You are on page 1of 24

ARALING

PANLIPUNAN 9
UNANG MARKAHAN

Sariling Linangang Gawain


Araling Panlipunan 9

Kahulugan ng Ekonomiks

Pangalan: Q1W1

Seksyon:

MELC/Kasanayang Pampagkatuto at Koda: (Q1W1)

Inaasahang mailalapat ang kahulugan ng Ekonomiks sa pang-araw- araw na


buhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan (AP9MKE-1a-1).

Panimula
Araw-araw ay gumagawa ng pagdedesisyon ang bawat isa sa atin. Kaakibat nito
ang pagpili at pagsasakripisyo upang matugunan natin ang ating kasalukuyang
pangangailangan. Ang pagpasok sa paaralan nang maaga o pagliban, paggastos ng baon
sa pagkain o pag-iipon para sa gustong bilhing damit, pagsama sa mga kaibigan sa mall
o pag-aaral ng liksyon, lahat ay nakadepende sa ating pagpapasya.
Ang matalinong pagdedesisyon ay napakahalagang dahilan kung bakit pinag-
aaralan ang Ekonomiks. Dito nakasalalay ang pag-urong o pagsulong ng ating
pamumuhay bilang isang indibidwal o bansa. Upang lalong maintindihan ang konsepto
ng Ekonomiks, ating tuklasin ang kahulugan nito at kung paano ito naging agham
panlipunan.
Ang Ekonomiks ay hango sa salitang Pranses na “economie” na ang ibig sabihin ay
“pamamahala sa sambahayan.” Ang salitang Pranses na ito ay hango sa salitang Griyego na
“oikonomia” mula sa dalawang salita na oikos na nangangahulugang “tahanan” at nomos na
“pamamahala.” Ang interes sa pag-aaral ng Ekonomiks ay nag-ugat pa sa kasaysayan ng
Gresya mula kay Xenophon at mga kilalang pilosopo tulad nina Plato at Aristotle.
Kanilang pinag-aralan ang pamamahala sa tahanan at kung papaano pinamumunuan
ng mga lider ang kanilang nasasakupan at gumawa ng matalinong pagdedesisyon para
sa pangangailangan ng lahat. Dahil dito, inihanay ang Ekonomiks sa sangay ng agham
panlipunan sapagkat pinag-aaralan dito kung paano tugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
Upang mabisang makapagpasya sa pagtugon ng mga pangangailangan ng mga
mamamayan, may mahahalagang tanong ang isinaalang-alang ang isang sambahayan,
bansa o ekonomiya. Ito ay ang mga sumusunod: Anong produkto ang gagawin? Paano
gagawin ang mga produkto? Gaano karami ang gagawing produkto? Para kanino ang gagawing
mga produkto at paglilingkod?
Hindi maitatanggi ang mahalagang papel na ginagampanan ng Ekonomiks sa
ating buhay. Ang pag-aaral nito ay makapagbibigay gabay sa

atin upang maging mapanuri at mahasa ang ating diskarte sa pagdedesisyon upang
makatulong sa pag-unlad natin bilang tao at isang bansa.
Ang mag-aaral ay dapat magkaroon ng pang-unawa sa mga pangunahing
konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang- araw-araw
na pamumuhay.

Gawain 1: DATA RETRIEVAL CHART

A. Panuto: Punan ang hinihinging impormasyon ng talahanayan. Ibigay ang


pinagmulang salita ng konsepto ng Ekonomiks at ang kahulugan nito.
Bansa Pinagmulang Salita Kahulugan

Pransya/France

Gresya/Greece

SCRAMBLED LETTERS

B. Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong mga letra upang makabuo ng salita,
mga salita o konseptong may kaugnayan sa ekonomiks.
1. S Y I D O N E S -

2. A G P N G A L N G A N A I A N -

3. A M I O D L T I -

4. A I L S K AN AYAN M-

5. A H L A M A P A M A -

Gawain 2: CONCEPT MAP


Panuto: Ekonomiks ang conceptual framework sa ibaba upang mabuo ang kahulugan
ng Ekonomiks. Punan ng mga konsepto sa

EKONOMIKS
Panuto: Suriin at bumuo ng kahulugan ng Ekonomiks gamit ang mga salita o
konseptong inilagay sa conceptual framework.

Gawain 3: SURI- SCENARIO

Panuto: Basahing mabuti ang ibinigay na sitwasyon at sagutin ang mga katanungang
nakalaan sa ibaba.

Sitwasyon:

Dahil sa pandemya dulot ng COVID19, hindi


pinahintulutan ang pagkakaroon ng face-to-face na klase
hanggat wala pang bakuna. Ito ay paraan upang maiwasan ang
paglaganap ng mapaminsalang virus lalo na sa mga lugar na
maraming tao tulad ng paaralan. Upang magpatuloy ang pag-
aaral, nakaisip ng iba’t ibang epektibong paraan ang Depatment
of Education sa pagbibigay ng serbisyong edukasyon sa mga
mag-aaral na hindi isinasakripisyo ang kanilang kalusugan at
kaligtasan. Isa sa mga paraang ito ay ang Modular Learning sa
pamamagitan ng Self-Learning Modules.
Naglaan ng budget ang DepEd sa pagpiprint ng mga modules
na sasapat sa bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll. Ang mga
printed self-learning modules ay sasagutan ng mga mag-aaral
sa kani- kanilang tahanan bilang bahagi ng Distance Learning
Approach.

