You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 8
Mga Sanhi ng Unang
Digmaang Pandaigdig
Ikaapat na Markahan – Unang Linggo

Precious Sison-Cerdoncillo
Manunulat

Ma. Martha R. Ullero


Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Malalaman sa Yunit na ito ang mga dahilan at mga pangyayaring nagbigay-daan
sa Unang Digmaang Pandaigdig, gayundin ang mga usapin ng mga bansang angkot
sa digmaan. Bibigyang-pansin din ang iba’t ibang pananaw sa pagkakaroon ng
digmaan. Tatalakayin din ang pagsisikap ng mga bansa upang makamit ang
kapayapaang Pandaigdig. Inaasahang masasagot ng mga mag-aaral ang tanong na
Paano nagsikap ang mga bansa upang wakasan ang Unang Digmaang
Pandaigdig?

Sakop ng Modyul na ito ang araling patungkol sa mga dahilan, mahahalagang


pangyayaring naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan mong masuri ang mga sanhi ng


Unang Digmaang Pandaigdig.

I. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang damdaming _______________ ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang
maging malaya ang kanilang bansa.
a. Militarismo c. Imperyalismo
b. Alyansa d. Nasyonalismo
2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa
pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
b. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
c. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo,
Bosnia
d. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria-
Hungary, Rusya, at Ottoman
3. Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng
pambansang kapangyarihan.
a. Militarismo c. Alyansa
b. Nasyonalismo d. Imperyalismo
4. Ito ang tawag sa pagpaparami ng armas.
a. Nasyonalismo c. Alyansa
b. Imperyalismo d. Militarismo
5. Anong mga bansa ang mayroong interes na sakupin ang rehiyon sa Balkan?
a. Germany at Austria c. Germany at Italy
b. Germany at Hungary d. Germany at Russia
6. Sino ang nagwika na “Ang pagiging gahaman ng mga Kanluranin at ang pagiging
malihim ng kanilang diplomasya ang dahilan ng pagsiklab ng digmaan”?
a. Woodrow Wilson c. David Lloyd George
b. Vittorio Emmanuel Orlando d. George Clemenceau

2
7. Ito ang tawag sa pagkakampihan ng mga bansa.
a. Nasyonalismo c. Militarismo
b. Imperyalismo d. Alyansa

II. Piliin ang HINDI kabilang sa mga sumusunod na pangungusap at bilugan


ang titik ng tamang sagot.
8. Mga bansang kasapi sa Alyansang Triple Entente
a. France b. Russia c. Great Britain d. Poland
9. Mga kasama ng Balkan Peninsula.
a. Albania c. Bulgaria
b. Egypt d. Greece
10. Mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.
a. Totalitaryanismo c. Nasyonalismo
b. Imperyalismo d. Militarismo
11. Mga pangyayari bago ang Unang Digmaang Pandaigdig.
a. Krisis sa Bosnia c. Krisis sa Agadir
b. Krisis sa Berlin d. Digmaang Balkan
12. Mga bansang kasapi sa Triple Alliance.
a. Germany b. Austria-Hungary c. Italy d. New Zealand

III. TAMA O MALI. Isulat ang “Tama” kung ang pangungusap ay wasto at “Mali”
naman kung hindi.
13. Para kay Vladimir Lenin, isang Marxist, ang Unang Digmaang Pandaigdig ay
dulot ng tunggaliang imperyalista ng mga makapangyarihang puwersang
kapitalista para sa relokasyon ng pandaigdigang yaman at pamilihan.
14. Ang unang pagpupulong sa Hague noong 1899 na pinatnubayan ni Pangulong
Theodore Roosevelt ng Russia.
15. Pumayag ang Germany na maging protektorado (protectorate) ng France ang
Morocco kapalit ng dalawang pirasong teritoryo ng France sa Africa.

Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng yunit na ito,


pagtutuunan mo ng pansin ang tatlong gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod
dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa mga naganap
na digmaan, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa sa mga paksang
nakaloob dito. Simulan mo na.

Gawain 1: Imahinasyong Kaisipan!

