You are on page 1of 107

MODYUL SA

ARALING
PANLIPUNAN 8
(IKALAWANG MARKAHAN)
W1
Modyul 2: ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYUNAL NA
PANAHON

Panimula
“Change is inevitable”. Karaniwan nang naririnig ang ganitong
kasabihan. Lahat ng bagay sa mundo ay dumadaan sa prosesong ito. Kahit
ikaw, marami ka nang pinagdaanang pagbabago mula noon
hanggang
ngayon. Kung iisipin, tao lang ba ang nagbabago o lahat ng bagay sa
daigdig? Paano ba narating ng mundo ang kalagayan nito sa kasalukuyan?
Marahil ay may mga pangyayari na nagdulot ng malaking pagbabago. Nais
mo ba itong malaman?
Sa Yunit na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa
Kasaysayan ng Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon.
Inaaasahang sa pagtatapos ng iyong paglalakbay panahong ito ay
masasagot mo ang katanungang: Paano nakaimpluwesiya ang mga
kontribusyon ng Klasikal at Transiyunal na Panahon sa paghubog ng
pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig?

Mga Aralin At Sakop Ng Modyul

Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe


Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America,
Africa, at mga Pulo sa Pacific
Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon

Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:

Aralin 1 Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean


Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng Greece
Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa
kabihasnang klasikal ng Rome (mula sa sinaunang Rome
hanggang sa tugatog at pagbagsak ng Imperyong Roman)
Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng
kabihasnang klasikal ng Europe sa pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan
Aralin 2 Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng
America
Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na
kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai)

2
Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng pulo sa Pacific
Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng
kabihasnang klasikal ng America, Africa at mga Pulo sa
Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan
Aralin 3 Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng
Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Panahong
Medieval
Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa
pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”
Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada
sa Panahong Medieval
Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval:
Manorialismo, Piyudalismo, ang pag-usbong ng mga
bagong bayan at lungsod
Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang
mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap
ng pandaigdigang kamalayan

PANIMULANG PAGSUSULIT

Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagsusulit na magtatakda kung ano na ang iyong
alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan nang
wasto at alamin ang sagot sa mga aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan mo na
ang pagsagot.

1.Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa “polis” bilang isang lungsod-


estado?
A. Ang “polis” ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan
binibigyang-diin ang demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at
nakasentro sa isang lungsod.
C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang “polis” at nahahati ito sa
iba’t ibang yunit ng pamahalaan
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang
“polis”.

2. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang


Rome?
A. Censor at Praetor B.
Etruscan at Roman C.
Patrician at Plebeian D.
Maharlika at Alipin

3
3. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang
Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. maraming isla
B. maliit na mga isla
C. maitim na mga isla
D. maitim ang mga tao sa isla

4. Ang “Holy Roman Empire” ang sinasabing bumuhay sa Imperyong


Roman. Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 C.E.?
A. Charlemagne
B. Charles Martel
C. Clovis
D. Pepin the Short

5. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong


European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing
layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko

Para sa bilang 6, suriin ang kasunod na mapa

http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece

4
6. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod
na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa
pag- unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang
maging ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe,
Africa, at Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan
dahil nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Africa at
Asya ang Kabihasnang Minoan

A. I at II
B. II at III
C. II at IV
D. I, II, at III
Para sa bilang 7, suriin ang kasunod na larawan:

7. Makikita sa larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng


mga Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong kongklusyon ang
maaaring mabuo batay sa larawan?

A. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang


paniniwala sa iba’t ibang diyos
B. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa
Astronomiya C.Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya
mula sa mga Roman
D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa astronomiya
noong Panahong Hellenistic
Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na pahayag:
“ Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a
minority but of the whole people. When it is a question of settling private
disputes, everyone is equal before the law;…”
-
PERICLES
Funeral Oration

8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?