Panuto: Sagutin ang apat (4) na pang-ekonomikong tanong mula sa binasang teksto.
Anong produkto ang gagawin?

Paano gagawin ang mga produkto?


Gaano karami ang gagawing produkto?

Para kanino ang gagawing mga produkto


at paglilingkod?

Araling Panlipunan 9
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA MAUNLAD NA PAMUMUHAY
Pangalan: ____________________________________ Q1W2-3
Seksyon: _____________________________ Petsa:_________________
Kasanayang Pampagkatuto at Koda: (Q1W2-3)
Natataya ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
bawat pamilya at lipunan (AP9MKE-1a-2)

Panimula/Susing Konsepto
Mahalaga ang Ekonomiks tulad ng iba pang mga sangay ng Araling Panlipunan. Sa
Ekonomiks pinag-aaralan ang mga bagay tungkol sa ating bansa katulad ng populasyon at ang
mga walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang araw-
araw na pamumuhay ay makikita sa paraan ng pagdedesisyon. May malaking parte ang
Ekonomiks upang matuto at kung paano ang tamang pagbabalanse ng mga pangangailangan at
mga gastusin ng bawat isa. Bilang estudyante o mag-aaral, nakatutulong ang Ekonomiks.
Halimbawa ay ang masusing paggastos sa limitadong baon sa paaralan. Kailangang pumili sa
kung ano ang mas importante o mas mahalaga na kailangang bilhin. Kung sa tingin ng isang mag-
aaral na may pagtaas sa presyo sa isang bagay na kanyang nais, matututo siyang maging
mapanuri sa pagpili ng kanyang gustong bilhin. Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit
na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Maaari din
itong humubog sa kanyang pang-unawa ,ugali, at gawi sa pamamaraang makatutulong sa kanyang
pagdedesisyon para sa kinabukasan .
Bilang kasapi naman ng isang pamilya marapat lamang na nag-iimpok ang isang
indibidwal para sa kanyang kinabukasan. Maaaring ang pag-iimpok ay para sa edukasyon, para
sa mga pangangailangan sa buhay, sa negosyo o trabaho. Bawat miyembro ng pamilya ay may
kontribusyon hindi lamang para sa sarili kundi para sa pamilya at sa lipunan.
Pinagsusumikapan ng tao na makatapos ng pag-aaral para hindi mapabilang sa mga
walang trabaho o unemployed. Layon din ng bawat isa na makatulong sa pag-asenso o pag unlad
ng ekonomiya ng isang bansa .Dapat ding malaman na ang pagbabayad ng buwis ay kailangan
din ng pamahalaan para maibigay at mapaglingkuran nang maayos ang mga mamamayan. Malaki
din ang impluwensya ng pag-aaral ng Ekonomiks dahil nagiging mapanuri ang mamamayan sa
mga ihahalal na pinuno; kung ang kandidato bang pipiliin ay nararapat na maupo sa pwesto; kung
siya ba ay makatutulong sa kanyang nasasakupan at kung hindi ba nagpapadikta sa mas mataas
sa kanya. Mga iba pang kahalagahan ng Ekonomiks:
● Makakatulong sa pagdedesisyon kung dapat o hindi dapat bilhin ang isang partikular
na produkto
● Nagbibigay ng kaalaman sa wastong paggamit ng likas na yaman
● Nagbibigay ng tamang karunungan sa pagdedesisyon ukol sa pagkonsumo at pag-
prodyus para maiwasan ang kakapusan
● Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na mauunawaan at makibahagi sa
paghahanap ng tamang pamamaraan sa paglutas ng mga suliraning pangkabuhayan
Gawain 1: TAYO NA SA CANTEEN!
Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga pamprosesong tanong batay sa
mga impormasyon sa nabasang sitwasyon.
Si Diana ay estudyante sa isang pampublikong paaralan na malapit sa kanilang bahay.
Naglalakad lamang siya sa tuwing papasok at uuwi. Binigyan siya ng kanyang mga magulang ng
Php150 na baon sa loob ng isang linggo na pambili ng
kanyang pagkain at iba pang pangangailangan. Suriin ang talahanayan ng mga produktong
maaaring bilhin ni Diana sa canteen at sagutin ang pamprosesong tanong sa iyong kwaderno.
Produkto Presyo bawat Piraso

Mineral Water Php 10.00

Suman Php 8.00

Kanin Php 10.00

Ulam Php 20.00

Ice Tea Php 10.00

Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw si Diana, ano ang mga produktong handa mong ipagpalit upang makabili
ng inuming tubig? Bakit?
2. Nagkaroon ng promo sa mga kanin at ulam (combo meals) at bumaba sa Php 25.00
ang halaga nito. Kung ikaw si Diana, paano mo pamamahalaan ang iyong badyet?
Gawain 2: THINK, PAIR, AND SHARE
Panuto: Pumili ng desisyon mula sa Option A at Option B. Isulat ang napiling option sa ikatlong
hanay (Desisyon) at sa ikaapat na hanay ang dahilan ng iyong desisyon.
Option A Option B Desisyon Dahilan

