You are on page 1of 20

Araling Panlipunan 8

Ikaapat na Markahan – Modyul 1:


Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

Ang modyul na ito ay binuo upang makatulong sa iyong pag-aaral tungkol


sa mga naging dahilan at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig, gayundin ang
mga usapin ng mga bansang sangkot sa digmaan. Bibigyang-pansin din sa
modyul na ito ang mga naging matinding epekto ng digmaan na nag-iwan ng
malalim na sugat at aral sa kasaysayan ng sangkatauhan. Bilang karagdagan,
tatalakayin din ang mga ginawang pagsisikap ng mga bansa upang makamit ang
kapayapaang pandaigdig.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:
• Aralin 1 – Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
• Aralin 2 – Mga Mahahalagang Pangyayari sa Digmaan
• Aralin 3 – Mga Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Matapos mong basahin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang mga dahilang nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig;
2. nasusuri ang mga mahahalagang pangyayaring naganap noong Unang
Digmaang Pandaigdig;
3. nasusuri ang mga pagsisikap ng mga bansa upang makamtam ang
kapayapaan sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig; at
4. natutukoy ang mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng isang bansa sa pagkakaroon ng isang
malakas na puwersang militar, gayundin sa agresibong paggamit nito.
A. Alyansa C. Imperyalismo
B. Digmaan D. Militarismo
2. Ito ang lugar na tinaguriang powder keg sa Europe dahil sa masidhing
tensyong namamayani rito.
A. Balkan C. Italy
B. Germany D. Russia
3. Ang pagpaslang kay _______________ ay nagmistulang mitsa na tuluyang
nagpasiklab sa Unang Digmaang Pandaigdig.
A. Franz Ferdinand C. Georges Clemenceau
1
B. David Lloyd George D. Winston Churchill
4. Ang mga sumusunod ay mga pinuno ng tinaguriang Big Four maliban sa isa:
A. David Lloyd Georges C. William P. Fyre
B. Georges Clemenceau D. Woodrow Wilson
5. Ang mga sumusunod ay mga bansang kasapi ng Allied Forces maliban sa isa:
A. France C. Hungary
B. Great Britain D. Russia
6. Ang mga sumusunod ang naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig, maliban sa _________.
A. pag-atake sa Manchuria
B. pagkakabuo ng mga alyansa
C. masidhing damdaming nasyonalista
D. pagpapalakas ng puwersa-militar ng bansa
7. Ito ay tumutukoy sa pagpapalawak ng kapangyarihan at kayamanan ng isang
bansa sa pamamagitan ng pananakop sa mga mas mahihinang bansa.
A. alyansa C. legalismo
B. imperyalismo D. nasyonalismo
8. Ito ay isang samahan na nagdeklara ng digmaan laban sa Imperyong Ottoman
noong 1912 upang mabawi ang Macedonia.
A. Balkan League C. League of Nations
B. Central Powers D. United Nations
9. Ito ay isang lihim na organisasyon na naglalayong wakasan ang rehimen ng
Austria-Hungary.
A. Allied Forces C. Black Hand
B. Balkan League D. League of Nations
10. Ito ay isang pampasaherong barkong pinalubog ng puwersang Germany na
naging sanhi sa pagkamatay ng mahigit 100 Amerikano.
A. Dardanelles C. Gallipoli
B. Frye D. Lusitania
11. Ang Liga ng mga Bansa ay nabuo matapos ang Unang Digmaang
pandaigdig.
Ang sumusunod ay ang mga layunin ng Liga, maliban sa __________.
A. mapalaganap ang pandaigdigang kapayapaan
B. mapalaganap ang kasunduang pangkapayaan
C. maprotektahan ang Germany mula sa pagbabayad ng malaking halaga
D. lutasin ang mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasaping bansa
12.Siya ang chancellor ng Germany na nanguna sa pakikipag-alyansa sa
Austria-Hungary at Italy.
A. Adolf Hitler C. Wilhelm II
B. Otto von Bismarck D. Woodrow Wilson
13. Pagsunud-sunurin ang sumusunod na kaganapan noong Unang Digmaang
Pandaigdig:
I. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kaniyang asawang si
Sophie
2
II. Pinamahalaan ng Austria-Hungary ang Bosnia-Herzegovina
III. Pagsalakay ng Bulgaria sa Greece at Serbia upang makapagtatag ng
teritoryo sa Macedonia
IV. Nabuo ang Balkan League
A. I, II, III, IV C. IV, III, II, I
B. II, IV, I, III D. I, IV, III, II
14. Siya ay miyembro ng Black Hand na tinuturong responsable sa
pagkamatay ni Archduke Franz Ferdinand at ng kaniyang asawa.
A. Benito Mussolini C. Otto von Bismarck
B. Gavrilo Princip D. William Frye
15. Pagsunud-sunurin ang sumusunod na mga pangyayari noong Unang
Digmaang Pandaigdig:
I. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France
II. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa Russia
III. Sumanib ang Japan at Italy sa Allied Powers
IV. Nagdeklara ang Britain ng digmaan laban sa Germany
A. I, II, III, IV C. III, IV, I, II
B. II, I, IV, III D. IV, I, III, II

