You are on page 1of 15

Ikatlong Markahan – Modyul 7

Ang Rebolusyong Pranses

Mary Franz Bien

Project of Schools Division Office of Catanduanes


CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION

8 i
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Schools Division Superintendent: SUSAN S. COLLANO, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent: MA. LUISA T. DELA ROSA

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: RUBY S. TAULE- Teacher I (San Miguel RDHS- Mabato)


DJAN CRISTINE T. BERNAL- Teacher I (San Miguel RDHS)

Editor: TERESA T. CAMU- Head Teacher III (Catanduanes NHS)


JUPITER L. TORNO- Teacher III (Catanduanes NHS)
AUGUSTO R. VARGAS- Master Teacher II (VPES-SSES)
RUTH B. BOHAYO- Head Teacher I (Cabugao IS)
IMELDA T. MENDOZA- Master Teacher I (San Miguel RDHS)

Tagasuri: CYNTHIA T. SONEJA- Education Program Supervisor

Tagaguhit:
Tagalapat: JOHN ANTHONY F. ROMERO- Teacher II (Catanduanes NHS)
KEVIN M. ESCOBIDO- Teacher III (Calatagan HS)

ii
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7


ANG REBOLUSYONG PRANSES

SIMULAN NATIN!
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang tungkol sa Rebolusyong
Amerikano. Natunghayan natin ang mahalagang pangyayaring
naganap at nagpabago sa sistemang political ng lipunan. Kaya’t
muli kitang iniimbitahan na patuloy na makiisa upang mas higit pa
nating maunawaan ang mga pangyayari na nakatulong sa transpormasyon ng
daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga
ito sa kasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong
sa pagharap sa pagbabago ng daigdig.

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang sanhi, at bunga ng Rebolusyong Pranses


2. Natatalakay ang mahahalagang kaganapan sa Rebolusyong Pranses

TALAHULUGAN
Narito ang ilan sa mga mahahalagang salita na makakatulong sa
iyo upang lubos mong maunawaan ang paksang tatalakayin.

a. Divine Rights Theory- ito ay isang paniniwala na ang kapangyarihan ng


isang hari ay nagmula sa kanilang Diyos para pamunuan ang bansa.
b. Declaration of the Rights of Man- binibigyan ang mga Frances ng ideya
ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran.
c. Guillotine- makinaryang ginamit sa pagpapatupad ng parusang
kamatayan sa pamamagitan ng pagputol ng ulo ng hahatulan.
d. Napoleonic Wars- digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na
naglayong pag- isahin ang buong France.
e. French Revolution- rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses na
naglayong magkaroon ng pagkakapantay- pantay, pagkakaisa at
kalayaan.

1
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

PANIMULANG PAGSUBOK
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
wastong sagot. Isulat ang titik lamang ng wastong sagot.

1. Alin sa sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses?


A. Pagtanggal ng sistemang piyudal
B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatan ng Tao”
C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika
D. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay at
pagkakapatiran

2. Anong pangkat ng tao sa Pransiya ang nakilala noong ika-18 siglo na


naniniwala na ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspeto ng
buhay?
A. Logicians C. Philosophes
B. Naturalist D. Scientists

3. Ano ang naging dahilan ng paghimagsik ng mga Pranses?


A. Nais nilang palitan ang kanilang Hari.
B. Hangad nila ang kalayaan ng kanilang bansa.
C. Dahil ninais nilang magkaroon ng pagbabago sa kanilang lipunan.
D. Ayaw nila sa ilang patakaran na ipinatutupad ng kanilang Monarko

4. Bakit mahalaga ang pagbagsak ng Bastille?


A. Lumaya sa kamay ng mananakop ang mga Pranses
B. Ito ang naging simbolo ng pagkapanalo ng mga Pranses.
C. Ito ang nagingdaan sa pagkamit ng tagumpay ng mga Pranses.
D. Ito ang naging hudyat na ang mga tao ay nais ng pagbabago sa
pamahalaan.

