You are on page 1of 12

8

Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan - Modyul 3 at 4

 Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal
 Rebolusyong Amerikano at
Pranses
Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment
Modyul 3
at Industriyal

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahan na ang mga mag-


aaral ay: Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng
Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal
Rebolusyong Siyentipiko
Ang agham ay hindi lamang naimbento sa panahon ng
Rebolusyong Siyentipiko, ito ay matagal ng ginagamit ng mga Greek
bilang “Scientia”na ang kahulugan ay “kaalaman”. Ika-16 at ika-17
na siglo ay ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko.
Simula rin ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasasid sa sansinukob. Ang
bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng
panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo.
Ang dating impluwensya ng simbahan sa pamumuhay at kaisipan
ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa mga paglathala ng
mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong
siyensiya”. Malaking tulong ang panahon ng katwiran (age of reason)
upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na ideya
at nabigyan ng bagong paglalarawan at katuturan ang lipunan.
Bagong Kaalaman (Rebolusyong Siyentipiko)
Geocentric View (Ptolemy) - Ang daigdig ang sentro ng kalawakan
at ang ibang mga heavenly body ay umiikot dito sa pabilog na
pagkilos.
Heliocentric View (Nicolaus Copernicus) - Hindi ang daigdig ang
sentro ng kalawakan kundi ang araw at ang daigdig ay umiikot sa
paligid nito.
Inductive Method (Francis Bacon) - Obserbasyon sa kalikasan at
pagsasagawa ng eksperimentasyon na ang layunin ay makabuo ng
pangkalahatang paliwanag o makatotohanang pangungusap
Deductive Method Isang pangkalahatang paliwanag o
makatotohanang pangungusap patutunayan ang isang hypothesis.
Panahon ng Enlightenment
Panahong tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europa
noong ika-18 na siglo, maari ding sabihing ito ay isang Kilusang
Intelektwal. Tinatawag din itong “Panahon ng Kaliwanagan.” Ang
Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon
ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng
katwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong
Middle Ages. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang mga
modernong ideya upang magsilbing pundasyon at mapaunlad ang
buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampulitika,
pangrelihiyon, edukasyon at sa sining. Ang mga intelektwal na ito ay
nakilala bilang mga “philosophe” o pangkat ng intelektwal na
humihikayat sa paggamit ng katwiran, kaalaman, at edukasyon sa
pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang
kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan
sa lipunan.
Bagong Pananaw (Panahon ng Enlightenment)
Natural Law (Thomas Hobbes) - Paniniwala na ang absolutong
monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
Meteorological Climate Theory (Baron de Montesquieu)
- Paniniwalang klima at pagkakataon ang nagtatakda ng anyo ng
pamahalaan.

Rebolusyong Industriyal
Naganap ang malaking pagbababago sa aspektong agrikultura
at industriya sa mga bansa sa Europe at America noong taong 1700
at 1800. Ang transpormasyong ito ay tinawag na Rebolusyong
Industriyal, inuugnay sa kaganapang panlipunan at pang
ekonomiya na humantong sa pagbabago mula lipunang agrikultural
at komersyo tungo sa modernong lipunang industriyal. Panahon na
kung saan ang mga tao ay nagpasimula ng gumamit ng mga
makabagong kagamitan gaya ng makinarya na nagbigay ng
malaking produksyon sa bansa, karagdagan kita at pamilihan ng
kanilang mga yaring produkto.

Bagong Tuklas (Rebolusyong Industriyal)


Steam Engine (James Watt) - Makinang ginamit upang
madagdagan ang supply ng enerhiya sa mga pabrika.
Cotton Gin (Eli Whitley) - Ginamit para sa madaliang paghihiwalay
ng buto ng bulak sa hibla nito.
Flying Shuttle (John Kay) - Nagpapabilis sa pag-rolyo ng sinulid.
Power Loom (Edmund Cartwright) - Nagpapabilis sa pagtaas ng
produksyon.
Water Frame - Paggamit ng tubig upang mapabilis ang paggawa ng
tela.
Telegraph (Samuel F.B. Morse) - Nagpaunlad sa sistema ng
komunikasyon.