1. Pagpapatuloy ng pag Pagtatrabaho


aaral sa kolehiyo pagkatapos ng
high school

2. Paglalakad papunta sa Pagsakay ng jeep


paaralan o tricycle
papunta sa
paaralan

3. Paglalaro sa parke Pagpasok sa


klase

4. Pananaliksik sa aklatan Pamamasyal sa


parke

5. Pakikipagkwentuhan sa Paggawa ng
kapitbahay takdang-aralin

Gawain 3: BAITANG NG PAG-UNLAD


Panuto: Isulat sa patlang ang iyong nalaman tungkol sa
kahalagahan ng Ekonomiks bilang isang mag-aaral at kasapi
ng pamilya at lipunan.
INISYAL NA KAALAMAN

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Gawain 4: PAGSUSURI
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks?
2. Bakit dapat matutunan ng isang mag-aaral ang Ekonomiks? Ano ang kaugnayan
nito sa paggawa ng desisyon? Ipaliwanag.
3. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon? 4. Ano
ang mga bagay na itinuturing mong pangangailangan? Mga kagustuhan? 5. Kailan mo
masasabing matalino ang pagdedesisyong ginagawa ng tao?

Gawain 5: SITWASYON AT APLIKASYON


Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin sa sagutang papel ang mga tanong sa ibaba .
Si Mat at Tam ay pareho mong kaibigan. Si Mat ay isang negosyanteng nagmamay-ari ng
malawak na palaisdaan at manukan sa inyong komunidad. Si Tam naman ay isang sikat na
basketball player at nagmamay-ari ng isang kilalang kainan sa kaparehong komunidad.
Kung may kakayahan ang inyong pamilya na magtayo ng negosyo, ano ang maaari ninyong
itayo? Kapareho ba ng mga negosyo nina Tam at Mat o hindi? Ilahad ang iyong sagot sa
pamamagitan ng iyong kaalaman sa konsepto, kahulugan, at kahalagahan ng Ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
Gawain 6: REPLEKSYON
Panuto: Sumulat ng maikling repleksyon tungkol sa iyong mga natutunan at reyalisasyon
tungkol sa kahalagahan ng Ekonomiks sa iyong buhay bilang mag-aaral at bilang kasapi ng
pamilya at lipunan.

Susi sa Pagwawasto
Araling Panlipunan 9
Ekonomiks
Ang Sistemang Pang-ekonomiya

Pangalan: ____________________________________ Q1W4


Seksyon: _____________________________________ Petsa:_________________

Kasanayang Pampagkatutuo:
Nakasusuri ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

Panimula/Susing Konsepto
Ang bawat lipunan ay nahaharap sa sitwasyong kailangan nitong magpasya kung
paano nito oorganisahin ang sarili upang sumulong at matugunan ang pangunahing usaping
pangkabuhayan (Nera-lauron, 1999). Ipagpalagay na ang tao ay mayroong walang katapusan
pangangailangan at kagustuhan samantalang limitado lamang ang pinagkukunan yaman.
Paano matutugunan ang mga katotohanang ito? Dito papasok ang tungkol sa sistemang
pang-ekonomiya.

Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na


kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at
paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang- ekonomiko ng isang
lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na matulungan ang lipunan sa mga
suliranin ng kakapusan at kung paanong magagamit nang maayos ang mga pinagkukunang-
yaman ng bansa. Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang
matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at
serbisyo. Maaalala na ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing
katanungang pang-ekonomiko. Una, ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin? Pangalawa,
papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
Pangatlo, para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? Panghuli, gaano karami ang
gagawing produkto at serbisyo?

Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya


Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig:

1. Tradisyonal na Ekonomiya
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na ekonomiya. Ang
kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon,
kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin
sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan
tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay
simple lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang
pamamaraan na itinuro ng matatanda sa pangkat. Sa tradisyonal na ekonomiya, bagama’t
walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa
paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

2. Market Economy
Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang- ekonomiko ay
ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat
kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes
na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring
makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho. Ang pangunahing katanungang pang-
ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng pamilihan.
Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain. Presyo ang pangunahing
nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang
malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais
ibenta ng mga prodyuser ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili.
Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser
sa loob ng pamilihan.

Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon


sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa
karapatan, ari-arian, at kontrata na pinapasukan ng mga pribadong indibidwal.

3. Command Economy
Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa
pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya
(central planning agencies). Katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-
ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga
gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng mga kapital. Samantala, madaling
nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod
para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa mga lupang sakahan ay maaaring
matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda sa halaga ng mga produktong nagmumula rito. Ang
mga patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa kasalukuyan,
nananatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya ang Cuba at North Korea.

4. Mixed Economy
Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market
economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy.
Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang
pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at
pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy
ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may mga katangian na bunga ng
pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang
pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga
usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari
ng estado. May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura, at
mga organisasyon. Ang sistemang mixed economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng
mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi
nangangahulugang ganap na awtonomiya o kalayaan para sa kanila sapagkat ang karamihan
sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan.

Gawain 1: BUUIN NATIN!


Panuto: Buuin ang salita sa Hanay A sa pamamagitan nang pagsagot sa mga katanungan sa
Hanay B.
HANAY A HANAY B
1. S_S_E_ _NG P_ _G-E_O_ _ _ _YA Anong sistema ang tumutukoy sa isang
institusyonal na kaayusan at paraan upang
maisaayos ang paraan ng produksiyon,
pagmamay-ari, at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng
gawaing pang-
ekonomiko ng isang lipunan?
2. _A_ _E_ E_ _ _ _M_ Anong sistemang pang-ekonomiya na
ginagabayan ng malayang pamilihan?