A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang Demokrasya


B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang
pamahalaang Demokrasya
D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban
sa pamahalaan

Para sa bilang 9, suriin ang timeline tungkol sa mga Kabihasnan sa America

Mga Kabihasnan sa America

1200- 200-700 250-900 900-1100 1200-1521 1300-1525


500 B.C.E. C.E. C.E. C.E.

Olmec Teotihuacan Maya Toltec Aztec Inca

9. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong


Pre- historic?
A. Kabihasnang Olmec
B. Kabihasnang Maya
C. Kabihasnang Aztec
D. Kabihasnang Inca

6
Para sa bilang 10, basahin at unawain ang comic strip

Ako ang HARI,


pagmamay-ari ko ang
lahat ng lupain. Subalit
ibinigay ko ang iba sa
mga BARON.

Ako ang BARON, dapat akong maging


TAPAT sa HARI dahil ibinigay niya sa
akin ang ilan sa kaniyang lupain.Dapat na
handa akong ipaglaban siya at magsanay
ng mga KNIGHT. Ibinigay ko ang ilan
sa aking lupain sa aking mga KNIGHT.

Ako ang VILLEIN, ibinigay ng KNIGHT sa


akin ang ilan sa kaniyang lupain upang
mapagtamnan at paunlarin. Tungkulin kong
magbayad ng buwis at magkaloob sa kaniya
ng regalo. Hindi ako maaaring umalis sa
lupain na kaniyang nasasakupan nang walang
pahintulot ang KNIGHT.

10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng mga tinukoy na karakter sa


comic strip tungkol sa Piyudalismo?

A. Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kaniyang


mga nasasakupan
B. Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan
ay pagmamay-ari ng lupa
C. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong
Panahong Medieval
D. Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe noong
Panahong Medieval upang mailigtas ang kaniyang teritoryo

7
11.Isa sa mga epekto ng pag-unlad ng sistema ng pagsasaka noong unang
bahagi ng Panahong Medieval ang pagtaas ng populasyon. Batay sa
graph, sa anong mga taon ito naganap?

A. 1000 at 1500 C.E.


B. 800 at 1000 C.E.
C. 800, 1000, at 1500 C.E.
D. 600, 800, at 1000 C.E.

12. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa. Ito ay


yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing
dahilan nito?
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon
nito. C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.

13. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na


ang bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng
pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?

A. Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece


B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng
Europe na isang mabundok na lugar.
C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng
maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado.
D. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan
ang umusbong dito

14. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome


bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung
ikukumpara sa mga karatig-lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa
Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece
D. Wasto ang lahat ng nabanggit

8
ARALIN 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa
Europe

Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng


mga atleta mula sa iba’t ibang bansa. Noong 2008, natuon ang pansin ng
lahat sa Asia dahil sa ginanap na Olymics sa Beijing, China. Saan at kailan
nga ba nagsimula ang paligsahang ito?
Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympia-
isang lungsod-estado ng sinaunang Greece. Kontribusyon ito ng Klasikal na
Kabihasnan sa Europe na kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome.
Sa bahaging ito ng modyul ay pag-aaralan ang mahahalagang
pangyayari tungkol sa pag-usbong, pag-unlad, at pagbagsak ng mga
Kabihasnang Greece at Rome. Masasagot din ang katanungang:paano
nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan?

9
ALAMIN

Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan ng China, India,


Mesopotamia, at Egypt sa mga lambak-ilog. Ganito rin kaya ang mga
kabihasnang nabuo sa Europe partikular sa Greece at Rome? Alamin sa
araling ito ang kasagutan.

Gawain 1. Ano ang Gusto Ko?


Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Makikita sa
Pilosopo larawan ang isang
Politiko Artist tipikal na tagpo sa isang
Mandirigma lungsod-estado sa
Europe noong
Mangangalakal
Panahong Klasikal.
Bawat isa ay may
tungkuling
ginagampanan. Kung
ikaw ay nabuhay nang
panahong iyon, alin sa
sumusunod na
Kababaihan tungkulin ang nais
mong gampanan?
Bakit?

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng isang lungsod-estado


noong Panahong Klasikal? Ipaliwanag.
2. May pagkakatulad ba ang makikita sa larawan, sa karaniwang tagpo
sa mga lungsod sa kasalukuyang panahon? Patunayan

10
Gawain 2 . Magbasa at Matuto
Panuto: Bilang panimula, basahin at unawain ang sumusunod na teksto
tungkol sa Kabihasnang Minoan at Mycenaean.

Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng


Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan
ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo.
Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa
paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang
mula sa baybay-dagat.
Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing naging
sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal ang
paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat
lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa
kanilang kultura.
Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa
maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan. Ito rin
ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nakatulong
naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging
tagumpay sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan.

Halaw sa “Project Ease Modyul 4: Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego pp. 8-10

Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Kabihasnang Greece.

499 B.C.E 334-323 B.C. E


431 B.C. E Pananakop ni
Nagsimula Nagsimula ang
ang Persian Alexander the
Peloponnesian Great
War War

700 B.C.E 600 B.C.E 500 B.C.E 400 B.C.E 300 B.C.E 200 B.C.E

700 B.C.E 404 B.C.E


460 B.C.E Pigura 1.1 Timeline ng mga
Umusbong Tinalo ng
Nagsimula pangyayari sa Kabihasnang
ang mga Sparta ang
ang Golden Greece.
Lungsod- Athens
Age ng
estado ng
Athens
Greece

11
Ang mga Mycenaean
Bago pa man salakayin at sakupin ng mga
Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang
paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa
Timog Greece.
Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro
ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang
naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga
lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan
at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na
paderang lungsod upang magsilbing pananggalang
sa mga maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400
B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang
mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at
magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa
lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga
salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek.
Mapa 1.2 Lokasyon ng Kabihasnang Mycenaea
Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng
mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png
ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek.
Bagamat walang naiwang mga nakasulat na Ano-anong impormasyon ang
kasaysayan, ang pagsasalin-salinng mga kwento ng mahahalaw mula a teksto?
mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di 1.
naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa
mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing
naging batayan ng mitolohiyang Greek.Sa bandang 2.
huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa
ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga
mananalakay. 3.
Noong 1100 B.C.E., isang pangkat ng tao
mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo
ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian.
Samantala, isang pangkat naman ng tao na 4.
mayroon dinkaugnayan sa mga Mycenaean ang
tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia
Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. 5.
Nagtatag sila ng kanilangpamayanan at tinawag
itong Ionia.Nakilala sila bilang mga Ionian.
Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang
dark ageo madilim na panahon natumagal din nang
halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng Halaw sa “Project Ease Modyul 4: Pagsibol
mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, ng Sibilisasyong Griyego pp 10-11
pagsasaka, at iba pang gawaing
pangkabuhayan.Maging ang paglago ng sining at
pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.

12
Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang
bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan
sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang
nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang
Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas.Ito ay tumagal mula
800 B.C.E. hanggang 400 B.C.E. at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong
naganap sa kasaysayan ng daigdig.

Sa bahaging ito, alamin mo ang mahahalagang pangyayaring


nagbigay-daan sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng Klasikal na
kabihasnang Greece.

Gawain 3 . Magbasa at Matuto


Panuto: Basahin at unawain ang mga tekstong ilalahad sa bahaging ito.
Sagutin din ang mga katanungan sa bawat kahon.

Ang mga Polis


Batay sa teksto, isulat
Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong ang kahulugan ng mga
Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga sumusunod na salita:
lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng
bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa polis-
pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito
ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-
estado o polis kung saan hango ang salitang may
kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at
politiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang acropolis-
pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay
5000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang
nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng
lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay may mga
pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na agora-
tinawag na acropolis o mataas na lungsod. Sa panahon
ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga Greek para
sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang
matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito ang
naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek.
Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na
agora o pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga
pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa

13
Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng
Sparta ay magkaroon ng mga kalalakihan at kababaihang
walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan.
Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag
nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay Pamprosesong
dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay Tanong:
doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang
lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit 1. Ano ang
ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga pangunahing
batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang katangian ng Sparta
sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo bilang isang
militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa lungsod-estado ng
pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin
Greece?
ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang
reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang
pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga
kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at
ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, 2. Paano sinasanay
sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at ang mga Spartan
manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa upang maging
gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa malakas?
hukbo. Sa mg
lipunan ng a
mga nag
Spartan, -
ang lahat aasi
ay nakikiisa kas
upang o
mapigilan ng
ang mga lupa
pag-aalsa in
ng mga ng
helot. kani
Maging ang lang
mga mg
kababaihan a
ay asa
sinasanay wa
na maging hab
matatag. Di ang
tulad ng mga ang
kababaihang mg
Greek na a ito
limitado ang ay
ginagampan nas
an sa a
lipunan, ang kam
mga po
kababaihang milit
Spartan ay ar.
maraming Nan
tinatamasan gun
g karapatan. gun
Sila ang a
din sila sa mga palakasan at
malayang nakikipaghalubilo sa mga
kaibigan ng kani-kanilang mga asawa
habang masaya silang nanonood ng
3. Paano
mga palarong tulad ng pagbubuno o nakab
wrestling, boksing, at karera. uti at
Ang Sparta ang responsable nakas
sa pagkakaroon ng pinakamahusay ama
na sandatahang lakas sa buong ang
daigdig. Sa paraa
simula, labu-labo kung n ng
makipagdigma ang mga Greek.
Oo disiplin
nga’t sama-samang nagmamartsa sa a ng
lugar ng digmaan, ang mga sundalo mga
ay isa-isang nakikipaglaban sa mga Sparta
kaaway hanggang sila ay manghina n?
at mamatay. Nang lumaon ang
mga Griyego, lalo na ang mga
Spartan, ay mas naging maparaan sa
kanilang pakikipagdigma. Sa halip na
lumusob ng isa-isa sa mga
kalaban,sila ay nananatiling sama-
sama sa pagkakatayo pasulong man
o paurong sa labanan,hawak ang
pananggalang sa kaliwang kamay at Karagdagang
espada naman sa kanan. Ang babasahin:
hukbong ito na tinaguriang
Kasaysayan ng
phalanx ay karaniwang binubuo ng
Daigdig, Batayang
hanggang 16 na hanay ng mga
mandirigma. Kapag namatay ang Aklat sa Araling
mga sundalo sa unang hanay, ito ay Panlipunan
mabilis na sinasalitan ng susunod Ikatlong Taon nina
pang hanay. Ang phalanx ay hindi Mateo et. al.
mga bayarang mandirigma, sila ay pahina 117
tagapagtanggol ng kanilang polis.

1
4
Ang Athens at ang Pag-unlad Nito
Batay sa teksto, ano ang
Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isa kahulugan ng sumusunod?
lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece
na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi tyrant-
angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga
mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan,
gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o
mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Archon-
Athens.Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo
na naging dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica
ay sumali sa kanilang pamamahala.
Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay
pinamunuan ng mga tyrant na noon ay
nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng
karapatan ng karaniwang tao at maayos na
pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging
mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na
umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong
kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na
pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan.
Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari
na inihalal ng asembleya ng mamamayan at
pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang
asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may
malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay
tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga
may kaya sa lipunan.
Di nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga
artisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang
lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang
karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o Larawan 1.1 Ang Parthenon ng Greece
aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco isang
tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at https://encrypted-
hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:A
kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay- Nd9GcReawl5Xp8agCB-
pantaysa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang TODpqzMKAPIuktNE9yhizLwBds64
mga namumuno. Sa gitna ngpagbabagong ito yykmPzc7kg
nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng
Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang
makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa
kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa
larangan ng politika.

15
Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong
594 B.C.E. sa pangunguna ni Solon na mula sa mga
pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at
patas. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at
ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang.
Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng
malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga
magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa
mga korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni
Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at
karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang
pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang
kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga Larawan 1.2 Si Solon, isang
mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mambabatas na Greek
mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad http://en.wikipedia.org/wiki/Fil
ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang e:Solon2.jpg
ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para
sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa
kasalukuyan, ginagamit ang salitang Solon bilang tawag
sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na
umuugit ng batas.
Noong mga 546 B.C.E., isang politikong
nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan
ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang
suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang
mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi
ng malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga
magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng
malawakang trabaho sa malalaking proyektong
pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa
lungsod ng Athens, at nagpatayo ng magagandang Larawan 1.3 Si Pisistratus, isang
templo. Ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa sining at mahusay na pinunong Greek
kultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga http://en.wikipedia.org/wiki/
pintor at sa mga nangunguna sa drama. Ang pagsulong Cleisthenes
niya sa sining ang nagbigay-daan upang tanghalin ang 16
Athens na sentro ng kulturang Greek.
Gawain 4 . Paghahambing
Panuto:Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado
ng sinaunang Greece.