Ang muling pagkatuklas sa agham ang mga Griyego ay


nagbigay-daan upang matutuhan ng mga paham ang mga tuklas ng
mga sinaunang iskolar. Ang mga tuklas an lupain sa ibayong dagat
ay nagpakilala sa mga bagong lupain, bagong tao, mga hayop at
halaman. Ang mga ito ang naging sandigan ng pagkatuto at
kaalaman.
Nagsimulang pagmasdan ng tao ang kanyang kalikasan at
unawain ang mga batas nito. Ang mga obserbasyon ay nagdulot ng
mga bagong katanungan at teorya. Natutuhan ng mga tao na
tanggapin lamang ang mga ideya na napatunayan ng mga
ebidensya.Ang mga pagbabagong ito ay gawa hindi lamang ng isang
tao ngunit ito ay kabuuang epekto ng mga tuklas ng maraming tao.
Isa na rito si Nicholas Copernicus (1473-1543), isang iskolar
mula sa Poland. Sinabi niya na ang daigdig ay umiikot sa kanyang
axis. Ang kanyang aklat ay naitala sa Index Copernicus at
ipinagbawal na basahin dahil naniniwala ang simbahan na ang
kanyang teorya ay taliwas sa kanilang aral.
Pinatotohanan ni Galileo Galilei (1571-1630) ang teorya ni
Copernicus. Sa tulong ng teleskopyo na kanyang naimbento,
kanyang naobserbahan na ang sinag sa buwan ay repleksyon na
nagmumula sa araw. Tinawag si Galileo na isang erehe (taong
tumatanggi sa mga doktrinang ipinag uutos ng kanyang simbahan)
at ikinulong hanggang sa mapilitan siyang bawiin ang kanyang
teorya.
Noong ika-17 hanggang ika-19 na dantaon, muling nag-alab
ang mga kilusan sa pag-unlad ng agham. Nakaimpluwensya ito
nang malaki sa takbo ng kasaysayan. Binigyang-pansin ng mga tao
ang masusing pagsasaliksik sa ibatibang bahagi ng agham tulad sa
medisina, astronomiya, biology at iba pa.
Sa talaan, nangunguna ang siyentipikong si Sir Isaac Newton.
Mula pa sa kanyang pagkabata, mahilig na siyang sumuri sa ibat-
ibang bagay tulad ng bakit lumilipad ang sarangola at kung paano
napapatakbo ang orasang tubig. Ang kanyang pag-aaral ay
nagbunga, nagkaroon ng bagong sangay ng matematika, ang
calculus na sa pamamagitan ng pagkwenta ay nabigyan katwiran
ang mga nangyayari sa kapaligiran ayon sa batas ng kalikasan.
Sa larangan ng medisina, nakilala si William Harvey.
Itinuturing na nagpasimula sa makabagong medisina. Pinag-aralan
niya ang sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan. Napag-alaman
niya ang paraan ng pag grado ng dugo kapag ito ay tumataas o
bumababa.
Pinasimulan naman ni Edward Jenner ang paniniwala na
ang bawat bahagi ng katawan ay may sariling halaga at tungkulin
dapat gampanan. Ang bakuna na panlaban sa sakit ang
pinakamahalagang natuklasan niya. Dito nagsimula ang ideya ng
pagbabakuna.
Natuklasan naman ni Louis Pasteur na mikrobyo ang dahilan
ng mga sakit na maaring patayin ng karampatang gamot na
tinatawag na antibiotic. Napag-alaman niya ito sa pamamagitan ng
pag-aaral kung bakit napapanis ang alak. Nabatid din niya ang
gamot sa rabies na galing sa kagat ng asong ulol at ang paraan ng
pasteurization.
Ang teorya ng ebolusyon ni Charles Darwin. Batay dito, ang
lahat ng kasalukuyang hayop at halaman ay nagmula sa mga unang
hayop at halaman na nabubuhay at nag-aanak ng susunod na
lahing kahawig niya. Pinatutunayan din sa pamamagitan ng natural
seleksyon ay naiaangkop ng mga hayop at halaman ang kanilang
sarili sa kapaligiran na mababasa sa kanyang aklat na “On the
Origin of the Species.”
Hinirang na “Ama ng Kemistri” si Antoine Lavoisier.
Pinagaralan niya ang resulta kapag ang isang bagay ay nasusunog.
Kung metal ang nasusunog ay mabigat ang abo sapagkat humahalo
dito ang oxygen na galing sa hangin samantalang ang abo ng
nasusunog na bahay ay magaan at sumasama sa hangin.
Mga Imbensyon sa larangan ng industriya, komunikasyon,
transportasyon at agrikultura
STEAM ENGINE (James Watt) - Makinang ginamit upang
madagdagan ang supply ng enerhiya sa mga pabrika.
COTTON GIN (Eli Whitney) - Ginamit para sa madaliang
paghihiwalay ng buto ng bulak sa hibla nito.
TELEGRAPH (Morse Code) (Samuel F.B. Morse - Kalipunan ng
mga hudyat na may mga gitling at tuldok na ginagamit sa
pakikipag-ugnayan.
WIRELESS TELEGRAPH (Guglielmo Marconi) - Ginagamit para
magpadala ng mensahe na hindi gumagamit ng kawad ng kuryente.
Eroplano (Wilbur at Orville Wright) - Sasakyang panghimpapawid.
Ang sumusunod na disenyo ay naging malaking tulong sa
transportasyon, komersyo at digmaan.
Steam boat (Robert Fulton) - Sasakyang pangdagat na may
malalaking gulong na sumasagwan at pinaandar ng steam engine.
Seed Drill (Jethro Tull) - Makinang hilahila ng kabayo na