5. Bakit mahalaga ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa


Rebolusyong Pranses?
A. Nagdulot ito ng kawalan ng pagkakaisa
B. Naging hadlang sap ag-unlad ng pranses.
C. Humina ang pagnanasang lumaya ang mga kolonya.
D. Naging inspirasyon ang Rebolusyong Pranses ang Rebolusyong
Pangkaisipan sa Europa.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:


Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon
tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga
kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na
inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang
pinakatiyak ng layunin ng bahaging ito ay matutunan mo bilang isang mag-
aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa Rebolusyong Pranses.
Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang

2
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

masagot ang katanungan kung bakit naganap ang Rebolusyong Pranses.


Halina’t umpisahan mo na muli ang iyong pag-aaral.

REBOLUSYONG PRANSES: ANG PAMUMUNO NG


KARANIWANG URI

Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses

Ano ang mga salik na nagbigay-daan sa Rebolusyong Pranses? Ilan sa


mga ito ang kawalan ng katarungan ng rehimen, oposisyon ng mga intelektuwal
sa namamayaning kalagayan, walang hangganang kapangyarihan ng hari,
personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga
pinuno, at krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan.

Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789

Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis


XVI, isang Bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay
itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat ang
kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang divine right
theory. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula
sa kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa.

Ang lipunang Pranses naman ay nahahati sa tatlong pangkat na


tinatawag na estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari at
ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo
ng mga maharlikang Pranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo
ng nakararaming bilang ng mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari
ng mga tindahan, mga utusan, guro, manananggol, doktor, at mga
manggagawa.

Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang France ng


malaking halaga para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang bumuo
ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di ibinibilang sa
mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag pa
rito ang magarbo at maluhongkaya patuloy ang paghihirap ng mga
pamumuhay ng hari at ng kaniyang pamilya bumubuo sa ikatlong estate.
Gayundin, ang maraming digmaan na sinalihan ng France kabilang na dito
ang tagumpay na Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano ay umubos
ng pera para gamitin sa pangangailangan ng mga pangkaraniwang Pranses.

Ang Pambansang Asemblea

Upang mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi na kailangan ng


France nang panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang
pagpupulong ng lahat ng kinatawan ng tatlong estate noong 1789 sa
Versailles.

3
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil hindi


nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng pagboto. Dati, nagpupulong
nang hiwalay ang tatlong estate. Matapos nito’y saka pa lamang sila boboto.
Bawat estate ay may isang boto. Karaniwan na magkatulad ang boto ng una
at ikalawang estate.

Dahil dito humiling ang ikatlong estate laban sa ikatlong estateestate


kaya naman laging talo ang huli. na malaking bilang ay mga bourgeoisie na
ang bawat delegado ng asemblea ay magkaroon ng tig-iisang boto. Sapagkat
humigit-kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula sa ikatlong estate,
malaki ang kanilang pagkakataong maisakatuparan ang nais na mga reporma.

Mula sa panukala ni Abbe Sieyes isang pari, idineklara ng ikatlong


estate ang kanilang sarili bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17,
1789. Inimbitahan nila dito ang una at ikalawang estate. Dahil na rin sa
panunuyo ng ikalawang estate, itinuloy pa rin ni Haring Louis XVI ang
magkahiwalay na pagpupulong. Isinara ang lugar na dapat sana’y
pagpupulungan ng ikatlong estate kung kaya’t sila ay nagtungo sa tennis court
Maraming mga pari at ilang ng palasyo. noble ang sumama sa kanila at
hiniling sa hari na bumuo ng isang konstitusyon at nanindigang hindi aalis
hangga’t hindi naisakatutuparan ang kanilang layunin.

Matapos ang isang linggo’y ibinigay ng hari ang hiling ng ikatlong estate
nang kanyang ipag-utos na sumama ang una at ikalawang estate sa
pambansang asemblea. Maituturing ang pangyayaring ito ng unang
pagwawagi ng ikatlong estate.