Sparta Athens

Pamprosesong Tanong
1. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga
Spartan at Athenian?
2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-
unlad ng Kabihasnang Greek?
3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo
mas pipiliiing tumira, sa Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang sagot.

Gawain 5 . Magbasa at Matuto

isa’t isa, iisa lamang ang wika at kultura ng mga Greek. Mataas ang tingin nila sa
isa’t isa, samantalang hindi edukado at mababa ang tingin nil sa mga hindi Greek.
Naranasan din ng Greece ang banta ng paglusob at pananakop ng mga kalapit
na kabihasnan. Matutunghayan mo sa bahaging ito ang mga digmaang
kinasangkutan ng Greece.

17
Ang Banta ng Persia
Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo
nito sa kanluran. Noong 546 B.C.E., sinalakay ni cyrus
the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ni
Darius I, ang nagmana ng trono ni cyrus the Great, ang
hangaring ito. Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang
mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong
ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa
labanang pandagat sa Miletus noong 494 B.C.E.
Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni darius
na parusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong at
gawin itong hakbang sa pagsakop a Greece. Bilang
paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia,
sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota
o fleet na pandigma.
Ang Digmaang Graeco- Persia (499-479 B.C.E.)
Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay
naganap noong 490 B.C.E. sa ilalim ni Darius. Tinawid
ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa
Marathon , isang kapatagan sa hilagang-silangan ng
Athens. Tinalo ng 10, 000 puwersa ng Athens ang
humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia.
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang
tangkang pagpapabagsak sa Athens. Noong B.C.E.,
isang madugong labanan ang naganap sa Larawan 1.4. Paglalarawan ng
Digmaang Graeco-Persia
Thermopylae, isang makipot na daanan sa gilid ng
bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. http://althistory.wikia.com/wiki/Greek
Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga- _Glory?file=GRECO-PERSIAN-
Sparta sa ilalim ni Leonidas ang nakipaglaban sa WARS.gif
puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes na
madali niyang malulupig ang mga Greek. Hindi niya
inasahan ang katapangan at kahusayan ng mga taga- Ano ang dahilan ng
Sparta sa pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw, pagtatagumpay ng Greek
dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit laban sa malaking puwersa
ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan
ng Persia? Ipaliwanag.
patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni
Leonidas ang mga Greek na lumikas habang
ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang
Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming puwersa
ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni
Leonidas.
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. .
Subalit dinala ni Themistocles ang labanan sa
dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang
dagat ay lubhang makipot. Nahirapang iwasan ng
malaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng
Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang
sa mabutas. Isa-isang lumubog ang plota ng Persia.
Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga
alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece sa
pamumuno ni Pausanias ng Sparta. Kabilang sa
alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth, at Megara.
`
1
Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang teksto tungkol
Ginintuang Panahon ng Athens.
Ginintuang Panahon ng Athens Sa edad na 18 taong gulang, ang mga
Noong 461 B.C.E., si Pericles, isang lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at
strategos o heneral na inihalal ng mga pagkatapos ay maaari nang maging
kalalakihang mamamayan ang namuno sa mamamayan ng Athens at makibahagi sa
Athens. Taon-taon ay nahahalal si Pericles pamahalaan nito. Samantala, ang mga
hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan kababaihan ay itinuring na mas mababa sa
noong 429 B.C.E. mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng
Sa loob ng mahabang panahon ng pagkamamamayan at hindi maaaring
kaniyang panunungkulan, maraming pinairal makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin sila
na mga programang pampubliko si Pericles. maaaring magmay-ari. Ang kanilang buhay ay
Lahat ay naglalayong gawing umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga
pinakamarangyang estado ang Athens. ng mga anak. Sa edad na 14-16 sila ay
Nais ni Pericles na lumawak pa ang ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang
umiiral na demokrasya sa Athens kung kaya’t mga magulang.
dinagdagan niya ang bilang ng mga Pagsasaka ang karaniwang
manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani
niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay ay kanilang kinakain. Ang mga sobrang
nagkaroon pagkakataong makapagtrabaho sa produkto ay ipinapalit nila ng iba pang
pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya di kagamitang pambahay.
nagtagal mga ikatlong bahagi (1/3) ng Bagamat marangya at magarbo ang
populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga ang mga gusaling pampubliko, ang mga
gawain ng pamahalaan. tahanan naman ay simple lamang, maging ito
Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga ay pag-aari ng mayayaman o karaniwang tao.
repormang ipinatupad ni Pericles. Para sa Sa kabuuan, simple lamang ang naging
mayayaman ang ginawa niyang mga pamumuhay sa sinaunang Greece.Ngunit mula
pagbabago ay magdudulot ng pagkalugi sa sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang
pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa pinakamahuhusay na artista, manunulat, at
mga ordinaryong mamamayan. Ipinagtanggol mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan
niya ang kanyang mga ginawang pagbabago hanggang sa ating makabagong panahon.
sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang Ang may-akda ng mga natatanging
pahayag na naitala naman ni Thucydides, na pilosopong Greek sa larangan ng politika
isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang ating ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni
konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito Plato at Politics ni Aristotle.
ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng Maging sa larangan ng arkitektura ay
iilan.” nakilala ang mga Greek. Kahangahanga ang
Mahalaga ang edukasyon para sa mga arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay
Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral sa matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at
mga pribadong paaralan kung saan sila ay iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging
natuto ng pagbasa, matematika, musika,at mga estilo na Ionian, Doric, at Corinthian ay
obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat naperpekto nila nang husto.
din silang talakayin ang sining, politika at iba
pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng
kanilang pag-aaral.