awtomatikong nagtatanim ng mga buto sa isang tuwid na hanay.
REAPER (Cyrus McCormick) - Makinang ginagamit sa pagbungkal
ng lupa.
FLYING SHUTTLE (John Kay) - Nagpapabilis sa pag-ikid ng
sinulid.
PAGSULPOT NG MAKABAGONG PILOSOPIYA
Rene Descartes ang unang makabagong pilosoper. Ang
kanyang “I think therefore I am” ay nagpapakita na ang pagkilala
sa sarili ay pangunahing prinsipyo.
Sinabi niyang dapat mag isip ang tao para sa kanyang sarili at
sa tulong ng katwiran at ng isipan, mapapatunayan ng tao ang
kanyang kahalagahan sa lipunan.
Voltaire ay isang manunulat, makata, at mananalaysay.
Mahigpit ang kanyang pagpuna sa mga pagmamalabis ng mga
institusyon, lalo na ng simbahan. Naniniwala siyang ang mga tao ay
may karapatang pangasiwaan ang kanilang gobyerno ayon sa batas
ng katarunungan, katwiran at budhi.
Denis Diderot ay isang manunulat na French na may
kaisipang liberal. Siya ay patnugot ng Encyclopédie. Itinala niya rito
ang mga di tamang patakaran at gawain ng estado at simbahan,
binigyan niya ng pansin lalo na ang pang-aalipin at ang kawalang
kalayaang pumili ng relihiyon. Sa tulong ng kanyang aklat,
nabuksan ang natutulog na damdamin ng taong-bayan.
Sa aklat na Social Contract na sinulat ni Jean-Jacques
Rousseau, nabuksan ang prinsipyong demokrasya. Ang aklat ay
tumatalakay sa mga katangian ng mabuting pamahalaan. Ayon sa
kanya, walang natural na karapatan ang sinumang taong
pamahalaanan ang kanyang kapwa tao. Ang kapangyarihang
pampulitika ay nasa kamay ng taong -bayan at dapat lamang na
sundin ng lahat ang mga batas na sila rin ang may gawa.
Ipinakilala ni Montesquieu, na isang mataas na hukom ng
France, ang bagong patakaran sa organisayon ng isang
makatarungang pamahalaan sa kanyang Spirit of the Law. Ayon sa
kanya dapat ay magkaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan,
tagapangasiwa,mamabatas at hukuman upang ang tatlong sangay
ay magtulungan at magsuri sa kanilang mga gawain o checks and
balances.
Sumulat ng dalawang aklat si John Locke, ang Two
Treatises of Government at Letter on Toleration. Ito ay may
malaking impluwensya sa paggawa ng saligang batas. Kinatigan
niya ang paniniwala na ang kapangyarihang pulitikal ay wala sa
hari kundi nasa taong-bayan. Kapag ang hari ay nagmalabis sa
kanyang kapanyarihan, may karapatan ang mga mamamayan na
bawiin ang nasabing kapangyarihan sa kanya.
Sa aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the
Wealth of Nations” ni Adam Smith, kanyang iniambag ang bagong
kaisipan ukol sa ekonomiya. Ang pangunahing prinsipyo nito ay ang
Laissez-faire (huwag makialam). Batay sa prinsipyong ito, hindi
dapat makialam ang pamahalaan sa mga pang-ekonomiyang gawain
ng tao sapagkat may likas na batas na magpapasya kung ano ang
halaga ng mga salik ng produksyon.
Cesar Beccaria, sa kanyang aklat na Crime and
Punishment, ay kinondena ang paggamit ng matinding parusa lalo
na ang parusang kamatayan. Sinabi niyang dahil sa malabis na
pagpahirap maaring aminin ng isang tao ang krimen kahit hindi
siya ang maysala. Sinuportahan ni Beccaria ang paggamit ng
siyentipikong imbestigasyon at ang pagpigil ng krimen sa
pamamagitan ng edukasyon.
Epekto ng Enlightenment, Rebolusyong Siyentipiko at
Industriyal
Rebolusyong Siyentipiko
 Ang mga kaalaman sa medisina ay nakatulong sa pagpapabuti sa
kalidad ng paglawak ng kaalaman at pang-unawa ng tao sa
pamumuhay.
 Nagdala nang malawakang pagbabago sa pamumuhay ng tao.
 Lumawak ang kaalaman at pagunawa tungkol sa mundo.
 Natutuhan ng tao na magtanong at mag usisa sa mga
bagaybagay at hindi lamang maniwala sa mga nakagisnang
sulatin ng mga sinaunang nag-aaral ng siyensa.
Panahon ng Enlightenment
 Ginamit ang mga modernong ideya upang mapaunlad ang buhay
ng tao sa larangan ng: pangkabuhayan, pampolitika,
pangrelihiyon, edukasyon at sining.
Rebolusyong Industriyal
 Nagdulot ng malaking produksiyon
 Nagdulot ng malaking yaman sa maraming entreprenyur.
 Paglitaw ng 2 uri ng panlipunan-uring manggagawa (proletariat)
at ang gitnang uri (bourgeoisie).
 Nagdala ng urbanisasyon at lumipat ang mga tao ng tirahan
mula rural.
 Mga manggagawa naharap sa mahigpit na sistemang pinaiiral ng
may-ari ng pagawaan.
 Tumagal ang paggawa mula 12 hanggang 16 na oras.
 Mga kababaihan at mga bata ay naging bagong pwersa sa
larangan ng paggawa.
 Pabrika -nagbukas ng maraming trabaho.
 Higit na nagsikap ang mga Kanluranin sa pananakop ng mga
kolonya dahil sa pangangailangan ng mga hilaw na sangkap at
pamilihan ng kanilang produkto.