1. Ano ang maaaring pamagat ng


cartoon?
2. Ilarawan ang mga tao sa cartoon?
3. Ano-ano ang simbolo, bagay o salita
na nakikita sa cartoon?
4. Ano ang mensaheng nais iparating
ng cartoon?

https://preview.tinyurl.com/y3kwgsbq

3
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig

1. Nasyonalismo - Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa


ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa. Kung minsan, ito ay
lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa bansa. Halimbawa, ang mga
Junker, ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang
nangungunang lahi sa Europe. May mga bansang masidhi ang paniniwalang
karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng
kapangyarihan ng ibang bansa. Isang halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na
angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria. Kabilang pa rito
ay ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria.
Marami rin sa mga estado ng Balkan na Greek Orthodox ang relihiyon, at ang
pananalita ay tulad ng mga Ruso. Itong dahilan ng Russia upang makialam sa
Balkan. Gusto ring maangkin ng Russia ang Constantinople upang magkaroon
siya ng daungang ligtas sa yelo. Sa kabilang dako, nais angkinin ng Italya ang
Trent at Triste na sakop din ng Austria. Ang France naman ay nagnais ding
maibalik sa kaniya ang Alsace-Lorraine na inangkin ng Germany noong 1871
bunga ng digmaan ng France at Prussia (Germany). Dahil dito, ipinalagay ng
maraming Pranses na natural nilang kaaway ang mga Aleman.

2. Imperyalismo – Isa itong paraan ng pangaangkin ng mga kolonya at


pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang
Europeo. Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng
mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng
Africa at Asia ay lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa.
Halimbawa, sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika
(East Africa) sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng
transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo. Tinangka namang
hadlangan ng Germany ang pagtatatag ng French Protectorate sa Morocco
sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France sa Hilagang Aprika. Sa gitnang
silangan, nabahala ang Inglatera sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad Railway
sapagkat ito'y panganib sa kaniyang lifeline patungong India. Ang pagpapalawak
ng hangganan ng Austria sa Balkan ay tumawag ng pansin at mahigpit na
pagsalungat ng Serbia at Russia. Naging kalaban din ng Germany ang Britanya
at Hapon sa pagsakop sa Tsina. Hindi nasiyahan ang Germany at Italya sa
pagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop
samantalang malaki ang nabahaging nakuha ng Inglatera at France.

3. Militarismo – Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan


ng mga bansa sa Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa
lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng
paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng

4
malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito'y tahasang
paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan.

4. Alyansa – Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim


na pangamba ng mga bansang makapangyarihan,
dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo –
ang Triple Entente at ang Triple Alliance. Binubuo
ng Germany, Austria-Hungary at Italya, ang Triple
Entente. Sa ilalim ng alyansa, nangako ang bawat
kasapi na magtulungan sakaling may Triple Entente/Alliance
magtangkang sumalakay sa kanilang bansa. Nais https://tinyurl.com/y6mgafs7

din ng alyansaa na pantayan ang lakas ng Triple Alliance. Samantala, sumali ang
Germany sa grupo dahil nais mapigilan ang impluwensiya ng Russia sa Balkan.
Itinatag naman ni Bismarck ang Triple alliance nong 1882. Resulta ito ng
dipagkakaunawaan at hidwaan sa pagitan ng Russia at Pransiya noong 1884
(Dual Alliance), ng Pransya at Britanya noong 1904 (Entente Cordiate) at ng
Britanya at Russia noong 1907, Bilang ganti, sumali ang Pransya sa Triple
Entente. Ang Russia naman gaya ng nabanggit na, ay karibal ng Germany at
Austria sa rehiyon ng Balkan. Ang Hague Court of Arbitration na itinatag noong
1899 ay hindi naging mabisa dahil hindi naman obligado ang isang bansang
mapailalim dito. Ang unang pagpupulong sa Hague noong 1899 na
pinatnubayan ni Czar Nicholas II ng Russia. Ang pangalawang pagpupulong sa
Hague ay noong 1907, sa mungkahi ni Pangulong Theodore Roosevelt. Nabigo
rin ito. Layunin nitong magpabawas ng armas ngunit nagkaroon ng unawaan
tungkol sa lalong makataong paglalabanan. Sa kasamaang-palad, ang mga
kasunduang ito ay nabura nang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig.

Mga Pananaw sa Pagsiklab ng Digmaan

May iba’t ibang pananaw ukol ukol a mga sa mga dahilan ng pagsiklab ng
Unang Digmaang Pandaigdig. Ang pinakapopular na pananaw ay ang pagpataw ng
sisi sa Germany at sa mga kaalyado nitong Imperyong Austria-Hungary at Imperyong
Ottoman. Para naman sa Germany, nakasaad sa kanilang teksbuk na hindi dapat
sisihin ang Germany sa pagsiklab ng digmaan sapagkat ang pangunguna sa
pakikidigma nito ay reaksiyon lamang sa mga puwersang nakapaligid sa kanya. Ang
France at Great Britain diumano ang talagang nagpasimula ng digmaan.
Ang pagiging gahaman ng mga Kanluranin at ang pagiging malihim ng
kanilang diplomasya ang dahilan ng pagsiklab ng digmaan ayon kay Pangulong
Woodrow Wilson ng United States. Para naman kay Vladimir Lenin, isang Marxist,
ang Unang Digmaang Pandaigdig ay dulot ng tunggaliang imperyalista ng mga
makapangyarihang puwersang kapitalista para sa relokasyon ng pandaigdigang
yaman at pamilihan. May pananaw na nagsasabing ang digmaan ay isang
aksidenteng bunga ng krisis kung saan ang mga pangyayari ay hindi nagawa pang
makontrol ng mga kasangkot na bansa.
Sa lahat ng ito, maliwanag na may malaking tensiyon sa pagitan ng mga
makapangyarihang bansa na humantong sa pagsiklab ng digmaan.