3. M_ _ _D E_ _ _ _M_ Anong sistemang pang-ekonomiya ang


kinapapalooban ng elemento ng market
economy at command economy?

4. _ _ _MA_D E_ _ _ _M_ Anong sistema ang may


komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan?
5. T_ _ _ _ _Y_N_ _ Anong sistemang pang-ekonomiya na ang
NA E_ _ _ _M_ kasagutan sa pangunahing katanungang
pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon,
kultura, at
paniniwala?
6. _ _E_ _O Sa ilalim ng market economy, ano ang
pangunahing nagtatakda kung gaano karami
ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano
rin karami ang malilikhang
produkto at serbisyo ng mga prodyuser?
7. P_ _ _ _A_ _AN Sino ang nagpapasya sa proseso ng mga
gawaing pang-ekonomiya sa ilalim ng
Command Economy?
8.N_ _ _H _ _R_A Anong bansa ang nananatili pa rin sa
sistemang Command Economy?
9. K_ _ _P_ _ _N Anong suliranin ang kinakaharap ng
bawat sistemang pang-ekonomiya na
pinagtutulungang solusyonan upang
makaagapay ang lipunan sa mga
suliraning dulot nito?
10. K_ _ _ _U_ _R AT P_ _ _ _U_ _R Sino ang mga kalahok sa malayang
pamilihan?

Gawain 2: KUMPLETUHIN NATIN!


Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan batay sa mga konsepto ng mga nakasulat na
sistemang pang-ekonomiya .

SISTEMANG SINO ANG NAGPAPASYA PARAAN O PAANO


PANG-EKONOMIYA ANG PAGPAPASYA
TRADISYONAL
MARKET ECONOMY
COMMAND ECONOMY
MIXED ECONOMY

GAWAIN 3: PLANUHIN NATIN!


PANUTO: Basahing mabuti ang talata at sagutin ang tanong kasunod ng talata.

Sa isang malayong pamayanan na dati’y sagana sa


pinagkukunang yaman, maraming isda ang karagatan at mayaman sa
likas na yaman ang kagubatan. Ngunit sa paglipas ng panahon unti-
unting nauubos at nasisira ang likas na yaman. Ang mga suliraning ito
ay dulot na rin ng pabago-bagong klima, labis na paggamit nito at ilegal
na gawain ng tao. Nakararanas ngayon ang pamayanan ng pagka-ubos
ng kanilang pangunahing pangangailangan. Bilang pagtugon sa
suliranin ng pamayanan kinakailangan nito ang Sistemang Pang-
ekonomiya upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-
ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing
TANONG: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon magpasya o maisaayos ang inyong
pamayanan, paano mo ito mabibigyan ng solusyon gamit ang iba’t ibang sistemang pang-
ekonomiya?
1. Tradisyonal

2. Market Economy

3. Command Economy

4. Mixed Economy

Gawain 4: PILIIN NATIN!


PANUTO: Mayroon tayong apat na iba’t ibang uri ng Sistemang Pang-ekonomiya;
Tradisyunal, Market Economy, Command Economy at Mixed Economy. Kung ikaw ay bibigyan
ng pagkakataon baguhin o piliin ang sistemang pang-ekonomiya na angkop para sa ating
bansa, ano sa tingin mo ang pinaka-epektibo at hindi epektibo.
Gamit ang pyramid diagram isulat sa kahon sa itaas kung sa tingin mo ito ang pinaka
epektibo at sa ibaba naman ay hindi epektibo. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sa iyong palagay, Bakit ito


ang pinaka-epektibong sistemang
pang-ekonomiko?

2. Bakit mahalaga ang


dalawang ito sa pagsasaayos
ng ekonomiko?

3. Sa iyong palagay, Bakit ito


ang hindi epektibo sa
pagsasaayos ng sistemang
pang-ekonomiko?

Isulat dito ang iyong paliwanag o kasagutan.


1.
.
2.
.
3.
.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: BUUIN NATIN! (REMEMBERING)


Panuto: Buuin ang salita sa Hanay A sa pamamagitan nang pagsagot sa mga katanungan sa Hanay B.
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA 6. PRESYO
MARKET ECONOMY 7.PAMAHALAAN
MIXED ECONOMY 8. NORTH KOREA
COMMAND ECONOMY 9. KAKAPUSAN
TRADISYONAL NA EKONOMIYA 10. KONSYUMER AT PRODYUSER

Ang kasagutan ay manggaling sa mag-aaral


Araling Panlipunan 9
Mga Salik ng Produksiyon at ang
Implikasyon Nito sa Pang-araw araw na Pamumuhay ng Tao

Pangalan Q1W5
Antas ______________________ Petsa ____________

Mga Pamantayan sa Pagkatuto


Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pangaraw-araw na
pamumuhay.

Suriin
MGA SALIK NG PRODUKSIYON
Lupa Bilang Salik ng Produksiyon
Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim
nito, pati ang mga yamang tubig, yamang mineral, at yamang gubat. Hindi tulad ng ibang
salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang.
Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat
nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.