Modyul 4 Rebolusyong Amerikano at Pranses

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahan na ang mga mag-


aaral ay: naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses.
Ang bansang Pransya at Amerika ay nagkaroon ng kalayaan sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga protesta laban sa mga
sumakop sa kanila at sa mga pinunong nagmalabis sa kanilang
kapangyarihan.
Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay tinawag na
Rebolusyong Amerikano. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga
Ingles na naging migrante sa Timog Amerika ay nagpataw ng
napakalaking buwis sa mga produktong panluwas tulad ng tsaa.
Nagkaroon ng pagsasakatuparan ng pagtaas ng buwis sa English
Parliament dahil sa wala silang kinatawan sa parlamento upang
sabihin ang kanilang mga hinaing. Nakilala sa kasaysayan ang
Boston Tea Party at ang islogan na “walang pagbubuwis kung
walang representasyon”. Pinarusahan ang mga sangkot na
kolonista sa insidente sa pamamagitan ng batas na tinawag na
Intolerable Acts. Binawi din ng mga Amerikano ang 13 kolonya na
ginawang panirahan ng mga Ingles. Pinangunahan ni George
Washington bilang Commanderin-Chief ng hukbong Continental
Army. Nagtagumpay sila at idineklara ang kanilang kalayaan noong
1776. Dito idineklara at isinulat ni Thomas Jefferson na ang
Amerika ay malaya mula sa kamay ng mananakop na Ingles.
Sa bahagi naman ng Pransiya nagmalabis ang mga hari dahil
sa ang batayan ng kanilang pamumuno ay dahil sa “divine rights
of kings” na kung saan ang kanilang kapangyarihan ay nagmula sa
Diyos. Ang pagbubuwis ng mga nasa ikatlong estado ay pinag-
ugatan ng kaguluhan at isinagawa nila ang kanilang konstitusyon
na “Oath of the Tennis Court”. Sabay-sabay nilang isinagawa ang
protesta laban sa absolutong pamumuno ni King Louis XVI. Naging
pantay-pantay ang bilang ng kinatawan ng bawat estado. Binuwag
ang sistemang piyudalismo at pagkilala sa Declaration of the
Rights of Man. Isinasaad sa deklarasyon na ito na ang tao ay
ipinanganak na malaya, mananatiling malaya at pantay-pantay sa
mata ng batas. Kabilang sa nilalaman ng dokumento ay
pagkakaroon ng tao ng kalayaan sa pamamahayag, pagpili sa
sariling relihiyon at karapatan sa pagmamay-ari, seguridad, at
paglaban sa pang-aapi.
Ang lahat ng pakikipaglaban ng Pransiya at Amerika ay dahil
sa mga natutunan nila sa panahon ng Enlightenment na kung saan
ginamit ng mga politiko ang rason at siyentipikong kaalaman sa
pamamahala. Naniniwala silang may likas na batas o batas na
maaring magamit ng lahat at maunawaan sa pamamagitan ng
rason. Ang mga batas na isinagawa ay susi upang maunawaan ang
gobyerno at walang magmalabis sa kapangyarihan bilang pinuno.
Ang kaalaman sa batas at kalayaang tinatamasa natin ngayon ay
dahil sa ideya ng mga pilosopong tulad ni Thomas Hobbes at John
Locke. Ang paglaganap ng kaisipang liberal,
politikal, agham,at pangekonomiya sa panahon ng Enlightenment
ay nakatulong ng malaki upang ang tao ay malaman ang kanyang
karapatan at kalayaan. Paggalang sa likas na batas o natural law.
Matatagpuan natin ang kaligayahan ayon sa mga pilosopo sa
pamamagitan ng pagsunod sa batas ng kalikasan at maaaring
umunlad sa pamamagitan ng paggamit ng makaagham na
pamamaraan. Ang lahat ng pakikibaka ng bansang Amerika at
Pransiya ay nagbunga ng mas maayos na pamamahala,
naisakatuparan ng mga tao ang kanyang mga karapatan, higit na
naging mas malawak ang kaalaman ng tao sa pangangatwiran.
Hindi na din dumepende ang tao sa nilalaman ng bibliya. Naging
daan din ang rebolusyon upang magtulungan ang Amerika at
Pransiya upang makamit ang kanilang kalayaan. Ang mga