Ang Tennis Court Oath na nangyari sa Versailles, France

Ang Pagbagsak ng Bastille

Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong


Asembliya. Noong Hunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette,
nagpadala ng mga sundalo sa Paris at Versailles ang hari upang payapain
ang lumalaganap na kaguluhan.

Ang desisyong ito ay lalong nagpaigting sa paglaganap ng rebelyon.


Isang malaking kaguluhan ang nangyari noong Hulyo 14, 1789 nang sugurin

4
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

ng mga galit na mamamayan ang Bastille. Ito ay isang kulungan ng mga


napagbintangan at kalaban ng kasalukuyang monarko sa kanyang
pamamahala. Pinakawalan ang mga nakakulong dito. Ang pagbagsak ng
Bastille ay palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng pagbabago sa
pamahalaan.

Lumaganap ang kaguluhan sa iba’t ibang panig ng France at tinawag


na mga rebolusyonaryo ang mga sumama sa pakikipaglaban. Sila’y binubuo
ng mga sundalong sinanay at handang ipagtanggol ang Asemblea. Karaniwan
silang nakasuot ng mga badges na pula, puti at bughaw na naging kulay ng
rebolusyon. Hanggang sa kasalukuyan ang mga kulay na ito ay
matatagpuan pa rin sa watawat ng bansang France.

Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran

Taong 1789 nang ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan


sa Asembleyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang bagong saligang-
batas. Ang pambungad na pananalita ng saligang-batas ay tungkol sa
Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan. Binigyang-diin nito
na ang lipunang Pranses na kinakailangang nababatay sa mga ideya ng
kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran.

Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang


napapayag si Louis XVI na pamahalaan ang Pransiya sa pamamagitan ng
bagong saligang-batas. Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga
maharlika ay nabawasan din at ang halalan para sa Asembleang bubuo ng
mga batas ay idinaos.

Primaryang Batis ng Kasaysayan

Agosto 27, 1789 nang isinulat ng mga Pranses ang Declaration of the
Rights of Man. Ilan sa mga prinsipyong nakapaloob dito ay makikita sa apat
na kahon. Unawain ang mga kaisipang nakapaloob sa bawat kahon at
sagutin ang mga tanong tungkol dito.

The aim of the


government is the Men are born and remain
preservation of the rights free and equal in rights…
of man…

Every man is presumed Law is the expression of


innocent until proven the general will (of the
guilty… people).

5
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

Ang Pagsiklab ng Rebolusyon

Maraming mga monarko sa Europa ang labis na naapektuhan sa


pagsiklab ng French Revolution. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon
ay lumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong
1792 ay nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang
talunin ang mga rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng
pakikipaglaban ay tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong
upang sila’y patigilin.

Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng


pamumuno ng isang abogadong nagngangalang Georges Danton.
Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na posibleng ang mga noble ng
France ay bumubuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang
muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong
pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari at ang mga sumusuporta sa
kanya ay pinatay sa pamamagitan ng paggamit ng guillotine. Tinawag ang
pangyayaring ito sa Pransiya bilang September Massacres. Noong Enero 1793
ay napugutan naman ng ulo ang haring si Louis XVI. Sa taong ding iyon ay
sinunod naman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunod-sunod
nitong pangyayari ay idineklarang isang Republika ang Pransiya.

Ang Reign of Terror

Marami sa mga bansa sa Europa kabilang na ang Britanya ay sumama


na sa digmaan laban sa Pransiya. Malaking bilang ng mga nakababatang
kalalakihan ang pinuwersang sumama sa hukbong sandatahan upang idipensa
ang bagong republika. Noong Abril 1794 ay binuo ng mga rebolusyonaryo ang
isang pansamantalang pamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety.
Ang pinakamabisa at aktibong miyembro rito ay ang isang manananggol na si
Maximilien Robespierre, isang masidhing republikano.