Binabati kita! Kung nasagutan mo nang tama ang lahat ng katanungan sa


bahaging ito, maaari mo ng laktawan ang susunod na bahagi ng modyul. Kung
may mga katanungan naming hindi mo nasagot nang tama ay tutulungan kita
upanglin angin pa natin ang iyong mga kaalaman tungkol sa paksa.

Hu-letra!
Panuto: Basahin ang mga mga sumusunod na paglalarawan sa bawat bilang.
Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng
wastong letra sa loob ng mga kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

3
Concept Web
Panuto: Suriin ang fact web sa ibaba. Punan ang mga ito ng impormasyon gaya
ng mga posibleng sanhi ng digmaan, mga posibleng mangyari sa digmaan, mga
posibleng bunga ng digmaan, at maaaring maging wakas ng digmaan. Matapos
mong buuin ang fact web, sagutin mo rin ang mga pamprosesong tanong.
Gawin ito sa sagutang papel.

4
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga naging batayan mo sa pagsagot sa fact web?
2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng digmaan?

Aralin 1: Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig

1. Sistema ng mga Alyansa


Ang salitang alyansa ay tumutukoy sa isang kalipunan ng mga bansa o
partido na sumusuporta sa iisang programa, paniniwala at adhikain.
Matapos magtagumpay ang Germany sa Digmaang Franco-Prusso noong
1871, nakuha nila ang kontrol sa mga probinsyang Alsace at Lorraine na pawang
mga bahagi ng hangganan ng sakop ng France. Upang maiwasan ang muling
pagbangon ng France at upang hindi nito mabawi ang mga dati nitong
nasasakupang probinsya, pinangunahan ng German Chancellor na si Otto von
Bismarck ang pakikisanib-puwersa sa mga ibang bansang Europeo. Tinawag
ang alyansang ito bilang Triple Alliance. Ito ay binubuo ng pagsasanib-puwersa
ng mga bansang Germany, Austria-Hungary, at Italy. Nagkaroon din ng
pagsasanib-puwersa sa pagitan ng Germany at Russia noong 1887 ngunit sa
kalaunan ay nabuwag din ito.

Noong 1888, naluklok sa trono si Kaiser Wilhelm II. Sa ilalim ng kaniyang


pamumuno ay nagwakas ang alyansa sa pagitan ng Germany at Russia; mas
pinaigting ang hukbong dagat ng bansa upang mahigitan ang hukbong dagat ng
Britain; pinalakas din niya ang hukbong sandatahan ng Germany; at pagtatatag
ng mga kolonya sa Asya at Aprika. Sa kabilang banda, lubos na pagkapahiya
ang naramdaman ng bansang France mula sa kanilang pagkatalo laban sa
Germany noong 1871 at kanilang napagtanto na hindi niya matatalo ang

