You are on page 1of 6

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan: _____________________________________________ Petsa:___________Iskor:__________

ARALING PANLIPUNAN 8
Kuwarter 4 – Linggo 1
Kasanayang Pampagkatuto:Nasusuri ang mga Dahilan, Mahahalagang pangyayaring
Naganap at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

Pamagat: Ang mga Dahilan at Mahahalagang pangyayaring naganap ng Unang


Digmaang Pandaigdig

Layunin:
A. Naiisa-isa at nasusuri ang mga sanhi ng pagkakaroon ng Unang Digmaang Pandaigidig.
B. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaaang Pandaigdig .
C. Naitatala ang kahalagahan sa pag- unawa sa mga kaganapan na naganap sa Unang Digmaang
Pandaigidig

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ( 1914-1918) ay tinatawag na The Great War dahil ito ang kauna-
unahang malawakang digmaan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng Daigdig. Bagama’t ang
digmaan ay nagsimula at naganap sa Europa nadamay ang iba pang panig ng daigdig tulad ng Aprika
at Asya dahil may mga kolonya rito ang mga bansang Europeo.

Sa araling ito matutunghayan natin ang mga dahilan at mahahalagang pangyayaring nagdulot ng Unang
Digmaang Pandaigidig.

TEKSTO
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
1.NASYONALISMO - damdaming nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging
malaya ang kanilang bansa. Kung minsan, ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa
bansa at may mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila
kahit nasa ilalim na ng kapangyarihan ng ibang bansa.

Mga Halimbawa ng Panatikong Nasyonalismo na naging salik ng Unang Digmaang Pandaigdig :

• ang mga Junker o aristokrasyang militar ng Germany ay naniwalang sila ang nangungunang
lahi sa Europa.
• ang pagkamuhi ng mga Serbian sa mahigpit na pamamahala ng Austria at pagnanais na

1
Kuwarter 4 : Linggo: 1 Competency Code: AP8AKD -IVa - 1 Kasanayan: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring
naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.
angkinin mula rito ang pamamahala sa Bosnia at Herzegovina at bumuo ng Greater Serbia
• nais angkinin ng Russia ang mga Estado ng Balkan na Greek Orthodox ang relihiyon
at ang pananalita ay tulad ng kanilang wika.
• nais angkinin ng Italya ang Trent at Triste na sakop ng Austria
• Pagnanais ng France maibalik ang Alsace-Lorraine ng matalo ito sa Germany noong 1871
Franco- Prussian War

2. IMPERYALISMO – isang paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng


pambansang kapangyarihan upang umunlad ang mga bansang Europeo.
• Sa paglaganap ng imperyalismo nagkaroon HALIMBAWA NG KOMPETISYON SA
ng kompetisyon ang mga IMPERYALISMO: Naghangad ang
makakapanyarihang bansa sa Europa sa bansang Alemanya at Italy na bago pa
pag- uunahang sumakop ng mga lupain at lamang sa larangan ng pangangongolonya
makontrol ang pinagkukunang - yaman at na pumantay sa hanay ng mga bansang tulad
kalakal ng Africa at Asia. ng France at Britanya

3. MILITARISMO- ang pagpaparami ng armas at ang pagkakaroon mahuhusay at malalaking hukbong


sandatahan sa lupa at karagatan upang mapangalagaan ang teritoryo ng mga makapangyarihang bansa.
• Ito ang naging ugat ng paghihinalaan, at pagmamatyagan ng mga malalakas na bansa.
• Tila isang paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan
nang magsimulang bumuo ng malalaking hukbong pandagat ang Germany.

4. ALYANSA- isa o higit pang kalipunan o kasunduan ng mga bansa o partido na sumusuporta sa isang
programa, paniniwala, interes o pananaw
• nagkaroon ng mga lihim na pagsasanib pwersa o kampihan ng mga makakapangyarihang
bansa sa Europa dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangambang dulot ng militarismo
• Sa ilalim ng alyansa, nangako ang bawat kasapi na magtulungan sakaling may
magtangkang sumalakay sa kanilang bansa.

2 Magkasalungat na Alyansa ng mga Makakapangyarihang Bansa sa Europa:

Triple Entente TripleAlliance


France Germany
Great Britain Austria-Hungary
Russia Italy

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG


KRISIS SA BOSNIA
Noong Hunyo 28,1914 pinatay ang nakatakdang tagapagmana ng trono ng Austria -Hungary na si Archduke Franz
Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie habang naglilibot sa Bosnia ng isang makabayang Serbian na si Gavrilo
Princip. Ang krisis na naganap ay ang naging hudyat sa pagsisimula ng World War I. Nagpahayag ng pakikipagdima
ang Austria- Hungary sa Serbia na kinampihan ng Germany , Imperyong Ottoman at Bulgaria at nabuo ang
Pwersang Central ( Central Powers) . Humantong ang mga kaganapan sa pakikidigma ng Central Powers kontra
sa magkakaalyadong bansa ( Allied Powers) na binubuo ng Russia, France, Great Britain na pumanig sa Serbia.