Paggawa Bilang Salik ng Produksyon


Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapakipakinabang kung
hindi gagamitin at gagawing produkto. Nangangahulugan ito na kailangan ang mga
manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto
o serbisyo. Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal
o serbisyo. May dalawang uri ang lakas-paggawa: ang mga manggagawang may kakayahang
mental o silang mga tinatawag na may white- collar job. Mas ginagamit ng manggagawang
may kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa. Halimbawa
ng mga ito ay ang mga doctor, abogado, inhinyero, at iba pa. Ang katawagang white-collar
ay unang ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong 1919.
Ang isa pang uri ng lakas-paggawa ay ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o
silang mga tinaguriang may blue collar job. Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan
kaysa sa isip sa paggawa. Halimbawa nito ang mga karpintero, drayber, magsasaka, at iba
pa. Sahod o sweldo ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na
paglilingkod. Ang mga manggagawa ay may malaking ginagampanan sa ating pang araw-
araw na pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang tumutustos
sa ating pangangailangan.
Kapital Bilang Salik ng Produksyon
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas magiging mabilis
ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa.
Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng panibagong kalakal ay
isang halimbawa ng kapital. Ang kapital ay maaari ding iugnay sa salapi at imprastraktura
tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.
Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa lupa at lakas-
paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “ The Contribution of
Capital to Economic Growth” (1962), ang kapital ay isa sa mga salik sa pagtamo ng
pagsulong ng isang bansa. Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na
mangalap ng malaking kapital upang makamtan ang pagsulong. Ang kabayaran sa paggamit
ng kapital sa proseso ng produksyon ay tinatawag na interes.
Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksyon
Itinuturing na pang-apat na salik ng produksyon ang entrepreneurship. Ito ay tumutukoy sa
kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur
ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at
serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa
mga bagay na makaaapekto sa produksyon. Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na
maging malikhain, puno ng inibasyon at handa sa pagbabago. Ayon kay Joseph Schumpeter,
isang ekonomista ng ika-20 siglo, napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur.
Ipinaliwanag niya na ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang
produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
Maliban sa pagiging magaling na innovator tulad ng paggamit ng makabagong pamamaraan
at estilo sa paggawa ng produkto at pagkakaloob ng serbisyo, ang sumusunod ay ilan sa
mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na entrepreneur:

1. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.


2. Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
3. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.

Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito ay kita ng entrepreneur
matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo. Sinasabing hindi nakatitiyak ang
entrepreneur sa kanyang tubo dahil hindi pa niya alam ang kahihinatnan ng kaniyang
pagnenegosyo.
Ang produksyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang produksyon ay wala
rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na lupa, paggawa, kapital, at
entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa prosesong ito. Kapag ang mga
salik na ito ay nag ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga produkto at serbisyo na tutugon
sa ating pang araw-araw na pangangailangan.

Gawain 1: Buuin Natin-Mga Salik ng Produksyon


Panuto: Sagutin ang graphic organizer tungkol sa mga salik ng produksyon. Isulat sa loob ng
kahon ang mga salik ng produksyon, at ang kahalagahn nito.

Mga Salik
ng
Produksiyon

Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang mga salik ng produksyon at ang kahalagahan nito sa pang araw-araw na
pamumuhay ng tao?
2.Bakit mahalaga ang ginampanan ng bawat salik sa proseso ng produksiyon?
3.Sa iyong palagay, alin sa mga salik ang pinakamahalaga sa proseso ng produksyon?
Pangatwiranan ang sagot.
Gawain 2. Ikot-Nawain
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang dayagram sa ibaba na nagpapakita ng paikot- daloy ng
produksyon.

Pamprosesong Tanong:

1. Ang ilustrasyon sa itaas ay may kinalaman sa produksyon, ano ang ipinapahiwatig


nito?
2. Batay sa dayagram na iyong nakikita, paano nauugnay ang input sa output?
Pangangatwiran.
3. Bilang mag-aaral, bakit mahalaga sa iyo ang pag uugnay-ugnay ng mga salik sa
pang araw-araw na buhay?

Gawain 3: IRF Chart

Isaayos mo ang mga konsepto na taliwas sa iyong napagaralan. Isulat ang iyong kasagutan sa
bahagi ng revised.

IRF Chart

I-nitial Answer

R-evised Answer

F-inal Answer

Gawain 4. Isulat Mo Sa Tri-Linear Model!


Panuto: Layunin ng gawaing ito na mabigyang diin sa pamamagitan ng pagsulat sa
boxes ng mahahalagang konseptong may kaugnayan sa produksiyon mula sa tekstong
iyong binasa.
PRODUKSYON

Apat Na Salik

Kahalagahan

Implikasyon

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: sariling pagpapahayag ng mag-aaral


Gawain 2: sariling pagpapahayag ng mag-aaral
Gawain 3: sariling pagpapahayag ng mag-aaral
Gawain 4: sariling pagpapahayag ng mag-aaral
Araling Panlipunan 9
Ekonomiks
Salik ng Pagkonsumo
Pangalan _________________________________ Q1 W6-7
Antas _____________________________ Petsa __________________

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

Panimula at Susing Konsepto


Salik ng Pagkonsumo

Lahat tayo ay bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo. Simula sa mga


kagamitan sa eskwela tulad ng lapis at papel, kagamitang personal gaya ng cellphone
at pabango, mga kailangan natin tulad ng pagkain, damit, tubig at iba pa, ang lahat
ng ito ay ating ginagamit sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang pagbili at paggamit ng mga produkto o serbisyong ito ay tinatawag na


pagkonsumo. Ito din ay isang gawaing pang-ekonomiya na tumutukoy sa paggamit
ng produkto o serbisyo upang tugunan ang ating mga pangangailangan at
kagustuhan.