kaganapang ito ay nagbigay daan sa lahat ng mga bansa sa Europa
at Asya na magsagawa ng pakikipaglaban laban sa mga kolonista at
sila’y magkaroon din ng kalayaan at karapatan tulad ng Amerika at
Pransiya.
Ang primaryang pinag-ugatan ng kasaysayan ng ating
karapatan karapatan ay nagmula sa mga Pranses mula sa
aklat na Declaration of the Rights of Man. Makikita sa sa ibaba
ang ilang halimbawa nito.
“Law is the expression of the general will of the people”.
“The aim of the government is the preservation of the…rights of
man…”
“Every man is presumed innocent until proven guilty”
“Men are born and remain free and equal in rights…”
Rebolusyong Amerikano
Ang Panirahan ng mga British sa America
Naninirahan ang mga Briton sa Virginia, USA noong 1607.
Nagtatag sila ng isang maunlad na gawaing pangagrikultura. Ang
kumpanya ng Virginia, isang kompanya ng pangangalakal sa
England ay binigyan ng karapatang pagmamay-ari, subalit ang
tunay na pamamahala ay madaling napalitan ng asemblea ng mga
bagong nanirahan. Samakatuwid higit na nagkaroon ng karapatan
ang mga Briton kaysa sa mga lehitmong Amerikano. Noong
1630,ang imigrasyon sa mga kolonya sa New England ay umunlad
at nagtatag sila ng labintatlong kolonya sa baybayin ng Atlantic
Ocean ng Hilagang America,ang mga ito ay ang Massachusetts, New
Hampshire, Rhode Island, Connecticut, NewYork, Pennsylvania,
Delaware ,NewJersey, Maryland, Virginia, North Carolina, South
Carolina at Georgia.
Mga Sanhi ng Rebolusyong Amerikano
Marami sa ideyang bunga ng Rebolusyong Pangkaisipan ay may
kulay pulitika at ito ang kaisipang pulitikal sa Rebolusyong
isinagawa ng 13 kolonyang Ingles sa Amerika. Nagsimula ang
Rebolusyong Amerikano noong 1763. Ang sumusunod. ang dahilan
ng Rebolusyong Amerikano
1. Pulitika-Ang batasan at hukuman ay inihalintulad sa Bitanya
na naging sanhi upang lumabis at mamihasa ang mga kolonya ng
kalayaan at sariling patakaran o pamamahala.
2. Lipunan-Ang lipunang itinatag sa Amerika ay kakaiba sa
Britanya Ito ay lumikha ng hangganan ng aristokrasyang batay sa
kayamanan at hindi sa dugo. Ang mga patakaran ay nagdulot ng
kalyaan,sigla at pag-uugali at silay nahirapan na umagapay at
manatili sa kaugaliang Ingles.
3.Ekonomiya-Ang patakarang pangekonomiya na hindi patas ay
nagdulot ng kaguluhan tulad ng pagbebenta ng produkto ng 13
kolonya ay sa Britanya lamang,paggamit ng sasakyang
pangkalakalan ng Ingles ang gagamitin,mga hindi makatarungang
pagbubuwis, sapilitang paggamit sa mga sundalong Amerikano sa
panahon ng digmaan,malaking pagkakautang ng Inglatera dahil sa
digmaan atbp.
Mga Batas na Pinatupad ng Inglatera na Inayawan ng mga
Amerikano
Navigation Act- ay batas na nag-uutos na sa Britanya lamang
maaaring ipagbili ang ilang produkto ng ng kolonya at ang kolonya
ay maaari lang bumili ng mga yaring produkto sa una.
Townshend Acts- ay paglikom ng pera at paghihigpit sa mga
kolonya. Stamp Act-ay batas na nagsasaad ng pagbubuwis sa mga
dokumentong pangnegosyo at buwis sa produktong tsaa.
Dahil sa mga batas na ito sumiklab ang digmaan sa pagitan ng
mga Amerikano at Ingles noong 1775. Inilunsad ang Boston Tea
party na kung saan itinapon sa ang tonetoneladang tsaa sa
pantalan ng Boston sa Massachusetts bilang pagtutol sa patakaran
ng mga Ingles. Higit na pinaunlad ng mga Amerikano ang mga
natutunan nila sa pulitika at pilosopiya sa Age of Enlightenment
tulad ng "Give me liberty or give me death", Walang buwis kung
walang representasyon. Dahil sa ipinaglaban na karapatan laban sa
pangaabuso ng mga Ingles naging tagumpay ang mga Amerikano at
sila'y nakalaya at kinilala sa Deklarasyon ng Kalayaan. Ito rin ang
naging inspirasyon ng mga Pranses upang maghimagsik sa kanilang
mananakop.