5
Germany ng mag- isa lamang. Dahil dito at sa patuloy na pagpapalakas ng
Germany, humanap din ang France ng
mga bansa na maaari niyang maging ka-alyado. Unang nakipag-alyansa
ang France sa Russia noong 1894. Bagaman magkaribal sa mga usaping
kolonyal, nagkasundo ang mga bansang France at Britain sa pamamagitan ng
EntenteCordiale (ahn-TAHNT cor-DYAHL). Taong 1907, bunsod ng kanilang
pangamba sa patuloy na paglakas ng puwersa ng Germany, tuluyan ng bumuo
ng alyansa ang mga bansang France, Russia, at Britain at tinawag itong Triple
Entente. Ang Triple Entente ay isang kasunduan ng pakikipagkaibigan sa pagitan
ng tatlong bansa at hindi isang alyansang militar, ngunit para sa Germany, ang
pagkakatatag ng alyansang ito ay isang banta sa kanilang bansa.
2. Imperyalismo. Ang imperyalismo ay tumutukoy sa pagpapalawak ng
kapangyarihan at kayamanan ng isang bansa sa pamamagitan ng pag-okupa at
pagkontrol ng mg karagdagang teritoryo. Ang pag-uunahan ng mga
makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol
sa pinagkukunang-yaman sa Asya at Africa ay nagdulot ng alitan sa pagitan ng
mga bansa sa Europa.
3. Militarismo. Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng isang bansa sa pagkakaroon ng
isang malakas na puwersang militar at sa agresibong paggamit nito. Sa
pagpasok sa ika-20 siglo, nagsimula na ang paligsahan ng pagkakaroon ng
malakas na puwersang militar, kabilang na rin dito ang pagkakaroon ng mga
malalakas at makabagong armas. Ang Germany at Great Britain ay
nagpaligsahan sa pagpapalakas ng kani-kanilang hukbong pandagat, habang
nagkaroon naman ng impluwensiya ang military sa mga usaping sibil sa Russia
at Germany. Dahil sa patuloy na pagpapalakas ng mga bansang Europeo sa
kanilang mga sari-sariling puwersang militar, mas nagging madali sa kanila ang
pagpasok sa digmaan.
4. Nasyonalismo. Maituturing na nasyonalismo ang paghahangad ng kalayaang
pulitikal, lalo na ng isang bansang nasa ilalim ng kapangyarihan at kontrol ng
ibang bansa. Ang damdaming ito ay nagtulak para sa mga tao na maghangad ng
kalayaan mula sa kamay ng mga mananakop. Masususog ang pinagmulan ng
Unang Digmaang Pandaigdig sa paghahangad ng mga Slavs sa Bosnia at
Herzegovina na makalaya mula sa kapangyarihan ng Austria-Hungary at maging
bahagi ng Serbia. Maliban sa inanais na kalayaan, masidhi rin ang pagkamuhi ng
Serbia sa Austria-Hungary dahil sa malupit nitong pamamahala. Kung minsan,
ang masidhing pagmamahal sa bayan ay nakapagdudulot ng
bulag at panatikong pagmamahal sa bansa. Patunay dito ang aristokrasyang
military ng Germany na tinawag na mga Junker. Sila ay mula sa mga pamilyang
nagmamay- ari ng mga malalawak na lupain sa Prussia at kanlurang Germany.
Dahil sa kanilang yamang taglay ay malaki ang naging ambag nila sa
pagpapalakas ng mga hukbong militar ng Prussia at Germany. Dahil dito, malaki
ang naging impluwensya ng mga Junkers sa pulitika ng mga nabanggit na
bansa. Nagbunsod din ang nasyonalismo ng masidhing tunggalian sa pagitan ng
mga bansa. Ang tunggaliang ito ay bunga ng kompetisyon sa mga hilaw na
6
materyales, at pagtatalo sa pangangakamkam ng mga teritoryo. Ang
paghahangad ng kasarinla at pagpapalawak ng teritoryo ang isa sa nagbigay-
daan sa pagsidihi ng alitan sa pagitan ng mga bansa na tuluyang nauwi sa
digmaan. Mga Iba pang Sanhi ng Pagsiklab ng Digmaan
Ang mga pangunahing sanhi ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ay
pagkakabuo ng mga alyansa, masidhing damdaming nasyonalismo,
imperyalismo, at militarismo. Subalit, liban sa mga nabanggit ay mga
kaganapang tuluyang nagpasiklab sa mitsa ng digmaan. Tinagurian ang Balkan
bilang powder keg ng Europe dahil sa tensyon na namumuo rito. Pangunahing
dahilan ng labis na tensyon ay ang nasyonalismong namayani sa mga pangkat-
etniko sa Balkan na naghahangad ng kalayaan mula sa Imperyong Ottoman.
Upang mas madali mong maunawaan ang mga iba pang pangyayaring
tuluyang nagtulak sa pagsiklab ng digmaan, tignan at unawain ang timeline sa
ibaba:

Itinuturing ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kanyang


asawang si Sophie bilang mitsa na tuluyang nagpasimula sa Unang Digmaang
Pandaigdig. Noong Hunyo 28, 1914, habang nasa opisyal na gampanin sa
Sarajevo, Bosnia ay pinaslang ang tagapagmana sa trono ng Austria-Hungary na
si Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang asawa. Ang itinuturong salarin sa
malagim na pagpaslang na ito ay si Gavrilo Princip, isang Serbian na kasapi ng
lihim na organisasyon na Black Hand. Nilalayon ng Black Hand na wakasan ang
rehimen ng Austria-Hungary sa Bosnia-Herzegovina.

7
Kaugnay sa naganap na pagpaslang kay Franz Ferdinand, nagbigay ng isang
ultimatum ang Austria-Hungary sa Serbia. Ang ultimatum ay nagsasaad ng mga
kondisyon na dapat gawin ng Serbia. Lahat ng kondisyong nakasaad sa
ultimatum ay nabigyang-katuparan ng Serbia, maliban lamang sa isa. Hiniling ng
Austria-Hungary na pahintulutan ang mga opisyales nito na lumahok sa
imbestigasyon ng pagpaslang kay Ferdinand, ngunit hindi ito pinahintulutan ng
Serbia dahil ito ay paglabag sa kanilang pambansang karapatan. Dahil hindi
nasunod ang ultimatum at sa tiwala na sila ay tutulungan ng Germany, noong
Hulyo 28, 1914 ay nagdeklara ng digmaan ang Austria-Hungary laban sa Serbia.
Ang pangyayaring ito ang opisyal na pagsisimula ng Unang Digmaang
Pandaigdig.
Aralin 2: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Digmaan
Ang pagdeklara ng Austria-Hungary ng digmaan laban sa Serbia ay nagdulot
ng iba’t ibang alyansa ng mga bansa. Tignan sa ibaba ang mga nabuong
alyansa dulot ng digmaan ng Austria-Hungary at Serbia na kalaunan ay
nilahukan ng mga iba’t ibang bansa sa Europa.

Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa


pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Noong Hunyo 28, 1914, pinatay si
Archduke Franz Ferdinand at ang kaniyang asawang si Sophie habang sila ay
naglilibot sa Bosnia na noon ay bahagi ng teritoryo ng Austria-Hungary. Tignan
sa talahanayan ang mga labanang naganap sa Kanluran at Silangan noong
Unang Digmaang Pandaigdig.

8
9
Pagsali ng United States sa Digmaan Sa pagsiklab ng digmaan noong
1914, pinili ng United States sa pangunguna ni Pangulong Woodrow Wilson, na
walang kampihang alyansa. Ang United States ay isa sa mga kapalitan ng
kalakal ng Britain kung kaya’t hindi naglaon ay nagkaroon din ng tensyon sa
pagitan ng Amerika at Germany. Ang tensyong ito ay mas lalong umigting nang
naglunsad ang Germany ng isang unrestricted warfare, kung saan ay palulubigin
ng hukbong pandagat ng Germany ang anumang barkong papasok sa Britain,
kalaban man o hindi.

Sa kabuuan, maitatalang mahigit 2 milyong Amerikano sundalo ang


nakilahok sa digmaan kung saan nasa 50,000 sa kanila ang nagbuwis ng buhay
hanggang sa magwakas ang digmaan noong Nobyembre 1918.

