You are on page 1of 4

Pangalan: Baitang at Seksyon:

Sagutang Papel sa Araling Panlipunan 8 - Modyul 3 and 4

Mga Gawain Bilang ng aytem Puntos


Gawain 1 15
Gawain 2 20
Gawain 3 20
Gawain 4 20
Lagumang Pagsusulit 20

Gawain1 (15 puntos)


Panuto: Punan ang patlang upang makabuo ng konsepto.

1. Nagsimula ang rebolusyong siyentipiko, enlightenment at industriyal dahil sa

2. Mula sa ibat-ibang larangan ay nakilala sina

3. Mahalaga at makabuluhan ang kanilang kontribusyon sa larangan sapagkat

Gawain 2 (20 puntos)


Panuto: Itala sa chart ang epekto ng pagpasok ng panahong Elightenment , Rebolusyong
Siyentipiko at Industriyal.

Kabutihang Dulot Di - Mabuting Dulot

1.

2.

3.

4.
5.

Gawain 3 (20 puntos)


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Paano naisagawa ng mga Amerikano na magkaroon sila ng kalayaan?

2. Ano ang naging resulta ng Himagsikang Amerikano?

3. Paano nakaapekto ang kapangyarihang divine right ng mga hari sa kanilang pamunuan?

4. Nakatulong ba ang makabagong kaisipan na natutunan ng mga Pranses? Sa paanong paraan ito
nakatulong?

Gawain 4 (20 puntos)


Panuto: Sa makabagong panahon,maraming nagpoprotesta para sa kanilang kalayaan at
karapatan bilang mamamayan. Bilang isang mag-aaral ano ang paraan na iyong isasagawa
upang maipahayag mo ang iyong pagtutol sa isang patakaran na hindi mo nagustuhan. Isulat
ang iyong sagot sa kahon na nasa ibaba.
Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang.
1. Ano ang tawag sa panahong ninais na maiahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng
kawalan ng katwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages?
A. Ebolusyon B. Repormasyon C. Natural Law D. Enlightenment
2. Panahon kung saan nagsimula nang gumamit ng makabagong kagamitan sa produkson na
nagdulot nang malaking kita at napaunlad ng tao ang kanilang buhay.
A. Rebolusyong Industriyal C. Panahong Enlightenment
B. Rebolusyong Siyentipiko D. Panahon ng Bagong Bato
3. Ang makinaryang gagamitin upang madagdagan ang supply ng enerhiya sa mga pabrika na
natuklasan ni James Watt
A. Steam Engine B. Telegraph C. Flying Shuttle D. Morse Code
4. Pangkat ng intelektwal na humihikayat sa paggamit ng katwiran, kaalaman, at edukasyon sa
pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan.
A. Ether B. Scentia C. Philosophe D.Geologist
_______5. Inilarawan ni Ptolemy ang paniniwala niya na ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang ibang
mga heavenly body ay umiikot dito sa pabilog na pagkilos.
A. Geocentric View B. Heliocentric View C. Social Contract D. Scentia
6. Anong mga pagbabago ang naganap sa Panahong Siyentipiko?
A. Nasugpo ang mga karamdaman at napagbuti ang kaalaman at kalusugan ng mga tao
B. Nagkaroon ng malawakang kaguluhan
C. Natugunan ang pangangailangang ispiritwal
D. Natukoy ang problemang politikal
7. Sino ang tinatawag na bagong puwersa sa paggawa sa industriyal?
A. Mga nakatapos ng pag-aaral C. Mga kabataan
B. Mga Kababaihan D. Mga Babae at bata
8. Bakit ang mga intelektwal ay humihikayat sa paggamit ng katwiran?
A. Masupil ang kapangyarihan C. Matigil ang korapsyon
B. Masugpo ang pamahiin at kamangmangan D. Mabawasan ang pag-aalsa ng mga tao
9. Ano ang kahalagahan ng pagpasok ng Panahong Siyentipiko?
A. Natutong magsiyasat sa pamamgitan ng eksperimento C. Natutunang mabuhay ng malaya
B. Naipakita ang pagmamahal sa sarili D. Natukoy ang kahinaan ng mga pinuno
10. Kinikilala bilang “Ama ng Kemistri si Antoine Lavosier dahil sa kanyang masusing pag-aaral at
pagsasaliksik sa larangan ng kemistri. Ano ang pinakantanyag niyang tuklas?
A. Nitrogen B. Nickel C. Oxygen D. Carbon
11. Ang kaalaman ukol sa prinsipyo at karapatan ng mga Amerikano ay nagresulta sa isang
A. Paksyon/Pagkakahati B.Rebolusyon C.Migrasyon D.Kawalan ng Pagkakaisa
12. Alin sa sumusunod na produkto ang itinapon bilang tanda ng protesta?
A. tsaa B. cinnamon C. opyo D. seda
13. Ang mataas na buwis sa mga produktong tsaa at iba pa ay salik na __________na naging daan sa
isang himagsikan.
A. Relihiyon B. Pulitikal C. Ekonomiya D. Panlipunan
14.Naninirahan ang mga Briton sa Virginia dahil sa pangangailangang _____________
A. Agrikultural B. Pulitikal C. Relihiyon D. Pangisdaan
15.Dahil sa ginawa ng mga Amerikano na pakikipaglaban sa mga Ingles para sa kanilang kalayaang
pulitikal at ekonomikal,sila’y naging inspirasyon ng bansang _______ na nakipaglaban din para sa kanilang
kalayaan.
A. Spain B. Poland C. Argentina D. France
16. Katawagan sa malawakang pagpatay sa mga mamayan na pinaghihinalaang kalaban ng
pamahalaan.
A. Reign of Terror B. Reign of Kindness C. Reign of Commons D. Reign of Rights
17. Ang guillotine ay pinairal ni_______
A. Danton B. Robespierre C. King Louis XV D. King Louis XVI
18. Ang slogan na “Kalayaan,Pagkapantay-pantay at Kapatiran” ay isinabuhay ng _____ upang sila’y
magkaroon ng kalayaan.
A. Pranses B. Amerikano C. Italyano D. Aprikano
19. Ang Bastille ay simbolo ng _____ng mga haring Bourbon.
A.kalupitan B.dignidad C. pamamahala D.pangangalaga
20. Ang Tennis Court ay isang lugar sa Pransya na kung saan dito binuo ang kanilang
A. konstitusyon B.kalayaan C.pangarap D.pangangalaga sa bansa

Pangalan at lagda ng magulang Petsa

You might also like