You are on page 1of 12

ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 1

Pangalan____________________________________________________________________
Pangkat____________ Guro ___________________________________________________

Aralin UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

1
MELC/Kasanayan

Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Unang


Digmaang Pandaigdig.
Code: AP8AKD-IVa-1

Matapos mong mapag-aralan ang pag-usbong ng nasyonalismo sa Europa at


iba’t-ibang bahagi ng daigdig alam kong marami kang gustong malaman tungkol sa
mga mahahalagang kaganapan sa Unang Digmaang Pandaigdig. Bibigyang pansin sa
modyul ang naging epekto nito sa kasaysayan at sangkatauhan. Tatalakayin din ang
mga hakbangin at naging pagkilos ng mga bansa upang makamit ang kapayapaan.
May mga inihandang iba’t -ibang gawain upang mas mapalalim ang iyong kaalaman
sa paksa. Gusto ko ring masukat kung nauunawaan mo ang nilalaman ng modyul sa
pamamagitan ng pagsagot mo sa mga pagsusulit. Pagkatapos mong basahin ang
modyul na ito inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa Unang Digmaang
Pandaigdig;
2. Nasusuri ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig;
3. Napahahalagahan ang pagsisikap ng mga bansa na isulong ang kapayapaan sa
daigdig.
Excited ka na ba? Pero bago mo simulan ang pagbabasa ngumiti at magdasal
ka muna.

Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang. Bigyang pansin ang mga
aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan habang ginagamit ang
modyul na ito.
1. Pandaigdigang samahan na naglalayon ng kapayapaan at pagtutulungan ng
mga bansa.
a. International Monetary Fund c. Peace Brigade International
b. League of Nations d. World Trade Organizations
2. Kasunduan na opisyal na nagwakas ng Unang Digmaang Pandaigdig.
a. Treaty of Nanking c. Treaty of Tordesillas
b. Treaty of Paris d. Treaty of Versailles
3. Alyansang binubuo ng Austria-Hungary at Germany.
a. Allied Powers c. Central Powers
b. Axis Powers d. Triple Powers
4. Pampasaherong barko ng Britain na pinalubog ng Germany.
a. Lusitania c.Trinidad
b. Sebastian d. Victoria
5. Bansang may pinakamaraming bilang ng sundalong nasawi.

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 2

a. Amerika c. Great Britain


b. Germany d. Russia
6. Pagkakampihan ng mga bansa.
a. Alyansa c. Grupo
b. Asosasyon d. Samahan
7. Masidhing pagmamahal sa sariling bayan.
a. Bayanihan c. Katapatan
b. Imperyalismo d. Nasyonalismo
8. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa.
a. Bayanihan c. Katapatan
b. Imperyalismo d. Nasyonalismo
9. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europa.
a. Imperyalismo c. Nasyonalismo
b. Militarismo d. Merkantilismo
10. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
a. League of Countries c. League of Justice
b. League of Nations c. League of United Nations

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang inilalarawan sa bawat bilang. Ayusin ang
mga letra upang mabuo ang tamang salita na akma sa kahulugan nito. Isulat ang
naiayos na salita sa patlang.
1. RNEAACNESIS – salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “muling pagsilang”.
________________
2. AIOOOYKSNMLL – patakaran ng isang bansa sa pagpapalawak ng mga lupain
sa pamamagitan ng pananakop. ________________
3. EEMVIDAL EPIORD –panahon na ang Europa ay nagkakagulo dahil sa
pagbagsak ng Imperyo ng Roma. __________________
4. SUEOOLNRBY – literal na mga kahulugan ay rebelyon, himagsikan, pag-aalsa
o pagrerebelde na naglalayong baguhin ang naunang ugnayan nito.
______________
5. RRSSTNNMPAAOOY – pagbabago ng isang bagay o pangyayari na iba sa nauna
nitong kalagayan. __________________

Paksa: Mga Dahilan na Nagbigay Daan sa Pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay ang unang malawakang digmaan na


nagsimula noong 1914 at nagwakas noong 1918. Ito rin ay tinawag na unang
makabagong digmaan sa kasaysayan dahil dito ginamit ang mga naimbentong mga
kagamitan gaya ng machine guns, poison gas, eroplanong pandigma, submarine at
mga tangke. May tatlumpu’t dalawang bansa sa limang kontinente ang sumali sa
digmaang ito hanggang sa pagwawakas nito. Napakalaki nang naging epekto ng
digmaan sa pangkabuhayang aspeto ng Europa at higit sa lahat ay kumitil ito ng
napakaraming buhay. Binago ng digmaang ito ang mapa ng buong Europa.

