You are on page 1of 4

Department of Education IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT – ARALING

PANLIPUNAN 8
Schools Division of Iloilo
MALITBOG NATIONAL HIGH SCHOOL

PANUTO: BASAHIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG AT ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA
INYONG SAGUTANG PAPEL.

1. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance?


A. Muling pagbabago C. Muling pagkatuto
B. Muling pagkagising D. Muling pagsilang

2. Saan umusbong at umunlad ang Renaissance?


A. Japan C. Italy
B. Germany D. France

3. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod estado sa panahon ng Renaissance?
A. kalakalan at industriya C. pagpapastol at pagbabarter
B. pangingisda at pagsasaka D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop

4. Anong kilusang intelektuwal ang nabuo noong panahon ng Renaissance?


A. Humanismo C. Propaganda
B. Pagbabago D. Reporma

5. Sa aling obra maestra ni Leonardo da Vinci ipinapakita ang isang mahalagang eksena sa buhay ni
Kristo kasama ang kanyang labindalawang disipulo?
A. Mona lisa C. The Last Supper
B. Tribute Money D. Madonna and the Child

6. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng agham?


A. Batas ng Universe C. Teoryang Heliocentric
B. Teoryang Copernican D. Batas ng Universal Gravitation

7. Anong relihiyon ang lumaganap sa Europa noong Panahong Medieval?


A. Hinduismo B. Buddhismo C. Kristiyanismo D. Islam

8. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa kasalukuyang


panahon?
A. Nagdudulot ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko.
B. Karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang Humanismo.
C. Naging batayan ang sinaunang pag-aaaral sa mga makabagong kaalaman.
D. Pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman.

9. Bakit tinawag na transisyunal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo sa Modernong
Panahon?
A. Nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan.
B. Mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon.
C. Naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko.
D. Nagdulot ng mga pagbabagong naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensyon at agham.

10. Ang pagbagsak ng Imperyong Roman ang naghudyat sa pagtatapos ng sinaunang panahon sa kasaysayan
ng Europe. Ano ang tawag sa sumunod na milenyo matapos ang pangyayaring ito?
A. Dark Ages B. Middle Age C. Renaissance D. Repormasyon

11. Pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.


A. Kolonyalismo C. Protectotare
B. Imperyalismo D. Concession

12. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang hindi ginamit ng mga manlalayag na Europeo sa
Panahon ng Eksplorasyon?
A. Astrolabe C. Compass
B. Caravel D. Hourglass
13. Europeong nakatuklas ng Pilipinas.
A. Amerigo Vespucci C. Marco Polo
B. Ferdinand Magellan D. Pedro Cabral

14. Kanino ipinangalan ang kontinenteng America?


A. Amerigo Vespucci C. Marco Polo
B. Ferdinand Magellan D. Pedro Cabral

15. Anu-anong bansa ang unang nagpaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14 hanggang
ika-15 siglo?
A. England at Portugal C. Netherlands at England
B. France at Spain D. Spain at Portugal

16. Anong aklat ang ang nagpapabatid sa mga Europeo ng yaman at kaunlarang taglay ng China?
A. The Travels of Marco Polo C. The Travels
B. The Songbook D. The Prince

17. Ano ang pinakamahalagang nadiskubre o napatunayan ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan?


A. Ang mundo ay bilog.
B. Mayaman sa ginto ang Pilipinas.
C. Mayaman ang kultura ng mga taga-Silangan.
D. Masagana ang pamumuhay ng mga taga-Silangan.

18. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga motibo ng Unang Yugto ng Kolonyalismo?
A. Pagpapalawak ng kultura. C. Paghahangad ng katanyagan
B. Paghahanap ng kayamanan D. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na nagbunsod sa paglalayag ng mga
Europeo noong ika-14 siglo?
A Paglalakbay ni Marco Polo.
B. Pagbagsak ng pamilihan sa Venice.
C. Pagiging mausisa na dulot ng Renaissance.
D. Pagbagsak ng Constantinople sa mga Turkong Muslim.

20. Paano mo ilalarawan ang epekto ng kolonyalismo?


A. Pawang kabutihan ang dala ng kolonyalismo.
B. Ang pananakop ng mga Europeo ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng kalakalan.
C. Ang kolonyalismo ay nagdulot ng posotibo at negatibong epekto sa mga bansang nasakop.
D. Nagdala ang mga Kanluranin ng mga sakit sa kolonya nitong bansa.