Konsyumer ang tawag sa mga taong gumagamit o bumibili ng mga produkto o serbisyo.
Dahil tayong lahat ay bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo para sa
ating mga pangangailangan, tayo ang mga konsyumer.

Ang ating pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo ay naaapektuhan ng iba’t


ibang mga salik. Ano-ano kaya ang mga bagay na nakakaapekto sa iyong pagbili?
Kailan ka napapabili ng marami at kailan ang kakaunti? Tayo na’t alamin ang mga ito!

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo


1. Presyo – ito ay tumutukoy sa halagang katumbas ng produkto o serbisyong ating
binibili. Ang salik na ito ay kadalasang nagiging motibasyon natin sa ating pagbili. Ang
mga sale sa pamilihan ay nakapaghihikayat sa atin na bumili ng mas marami
samantalang ang pagtaas naman ng presyo ng isang produkto o serbisyo ay hindi
nakapaghihikayat sa pagbili ng marami.

2. Kita – isa din ito sa mga bagay na nakakaapekto sa ating pagkonsumo. Maaari din
nitong limitahan o dagdagan ang pagkonsumo natin sa mga produkto o serbisyo. Ang
pagkakaroon ng pagbabago sa kita ay nangangahulugan ng paglaki o pagliit ng
pagkonsumo ng isang mamimili.

3. Panahon o inaasahan – ang pagbili sa mga produkto at serbisyo ay naaapektuhan nito.


Sa panahon ngayon ng pandemya, mas maraming tao ang bumibili ng mga produkto
tulad ng face mask, sabon at alkohol kaysa sa normal na panahon.Ang pagdiriwang o
okasyon ay nakakaapekto sa pagtaas at pagbaba ng ating pagkonsumo.

4. Utang o mga obligasyon – ang pagkakaroon ng utang ay nagdudulot ng pagbaba sa


ating pagkonsumo. Mas madaming utang na kailangang bayaran, mas kakaunti ang
natitirang pambili sa mga produktong ating kailangan.
5. Demonstration effect – kadalasan, tayong mga mamimili ay madaling
maimpluwensyahan ng mga bagay na ating nakikita o naririnig. Ang telebisyon, radyo
at maging ang social media ay nagiging kasangkapan upang tayo ay mahikayat na
bumili. Ang brand endorser na ating iniidolo, magandang taglineat pabalat ng mga
produkto ang ilan sa pumupukaw sa ating atensyon upang tayo ay mapabili. Kakaunti
naman ang mga bumibili sa mga produktong hindi pamilyar sa atin.

Ang lahat ng ito ay pawang nakakaapekto sa dami ng ating binibili o ginagamit. Ang
paglaki o pagliit ng ating pagkonsumo ay nakadepende sa mga salik na ito. Dahil ang
ating pagkonsumo ay naaapektuhan ng iba’t ibang mga salik, kailangan nating mas
maging matalino sa ating binibili at ginagamit. Dapat ay lagi nating isasaalang-alang
ang kahalagahan at ang paggamit natin sa mga produkto o serbisyo na ating bibilhin.

Gawain 1:

Panuto: Buuin ang graphic organizer sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang


halimbawa ayon sa salik ng pagkonsumo na kinabibilangan nito.

SALIK NG PAGKONSUMO

PANAHON/ UTANG/ DEMONSTRATIO


PRESYO KITA N EFFECT
INAASAHAN OBLIGASYON

1. Pagbili ng marami kung ito ay naka-sale.

2. Paggamit ng facemask upang magsilbing proteksyon sa panahong ito ng


pandemya.

3. Pagbili ng mga kagamitang pang-eskwelahan sa panahon ng pasukan.

4. Pagkonsumo gamit ang credit card.

5. Pagtangkilik sa mga produktong ineendorso ng isang sikat na artista.

6. Pagbili ng mas marami dahil nakatanggap ng bonus.

7. Paghahanap ng alternatibong produkto upang makamura.

8. Pagkonsumo ng mga pamilyang nawalan ng trabaho dulot ng community


quarantine.

9. Pamimili ng mga nauusong damit.

10. Pagbaba ng pagkonsumo dahil sa mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at upa sa
bahay.
Gawain 2

Panuto: Isulat ang mga hinihingi sa bawat aytem. Gamiting gabay ang mga
ibinigay na halimbawa.
1. Magbigay ng tatlong bagay na unang binibili ng iyong ina kapag siya ay
nagkapera (hal. bigas).

_ _____
_ _____

2. Ano-ano ang madalas mong bilhin tuwing pasukan? (hal. papel)

_ _____
_ _____

3. Ano-ano ang mga una mong napapansin sa isang tvcommercial? (hal.


modelo)

4. Sa anong mga lugar sulit mamili? (hal. palengke)

5. Anong mga bayarin ang hindi mo pwedeng ipagpaliban? (hal. bayarin sa


kuryente)

BASA-SURI
Gawain 3: Panuto: Basahin at unawain ang talata. Sagutin ang mga katanungan dito sa
iyong sagutang papel o portfolio.