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 3

Narito ang mga dahilan na nagbigay daan sa pagsiklab ng Unang Digmaang


Pandaigdig:
1. Imperyalismo – Ang kompetisyon sa pag-aagawan ng mga kolonya sa Africa at
Asya sa pagitan ng mga industriyal na bansa sa Europa ang nagpalalim sa
tunggalian at kawalan ng tiwala ng mga bansa nito sa isa’t isa. Nag-uunahan
ang mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon
ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia. Ito ay
lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa. Halimbawa nito ay
ang mga sumusunod:
- Pagsalungat ng Britanya sa pag-angkin ng Germany sa
Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa balak na
maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony
patungong Cairo.
- Pagtangka ng Germany na hadlangan ang pagtatatag ng French
Protectorate sa Morocco dahil naiingit ito sa mga tagumpay ng
France sa Hilagang Africa.
- Pagkabahala ng England sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad
Railway dahil ito ay tila panganib sa ugnayan patungong India.
- Pagsalungat ng Serbia at Russia sa pagpapalawak ng hangganan
ng Austria sa Balkan
- Pagiging kalaban ng Germany ang Great Britain at Japan sa
pagsakop sa China
- Hindi natuwa ang Italy at ang Germany sa pagkakahati-hati ng
Africa sapagkat malaki ang nasakop ng England at France habang
maliit lamang ang sa kanila.
2. Militarismo – Kinailangan ng mga bansa sa Europa ang mga naglalakihang
hukbong sandatahan sa lupa, karagatan at himpapawid upang pangalagaan
ang kanilang mga teritoryo. Ang pagpaparami ng mga armas upang mahigitan
ang ibang bansa ay nagpakita ng pagpili sa digmaan kaysa sa diplomasiya.
Naging ugat ito upang maghinala at magmatyag ang mga karatig bansa.
Sinimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany na
ipinagpalagay naman ng England na ito ay paghamon sa kanilang
kapangyarihan bilang Reyna ng Karagatan.
3. Nasyonalismo – ang masidhing pagmamahal sa sariling bayan ay may
kaakibat na positibo at negatibong epekto. Ito ay nakapaghahatid ng
pagkakaisa o di kaya’y pagkakahati-hati. Ito ay isa sa mga dahilan at nagdulot
ng di pagkakaunawaan ng mga bansa. Nang ito ay lumabis at naging
panatikong pagmamahal sa sariling bansa, naging masidhi ang paniniwala ng
mga bansa sa Europa na karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila at
mamuhi sa mga bansang namumuno sa kanila. Halimbawa ay ang mga
sumusunod:
- Ang aristokrasyang militar ng Germany, ang mga Junker, ay
naniniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europa.

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 4

- Pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng


Austria.
- Pagkakaroon ng Greek Orthodox na relihiyon sa maraming estado
ng Balkan, at ang pananalita ay tulad ng mga Ruso kaya’t
nakialam ang Russia sa Balkan.
4. Pagbuo ng Alyansa – dahil sa inggit, hinala at mga pangamba ng mga
makapangyarihang bansa sa Europa, nabuo ang dalawang magkasalungat na
alyansa. Ang mga alyansang ito ay ang Triple Entente at ang Triple Alliance.
Ang Triple Entente ay binubuo ng mga sumusunod na bansa:
 France
 Britain
 Russia
Ang Triple Alliance naman ay binubuo ng mga sumusunod na bansa:
 Germany
 Austria-Hungary
 Italy
Sa ilalim ng pagkakaroon ng mga alyansa, ang bawat kasapi ay magtutulungan kung
mailalagay sa kaguluhan at mga tangkang pagsalakay sa kanilang bansa.