2
Kuwarter 4 : Linggo: 1 Competency Code: AP8AKD -IVa - 1 Kasanayan: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring
naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Mga Pangyayaring Naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig ( Mga Yugto ng Labanan)

1. DIGMAAN SA KANLURAN
• Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig (Trench Warfare)
• Digmaan mula hilagang Belhika ( Belgium) hanggang sa hangganan ng Switzerland
• Nagdeklara ng digmaan ang Germany laban sa France
• Nilusob ng Germany ang Belgium nang tumanggi ito na pahintulutang dumaan sa hilagang bahagi
nito upang lusubin ang France
• Nagdeklara naman ng digmaan ang Great Britain laban sa Germany dahil ikinagalit nito ang
paglusob na ginawa sa bansang neutral na Belgium
2. DIGMAAN SA SILANGAN
• Lumusob ang Russia sa Prussia (Silangang Germany) ngunit natalo ito sa Digmaan ng Tannenberg.
• Nagtagumpay ang Hukbong Ruso sa Galicia ngunit hindi nagtagal ang tagumpay nila nang
pinahirapan ng mga Aleman sa Poland.
• 1916 -humina hanggang sa tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia. Ang sunod-
sunod nilang pagkatalo sa digmaan at ang Rebolusyong Bolshevik sa kanilang bansa ang naging
dahilan ng pagbagsak ng pamamahala ng huling dinastiyang Romanov (Marso 1917) at pagsilang ng
Komunismo sa Russia.
• 1918- nakipagkasundo si Lenin ng Russia sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of
Brest-Litovsk , iniwan ng Russia ang mga kaalyado at sumapi sa Central Powers para makaiwas
sa digmaan.
• Ayon sa Treaty of Brest – Litovsk, ibinigay ng Russia sa Germany ang ilan sa kanilang teritoryo
(Finland, Latvia, Estonia, Lithuania, Poland)
3. DIGMAAN SA BALKAN
• Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan
• Tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral ang Italya. Taong 1915 sumali ito sa Allied
Power hinangad na maangkin ang mga teritoryong Latin (Italy Irrendenta )at ang mga kolonya sa
Africa na hawak ng Austria
• 1916- karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers.

4.DIGMAAN SA KARAGATAN

• nagkasubukan ang husay ng mga hukbong pandagat ng Germany at Britanya.


• Malalakas ang hukbong pandagat ng Allied Forces ngunit ang mabibilis na raider at mga
submarinong U-boats ng Germany ay nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga
Alyado.
• naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat (Seven Seas) ang lakas
pandagat ng Britanya.
• Sa huling bahagi ang pinakamabagsik na raider ng Germany na Emden ay napalubog ng isang
Australian cruiser (Sydney)

Pagwawakas ng Digmaan
Unti- unti nagapi ng Allies o Allied Powers ang mga kasapi ng Central Powers nang sinuportahan ng
pwersang Amerikano. Ang industralisadong bansang Estados Unidos ay naging neutral sa umpisa ng

3
Kuwarter 4 : Linggo: 1 Competency Code: AP8AKD -IVa - 1 Kasanayan: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring
naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.
digmaan bilang taga tustos ng pagkain, hilaw na materyales at armas sa digmaan .Napilitang lamang na
sumali sa digmaan ang Amerika matapos palubugin ng mga submarinong Aleman ang pampasaherong barko
ng Britanya na Lusitania kabilang ang mga Amerikanong sakay nito at nang malaman nila ang lihim ng
kasunduang ipidala nito sa Mexico na ibabalik ng Germany ang ilang bahagi ng kanlurang Estado ng US
kung makikipag-alyansa ang Mexico sa Central Powers. Sa pagsali ng US sa digmaan lumakas ang pwersa ng
Allies, unti- unting natalo ang pwersang Central Powers. Gaya ng nangyari sa Russia, ang Germany ay
humaharap rin sa mga kaguluhang panloob dahil sa paghihimagsik ng mga mamamayang ng Aleman sa
problemang dulot ng digmaan sa kanilang bansa tulad ng tag-gutom at kahirapan. Dalawang araw matapos
bumaba sa pwesto si Kaiser Wilhelm II nagpahayag ng armistice o tigil putukan ang bagong pamahalaan ng
Germany. Nagtapos ang digmaan noong Nobyembre 11, 1918. Nagsagawa ng mga Kumperensiyang
Pangkapayapaan (Paris Peace Conference ) ang mga kinatawan ng mga bansa noong Enero 1919.

