You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education

ACTIVITY SHEETS SA ARALING PANLIPUNAN 8


IKAAPAT NA MARKAHAN
UNA AT IKALAWANG LINGGO

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

MELC: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga


ng Unang Digmaang Pandaigdig (AP8AKD-IVa-1)

Inihanda ni:

MICHA JOY B. GABRIEL


Teacher I
Unang Digmaang Pandaigdig

Sa pagitan ng 1871-1914, ang mga bansang industriyalisado sa Kanluraning Europa


ay nasa rurok ng kanilang kapangyarihan. Naging sentro ng daigdig ang Europa dahil sa
kaunlaran at kalakalan. Naging sentro rin ito ng pandaigdigang alitan at di-pagkakaunawaan
ng mga bansang makapangyarihan.

Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig

1. Nasyonalismo
• Ang damdaming ito ang nagbubunsod ng
pagnanasa ng mga tao upang maging
malaya ang kanilang bansa. Kung
minsan, ito ay lumalabis at nagiging
panatikong pagmamahal sa bansa.
• May mga bansang masidhi ang
paniniwalang karapatan nilang
pangalagaan ang mga kalahi nila kahit
Paglalarawan sa nasyonalismo
nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang Guhit ni Rommel Villanueva
bansa.
• Halimbawa:
- Ang mga Junker (aristokrasyang militar ng Germany) ay naniwalang sila ang
nangungunang lahi sa Europe.
- Ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa
ilalim ng Austria at ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na
pamamahala ng Austria.
- Ang pangingialam ng Russia sa Balkan dahil marami sa mga estado ng
Balkan ay Greek Orthodox ang relihiyon at ang pananalita ay tulad ng mga
Ruso. At ang pagnanais ng Russia na maangkin ang Constantinople upang
magkaroon siya ng daungang ligtas sa yelo
- Ang pagnanais ng Italy na angkinin ang Trent at Triste na sakop ng Austria.
- Ang pagnanais ng France na maibalik sa kaniya ang Alsace-Lorraine na
inangkin ng Germany noong 1871 bunga ng digmaan ng France at Prussia
(Germany). Dahil dito, ipinalagay ng maraming Pranses na natural nilang
kaaway ang mga Aleman.

2. Imperyalismo
• Isang paraan ng pang-aangkin ng mga
kolonya at pagpapalawak ng pambansang
kapangyarihan at pag-unlad ng mga
bansang Europe.
• Ang pag-uunahan ng mga
makapangyarihang bansa na sumakop ng
mga lupain at magkaroon ng kontrol sa
pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at
Asia ay lumikha ng samaan ng loob at pag- Paglalarawan sa imperyalismo
aalitan ng mga bansa. https://empiresandcolonialism.files.wordpr
ess.com/2015/02/british-colonialism.jpg
• Halimbawa:
- Ang pagsalungat ng Britanya sa pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East
Africa) sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng
transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo.
- Ang paghadlang ng Germany sa pagtatatag ng French Protectorate sa
Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France sa Hilagang
Aprika.
- Nabahala ang England sa pagtatatag ng Berlin- Baghdad Railway sapagkat
ito’y panganib sa kaniyang lifeline patungong India.
- Ang pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa Balkan ay tumawag ng
pansin at mahigpit na pagsalungat ng Serbia at Russia.
- Naging kalaban ng Germany ang Great Britain at Japan sa pagsakop sa
China.
- Ang pagkakahati-hati ng Africa ay hindi nagdulot ng kasiyahan sa Germany
at Italy sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki
naman ang bahaging nakuha ng England at France.

3. Militarismo
• Upang mapangalagaan ang kani-kanilang
teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa
Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong
sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin
ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging
ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng
mga bansa.
• Halimbawa:
- Ang pagtatatag ng Germany ng
malalaking hukbong pandagat ay Paglalarawan sa Militarismo
https://www.aprilsmith.org/uploads/6/8/3/4/68
ipinalagay na tahasang paghamon sa 34889/2492329.jpg?286

kapangyarihan ng England bilang Reyna


ng Karagatan.