10
Woodrow Wilson ng United States ang naturang pagpupulong na ginanap sa
palasyo ng Versailles sa France noong Hunyo 1919. Ito ay dinaluhan ng mga
kinatawan ng 32 bansa na naglalayong makabuo ng isang kasunduan na
tuluyang makapagwawakas sa digmaan at muling magtataguyod sa Europa.
Kabilang sa mga pinunong nagsipagdalo ay sina Georges Clemenceau ng
France, David Lloyd George ng Britain, at Vittorio Orlando ng Italy.
Ayon sa Tratado ng Versailles, ang Germany ang pangunahing responsable sa
pagkakaroon ng digmaan. Dahil dito, pinatawan ng matinding parusa ang
Germany tulad ng pagkawala ng ilan sa kanilang mga teritoryo, pagbabayad
nang malaking halaga sa mga nasira dulot ng digmaan, at pagkawala ng ilan sa
kanilang sandatahang lakas sa ilang lugar sa Europe.
Ang mga probisyon ng tratado ay nakabatay sa Labing-apat na Puntos ni
Pangulong Woodrow Wilson na kaniyang ibinahagi sa kaniyang talumpati sa
Kongreso ng Amerika noong 1918. Nilalaman ng Labing-apat na Puntos ang
mga layunin ng United States sa pakikidigma, gayundin ang ideya ni Pangulong
Wilson tungkol sa “kapayapaang walang talunan” (peace without victory). Narito
ang ilan sa mga nilalaman ng labing-apat na puntos ni Pangulong Wilson:
1. katapusan ng lihim na pakikipag-ugnayan;
2. kalayaan sa karagatan;
3. pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa suliranin ng
mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan;
4. pagbabawas ng mga armas;
5. pagbabawas ng taripa; at
6. pagbuo ng Liga ng mga Bansa.

Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig


Ang pagkakaroon ng digmaan at nagdulot ng pinsala sa maraming buhay at
ari-arian. Ilan sa mga naging bunga ng digmaan ay ang mga sumusunod:
1. Pagkamatay ng maraming mamamayan – Tinatayang umabot sa humigit
kumulang 8.5 milyong tao ang nasawi digmaan simula ng pagsiklab nito noong
1914 at pagwawakas nito noong 1918, habang nasa 22 milyon naman ang
tinatayang sugatan. Maliban sa mga sundalo, marami rin mga sibilyan at
ordinaryong tao ang labis na nagdusa at namatay sanhi ng matinding
pagkagutom, pagkakaroon ng mga sakit at malubhang pagdurusa.
2. Pagkasira ng mga kabuhayan sa Europa – Nagdulot ang digmaan ng
matinding pagkagutom at pagkasira sa mga ari-arian. Naantala ang kalakalan,
pagsasaka, at iba pang mga gawaing pang-ekonomiko. Bukod dito, tinatayang
nasa 200 bilyong dolyar ang kabuuang nagastos sa digmaan.
3. Nabago ang kalagayang pampulitika sa Europa at sa ibang bahagi ng mundo
– Nagkahiwalay ang Austria-Hungary at mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania,
Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia, at Albania ay naging malayang mga
bansa. Nagwakas din ang apat na imperyo sa Europe: ang Hohenzollern sa
Germany; Habsburg sa Austria-Hungary; Romanov sa Russia; at Ottoman sa
Turkey.
11
Liga ng mga Bansa
Isa sa mga puntos ni Pangulong Wilson ang pagkakaroon ng isang
pandaigdigan samahan ng mga bansa. Pangunahing layunin ng samahan na
bigyang-solusyon ang anumang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa
upang hindi ito mauwi sa digmaan. Nakapaloob sa Tratado sa Versailles ang
konstitusyon ng Liga ng mga Bansa na may mga sumusunod na layunin:
1. maiwasan ang digmaan;
2. maprotektahan ang mga kasaping bansa mula sa pananalakay ng ibang
bansa;
3. lutasin ang mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasaping bansa;
4. mapalaganap ang pandaigdigan pagtutulungan; at
5. mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayaan.

