sa mga lupain Nagkaroon ng supply ng mga
upang lumawak ang hilaw na mga materyales at iba
teritoryo at Paghahanap pa. Ito ang naging daan upang
ng mga likas na yaman. lumago ang ekonomiya.
5. Germany East african Ang layunin ng Mas napalawak ang aktibidad
Countries pananakop ay pag- pang ekonomiya at naging
angkin ng mga lupain at epekto ito upang lumago ang
pagikinabang sa likas na ekonomiya ng bansa.
yaman ng mga bansang
sinakop. 

◇Isaisip◇
Gawain 5: Dagdag-Kaalaman
 Panuto: Punan ng kaukulang impormasyong ang sumusunod na mga pangungusap. 
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

Natutuhan ko sa araling ito na ang Ikalawang Yugto ng pananakop ay may


paraan at lawak kagaya na lamang ng manifest destiny, white man’s burden,
protectorate, concession, at sphere of influence. 
Ang pananakop ay nagdulot ng malawakang epekto lalo na sa mga bansa na
nasakop ng mga dayuhan kung saan ay naranasan nila ang marahas at
malupit na pamamalakad mula sa mga ito. 
Ang mahalagang natutuhan ko sa araling ito ay ang paraan ng pananakop
noong ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo gayundin ang
epekto nito. 
Sa kabuuan, ang mga aralin na aming tinalakay ay malaki ang gampanin sa
akin bilang indibidwal sapagkat sa pamamagitan dito ay mas lumawak ang
aking kaalaman at natutuhan ko rin ang mga bagay na may kinalaman sa
ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo.

~ISAGAWA~
Gawain 6: Timbang-Epekto!
Panuto: Maglista ng mabuti at di-mabuting epekto ng Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo.  Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel

Mabuting epekto ng Ikalawang Di-mabuting epekto ng Ikalawang


Yugto ng Kolonyalismo  Yugto ng Kolonyalismo 
May mga bansang natulungan ang Nawalan ng kasarinlan at
ekonomiya  pagkakakilanlan ang mga bansang
nasakop
Lumawak ang pakikipagkalakalan  Nagdulot ng sigalot at maraming buhay
ang nasawi
Nakinabang ang mga dayuhan sa Naging biktima ng karahasan ang mga
likas na yaman nasakop na bansa

Panlinang na Gawain 
Panuto: Sagutan ang sumusunod na katanungan na may kinalaman sa epekto ng 
 ikalawang yugto ng kolonyalismo. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang
papel.

1. Nararanasan pa rin ba sa kasalukuyan ang epekto ng pananakop? Patunayan.


Sa aking palagay ay nararanasan pa rin sa kasalukuyan ang epekto ng pananakop kagaya
na lamang sa ating bansa na kung saan ay na-impluwensiyahan pa rin tayo ng kolonya ng
mga Kastila at may mga kultura na rin na kinagisnan natin mula sa kanila kagaya na
lamang ng pagiging relihiyoso at pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.

2. May mabuti bang naidulot ang pagiging palaasa ng mga bansang sinakop sa 
biyaya ng mga Kanluranin? Patunayan. 
May mabuting naidulot ang pagiging palaasa ng mga bansang sinakop sa biyaya ng
mga Kanluranin sapagkat natutulungan sila ng mga ito na umunlad ang paghahanap-
buhay at mas lumawak ang pakikipagkalakalan. 

3. Batay sa iyong napag-aralan tungkol sa epekto ng ikalawang yugto ng


kolonyalismo, magmungkahi ng tatlong (3) mga bagay na dapat gawin upang
mapaunlad ang bansa na hindi umaasa sa biyaya ng mga Kanluranin.
Ang tatlong mga bagay na dapat gawin upang mapaunlad ang bansa na hindi umaasa
sa biyaya ng mga Kanluranin ay: (1) palawakin ang pakikipagkalakalan, (2)
tangkilikin ang sariling mga produkto sa bansa, at (3) maglaan ng mga magagandang
proyekto.

○TAYAHIN○
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang
sagot. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot niyo.

1. C          6. B         11. C
2. C          7. A        12. D
3. D          8. D        13. A
4. A          9. B        14. B
5. C         10. A       15. C
《KARAGDAGANG GAWAIN》
Gawain 7: Epekto Mo ‘to!
Panuto: Tuklasin at magtala ng tig-dalawang epekto ng ikalawang yugto ng 
pananakop sa iba’t ibang larangan sa kasalukuyang panahon. Maaring  itanong
sa mga magulang o sumangguni sa ibang aklat o sa internet. Gawin ang mga ito
sa sagutang papel.

PAMPOLITIKA:
1. PAGYAKAP SA DEMOKRASYA
2. PAGHAHALAL NG MGA KAKATAWAN O MAGIGING LIDER NG
BANSA

PANRELIHIYON:
1. PAGGAMIT NG BIBLIYA
2. PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO
PANG-EKONOMIYA:
1. PAGKATUKLAS AT PAGGAMIT  NG MGA MAKINARYA
2. PAGPAPATAYO NG MGA IMPRASTRAKTURA

PANLIPUNAN:
1. PAGPAPATAYO NG MGA BUILDINGS GAYA NG OSPITAL
2. PAGTATRABAHO SA IBANG BANSA AT MIGRASYON

PANGKULTURA:
1. PAGSUSUOT NG MGA DAMIT NG IBANG BANSA
2. PAGGAMIT SA SALITA NG MGA DAYUHAN

You might also like