4. Pagbuo ng mga Alyansa


• Dahil sa inggitan, paghihinalaan, at lihim na
pangamba ng mga bansang makapangyarihan,
dalawang magkasalungat na alyansa ang
nabuo:
a. Triple Entente – alyansang binuo ng
Russia, France, at Britain
b. Triple Alliance – alyansang binuo ng
Germany, Austria-Hungary, at Italy
• Sa ilalim ng alyansa, nangako ang bawat
kasapi na magtulungan kung sakaling may
Mapa ng mga bansang neutral, at mga
magtangkang sumalakay sa kani-kanilang bansang kabilang sa Triple Alliance at
bansa. Triple Entente
https://i.pinimg.com/originals/d5/8a/01/d58a
0192633b9cc792a0207b7a81ed75.png
Ang Pagsisimula at Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig

Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914


ang naghudyat sa pagsisimula ng Unang Digmaang
Pandaigdig. Noong Hunyo 28,1914, pinatay ni
Gavrilo Princip si Archduke Franz Ferdinand,
tagapagmana ng trono sa Austria, at ang asawa
nitong si Sophie habang sila ay naglilibot sa
Sarajevo, Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong
Austria-Hungary.
Naghinala ang Austria na may kinalaman ang
Archduke Franz Ferdinand at kanyang asawa na
Serbia sa pangyayari, at agad nagpadala ng si Sophie
https://www.peacepalacelibrary.nl/wp-
ultimatum ang Austria sa Serbia. Ang mga itinalaga content/uploads/2014/03/Assassination-of-Archduke-
sa ultimatum ay hindi katanggap-tanggap para sa Franz-Ferdinand-of-Austria-300x204.jpg
Serbia kung kayat iminungkahi nitong isangguni sa Hague Court ang suliranin. Hindi
nasiyahan ang Austria sa kasagutan at noong ika- 28 ng Hulyo, 1914, ito ay nagpahayag ng
pakikidigma laban sa Serbia.
Sinuportahan ng Alemanya ang tangka ng Austria na mapahina ang Serbia. Hindi rin
naman mapayagan ng Russia na mapahina ang Serbia kayat humanda na itong tumulong.
Ang Pransya ay nakahanda ring tumulong sa Rusya. Alam ng Alemanya na kung
makakalaban niya ang Rusya, makakalaban din niya ang Pransya.

Narito ang mga pangyayaring nagbunsod sa Unang Digmaang Pandaigdig.

1. Ang Digmaan sa Kanluran


• Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang bahaging nasakop ng digmaan ay mula sa hilagang Belhika hanggang sa
hangganan ng Switzerland. Lumusob sa Belhika ang hukbong Germany at
ipinagwalang-bahala nitong huli ang pagiging neutral na bansa nito. Ito ang
paraang ginamit nila upang malusob ang France. Ngunit sila’y inantala ng magiting
na pagsasanggalang ng mga taga-Belhika sa Leige.

2. Ang Digmaan sa Silangan


• Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke
Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit nang dumating ang saklolo ng
Germany, natalo ang hukbong Russia sa Digmaan ng Tannenberg. Nagtagumpay
ang hukbong Russia sa Galicia. Ngunit hindi nagtagal ang tagumpay nila. Sila ay
pinahirapan ng mga German sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang hukbong
sandatahan ng Russia. Ang sunod-sunod nilang pagkatalo ang naging dahilan ng
pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong Marso, 1917 at ang pagsilang ng
Komunismo sa Russia. Upang makaiwas ang Russia sa digmaan,
nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa
pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Iniwan ng Russia ang mga
Alyado at sumapi sa Central Powers.

3. Ang Digmaan sa Balkan


• Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upang
makaganti ang Bulgaria sa pagkatalo, sumapi ito sa Central Powers noong
Oktubre, 1915. Noong taong 1916, karamihan sa mga estado ng Balkan ay
napasailalim na ng Central Powers. Ang Italy naman ang tumiwalag sa Triple
Alliance at nanatiling neutral. Noong 1915, sumali ito sa magkaanib na bansa.
Hinangad na maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy
Irrendenta) at ang mga kolonya nito sa Africa. Ang Turkey ay kumampi sa
Germany upang mapigilan ang Russia sa pag-angkin sa kanyang bansa sa
Dardanelles.

4. Ang Digmaan sa Karagatan


• Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng
Germany at Great Britain. Naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula
sa Pitong Dagat (Seven Seas) ang lakas pandagat ng Great Britain. Dumaong
ang bapor ng Germany sa Kanal Kiel at naging mainit ang labanan.
Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa kabilang dako, ang
mabibilis na raider at mga submarinong U-boats ng kanilang kalaban ay
nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga alyado. Ang
pinakamabagsik na raider ng Germany ay ang Emden. Sa dakong huli, napalubog
ito ng Sydney, isang Australian cruiser.