21. Ano ang tawag sa yugto ng kasaysayan kung kailan umunlad ang kilusang intelektuwal na
naglalayong iahon ang mga Europeo sa kawalan ng katwiran at maling paniniwala noong Middle Ages?
A. Eksplorasyon C. Kolonisasyon
B. Enlightenment D. Paggalugad

22. Ano ang mahalagang naimbento ni Alexander Graham Bell?


A. Bombilya C. Telegrapo
B. Steam Engine D. Telepono

23. Siya ang kauna-unahang nagsulat ng Encyclopedia sa kasaysayan.


A. Adam Smith C. Eli Whitney
B. Denis Diderot D. Lavoisier

24. Ano ang pinakamahalagang ambag ni Galileo Galilei sa larangan ng siyensiya?


A. Paglipad ng telstar C. Pagkaimbento ng telepono
B. Pagpakilala ng telegrapo D. Pagkaimbento ng teleskopyo
25. Sino ang nagapakilala ng telegrapo na nakatulong sa pagpapaunlad ng Sistema ng komunikasyon?
A. Eli Whitney C. Thomas Alba Edison
B. Samuel B. Morse D. Alexander Graham Bell

26. Sa anong antas o uri ng tao nabibilang ang mga bourgeoisie?


A. alipin B. gitnang uri C. mataas na uri D. maharlika

27. Sino ang namuno sa mga nagkaisang kaharian o pambansang monarkiya?


A. pangulo B. hari o reyna C. Santo Papa D. punong ministro o prime minister

28. Panahon kung kalian nagsimulang batikusin ang mga doktrina at gawi ng Simbahan.
A. Reformation B. Counter-Reformation C. Protestantismo D. Kolonyalismo

29. Ang mga sumusunod ay mga bansang nanakop ng lupain at nagtayo ng kolonya sa Asya at Amerika, maliban sa:
A. Great Britain B. Spain C. Portugal D. Egypt

30. Aling pahayag ang di nagpapakita ng damdaming nasyonalismo?


A. Pagmamahal sa sariling wika.
B. Pagbubuwis ng buhay para sa bayan.
C. Pagtangkilik sa sariling produkto ng bansa.
D. Pagpapayaman upang mapaunlad ang sarili lamang.

31. Nagkaroon ng malaking pangangailangan sa mga ito dahilan upang mas paigtingin ang
panibagong paglalakbay ng mga Europeo.
A. Bulak C. Hilaw na materyales
B. Goma D. Vegetable oils

32. Siya ang may akda ng A Vindication of the Rights of the Woman na humihingi ng pagkakataong
makapag-aral ang mga kababaihan.
A. Mary Wallstonecraft C. Rosseau
B. Catherine Macaulay D. Voltaire

33. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kalayaan sa isang tao?


A. Ang katumbas ng kalayaan ay ang pagkakaroon ng karapatan.
B. Maging malaya sa pagtupad ng iyong pangarap.
C. Mahalaga ito sa pag-unlad ng lipunan.
D. Lahat ng nabanggit.

34. Paraan ng pamamahala kung saan ang makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang
palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o
kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
A. Concession C. Imperyalismo
B. Protektorate D. Sphere of influence

35. Ang mga sumusunod ay ang tatlong motibo ng mga Europeo sa pananakop ng mga bansa sa Asya, maliban sa
.
A. God B. Globe C. Glory D. Gold

36. Alin ang pinakawastong kahulugan ng Renaissance?


A. muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko C. panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe
B. muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano D. panibagong kaalaman sa agham

37. Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na naging kilala sa
katawagang Cape of Good HOPE.
A. tama B. mali C. di-sigurado D. wala sa nabanggit

38. Kailan dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas?


A. March 14, 1521
B. March 16, 1521
C. March 16, 1251
D. March 14, 1251
39. Ito ang nagbigay daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang
bansa.

A. Eksplorasyon C. Kolonisasyon
B. Enlightenment D. Paggalugad

40. Nagsimula ang ekspedisyon ni , isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng


Spain sa taong 1519 kung saan nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong silangan at dito,
natagpuan nila ang silangang baybayin ng South America.
A. Amerigo Vespucci C. Marco Polo
B. Ferdinand Magellan D. Pedro Cabral

Prepared by:

LODELYN B. CAGUILLO
Teacher I

Validated by:
DR. RENANTE DESEO
Araling Panlipunan Coordinator

You might also like