Ang Wais na si Aling Gloria


Isinulat ni Michelle R. Maglaqui

Si Aling Gloria ay isang praktikal na ina. Sa lahat ng pagkakataon ay lagi


niyang inuuna ang pangangailangan ng
kanyang pamilya kaysa sa luho niya. Ang suweldo ng asawa ay kanyang
pinagkakasya upang sumapat sa isang buwang pangangailangan ng
buong pamilya. Ang
paglilista para sa lingguhang badyet ay talaga namang nakakatulong sa
kanya. Mayroon din siyang mga suking tindera na hindi siya kayang
pahindian kapag siya ay tumatawad na. Kaya naman, malimit siyang
tawaging ‘ang wais na si Aling Gloria’. Madaling araw pa lamang ng Sabado
ay namamalengke na siya.
Nagpupunta sa kanyang mga suking tindera at doon ay nakikipagtawaran
na. Laging tinitiyak na sariwa ang isda, karne at gulay na binibili, na siyang
ihahain para sa pamilya. Kung ang presyo naman ay tumaas, siya ay hindi
nag-aalala sapagkat may alternatibo naman siya. Iniiwasan din niya ang
pangungutang upang hindi na mabawasan pa ang badyet para sa kanyang
pamilya. Tunay nga na si Aling Gloria ay isang wais na ina, hindi siya basta-
basta nagpapadala sa panghihikayat ng iba. Sinisigurado niya na ang bawat
sentimong kanyang gagastusin ay para sa kapakinabangan ng kanyang
buong pamilya. ‘Yan si Aling Gloria, ang wais kong ina.

1. Ilarawan si Aling Gloria bilang isang wais na ina.


_
_
_

2. Ano-ano ang mga pahayag na nagpapatunay na isang wais na ina si Aling Gloria

_
_
_

3. Sa iyong palagay, may mga bagay ba na nakakaapekto sa pagbabadyet ni Aling


Gloria? Ipaliwanag ang iyong sagot.

_
_
4. Maglista ng limang katangian ng iyongmagulang o tagapangalaga na maaari mong
maiugnay sa mga katangian ni Aling Gloria bilang isang konsyumer.

_
_
SURI-TSART
Expenditure Pattern of Filipino Families

Bottom 30% Upper 70%


Food expenditure 58.2% 39.5%
Others 15.6% 25.6%
House rent/ rental value 8.1% 12.9%
Water, electricity, gas and other fuels 7.6% 8.3%
Miscelleneous goods and services 5.3% 6.8%
Transport 5.2% 6.9%
Source:2018 FAMILY INCOME ANDEXPENDITURE SURVEY
Gawain 4:
Panuto: Gamitin ang datos mula sa gastusin ng pamilyang Pilipino 2018 at sagutin ang
mga sumusunod na katanungan:
1. Sa anong gastusin ng pamilya napupunta ang malaking porsyento ng kita ng
pamilyang Pilipino?

_
_
_

2. Gaano kalaki ang napupunta sa mga sumusunod?

Bottom 30% Upper 70%

a. Pagkain _ _

b. Upa sa bahay _ _

c. Transportasyon _ _

d. Tubig at kuryente _ _

3. Paghambingin ang gastusin ng mga pamilyang nasa bottom 30% at pamilyang mula sa
upper 70%. Magkatulad ba ang kanilang gastusin? Paano nakakaapekto ang mga salik
ng pagkonsumo sa mga pamilyang nasa bottom 30% at upper 70% ? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

_
_
_

Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1: sariling pagpapahayag ng mag-aaral


Gawain 2: sariling pagpapahayag ng mag-aaral
Gawain 3: sariling pagpapahayag ng mag-aaral
Gawain 4: sariling pagpapahayag ng mag-aaral
Araling Panlipunan 9
Ekonomiks
Karapatan at Tungkulin ng Mamimili
Pangalan _________________________________ Q1 W8
Antas _____________________________ Petsa __________________

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga
tungkulin bilang isang mamimili.

Sa panahong ito ng krisis, makakabuti na tayo ay maging mas matalino


sa ating pamimili. Dapat pa rin natin isaalang-alang ang kalidad ng ating binibili.
Ngunit paano ba maging isang matalinong mamimili? Paano mo masisiguro na
ang iyong binili ay sulit sa ibinayad mo para rito? Basahin mo ang iyong mga
karapatan at tungkulin bilang isang mamimili.

Mga Karapatan ng Mamimili

1. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan. Ang


pagkakaroon ng sapat na suplay at tamang presyo sa mga produkto ay
karapatan ng bawat mamimili. Dapat na isaalang-alang ng pamahalaan ang
kakayahan ng mamimili sa pag-abot sa presyo at maging ang suplay nito sa
merkado lalo na sa mga pangunahing pangangailangan.

2. Karapatan sa kaligtasan. Ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa


mamimili hinggil sa produkto o sangkap nito ay isang karapatan. Kaya naman
dapat isaalang-alang sa etiketa ng produkto ang sangkap nito, paraan ng
paggamit at mga babala sa lenggwaheng naiintindihan ng lahat.

3. Karapatan sa patalastasan. Ang pagkakaroon ng lubusang kaalaman


hinggil sa produkto o serbisyong bibilhin ay kailangan upang maiwasan na
madaya o mapagsamantalahan. Ang pagbibigay ng mapanligaw na patalastas
ay hindi ayon sa karapatang ito.