Ang manananggol na si Maximilien Robespierre

Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang maipagpatuloy ang


rebolusyon ay ang pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos sa mga
kaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay sa
pamamagitan ng guillotine at tinawag ang panahong ito bilang Reign of
Terror.Umabot sa 17,000 katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794
at may 20,000 naman ang mga namatay sa mga kulungan.

Ang France sa ilalim ng Directory

Taong 1794 nang humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at


nakuha ng mga moderates ang pamamahala. Kabilang sa mga pinunong
extremists ng Rebolusyon gaya nina Danton at Robespierre ay pinatay rin sa
pamamagitan ng guillotine. Napagwagian naman ng France ang kaniyang
pakikidigma sa mga bansang Europa kaya ang mga ito ay lumagda ng
kasunduan sa kaniya maliban sa Britain.Taong 1795 nang ang Republika ng

6
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

Pransiya ay gumamit ng bagong saligang-batas na ang layunin ay magtatag


ng isang Direktoryo na pinamumunuan ng limang tao na taun taon ay ihahalal.

Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay. Ito’y sa dahilang ang


pamahalaan ay naubusan ng pera. Samantala, iba’t ibang pangkating
pampolitika ang nagnais na hawakan ang pamamahala at maraming tao ang
nais na bumalik sa monarkiya.

Ang Pagiging Popular ni Napoleon

Kailangan ng France ng isang malakas na lider matapos ang rebolusyon,


kaya noong 1799 ang pinakapopular at matagumpay na heneral, si Napoleon
Bonaparte ay nahirang na pinuno. Sa panahon ng kaniyang pamumuno ay
nasakop niya ang malaking bahagi ng Europa at kinilalang Emperor Napoleon
I noong 1804. Ang kaniyang hukbo sa kanilang pananakop ay naging mga
disipulo ng mga ideya ng Rebolusyong Pranses, ang kalayaan, pagkapantay-
pantay at kapatiran.

Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay lumaganap sa Europa. Ang mga


ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyang pampoltika gaya ng
republikanismo at ng mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng sistemang
metriko sa pagsukat. Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago
sa pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang Republikang pamahalaan.

Ang Napoleonic Wars

Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte


na naging pinuno ng France noong 1799 at nagtangkang ipakilala ang
kaniyang ideya ng pamahalaan sa buong Europa. Ang Napoleonic Wars ay
serye ng mga digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte. Ang digmaan
ay nagwakas nang si Napoleon ay natalo sa Digmaan sa Waterloo noong
1815.

Mga Pangunahing Dahilan ng Digmaan

Ang digmaang Napoleonic ay nagsimula sa panahon ng Rebolusyong


Pranses. Nagtagumpay ang mga rebolusyonaryo na mapaalis at mapahina
ang kapangyarihan ng hari sa France at maitatag ang isang Republika. Dahil
sa pangyayaring ito ay nagkaroon ng takot ang iba pang mga monarko sa
napipintong paglaganap ng rebolusyon na posibleng magpabagsak sa
kanilang mga pamumuno.
Noong 1792 ay nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng
hukbong sandatahan upang lusubin ang France. Natalo sila ng mga
rebolusyonaryong Pranses kaya sa pananaw nila ang mabuting paraan para
madepensa ang rebolusyon ay palaganapin ito sa karatig- bansa. Noong 1793
ay nagsimulang lusubin ng mga rebolusyonaryong Pranses ang Netherlands.
Upang mapigil ang papalakas na puwersa ng mga Pranses ay minabuti ng
Britanya, Espanya, Portugal, at Russia na sumali sa digmaan.

7
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

Ang Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon

Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europa ay nanatili ang lakas ng


Frances sa pakikihamok sa kalupaan at ang mga British naman ay sa
katubigan. Nagbago lang ang sitwasyon ng naging kilala ang kakayahan bilang
pinunong heneral ni Napoleon Bonaparte.