5
Mga Pangyayari Bago ang 1914
Krisis sa Bosnia (1908-1909) Pagsakop ng Austria-Hungary sa Bosnia. Umasa ang
Serbia na tutulong ang Russia sa pagsakop nito sa Bosnia ngunit walang nangyari
dahil hindi pa nakakabawi ang Russia nang matalo ito ng Japan sa Digmaang Russo-
Japanese noong 1904 hanggang 1905. Gayunpaman, ang naging epekto ng krisis ay
ang pagpapalakas ng Russia upang mapasok ang Balkan Peninsula, ang rehiyong
kinabibilangan ng Albania, Bulgaria, Greece, Turkey, Macedonia, Croatia, Romania,
Slovenia, Bosnia-Herzegovina, Serbiaat Montenegro. Naging simula ito ng pagtindi ng
galit ng Serbia sa Austria-Hungary at umasa sa suportang ibibigay ng Russia
pagdating ng panahon.

Krisis sa Agadir (1911) Ito ay bunga ng pagpapadala ng France ng mga tropa sa Fez,
ang kabisera ng Morocco, nang magkaroon dito ng kaguluhan. Dahil sa protesta ng
Germany sa Pagiging makapangyarihan ng France sa Morocco, nagpadala ito ng
bapor na pandigma sa Agadir, isang daungan sa Morocco.Nag-alala ang iba pang mga
bansang Kanluranin na maaaring magbunsod ng digmaan sa pagitan ng France at
Germany ang paghaharap nila. Gayunpaman, pumayag ang Germany na maging
protektorado (protectorate) ng France ang Morocco kapalit ng dalawang pirasong
teritoryo ng France sa Africa.

Digmaang Balkan (1912-1913) Hindi pagkakasundo ng Balkan League sa


hangganan ng mga bagong teritoryong nakuha nila. Nakaranas ng pagkatalo ang
Bulgaria dahil hindi naibigay rito ang orihinal na ipinangako ng mga dating kaalyado
nito.

Gawain 2: Suri-Sanhi Digmaan

Suriin ang klasipikasyon na kinabibilangan ng mga pahayag sa ibaba. Isulat ang


titik ng tamang sagot.

a. alyansa b. nasyonalismo c. militarismo d. imperyalismo

1. Ang pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa Balkan.


2. Ang pagbawi sa mga nawalang teritoryo.
3. Ang pangamba ng mga bansa dahil sa paglakas ng ekonomiya ng Germany.
4. Ang pagtaas ng mga gastusin ng sandatahan ng isang bansa.
5. Ang paglagda ng Entente Cordiale.
6. Ang agawan ng kolonya ng Germany at France.
7. May mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang
mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa.
8. Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain.
9. Ang pagsasama ng Austria-Hungary at Italy.
10. Ang pagpapalakas sa hukbong pandagat ng mga bansa.

6
Gawain 3: 1, 2, 3….Tanong ko, Sagutin Mo!
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang mga pangunahing kaganapan sa Europe na maituturing na nakaapekto
sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Ano ang mga pananaw na lumaganap ukol sa sanhi ng Unang Digmaang


Pandaigdig?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Ano ang naging hudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

✓ Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sanhi ng nasyonalismo, imperyalismo,


militarism at pagkakabuo ng mga alyansa,
✓ Ang pinakadahilan sa pagsiklab ng digmaan ay ang pataksil na pagpatay kay
Archduke Ferdinand Francis Ferdinand.
✓ Ilan sa mga pangyayari bago ang Unang Digmaang Pandaigdig ay ang Krisis
sa Bosnia, Krisis sa Agadir at Digmaang Balkan.
✓ May iba’t ibang pananaw ukol sa sanhi ng pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig. Nagkaisa ang mga historyador na sa pagpasok ng unang bahagi
ng ika-20 siglo, malala na ang tensiyon sa pagitan ng mga makapangyarihang
bansang Europeo kung kaya hindi maiwasan pa ang digmaan.