GAWAIN 1

PANUTO; Tukuyin at kumpletuhin ang mga sanhi ng pagkakaroon ng Unang Digmaaang


Pandaigidig.
1.M __L__ T A__ I __M __ - ang pagpaparami ng armas at ang pagkakaroon mahuhusay at
malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan upang mapangalagaan ang teritoryo ng mga
bansa sa Europa.

2.A__Y A___ S __ - nagkaroon ng mga lihim na pagsasanib pwersa o kampihan ng


mga makakapangyarihang na bansa dahil sa inggitan,, paghihinalaan at lihim na pangambang
dulot ng militarismo,

3. I__ P __ R__A__ I__ M__ - isang paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng
pambansang kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang Europeo.

4.N___S__O__A__I__M__- ang damdaming ito ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang


maging malaya ang kanilang bans na kung minsan, ito ay lumalabis at nagiging panatikong
pagmamahal sa bansa

4
Kuwarter 4 : Linggo: 1 Competency Code: AP8AKD -IVa - 1 Kasanayan: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring
naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.
TANDAAN NATIN, ESSENTIAL ITO!
GAWAIN 2:
PANUTO: Itala ang iyong natutunan na mga detalye sa Essential Tsart o buod ng
mahahalalagang pangyayari na dapat tandan sa Unang Digmaang Pandaigidig

YUGTO NG DIGMAAN PANGYAYARI NA DAPAT TANDAAN

WAKAS
SIMULA

GAWAIN 3:
PAGTATAYA:
\\
Panuto: Suriin at unaawain pahayag sa bawat bilang. Isulat ang T kung tama ang ang salitang may
salungguhit at palitan ito ng tamang sagot kung ito ay mali.
_____1. Ang krisis na naganap sa Bosnia ay ang naging hudyat sa pagsisimula ng World War I.
_____2. Ang Triple Alliance ay binubuo ng Germany, Austria-Hungary, at Russia.
_____3. Ang imperyalismo ay paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang
kapangyarihan sa Europa
_____4. Ang pagpaparami ng mga hukbong sandatahan at mga armas ay tinatawag na militarismo.
_____5. Ang Triple Entente ay binubuo ng France, Great Britain at Russia
_____6. Ang Unang digmaan Pandaigdig ay nagsimula at naganap lamang sa Europa, hindi nadamay ang
ibang panig ng daigdig.
_____7. Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya
_____8. Sa digman sa karagatan naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig
tulad ng Aprika at Asya dahil may mga kolonya rito ang mga bansang Europeo.
_____9. Kinikilala ang Germany bilang "Reyna ng Karagatan" dahil sa pagkakaroon ng mahusay na
hukbong sandatahang pandagat.
_____10. Nais na angkinin ng Russia ang mga kolonya sa Asya na Greek Orthodox ang relihiyon
at ang pananalita ay tulad ng kanilang wika.

5
Kuwarter 4 : Linggo: 1 Competency Code: AP8AKD -IVa - 1 Kasanayan: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring
naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.
SANGGUNIAN:
Ang Kasasayan ng Daigdig (2007 Edisyon) Ibon books, pp. 266-270
Araling Panlipunan III, Kaysayan ng Daigdig, 2005, CSC Publishing Inc., pp 161-165
Araling Panlipunan, Daigdig, Kasaysayan, Jo-Es Publsihing and Printing House, pp.392-404
Kabihasanang Daigdig Kasaysayan at Kultura, 2006, Vibal Publishing House, pp 296-300
Kasaysayan ng Daigdig, K12 , Araling Panlipunan 9, 2014, Vibal Group Inc., pp. 348-355
Kasasayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan,2012,Vibal Publishing House Inc., pp.308-
313
Kayamanan; Kasaysaya ng Mundo, K to 12 edisyon 2014, Rex Bookdtore, Inc., pp. 275-283
Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig pp. 450-456

Inihanda ni:
Annaliza S. Plamio
Mandaluyong High School
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

Angela Marie B. Manrique Mark Rich L. Pablo Zernan E. Gumban Jr.


Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

Ceasar A. Nachor
Superbisor, (subject)

6
Kuwarter 4 : Linggo: 1 Competency Code: AP8AKD -IVa - 1 Kasanayan: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring
naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.

You might also like