Pagsisimula at Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig

Ang mga pangunahing pangyayari sa Europa na


maituturing na pangunahing nakaapekto sa
pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang
krisis sa Bosnia noong 1908. Pinamahalaan ng
Austria ang Bosnia Herzegovina noong 1908 tutol
dito ang Serbia dahil nais nilang pamahalaan ang
Bosnia-Herzegovina. Ang Russia ay handang
tumulong sa Serbia dahil sa kanyang interes na
mapasok ang Balkan Peninsula. Nakahanda
namang lumaban ang Austria Hungary sa Serbia.

Noong Hunyo 28, 1914 pinatay si Archduke Franz Ferdinand (tagapagmana


ng trono ng Austria Hungary) at ang asawa nitong si Sophie habang sila ay naglilibot
sa Saravejo, Bosnia Herzogovina. Ang salarin ay si Gavrilo Princip isang 19 na taong
gulang na Serbian na kasapi sa Black Hand, isang lihim na organisasyong na
naghahangad na tapusin ang pamumuno ng Austria-Hungary sa Bosnia Herzegovina.
Dahil sa pangyayaring ito nagbigay ng ultimatum ang Austria-Hungary sa Serbia
kabilang na dito ang pagiging bahagi ng mga opisyal ng Austria sa imbestigasyon ng
pagpaslang ngunit di sumang-ayon ang Serbia. Noong Hulyo 28, 1914, nagdeklara ng
digmaan ang Austria-Hungary laban sa Serbia. Ito na ang simula ng Unang Digmaang
Pandaigdig. Dito na rin nakita ang reaksyon ng sistema ng alyansa ng mga bansa.
Sinuportahan ng Russia ang Serbia. Inisip ng Russia na ang Germany ang nagtulak
sa Austria-Hungary upang makipagdigma sa Serbia kayat agad itong nagpadala ng
hukbo sa hangganan ng Germany. Bilang reaksyon ay nagdeklara ang Germany ng
digmaan sa Russia noong Agosto 1, 1914. Batid ng Germany na tutulong ang France
sa Russia kung kayat nagdeklara din ito ng digmaan sa France pagkalipas ng
dalawang araw. Nagpasya naman ang Italy na maging neutral o walang kinikilingan.

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 5

Sa labanang ito ay naging kalaban ng Germany ang France sa kanluran at


Russia sa silangan. Ginamit ng Germany ang Schlieffen Plan na naglalayong talunin
ang France sa loob ng anim na linggo matapos nito ay isusunod nila ang Russia.
Dumaan sa Belgium (bansang neutral) ang Germany na ikinagalit ng Great Britain
kayat nagdeklara ito ng digmaan sa Germany noong Agosto 4 at tinulungan ang
Belgium at France. Nahati ang mga makapangyarihang bansa sa Europe na
nasangkot sa digmaan. Ang Allied Powers na kinabibilangan ng Great Britain, France
at Russia. Tinawag namang Central Powers ang Germany at Austria Hungary. Sa
kalaunan ay sumali ang Japan at Italy sa Allied at ang Turkey at Bulgaria sa panig
naman ng Central Powers.
Digmaan sa Kanluran
Naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig.
Saklaw nito ang France, Switzerland at Belgium hanggang sa North Sea.

Ang Hilagang France ay napasok ng hukbo ng Germany at nakalaban ang mga


sundalong Pranses at British. Dumepensa ng mabilis ang Russia sa silangan ng halos
makalapit na sa Paris ang mga Aleman. Nahati ang hukbo ng Germany kung kayat
sila ay nabigong maisakatuparan ang Schlieffen Plan dahil naging mabagal at matindi
ang labanan sa pagitan ng dalawang panig. Gumamit ng mga sandata tulad ng
machine gun at poison gas. Maraming sundalo ang namatay sa labanang ito.
Digmaan sa Silangan
Ang digmaang ito ay mula sa Baltic Sea hanggang sa Black Sea. Naglunsad ang
Russia ng pagsalakay sa Germany. Pinamunuan ito ni Czar Nicholas II. Natalo ang
hukbong Russia sa Labanan sa Tannenberg. Itinuturing itong pangunahing tagumpay
ng Central Powers. Nagtagumpay naman ang hukbong Russia sa Galicia ngunit di rin
nagtagal ang kanilang tagumpay. Pinahirapan sila ng mga German sa Poland at
tuluyang humina at kalaunan ay bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia.
Naging sunod-sunod ang pagkabigo ng Russia sa mga labanan. Ito ang may
pinakamaraming bilang ng mga sundalong nasawi, nasugatan at nabihag na umabot
sa 5.5 milyon. Naging bigo ang Russia sa mga digmaan at bumagsak din ang kanilang
ekonomiya na naging dahilan ng kawalan ng tiwala ng tao sa pamumuno ni Czar
Nicholas II. Siya ay bumaba sa trono noong Marso 15, 1917 na nagtapos sa
Dinastiyang Romanov at ang pagsilang naman ng Komunismo sa Russia.
Nakipagkasundo si Vladimir Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa
pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Naging kasapi ang Russia ng
Central Powers at iniwan niya ang mga Alyado.
Labanan sa Labas ng Europe