Ang tagumpay ng mga digmaang inilunsad ni Napoleon sa Europa ay


naipapanalo niya sa mga labanan sa katubigan at di sa kalupaan. Noong1805
ay nasakop niya ang Hilagang Italya, Switzerland at ang Timog Germany.
Tinalo niya ang mga Austrians sa Battle of Ulm at ang pinagsanib na puwersa
ng mga Austrians at Russians sa Battle of Austerlitz. Taong 1806 nang durugin
ng puwersa ni Napoleon ang hukbo ng mga Prussian sa Battle of Jena at sa
kabuuan ay kaniyang nasakop ang Gitnang Germany na nakilala bilang Rhine
Confederation.

Patuloy niyang sinakop ang iba pang bahagi ng Italya. Noong 1807 ay
tinalo niya ang puwersa ng mga Ruso sa niya nang lumaon ang Poland.
Napilitan ang mga Ruso na makipagkasundo Battle of Friedland. Nakontrol din
sa France. Sinunod naman niya ang pagsakop sa Espanya at Portugal. Halos
sa huling bahagi ng 1807 ay nakapagtayo at napalawak na ni Napoleon ang
Imperyong Pranses sa Kanlurang Europa. Tanging ang Britanya na lamang
ang nakikipagdigma sa France. Dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Napoleon
ay nagtatag siya ng mga bagong pamahalaan at pinuno. Karamihanay
miyembro ng kanyang pamilya. Isa sa kanyang mga kapatid na lalaki, si
Joseph, ay itinalagang hari sa Naples noong 1806 at nang lumaon bilang hari
ng Espanya. Ang isa pa niyang kapatid na si Louis, ay naging hari sa Holland.
Ang mga bagong pinuno na ito ay nagpakilala ng mga reporma upang baguhin
at gawing modernisado ang mga kaharian.

Peninsula War (1808)

Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng


mga Pranses sa Espanya at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundalo
ang Britanya sa mga rebelde ngunit tinalo sila ng mga Pranses sa Espanya
kaya minabuti ng mga British na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Ang
bahagi na ito ng Napoleonic Wars ay naging kilala bilang Peninsular War sa
dahilang ang Espanya at Portugal ay nasa bahagi ng Europa na Iberian
Peninsula.

Ang Paglusob sa Russia (1812)

Napagdesisyunan ni Napoleon na lusubin ang Russia sa dahilang kapag


ito’y kaniyang masakop ay madali na niyang mapapasok ang Britain. Noong
1812 ay nagpadala si Napoleon ng 600,000 mga sundalo na binubuo Italyano
at ng mga Polish, Pranses German, upang lumaban sa Battle of
Borodino.Marami sa mga sundalong ipinadala ni Napoleon ang namatay sa
labanan at kinulang ang bilang ng mga sundalo na magpapatuloy ng paglaban.
Nakaabot ang hukbo ni Napoleon hanggang sa Moscow ngunit laking gulat nila
dahil wala silang naabutang tao dito nang sila’y dumating. Nang gabi ng

8
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

Setyembre 14 ay nagkaroon ng malaking sunog sa Moscow. Ang mga gamit at


tinitirhan ng mga sundalo ni Napoleon ay nadamay sa sunog kaya nawalan
sila ng pananggalang sa malamig na klima.

Ang Pagkatalo ng France

Napilitan si Napoleon na pabalikin ang kaniyang hukbo sa France dahil


sa nakamamatay na lamig sa Russia. Karamihan sa natirang mga sundalo na
kaniyang nakasama sa Battle of Borodino ay namatay naman sa kanilang
paglalakbay pagbalik sa France. Sila ay namatay dahil sa gutom, sa lamig ng
klima o napatay ng mga Russians. Mga 20,000 sundalong Pranses na lamang
ang nakabalik nang maluwalhati sa France. Habang abala sa pakikipaglaban
si Napoleon sa Russia ay sinamantala naman ng mga British ang Espanya at
nanalo sila ng maraming beses sa kanilang pakikipaglaban. Noong 1813 ay
nasakop ng mga British ang Timog France at ang pinagsanib na puwersa ng
mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa HilagangFrance. Napulbos ang
hukbo ng mga Pranses sa Digmaan sa Leipzig at untiunting bumagsak ang
imperyong itinayo ni Napoleon.