Rebolusyong Pranses
Lipunan sa Pransya
Nobility-binubuo ng kaparian at aristokrasya.
Bourgeoisie-ang gitnang-uri na binubuo ng mga mangangalakal,
ship owner at banker.
Magbubukid at Manggagawa- Sa ilalim ng absolutong monarkiya
ang nakinabang lamang ay ang mga nobility at kaparian.
Mga Salik sa Pagsiklab ng Himagsikan
• kawalan ng katarungan
• walang hanggang kapangyarihan ng mga hari
• personal na kahinaan ng mga hari tulad ni King Louis XV at King
Louis XVI
• krisis sa pananalapi

Mga Pangyayari na Nagbigay-daan sa Himagsikan


• Paglaki ng populasyon
• Mababang pasahod
• Pagtaas ng demand sa produktong agrikultura
• Paglawak ng agwat ng mayaman sa mahirap
• Pagkatuto ng mga Pranses sa kanilang mga karapatan mula sa
mga Amerikano at mga kaisipang lumaganap sa Europa na kanilang
nabasa at natutunan
Mga Naging Pinuno sa Kaharian ng Pransya
King Louis XV-Namuno sa panahon na pinaiiral pa ang “divine
rights of kings” na kung saan inabuso niya ang kanyang
kapangyarihan
King Louis XVI-Nagtatag ng National Assembly at naging pantay-
pantay ang bilang ng kinatawan
Maximillien Robespierre-pinamunuan niya ang Committee on
Public Safety at pinairal ang Reign of Terror na kung saan ang lahat
ng kalaban ng pamahalaan ay kanyang pinagpapatay.
Napoleon Bonaparte-Ang nagpalawak ng imperyo ng Pransya at
pinasimulan na siya ay higit na makapangyarihan sa simbahan.

You might also like