B. I-check Natin ‘To!


Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang mga pahayag kung ito ay naganap noong
Unang Digmaang Pandaigdig at ekis (x) naman kung hindi ito naganap noong
Unang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______ 1. Naglunsad ang Germany ng isang unrestricted warfare.
______ 2. Naitatag ang United Nations sa pagtatapos ng digmaan.
______ 3. Pinirmahan ang Kasunduan sa Versailles.
______ 4. Nilagdaan ni Kaiser Wilhelm II ang armistice.
______ 5. Dumaong si Douglas MacArthur sa Leyte.
______ 6. Pinalubog ng Germany ang barkong Lusitania.
______ 7. Sinubukan ng kampo ng British na sakupin ang Dardanelles Strait.
______ 8. Nabuo ang alyansa sa pagitan ng France, Britain at Germany.
______ 9. Nabuo ang Balkan League.
12
______ 10. Pinaslang ni Gavrilo Princip ang mag-asawang sina Franz Ferdinand
at Sophie.
C. Baitang ng mga Pangyayari
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga mahahalagang pangyayaring naganap
noong Unang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang 1 – 5 sa patlang ayon sa
kanilang tamang pagkakasunod-sunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______ A. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France.
_______ B. Napaslang si Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang asawa.
______ C. Nagdeklara ng unrestricted warfare ang Germany sa mga barkong
dumadaan sa mga katubigan ng Britain.
_______ D. Sinubukang sakupin ng Allied Forces and Dardanelles Strait.
_______ E. Pinirmahan ng pinuno ng Germany ang armistice
D.Sang-ayon o Hindi Sang-ayon.
Panuto: Basahin ang ilan sa mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles. Ilahad
ang iyong pananaw kung ikaw ay sumasang-ayon o hindi sa mga probisyong
nabanggit. Magbigay rin ng isang maikling paliwanag kung ano ang maaaring
maging implikasyon ng mga probisyong ito sa Germany. Gawin ito sa sagutang
papel.

E. Patalasan ng Isip.
Panuto: Tukuyin ang bawat pangyayari, lugar, o tao na inilalarawan sa bawat
pahayag. Punan ang crossword puzzle ng mga sagot na may kaugnayan sa
bawat pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pahalang:
7. Siya ang tinuturong pumaslang kay Franz Ferdinand.
8. Ito ang pampasaherong barkong Ingles na pinalubog ng hukbong pandagat ng
Germany na kumitil sa buhay ng 128 na Amerikano.
9. Isang lihim na samahan na nagnanais wakasan ang rehimen ng Austria-
Hungary
sa Bosnia at Herzegovina.
Pababa:
13
1. Dito pinaslang si Franz Ferdinand at ang kanyang asawa.
2. Ito ay tumutukoy sa pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng
pananakop sa mga mas mahinang bansa.
3. Sila ay mula sa aristokrasyang pamilya sa Germany na may malaking
impluwensiya sa pulitika ng Germany.
4. Dito naganap ang kauna-unahang tagumpay ng mga Allied Forces sa
Kanluran.
5. Ito ay isang kasunduan ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng France, Russia, at
Great Britain.
6. Pinangunahan niya ang pagtatatag ng Triple Alliance.
9. Ito ang tinaguriang powder keg ng Europe.

F. Cause and Effect Chart


Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Isulat sa kahon ng cause ang mga
pangunahing sanhi ng digmaan. Isulat naman sa kahon ng effect ang mga
naging bunga ng sanhi ng digmaan. Gawin ito sa sagutang papel.

14
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Sino-sinong pinuno ang nanguna sa Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamaiinit na labanan?
3. Ipaliwanag ang simula, mahahalagang labanan, mga kasunduang naganap,
at naging wakas ng Unang Digmaang Pandaigdig.
4. Paano nakaapekto ang Unang Digmaang Pandaigdig sa mundo?

15
B. Magpaliwanag Tayo
Panuto: Ang mga sumusunod na pahayag ay binanggit ng mga pinuno ng
nakilala noong Unang Digmaang Pandaigdig. Sa loob ng 2 pangungusap,
magbigay ng isang maikling paliwanag sa kahulugan ng bawat pahayag sa
pamamagitan ng pag- uugnay nito sa tinalakay na paksa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Islogan para sa Kapayapaan.