19
Ang pinakamagandang
Gawain 1 . Talahanayan, Punan Mo.
Panuto: Mula sa binasang teksto tungkol sa ginintuang panahon ng Athens,
buuin ang talahanayan ng mga ambag ng Greece sa iba’t ibang larangan.

Larangan Ambag Kahalagahan

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang epekto ng kabihasnang Greece sa kasalukuyang panahon?
2. Alin sa mga nabanggit na kontribusyon ang may pinakamalawak na
epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan.

20
Gawain 2 . Magbasa at Matuto
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng sumusunod na teksto
tungkol sa paglakas ng Imperyong Macedonia at pagbagsak ng
mga lungsod-estado ng Greece.
.
Imperyong Macedonian
Halaw mula sa Kasaysayan ng Daigdig,
Hinangad ni Philip, hari ng Batayang Aklat sa Araling Panlipunan,
Macedonia , na pag-isahin ang mga
Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina
lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng
119-120
kanyang pamamahala. Upang matupad
ang kaniyang hangarin, bumuo siya ng
isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang
paraan ng pakikipagdigma. Bilang
pagtatanggol ng kanilang kalayaan,
sinalakay ng magkasanib na puwersa ng
Athens at ng Thebes ang Macedonia noong
338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang
hukbo ng dalawang lungsod-estado.Ang
pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat
ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga
lungsod-estado. Ang buong Greece,
maliban sa Sparta, ay napasailalim sa
kapangyarihan ng Macedonia.
Naging tanyag na pinuno ng
Macedonia ang anak ni Philip na si
Alexander the Great. Noong siya ay bata Larawan 1.5 Paglalarawan kay Alexander
pa lamang, naging guro niya si Aristotle na the Great
nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/comm
kultura at karunungan. Habang lumalaki, ons/a/ac/BattleofIssus333BC-mosaic-
natutuhan niya ang kagalingan sa detail1.jpg
pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang
nang mamatay ang kanyang ama at naging
hari ng Macedonia at Greece. Matalino, Gabay na Tanong
malakas ang loob at magaling na pinuno si 1. Ano ang dahilan ng paghina
Alexander. Sinalakay niya ang Persia at
ng mga lungsod-estado ng
Egypt at pagkatapos ay tumungo sa
silangan at sinakop ang Afghanistan at
Greece?
hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo
na sumakop sa kabuuan ng kanlurang 2. Ano ang nagbigay-daan sa
Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya paglakas ng Macedonia?
ang kaisipang Greek sa silangan.
Noong 323 B.C.E., sa gulang na 32 3. Ano ang maituturing na
taon namatay si Alexander sa Babylon sa kontribusyon ng Imperyong
hindi matiyak na karamdaman. Macedonia sa mundo?