Ang Paglahok ng Estados Unidos sa Digmaan

Nagpalabas ng Proclamation of Neutrality si Pangulong Woodrow Wilson noong mag-


umpisa ang digmaan. Ngunit noong Abril, 1917 ay nagpahayag ng pakikidigma ang Estados
Unidos laban sa Alemanya. Ang dahilan ng pagbabago ng desisyon ng Estados Unidos ay
ang mga sumusunod:
1. Ang pagkamatay ng maraming Amerikano dahil sa walang humpay na pagrapido ng
mga hukbong Alemen sa Lusitania, isang barkong Ingles, noong Mayo 1915.
2. Ang mahusay na propagandista ng mga bansang alyado ay humikayat sa galit ng mga
Amerikano laban sa Alemanya.
3. Ang Zimmerman Note na nakuha ng British Intelligence Service ay nagbunyag sa
balak ng mga Aleman na hikayatin ang mga Mexicano at Hapones na makidigma sa
Amerika.

Noong taong 1917, nagpadala ang Estados Unidos ng American Expeditionary Forces sa
pangunguna ni Heneral John J. Pershing. Tumulong din sila nang malaki sa Digmaan ng
Argonne Forest na siyang nagbigay daan sa tuluyang pagkatalo at pagsuko ng Alemanya
noong 1918. Humingi itong huli ng amnestiya. Ito ay nilagdaan sa loob ng kagubatan ng
Compeigne sa ganap na ika-11 ng umaga sa araw ring iyon. Sa huli ay nagtagumpay ang
mga Alyado.

Mga Naging Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig


• Matinding pinsala ang naidulot sa buhay at ari-arian. Marami ang namatay at
nasugatan dahil sa labanan. Marami ding sibilyan ang namatay sa gutom, sakit, at
paghihirap.
• Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka, at iba
pang gawaing pangkabuhayan.
• Maraming salapi ang nagastos at inilaan sa digmaan.
• Nabago ang mapa ng Europe at nag-iba ang kalagayang pampolitika sa buong
daigdig. Ang Austria at Hungary ay nagkahiwalay. Ang mga bansang Latvia, Estonia,
Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia, at Albania ay naging malalayang
bansa. Apat na imperyo sa Europe ang nagwakas: ang Hohenzollern ng Germany,
Hapsburg ng Austria-Hungary, Romanov ng Russia, at Ottoman ng Turkey.

Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasan ang digmaan na
pinaniniwalaan nilang salot sa kapayapaan. Binalangkas ang Kasunduaan sa Versailles
(Treaty of Versailles) na nagbigay hudyat sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
May iba’t iba pang kasunduang pangkapayapaan na binalangkas sa Paris noong 1919-1920.
Ang mga pagpupulong na ito ay pinangunahan ng mga pinuno tinatawag na Big Four:
Pangulong Woodrow Wilson ng US; Punong Ministro David Llyod George ng Great
Britain; Vittorio Emanuele Orlando ng Italy; at ang Punong Ministro Georges
Clemenceau ng France. Ang pangunahing nilalaman ng mga kasunduan ay ibinatay sa
Labing-apat na Puntos (Fourteen Points) ni Pangulong Wilson.

Woodrow Wilson David Lloyd George Georges Clemenceau Vittorio Orlando


https://www.whitehouse.gov https://upload.wikimedia.org https://upload.wikimedia.org https://cdn.britannica.com/3
/wp- /wikipedia/commons/e/e8/D /wikipedia/commons/c/c7/G 4/134134-050-
content/uploads/2021/01/28 avid_Lloyd_George.jpg eorges_Clemenceau_par_ BB56CC4A/Vittorio-
_woodrow_wilson.jpg Nadar.jpg Emanuele-Orlando.jpg

Ang Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson

Binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero, 1918, dito napapaloob ang mga layunin
ng Estados Unidos sa pakikidigma. Ito’y naglalaman din ng kanyang mga ideya ukol sa isang
“kapayapaang walang talunan” para sa kapakinabangan ng lahat ng bansa. Ilan sa mga
puntos na napagkasunduan ay:
1. katapusan ng lihim na pakikipag-ugnayan;
2. kalayaan sa karagatan;
3. ang pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at ang paglutas sa suliranin ng
mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan o self-
determination;
4. pagbabawas ng mga armas;
5. pagbabawas ng taripa;
6. pagbuo ng Liga ng Mga Bansa.