7
Sumulat ng komitment at gawing gabay ang sumusunod na tanong:

• Bilang isang mag-aaral, paano maiiwasan ang pagkakaroon ng di


pagkakaunawaan sa iyong pamilya, kaibigan, komunidad at bansa?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pamilya

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Kaibigan

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Komunidad

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Bansa

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

8
I. Tukuyin ang mga salitang inilalarawan ng mga pangungusap. Piliin ang kasagutan
sa loob ng kahon.

Franz Ferdinand Alyansa Russia Woodrow Wilson


Militarismo Triple Alliance Vladimir Lenin Nasyonalismo
Germany Protectorate Imperyalismo Triple Entente

1. Alyansang binubuo ng mga bansang Germany, Austria-Hungary at Italy na


naglalayong mapantayan ang lakas ng kalaban nitong alyansa.
2. Siya ang pangulo ng America noong Unang Digmaang Pandaigdig.
3. Tumutukoy sa masidhing pagnanasa at paniniwala sa karapatan ng mga
mamamayang mapangalagaan ang kanilang mga bansa upang mapanatili ang
kapayapaan nito.
4. Siya ay isang Marxist, na may pananaw na ang Unang Digmaang Pandaigdig ay
dulot ng tunggaliang imperyalista ng mga makapangyarihang puwersang
kapitalista para sa relokasyon ng pandaigdigang yaman at pamilihan.
5. Ito ay pagkakaroon ng mga mahuhusay at malalaking hukbo ng sandatahan sa
lupa at karagatan upang mapangalagaan ang teritoryo ng isang bansa.
6. Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa kontrol ng isang
panlabas na kapangyarihan
7. Siya ang napatay na arsoduke ng Austria-Hungary kasama ang kanyang asawa
na si Sophie noong Hunyo 28, 1914 na naging hudyat sa pagsisimula ng Unang
Digmaang Pandaigdig.
8. Ito a tumutukoy sa isa o higit pang kalipunan o kasunduan ng mga bansa na
sumusuporta sa iisang paniniwala at iisang layunin.
9. Ito ay paraan ng pag-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng kapangyarihan
ng mga malalakas na bansa sa mga mahihinang bansa.

II. TAMA O MALI. Isulat ang “Tama” kung ang pangungusap ay wasto at “Mali”
naman kung hindi.
10. Ang Krisis sa Agadir ay bunga ng pagpapadala ng France ng mga tropa sa Fez,
ang kabisera ng Morocco, nang magkaroon dito ng kaguluhan.
11. Ang unang pagpupulong sa Hague noong 1899 na pinatnubayan ni Pangulong
Theodore Roosevelt ng Russia.
12. Ang mga bansang kasapi sa Unang Digmaang Pandaigdig ay nahati sa dalawang
pwersa, ang Axis Powers at ang Central Powers.
13. May iba’t ibang pananaw ukol ukol a mga sa mga dahilan ng pagsiklab ng Unang
Digmaang Pandaigdig.
14.Nagkaroon ng Krisis sa Bosnia dahil sa pagsakop nila sa Austria-Hungary.
15. Ang Hague Court of Arbitration na itinatag noong 1899 ay naging mabisa dahil
obligado ang isang bansang mapailalim dito.

9
Sanggunian
A. Aklat
- Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig nina Celia D. Soriano et.al Binagong Edisyon
2017, pp.325-342
- Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Teofista L.
Vivar, Ed.D. et.al, pp.243-262
- Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina
Grace Estela C. Mateo, Ph.D. Binagong Edisyon 2012, pp.308-321

B. Modyul
- Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig - Modyul ng Mag-aaral Unang
Edisyon 2014, pp.436-469
- Halaw sa PROJECT EASE- Module 17-Labanan ng mga Bansa sa Daigdig pp.9-24

C. Websites
- Editorial cartoon tungkol sa dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig
https://preview.tinyurl.com/y3kwgsbq
- Triple Entente/Alliance Map
https://tinyurl.com/y6mgafs7

Susi sa Pagwawasto

*pahina 2-3
*pahina 9
*pahina 6

Tama 15. 15. Mali


Mali 14. 14. Tama
Tama 13. 13. Tama
D 12. 12. Tama
B 11. 11. Mali
A 10. 10. Tama
B 9. 10. C 9. Imperyalismo
D 8. 9. A 8. Alyansa
D 7. 8. D 7. Franz Ferdinand
A 6. 7. B 6. Protectorate
D 5. 6. D 5. Militarismo
D 4. 5. A 4. Vladimir Lenin
D 3. 4. C 3. Nasyonalismo
C 2. 3. B 2. Woodrow Wilson
D 1. 2. B 1. Triple Alliance
1. D
Pagsubok Pagsusulit
Unang Gawain 2 Pang-wakas na

10

You might also like