Nagnais ang mga Allies na makabawi sa Central Powers kaya’t gumawa sila ng
hakbang upang makuha ang Dardanelles Strait na noon ay nasa ilalim ng Imperyong
Ottoman. Tinawag itong Gallipoli Campaign subalit hindi naging matagumpay ang
Allied Powers sa madugong labanang ito na ikinasawi ng tinatayang 250,000 nilang
sundalo. May naganap ding labanan sa Timog Kanlurang Asya, dito natamo ng Allies
ang kanilang tagumpay nang makuha nila ang Baghdad, Jerusalem at Damascus.
Nagdeklara din ng digmaan ang Japan laban sa Germany at naagaw nito ang mga

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 6

teritoryo sa China at Pacific. Ang mga naging kolonya ng Germany sa Africa ay


napasakamay naman ng France at Britain.
Digmaan sa Karagatan

Nagkasubukang muli ang pwersa ng Germany at Britain sa Atlantic. Dinala ng


Germany ang kaniyang hukbong dagat na tinawag na High Seas Fleet sa North Sea
upang palubugin ang mga barko ng Britain. Ngunit ikinagulat ng mga Aleman ang
naging pag- atake ng British sa baybayin ng Denmark na naging dahilan ng pag-atras
ng Germany. Sa labanang ito ay maraming barko ng Britain ang lumubog kaya’t
naging patas lamang ang labanan. Ang Atlantic ay nanatili pa ring kontrolado ng mga
Allies.
Pagsali ng United States sa Digmaan
Hinarang ng Germany ang mga barkong nakapaligid at patungo sa Britain.
Noong Mayo 7, 1915 isang U Boat ang nagpalubog sa Lusitania, pampasaherong
barko ng Britain na may sakay ding mga Amerikano. Tinatayang 1,198 katao ang
namatay kabilang na ang mga pasaherong Amerikano. Isa pang pangyayari na
nagtulak sa US na makibahagi sa digmaan ay nang magpadala ng telegrama ang
Germany sa Mexico na sumali sa digmaan kapalit ng pangakong muling ibabalik ang
mga dati nilang teritoryo na nasa ilalim ng Estados Unidos. Naging dahilan ito ng
pagpasya ng United States na magdeklara ng digmaan. noong Abril 2, 1917 sa ilalim
ng pamumuno ni Pangulong Woodrow Wilson.

Patuloy ang ginawang paglusob ng Germany sa France at narating nila ang Ilog
Marne noong Mayo 1918. Nagpadala ang US ng 2 milyong sundalo upang tumulong
sa labanan. Napagtagumpayan ng mga Allies ang labanang ito. Dahil sa patuloy na
paghina ng pwersa ng Germany ay bumaba sa pamumuno si Kaiser Wilhelm II noong
Nobyembre 9, 1918. Nilagdaan ng bagong pinuno ang armistice noong Nobyembre 11,
1918 sa isang railway car sa Le Francport malapit sa Paris.

Gawain A: MAPA -NURI KA BA?


Suriin mo ang mapa ng Europa noong 1914. Kumuha ng gamit pangkulay at kulayan
ang mga bansang kabilang sa mga alyansa. Kulayan ng luntian ang mga bansa na
kabilang sa Triple Entente. Kulayan naman ng bughaw ang mga bansa na kabilang sa
Triple Alliance.

https://www.twinkl.com/illustration/1914-alliances-colour-map-countries-europe-first-world-war-history-secondary-black-and-white-