Ang Liga ng mga Bansa (League of Nations)

Ang pangkalahatang layunin nito ay ang pagtutulungan, at hindi ang digmaan, ng mga
bansa sa daigdig. Ang konstitusyon nito ay napaloob sa kasunduan sa Versailles na may
sumusunod na mga layunin:
1. maiwasan ang digmaan;
2. maprotektahan ang mga kasaping bansa
sa pananalakay ng iba;
3. lumutas sa mga usapin at hindi
pagkakaunawaan ng mga kasapi;
4. mapalaganap ang pandaigdigang
pagtutulungan, at
5. mapalaganap ang mga kasunduang
pangkapayapaan.

Pagpupulong sa League of Nations


Ilan sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa ang https://www.thoughtco.com/thmb/tcn-
sumusunod: 7gFJNNNqvlZutcnpr2iQBmw=/3192x2394/smart/filters:n
o_upscale()/leagueofnations-
1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan 7e9e88fdfb5240a9b3cf08eeda8d3fd1.png
sa pagitan ng Finland at Sweden noong
1920, Bulgaria at Greece noong 1925, at Colombia at Peru noong 1934.
2. Pinangasiwaan nito ang iba’t ibang mandato.
3. Pinamahalaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan.

Nabigo ang mga bansa na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaaan sa daigdig. Ang


mga bansang alyado ay nagsagawa rin ng lihim na kasunduang sila-sila ay maghahati sa mga
dating kolonya at teritoryo ng mga Central Powers. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang
Kasunduan sa Versailles na nagdulot ng marahas na parusa sa Germany na nagbigay ng
malaking hinanakit dito. Ito ang naging dahilan ng muling paghahanda ng Germany upang
muling makipaglaban sa mga bansang alyado.

Naisagawa ang sumusunod na pangyayari dahil sa mga kasunduan:


1. Nawalang lahat ang mga kolonya ng Germany. Ibinigay ang mga teritoryong Posen,
Kanlurang Prussia, at ang Silesia sa bagong Republika ng Poland. Ang Danzig ay
naging malayang lungsod sa pangangasiwa ng mga Alyado bilang mandato.
2. Ang Alsace-Lorraine ay naibalik sa France. Ang Saar Basen ay napasailalim sa
pamamahala ng Liga ng mga Bansa sa loob ng labinlimang taon.
3. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark.
4. Lubhang pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany sa lupa at sa dagat.
Binawasan ito ng marami ng hukbo ang pinaglalakbayang ilog ng Germany at
ipinagbawal ang kanilang mga partisipasyon sa anumang digmaan.
5. Ang Kanal Kiel at ang lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang pang-
internasyonal.
6. Pinagbawalang gumawa ng mga armas at amyunisyon ang Germany.
7. Ang Germany ay pinagbayad ng malaking halaga sa mga bansang napinsala nito
bilang reparasyon. Ang layunin ng mga gumawa ng kasunduang ito ay upang lubusang
pilayin ang Germany nang hindi na ito muling magtangkang gambalain ang
kapayapaan ng daigdig.
Pangalan: _______________________________________ Petsa: ________________
Baitang/Seksiyon: _________________________________ Iskor: ________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at bilugan


ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig


MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa
B. pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand
C. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
D. pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa

2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng


Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers.
B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson.
C. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia.
D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Germany, Austria-Hungary,
Russia, at Ottoman

3. Ano ang alyansang binuo ng Germany, Austria-Hungary at Italy?


A. Big Three C. Triple Alliance
B. Entente Cordiate D. Triple Entente

4. Ano ang alyansang binuo ng France, Great Britain at Russia?


A. Big Three C. Triple Alliance
B. Entente Cordiate D. Triple Entente

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sanhi ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Imperyalismo B. Militarismo C. Nasyonalismo D. Piyudalismo

6. Sino sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pinauno na tinaguriang Big Four?
A. Adolf Hitler C. Woodrow Wilson
B. David Llyod George D. Vittorio Emanuele Orlando

7. Ano ang pandaigdigang samahan na nabuo matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Central Powers C. Nagkakaisang Bansa
B. Liga ng mga Bansa D. Triple Entente

8. Ito ay tumutukoy sa pagpaparami ng armas at pagpapalakas ng hukbong sandatahan ng


mga bansa na naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga ito sa isa’t isa.
A. Imperyalismo C. Nasyonalismo
B. Militarismo D. Pagbuo ng mga Alyansa
9. Sinong pinuno ang bumalangkas sa Labing-apat na Puntos (Fourteen Points)?
A. David Llyod George C. Vittorio Emanuele Orlando
B. Georges Clemenceau D. Woodrow Wilson

10. Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng Unang
Digmaang Pandaigdig. Sino ang tagapagmana ng trono ng Austria na namatay sa
pangyayaring ito?
A. Adolf Hitler C. Franz Ferdinand
B. David Llyod George D. Vittorio Emanuele Orlando

11. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa panahon ng


Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?
A. Labanan ng Austria at Serbia
B. Digmaan ng Germany at Britain
C. Paglusob ng Russia sa Germany
D. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland

12. Dahil sa inggitan, paghihinalaan, at lihim na pangamba ng mga bansang


makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo noong Unang
Digmaang Pandaigdig. Alin ang mga ito?
A. Allies at Axis Powers C. Triple Entente at Triple Alliance
B. Alliance at Axis Powers D. Triple Alliance at Triple Powers

13. May mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga
kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Ano ang inilalarawan nito?
A. Alyansa C. Militarismo
B. Imperyalismo D. Nasyonalismo

14. Ang pag-uunahan ng mga makapangyarihang bansa sa pagsakop at pagkontrol ng mga


lupain ay lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa. Ano ang inilalarawan
nito?
A. Alyansa C. Militarismo
B. Imperyalismo D. Nasyonalismo

15. Sino ang pumatay kay Archduke Franz Ferdinand at kanyang asawa na si Sophie?
A. Adolf Hitler C. Gavrilo Princip
B. Benito Mussolini D. Woodrow Wilson

16. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa damdaming makabayan o pagmamahal sa


bansa?
A. Alyansa C. Militarismo
B. Imperyalismo D. Nasyonalismo

17. Ito ay tumutukoy sa pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang


kapangyarihan?
A. Alyansa C. Militarismo
B. Imperyalismo D. Nasyonalismo
18. Saang lugar naganap ang pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand at kanyang asawa?
A. Bosnia B. France C. Germany D. Italy

19. Alin sa mga sumusunod na pangyayari noong Unang Digmaang Pandaigdig ang
pinangyarihan ng pinakamainit na labanan?
A. Digmaan sa Balkan C. Digmaan sa Kanluran
B. Digmaan sa Silangan D. Digmaan sa Karagatan

20. Ano ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang
Digmaang Pandaigdig?
A. Treaty of Paris C. League of Nations
B. United Nations D. Treaty of Versailles

Para sa bilang 21-30, basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T sa
patlang kung ang pahayag ay TAMA at M naman kung ito ay MALI.

____ 21. Maraming ari-arian at buhay ang nawawasak dahil sa digmaan.


____ 22. Nabuo ang United Nations pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
____ 23. Malaking halaga ang kailangan para sa reparasyon pagkatapos ng digmaan.
____ 24. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nabago ang mapa ng Europe.
____ 25. Sa mga digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot ay
apektado.
____ 26. Nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing
pangkabuhayan dahil sa digmaan.
____ 27. Ang layunin ng League of Nations ay mapalaganap ang kompetisyon sa pagitan ng
mga bansa.
____ 28. Ang pagtatatag ng League of Nations ay isa sa mga nakalahad sa Fourteen Points.
____ 29. Ang Estados Unidos ay hindi lumahok sa Unang Digmaang Pandaigdig.
____ 30. Ang paglagda sa Treaty of Versailles ang naging hudyat ng pagsisimula ng Unang
Digmaang Pandaigdig.
Pangalan: _______________________________________ Petsa: ________________
Baitang/Seksiyon: _________________________________ Iskor: ________________

Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ng impormasyon ang Fishbone


Diagram upang masuri ang dahilan at epekto ng Unang Digmaang
Pandaigdig.

DAHILAN

UNANG
DIGMAANG
PANDAIGDIG

EPEKTO
Pangalan: _______________________________________ Petsa: ________________
Baitang/Seksiyon: _________________________________ Iskor: ________________

Panuto: Matatandaan na ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nag-iwan


ng malalim na sugat at aral sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang ilan
sa mga epekto nito ay nakikita at nararamdaman pa rin hanggang sa
kasalukuyan.