4. Karapatan sa pagpili. Nasa desisyon ng mamimili ang pagbili sa produkto


o serbisyo. Walang sinuman ang maaaring pumilit sa iyo na bilhin ang
produktong hindi mo gusto.

5. Karapatang dinggin. Kailangang isaalang-alang ng gobyerno ang mga


mamimili sa paggawa ng mga patakaran. Ang gobyerno ang dapat
magtaguyod sa mga karapatang ito.
6. Karapatang bayaran at tumbasan ang anumang kapinsalaan. Ang isang
depektibong produktong nabili ay dapat palitan o bayaran. Ang
pagkakamaling makapagbigay ng mababang uri ng produkto o serbisyo
bunga ng kapabayaan o masamang hangarin ay dapat ding bayaran o
tumbasan ayon sa kapinsalaan.

7. Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili. Sa


pag-aaral ng ekonomiks lalawak ang iyong kaalaman at matututunan mo ang
iyong mga karapatan at maipagatatanggol ito. Makakatulong ito upang
makaiwas ka sa pandaraya o panloloko ng mga mapagsamantalang
negosyante.

8. Karapatan sa malinis na kapaligiran. Upang masiguro ang kaligtasan ng


mga mamimili, kinakailangan ng inspeksyon pagdating sa sanitasyon ng mga
pamilihan. Dito kailangang tiyakin ng bawat nagnenegosyo ang kalinisan ng
kanilang kapaligiran at paninda.

Ngayong alam mo na ang iyong mga karapatan, pag-aralan naman natin ang
iyong mga tungkulin. Tandaan, kaakibat ng iyong karapatan ang iyong
pananagutan.

Mga Tungkulin ng mga Mamimili

1. Mapanuring kamalayan – tungkulin ng bawat mamimili na maging alerto at


mapanuri sa lahat ng produktong kanyang binibili. Tungkulin mo sa iyong
sarili na hindi madaya sa lahat ng pagkakataon.

2. Pagkilos – ang pagsasawalang-kibo ay hindi nakakatulong upang labanan


ang pagsasamantala ng mga mandarayang mangangalakal. Kailangan ng
pagkilos at pagbabantay upang maipaabot sa ating gobyerno at komunidad
na hindi natutulog ang matalinong mamimili.

3. Pagmamalasakit na panlipunan – maging kabahagi sa pagpapa-unlad ng


mga lokal na industriya. Lalo na sa panahon na ito ng pandemya na marami
sa ating mga kababayan ang nawalan ang hanapbuhay at nagsarang mga
negosyo. Sa pagtangkilik natin sa mga lokal na produkto ay makakatulong
tayo upang sumiglang muli ang ating ekonomiya.

4. Kamalayan sa kapaligiran – tungkulin natin ang pangangalaga sa ating mga


likas na yaman na siyang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap para sa
paggawa ng produkto. Nakasalalay sa atin ang kinabukasan na masilayan at
mapakinabangan din ng susunod na henerasyon ang mga yamang ito.
5. Pagkakaisa – ang pagtatatag ng samahan ay isang pwersang magtataguyod
sa atin upang mapangalagaan natin ang ating mga karapatan bilang
mamimili.

Gawain 1:

Panuto: Punan ang talahanayan ng akmang mga impormasyon tungkol sa


paksang iyong nabasa.

Karapatan Bilang Mamimili Tungkulin Bilang Mamimili

Gawain 2: Wais na Mamimili

Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang mga salita o pariralang nagpapakilala
ng katangian ng isang matalinong mamimili. Isulat ang mga ito sa sagutang
papel. Mula sa mga salitang iyong naitala, gamitin ang mga ito upang makabuo
ka ng isang talata.

praktikal marunong makisama


marunong manguwenta mahilig sa sale
madaling maniwala alam ang mga pananagutan
malakas ang loob bumibili ng mga produktong Pinoy alam
ang mga karapatan gumagamit ng credit card sa pagbabayad
Gawain 3: Sagutin Mo!

Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Isa ka bang matalinong mamimili? Ipaliwanag ang iyong sagot.


___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga na alam nating mga mamimili ang ating mga karapatan at
pananagutan?
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang pahayag na “customer is always right”.


___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Naniniwala ka bang dapat parusahan ang mga taong nakitang umaabuso sa


mga mamimili at nandadaya ng mga impormasyon? Bakit?
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 4: Aksyunan mo!

Panuto: Suriin at ibigay ang iyong susunod na gagawin sa mga sitwasyon sa


bawat bilang. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Sa ilalim ng MGCQ o Modified General Community Quarantine ay maaari


ng pumasada ang kalahati sa mga pampublikong sasakyan na nagtatakda
sa limitadong bilang ng isasakay katulad ng jeep at tricycle alinsunod sa
guidelines na itinakda ng IATF. Bilang isang regular

2. namananakay, ano ang iyong gagawin kung napansin mong marami sa


mga pampublikong transportasyon ay hindi sumusunod sa alituntuning
ito?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________
Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1: sariling pagpapahayag ng mag-aaral


Gawain 2: sariling pagpapahayag ng mag-aaral
Gawain 3: sariling pagpapahayag ng mag-aaral
Gawain 4: sariling pagpapahayag ng mag-aaral

You might also like