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 7

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang bansang kabilang sa Triple Entente? ____________________
2. Ano-ano naman ang bansang kabilang sa Triple Alliance? _____________
3. Paano naging dahilan ang Imperyalismo at Militarismo para magkaroon ng
Unang Digmaang Pandaigdig? _____________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Sa iyong sariling palagay, nakabuti ba o nakasama ang Nasyonalismo ng
mga tao sa Europa noong 1914? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain B: PUZZLE OF INFORMATION
Panuto: Tukuyin ang mga kataga, tao, lugar na inilalarawan sa bawat kahon

Pumatay sa
tagapagmana ng trono Kauna-unahang
ng Austria-Hungary labanan na
napagtagumpayan
ng Central Powers

Huling czar na
Bansang
namuno sa Russia
tumulong sa
na pinababa sa
Serbia
trono

Hakbang
Bansang Neutral
upang
o walang
makuha ang
kinikilingan
Dardanelles
Strait
Bansang
nagalit sa Kasunduan na
Germany dahil nilagdaan ng
sa pagdaan sa Germany at Russia
Belgium
Tawag sa alyansa
Tawag sa plano ng ng Great Britain,
Germany na talunin ang France at Russia
France sa loob ng 6 na
linggo

Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

1. Napakalaki ng pinsala na naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa


buhay at ari-arian Tinatayang 8.5 milyong katao ang namatay at 22,000,000 ang
nasugatan. Marami ang namatay sa gutom, sakit at paghihirap.
2. Maraming ari-arian ang nasira. Naantala ang kalakalan. Nawasak din ang
mga imprastraktura, tahanan at mga lupang pansakahan. Napakalaki ng nagastos sa
digmaan na umabot sa 200 bilyong dolyar. Kung kaya’t humina ang lipunan at
kabuhayan.
3. Nagwakas ang apat na dinastiya: ang Hohenzollern ng Germany, Hapsburg
ng Austria- Hungary, Romanov ng Russia at Ottoman ng Turkey.

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 8

4. Pagtatag ng malayang bansa- naging malayang bansa ang Finland, Latvia,


Lithuania, Estonia, Yugoslavia at Albania.
Mga Kasunduang Pangkapayapaan

Sa pagnanais na wakasan na ang digmaan upang maibangon at maitaguyod


ang Europe, naglunsad ng Peace Conference ang 32 bansa noong Enero 18, 1919 sa
Paris. Namuno sa kasunduang ito ang mga nagwaging bansa at hindi pinayagang
dumalo ang mga natalong bansa. Tinawag na Big Four ang mga nanguna sa pagbuo
ng kasunduan. Ito ay sina Woodrow Wilson ng Estados Unidos, David Lloyd George ng
Great Britain, George Clemenceau ng France at Vittorio Orlando ng Italy.
Binalangkas ni Pangulong Woodrow Wilson ang Labing Apat na Puntos na
naglalayon ng pangmatagalang kapayapaan. Kabilang sa napagkasunduan ay ang
mga sumusunod:

1. Ang kasunduan na nagaganap ay dapat ipaalam sa lahat.


2. Magkaroon ng kalayaan at karapatan sa digmaan.
3. Kinakailangang tanggalin ang buwis para sa ikabubuti ng ekonomiya.
4. Kinakailangang bawasan ang sandatahan o lakas pandigma.
5. Dapat na walang kinikilingan sa mga suliranin na pangkolonya.
6. Pagnanais na magbigay ng kalayaan sa bansang Russia.
7. Pagnanais na magbigay ng kalayaan sa bansang Belgium.
8. Kagustuhan na maibalik ang Alsace-lorraine sa bansang Pransya.
9. Kailangang magkaroon ng maayos na hangganan ang bansang Italya.
10. Kagustuhan na magkaroon ng determinasyon ang mga nakatira sa Austria –
Hungary.
11. Bigyan ng pagkakataon na makapagsarili ang mga bansang Balkan.
12. Bigyan ng kalayaan ang bansang Turkey sa kamay ng mga mananakop.
13. Bigyan ng kalayaan ang bansang Poland.
14. Pagtatag ng Liga ng mga Bansa.
Makalipas ang anim na buwan ay nilagdaan naman ang Treaty of Versailles noong
Hunyo 28, 1919 na opisyal na nagwakas ng Unang Digmaang Pandaigdig. Sa
kasunduang ito ay nakasaad ang mga sumusunod: pagbalik sa France ng Alsace at
Lorraine, pagsuko ng Germany sa lahat ng kolonya nito sa Africa at Asia, pagbabawal
sa Germany na bumili at lumikha ng mga armas pandigma, pagbabayad ng Germany
sa Allies ng 33 bilyong dolyar sa loob ng 30 taon. Ipinataw ng Allies ang
responsibilidad ng digmaan sa Germany at mga kaalyado nito.
Ang Liga ng mga Bansa