Nagwakas ang Imperyo ni Napoleon

Taong 1813 nang talunin ng pinagsamang puwersa ng Britanya, Austria,


Prussia at Russia ang emperador na Pranses na si Napoleon Bonaparte. Ang
imperyong binuo at itinatag ni Napoleon ay biglang bumagsak at siya ay
sumuko sa kaniyang nagbubunying kalaban. Si Louis XVIII, ang kapatid ni
Louis XVI (ang haring pinapatay nang panahon ng Rebolusyong Pranses) ang
naging hari ng France noong 1814 at si Napoleon ay ipinatapon sa isla ng
Elba, malapit sa kanlurang baybayin ng Italya.

Ang Duke ng Wellington, si Arthur Wellesly (kanan) ng puwersang British at si


Gebhard von Blucher (kaliwa) ng puwersang Prussia ay ang mga naging
pangunahing aktor sa pagpapahina ng puwersa ni Napoleon Bonaparte.

“Ang Sandaang Araw”

Nakatakas noong Pebrero 1815 si Napoleon sa Elba at Nakabalik sa


France. Nang ipahayag ang kanyang pagbabalik ay dali- dali siyang sinalubong

9
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

ng dati niyang mga sundalo. Bumuo na muli siya ng isang hukbo at nagmartsa
patungong Paris upang agawin ang trono sa haring si Louis XVIII.

Muling nagkaisa ang alyansang unang tumalo kay Bonaparte at


naglunsad ng digmaan laban sa kaniya. Nangyari ang labanan sa Waterloo na
matatagpuan sa Netherlands. Dahil sa pinagsamang puwersang military ng
Britain at Prussia, madaling natalo si Bonaparte. Hunyo 22 nang sumuko si
Napoleon sa mga British. Natapos na rin ang kanyang “ Isang Daang Araw.”
Siya ay ipinatapon sa isla ng St. Helena. Ito ang lugar na kaniyang kinamatayan
noong 1821 na batay sa mga bagong pagsusuri ay dahil sa arsenic poisoning.
Si Haring Louis XVIII ang naluklok na emperador ng France pagkatapos na
maipatapon si Napoleon sa St. Helena.

Haring Louis XVIII

Bunga ng Rebolusyon

Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa kasaysayan ng


daigdig. Sang-ayon sa mananalaysay na si John B Harrison, ‘Tulad ito ng
kahon ni Pandora na nang mabuksan ay nagpakawala ng mga kaisipang
nakagimbal at nakaimpluwensiya sa halos ahat ng sulok ng daigdig.’ Ang
simulain ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran, bagaman iba-
iba ang naging pagpapakahulugan ang naging tanglaw ng maraming mga
kilusang panlipunan, politikal at pangkabuhayan.
Pinagkunan: Project EASE Araling Panlipunan III Modyul

10
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

PAGSASANAY 1
DATA RETRIEVAL CHART
Punan ang Data Retrieval Chart ng datos na nakalap mula sa
tekstong binasa. Isulat ito sa kwaderno.

SANHI AT BUNGA

KAGANAPAN SANHI BUNGA

Pagkaubos ng
Yaman ng
Pamahalaan ng
France
Pagbuo ng
pambansang
assembleya

Pagbagsak ng
Bastille

Ang Reign of
Terror

Napoleonic Wars

PAGSASANAY 2
TURN –BACK TIME (TIMELINE PLOTTING)
Bumuo ng timeline tungkol sa mahahalagang pangyayaring
naganap sa Rebolusyong Pranses kasama ang digmaang
Napoleonic. Itala ang mga mahahalagang pangyayaring nagtulak
sa pagusbong ng Rebolusyong Pranses kasama na ang pagtatapos nito.
Maaaring maglagay ng mga personalidad upang higit na maging malinaw ang
timeline. Gagamitin ang kasunod na rubric upang maging batayan ng
pagmamarka sa ginawang timeline. Gawin ito sa hiwalay na papel.