1. Magsaliksik o humanap ng larawan mula sa internet, pahayagan, o iba pang babasahin


na nagpapakita ng bunga ng Unang Digmaang Pangdaigdig na makikita o nararamdaman
pa rin sa kasalukuyan.
2. Iprinta o gupitin ang larawang napili at idikit sa sagutang papel. Maaari naming iguhit ito
kung walang mahanap na larawan o walang gamit para sa pagsasaliksik sa internet.
3. Ipaliwanag kung ano ang ipinapakita ng larawan at ang kaugnayan nito bilang bunga ng
Unang Digmaang Pandaigdig.
4. Gagamitin ang kasunod na rubric sa pagbibigay ng puntos.
5. Gamitin ang kasunod na pahina sa pagsagot.

Rubric para sa Pagmamarka


Pamantayan Lubos na Mahusay- Katamtaman Kailangan
Mahusay husay (3 puntos) pang
(5 puntos) (4 puntos) Magsanay
(2 puntos)
Nilalaman Mahusay, May kaugnayan Hindi gaanong Walang
maliwanag at sa paksa maliwanag at kaugnayan sa
angkop sa paksa angkop sa paksa
paksa
Teknikal na Walang Halos walang Maraming Napakarami at
Pagbuo pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo
mga bantas, mga bantas, mga bantas, ang mga
kapitalisasyon at kapitalisasyon kapitalisasyon pagkakamali sa
pagbabaybay. at at mga bantas,
pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyon
at
pagbabaybay.
Paglalahad Maayos, May kaayusan Bahagyang Magulo ang
malinaw, at at linaw ang kulang sa pagkakalahad
organisado ang paglalahad kaayusan ang
paglalahad pagkakalahad
Pangalan: _______________________________________ Petsa: ________________
Baitang/Seksiyon: _________________________________ Iskor: ________________

Idikit o iguhit dito ang larawang napili.


(Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig na
makikita o nararamdaman pa rin sa kasalukuyan)

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Pangalan: _______________________________________ Petsa: ________________
Baitang/Seksiyon: _________________________________ Iskor: ________________

Panuto: Sa iyong natutuhan sa aralin, nagsimula ang Unang Digmaang


Pandaigdig sa mga maliliit na hidwaan at samaan ng loob sa pagitan
ng mga bansa. Nagpapatunay ito na ang hindi pagkakaunawaan ay
maaaring mauwi sa matinding kapahamakan. Bilang isang mag-aaral,
sa paanong paraan mo maipapakita ang kahalagahan ng paglutas sa
mga pangyayaring nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng
iyong kapwa mag-aaral? Magbigay ng ilang hakbang upang ito ay iyong
maisakatuparan. Gagamitin ang kasunod na rubric sa pagmamarka.

1. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Rubrik para sa Pagmamarka


Pamantayan Lubos na Mahusay-husay Katamtaman Kailangan
Mahusay (4 puntos) (3 puntos) pang
(5 puntos) Magsanay
(2 puntos)
Nilalaman Lubos na Nagpakita ng Simpleng Hindi kakikitaan
naipaliwanag at magandang katwiran ang ng katwiran o
nabigyang katwiran sa mga naipakita sa paliwanag ang
katwiran ang hakbang na mga hakbang na mga hakbang
mga hakbang na inilahad inilahad na inilahad
inilahad
Kabuluhan at Lubos na Makabuluhan at May kaunting Walang
Kaugnayan sa makabuluhan at may kaugnayan kaugnayan sa kaugnayan sa
Paksa malaki ang sa paksa paksa paksa
kaugnayan sa
paksa
Kalinisan Malinis at Malinis ang Ginawa ng Inapura ang
maayos ang pagkakagawa apurahan ngunit paggawa at
pagkakasulat hindi marumi marumi
Susi sa Pagwawasto

1. A 11. D 21. T
2. C 12. C 22. M
3. C 13. D 23. T
4. D 14. B 24. T
5. D 15. C 25. T
6. A 16. D 26. T
7. B 17. B 27. M
8. B 18. A 28. T
9. D 19. C 29. M
10. C 20. D 30. M

Maaaring magkakaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.


(Mabibigyan ng marka ang mga bata batay sa rubrics)

Maaaring magkakaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.


(Mabibigyan ng marka ang mga bata batay sa rubrics)

Maaaring magkakaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral.


(Mabibigyan ng marka ang mga bata batay sa rubrics)

Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et. al. Kasaysayan ng Daigdig. Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral. Pasig City: DepEd-BLR, 2014

DepEd Learning Portal. Project EASE Modyul 17: Labanan ng mga Bansa sa Daigdig (Una
at Ikalawang Digmaang Pandaigdig). Retrieved from on April 8, 2021

You might also like