Itinatag ito sa layuning maiwasan ang anomang alitan sa pagitan ng mga bansa
na maaaring maging dahilan muli ng digmaan. Layunin din nitong ayusin sa
mapayapang paraan ang di pagkakaunawaan ng mga kasaping bansa, mapalaganap
ang pandaigdigang pagtutulungan, lumakas ang kooperasyon ng mga bansa lalo na sa
usaping pangkalakalan. Hindi inaprubahan ng Kongreso ng Estados Unidos ang
pagsali ng kanilang bansa sa Liga. Nag-umpisa ang samahan na mayroong 42 lamang
na bansang kasapi. Matapos ang ilan pang mga taon, umakyat ang bilang ng mga
bansang kasapi nito sa 59. Ang Great Britain at France ang pangunahing bansang
gumabay sa pagtatayo ng polisiya ng mga Liga ng mga Bansa. Ang Italy at Japan ang
tumayong Konseho ng samahan. Ang mga ilan sa nagawa ng Liga ng mga Bansa ay
ang pagpigil ng maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden noong 1920,
Bulgaria at Greece noong 1925 at Colombia at Peru noong 1934. Namahala din ito sa
rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan. Nagsimula na itong manghina
nang tumiwalag ang Japan dahil sa pananakop nito sa Manchuria na teritoryo ng
China. Maging ang paglimita sa mga sandata ng mga bansa ay hindi sinunod ng ilang
kasapi sa pangambang madali silang matatalo kung sakaling lusubin sila ng kalabang
bansa.
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang naging hudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Bakit di nagtagumpay ang Schliffen Plan ng Germany?

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 9

3. Bakit napilitan na makisangkot ang United States sa digmaan?


4. Ano-ano ang mga hakbang na isinagawa ng mga pinuno ng bansa upang
wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig?
5. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang di pagpapahintulot sa mga natalong
bansa na maging kabahagi sa paglulunsad ng Peace Conference?
6. Ano-ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig?

 May apat na dahilan ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig:


Militarismo, Nasyonalismo, Imperyalismo at Pagtatatag ng mga Alyansa.
 Nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Hulyo 27, 1914 hanggang
Nobyembre 11, 1918.
 May dalawang alyansang nabuo mula sa pagkakampi kampihan ng mga bansa
sa Europa. Ito ay ang Triple Entente at Triple Alliance.
 Ang mga bansa sa alyansang Triple Entente ay ang France, Britain, Russia.
 Ang mga bansa sa alyansang Triple Alliance ay ang Germany, Austria-Hungary,
Italy.
 Inggit, hinala at pangamba ay mga makapangyarihang emosyon na nangibabaw
sa mga bansa sa Europa kaya humantong sa pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig ang mga bansa nito.
 Ang pangmadaliang dahilan ng pagsiklab ng digmaan ay ang pagsiklab ng
labanan sa Balkan at ang pataksil na pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand.
 Magkalabang pangkat sa digmaan ang Central Powers na binubuo ng Germany,
Austria-Hungary, Bulgaria at Imperyong Ottoman at ang Allied Powers na
kinabibilangan ng Great Britain, Russia at France.
 Napilitang lumagda sa Treaty of Versailles ang Germany na opisyal na
pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
 Ang pagkakabuo ng Liga ng mga Bansa ay naglalayon na isulong ang
kapayapaan at pagtutulungan ng mga bansa.
 Ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagkamatay ng milyong
katao sanhi ng gutom, sakit at paghihirap. Maraming imprastraktura at ari-
arian ang nasira na nagdulot ng paghina ng lipunan at kabuhayan.

Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
graphic organizer na inilaan para sa gawain
A. Paglagda ng Russia sa Treaty of Brest-Litovsk
B. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand
C. Paglagda ng mga pinuno ng bansa sa Treaty of Versailles
D. Pinalubog ang barkong Lusitania
E. Nagdeklara ng digmaan ang Austria-Hungary sa Serbia
F. Pagtatag ng Liga ng mga Bansa
G. Nagdeklara ang US ng digmaan sa Germany
H. Bumaba sa pamumuno ang Czar ng Russia
I. Sinakop ng Germany ang Belgium
J. Nagdeklara ng digmaan ang Great Britain sa Germany

S
I UNANG
M DIGMAANG
U PANGDAIGDIG
L
A

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 10

Panuto: Basahing mabuti ang mga inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. 1. Tawag sa alyansang nabuo ng Germany, Austria-Hungary at Italy.
a. Triple Alias c. Triple Alliance
b. Triple Allies d. Triple Entente
2. Tawag sa alyansang nabuo ng France, Britain at Russia
a. Triple Alias c. Triple Alliance
b. Triple Allies d. Triple Entente
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Nasyonalismo ng mga
mamamayan ng isang bansa?
a. Pagmamalaki sa bansang sinilangan at kinalakihan.
b. Pag-iwas sa makadayuhang kaisipan.
c. Pagtangkilik sa mga produkto ng sariling bansa.
d. Wala sa mga nabanggit.
4. Tawag sa pananakop ng isang lugar upang lumawak ang teritoryo at magamit
ang mga yaman nito.
a. Imperyalismo c. Terorismo
b. Kolonyalismo d. Militarismo
5. Taon kung kailan sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig
a. 1841 c. 1941
b. 1914 d. 1948
6. Kasunduan na opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.
a. Treaty of Brest-Litovsk c. Treaty of Tordesillas
b. Treaty of Nanking d. Treaty of Versailles
7. Tawag sa pagkakampihan ng mga bansa.
a. alyansa c. sabwatan
b. kumpederasyon d. organisasyon
8. Bansang kaalyado ng France at Russia.
a. Austria-Hungary c. Great Britain
b. Germany d. Italy
9. Kasunduan na nilagdaan ng Russia at Germany.
a. Treaty of Brest-Litovsk c. Treaty of Lisbon
b. Treaty of European Union d. Treaty of Versailles
10. Pampasaherong barko ng Britain na pinalubog ng Germany.
a. Lusitania c. U Boat
b. Trinidad d. Victoria

Nakatutuwa at natapos mong sagutan ang ating mga Gawain. Ngayon naman
ay maipapakita mo ang iyong pagiging malikhain. Gumuhit ka ng isang poster tungkol
sa paksang “Imahinasyon ko sa Mapayapang Mundo”, maaaring pakinggan mo ang
awitin ni Bayang Barrios na may pamagat na Mapayapang Mundo upang mabigyan ka
ng inspirasyon habang gumuguhit.
Kraytirya sa Paggawa ng Poster Puntos
Angkop sa Konsepto ( 1-5 )
Malikhain ( 1-5 )
Presentasyon ( 1-5 )

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN

PALASAGUTANG PAPEL- WEEK 1 & 2


Pangalan_________________________________________Petsa: _________________
Pangkat ________ Guro ____________________________Iskor: _________________
ARALIN 1: Unang Digmaang Pandaigdig

Paunang Pagususulit Balik Tanaw


1. 6. 1.
2. 7. 2.
3. 8. 3.
4. 9. 4.
5. 10. 5.

Gawain A: MAPA -NURI KA BA?


Panuto: Suriin mo ang mapa ng Europa noong 1914. Kumuha ng gamit pangkulay at
kulayan ang mga bansang kabilang sa mga alyansa. Kulayan ng Luntian ang mga
bansa na kabilang sa Triple Entente. Kulayan naman ng Bughaw ang mga bansa na
kabilang sa Triple Alliance.

https://www.twinkl.com/illustration/1914-alliances-colour-map-countries-europe-first-world-war-history-secondary-

Pamprosesong Tanong:

1. _____________________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________________________

3. ______________________________________________________________________________

4. ______________________________________________________________________________

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2


ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN

Gawain B: PUZZLE OF INFORMATION


1 2

3 4

5 6
7 8

9 10

Pag-alam sa Natutuhan

S
I
M
UNANG
U DIGMAANG
L PANGDAIGDIG
A

Panghuling Pagsusulit

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Pagninilay

8 AP 8 -Qtr 4-Week 1 & 2

You might also like