Panuto: Bumuo ng isang islogan na nagpapahiwatig ng iyong matinding pagtutol
sa mga kaguluhang nagaganap sa kasalakuyan. Gawin ito sa sagutang papel.
Gamiting gabay sa pagbuo ng islogan ang rubrik.
Rubrik sa Pagmamarka ng Islogan:
Mensahe – 5 puntos Pagkamalikhain - 5 puntos Kalinisan - 5 puntos
KABUUAN - 15 puntos
16
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang
Pandaigdig, maliban sa _______.
A. Pagkakatag ng United Nations
B. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
C. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa
2. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa
panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na
pangyayari ang nauugnay dito?
A. Digmaan ng Germany at Britain
B. Labanan ng Austria at Serbia
C. Paglusob ng Russia sa Germany
D. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland
3. Ito ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng
Unang Digmaang Pandaigdig.
A. League of Nations C. Treaty of Versailles
B. Treaty of Paris D. United Nations
4. Ito ang lugar kung saan pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang
asawa na si Sophie.
A. Austria C. Sarajevo
B. Hungary D. United Kingdom
5. Ito ay isang pandaigdigang samahan ng mga bansa na nabuo matapos ang
Unang Digmaang Pandaigdig.
A. Balkan League C. League of Nations
B. Black Hand D. United Nations
6. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay itinuturing bilang Great War dahil ito ang
kauna-unahang digmaan na tumagal sa loob ng apat na taon sa pagitan ng mga
bansa sa Europe. Ang sumusunod ay mga naging bunga ng Unang Digmaan,
maliban sa isa.
A. Naitatag ang United Nations
B. Pagkamatay ng maraming mamamayan
C. Pagkasira ng maraming kabuhayan sa Europe
D. Nabago ang kalagayang politikal sa Europe at sa ibang bahagi ng mundo
7. Ayon sa Treaty of Versailles, ito ang bansa na pangunahing responsable sa
pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.
A. France C. Great Britain
B. Germany D. United States
8. Ito ay isang pampasaherong barko ng Britain na naglululan ng 1,959 na
17
pasahero, kung saan mahigit sa isang libong pasahero ang namatay nang
palubugin ito ng Germany noong 1915.
A. Gavrilo C. Lusitania
B. Frye D. Pearl Harbor
9. Ito ang pangunahing plano ng pakikidigma na ginamit ng hukbong German
upang mabilis na masakop ang France.
A. Blitzkrieg C. Operation Sea Lion
B. Marne Plan D. Schlieffen Plan
10.Ito ang itinuturing bilang kauna-unahang tagumpay ng mga Allied Forces sa
labanan sa kanluran.
A. Labanan sa Jutland C. Labanan sa Tannenberg
B. Labanan sa Marne D. Labanan sa Gallipoli
11.Ito ang itinuturing bilang kauna-unahan tagumpay ng Central Powers sa
labanan sa silangan.
A. Labanan sa Gallipoli C. Labanan sa Marne
B. Labanan sa Jutland D. Labanan sa Tannenberg
12.Ang mga sumusunod ang naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig, maliban sa _________.
A. pag-atake sa Manchuria
B. pagkakabuo ng mga alyansa
C. masidhing damdaming nasyonalista
D. pagpapalakas ng puwersa-militar ng bansa
13.Pagsunud-sunurin ang sumusunod na kaganapan noong Unang
Digmaang Pandaigdig:
I. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kaniyang asawang si
Sophie
II. Pinamahalaan ng Austria-Hungary ang Bosnia-Herzegovina
III. Pagsalakay ng Bulgaria sa Greece at Serbia upang makapagtatag ng
teritoryo sa Macedonia
IV. Nabuo ang Balkan League
a. I, II, III, IV c. IV, III, II, I
b. II, IV, I, III d. I, IV, III, II
14. Pagsunud-sunurin ang sumusunod na mga pangyayari noong Unang
Digmaang Pandaigdig:
I. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France
II. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa Russia
III. Sumanib ang Japan at Italy sa Allied Powers
IV. Nagdeklara ang Britain ng digmaan laban sa Germany
a. I, II, III, IV c. III, IV, I, II
b. II, I, IV, III d. IV, I, III, II
15. Siya ang chancellor ng Germany na nanguna sa pakikipag-alyansa sa
Austria-Hungary at Italy.
A. Adolf Hitler C. Wilhelm II
B. Otto von Bismarck D. Woodrow Wilson
18
Pagsulat ng Repleksyon. Sumulat ng isang maikling repleksyon na naglalaman
ng 10-15 pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawing gabay ang sumusunod na tanong:
• Bilang isang mag-aaral, nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa digmaan
matapos malaman ang mga naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa
buhay at ari-arian ng mga tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.
• Paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa bansa?

19
20

You might also like