11
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

PANGWAKAS NA PAGSUBOK
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
wastong sagot. Isulat ang titik lamang ng wastong sagot.

1. Bakit naghimagsik ang mga Pranses?


A. Nais nilang palitan ang kanilang hari.
B. Hangad nila ang kalayaan ng kanilang bansa?
C. Dahil ninais nilang magkaroon ng pagbabago sa kanilang lipunan.
D. Ayaw nila sa ilang patakaran na ipinatutupad ng kanilang Monarko.

2. Ano ang kahalagahan ng pagbagsak ng Bastille?


A. Ito ang simbolo ng pagakapanalo ng mga Pranses.
B. Lumaya sa kamay ng mananakop ang mga Pranses.
C. Ito ang naging daan sa pagkamit ng tagumpay ng mga pranses.
D. Ito ang naging hudyat na ang mga tao ay nais ngpagbabago sa
pamahalaan.

3. Paano ipinaglaban ng mga ordinaryong tao ang kanilang karapatan bilang


mamamayan ng France?
A. Nagtatag sila ng bagong pamahalaan
B. Itinatag nila ang pambansang Asembleya.
C. Hindi nila kinilala ang monarko nilang pamahalaan.
D. Namundok ang mga tao na salungat sa pamahalaan

4. Ano ang iniwang aral ng Rebolusyong Panses?


A. Nabuo ang konsepto ng kalayaan, pagkakapantay- pantay at kapatiran.
B. Pinalakas nito ang loob ng ibang bansa na sumalungat sa pamahalaan.
C. Nagpatupad ng mga patakaran na nagsusulong ng karapatan ng mga tao.
D. Ginaya ito ng ibang bansa na labanan din ang mga patakaran ng
pamahalaan.

5. Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong


Pranses?
A. Nagdulot ito ng kawalan ng pagkakaisa
B. Naging hadlang sap ag- unlad ng Pranses.
C. Humina ang pagnanasang lumaya ang mga kolonya.
D. Naging inspirasyon ang rebolusyong Pranses ang Rebolusyong
Pangkaisipan sa Europa.

KARAGDAGANG GAWAIN:
PAGSUSURI SA AKING NATUTUHAN
Naunawaan mo sa bahaging ito ang mga mahahalagang
pangyayari, hamon, at tugon sa mga nangyari sa Rebolusyong
Pranses. Sa pagtatapos ng iyong pag- aaral, punan ng angkop
na impormasyon ang kasunod na chart batay sa paksang pinag-
aralan.

12
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan- Modyul 7- Linggo 7- Ang Rebolusyong Pranses
SDO- Catanduanes

Ang aking mga natutunan sa araling Madali kong naisakatuparan ang


ito ay gawain tulad ng
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
___________ ___________
Ang aking mga tanong sa araling ito Nahihirapan ako na pagtagumpayan
ay ang mga gawain tulad ng
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
___________ ___________

MGA SANGGUNIAN:
• Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15
• https://sportdocbox.com/107163700-Cheerleading/Effective-and-
accessible-secondary-education.html
• https://docplayer.net/65664552-Modyul-3-pag-usbong-ng-
makabagong-daigdig-transpormasyon-tungo-sa-pagbuo-ng-
pandaigdigang-kamalayan.html
• https://www.google.com/search?q=Arthur+Wellesley&tbm=isch&source
=iu&ictx=1&fir=ZkYthwbhs3P_UM%252Cx1-
vdyn5_M68HM%252C%252Fm%252F02c4s&vet=1&usg=AI4_-
kTkt_VsvwYXv4FnMfaJKymafE9UxA&sa=X&ved=2ahUKEwi37umLpb
vrAhUHVN4KHRDGCOsQ_B16BAgbEAQ&biw=1366&bih=657#imgrc=
Im0x7V0Bdjw5vM
• https://blog.catherinedelors.com/louis-xviii-and-napoleon-the-king-and-
the-emperor/

For inquiries or comments, please contact:

13

You might also like