21
GAWAIN 4 : GREECE…SA ISANG TINGIN
Panuto: Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat
konseptong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos
punan ang word map ay sagutin ang tanong sa kahon.
Politika
Heograpiya Ekonomiya

Sinaunang Kabihasnang Greece

Pilosopiya Sining at Teknolohiya


Arkitektura

Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek?

22
Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak
na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang Europe,
isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang Rome. Kung ang
Greece ay kilala sa taguring “the glory that was Greece” makikilala ang Rome sa
taguring “the grandeur that was Rome”. Ano kaya ang kahulugan nito? Halina’t
iyong tuklasin.

Suriin ang timeline ng kasaysayan ng Imperyong Roman. Magagamit


itong gabay sa mga susunod na pagtalakay.

306 C.E.
202 B.C.E.
Naging
Natalo ng 180 C.E.
emperador ng
mga Nagtapos
imperyo si
Romans si ang Pax
Constantine
Hannibal Romana

750 B.C.E 500 B.C.E 250 B.C.E 1 C.E. 250 C.E 500 A.D.

509 B.C.E. 27 B.C.E 476 C.E.


Itinatag 264 B.C.E. Nagtapos
Sumiklab Nagsimula
ang ang Pax ang
Roman ang Punic imperyong
War Romana sa
Republic Romano sa
pamumuno
ni Augustus Kanluran

284 C.E.
450 B.C.E Hinati ni
45 B.C.E
Naging Diocletian
Naging
pundasyon ang
diktador ng
ng batas ng imperyong
Rome si
mga Rome
Julius
Romans
Caezar
ang Twelve
Tables
Pigura 1.2 Timeline ng mga pangyayari sa
Imperyong Rome.
Gawain 5. Magbasa at Matuto.
Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnan ng Rome.
.

Ang Italy ay isang bansang


matatagpuan sa kanlurang Europe.
Ito ay isang peninsula na nakausli
sa Mediterranean Sea. Katulad ng
Greece, ang Italy ay binubuo ng
maraming kabundukan at ilang mga
kapatagan. Isang mahalagang
kapatagan ang Latium. Ang Ilog
Tiber ay dumadaloy sa kapatagang
ito. May ilang bakas ng sinaunang
kabihasnan sa kapatagan ng Latium
at sinasabing dito umusbong ang
dakilang lungsod ng Rome.
Masasabing istratehiko ang
lokasyon ng Rome dahil sa Ilog
Tiber na nag-uugnay dito at sa
Mediterranean Sea. Ang lokasyong
ito ay nagbigay-daan sa
pakikipagkalakalan ng Rome sa Mapa 1.4. Lokasyon ng Kabihasnang Rome
mga bansang nakapalibot sa
Mediterranean Sea. Ang saganang
kapatagan at maunlad na
agrikultura ay kayang suportahan Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa
ang pagkakaroon ng malaking pag-usbong ng Rome bilang isang
populasyon. matatag na lungsod?

24
Ang Simula ng Rome
3
1
Ang kambal ay
Ang Rome ay itinatag sa sinagip at inaruga ng isang
kalagitnaan ng ikawalong siglo babaing lobo. Nang lumaki
B.C.E. ng mga unang Roman na ang dalawa at nalaman
nagsasalita ng Latin, isang sangay ang kanilang pinagmulan,
ng wikang nabibilang sa Indo- inangkin nila ang trono at
Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang itinatag ang Rome sa
Italy at nagtayo ng sakahang pampang ng Tiber River
pamayanan sa Latium Plain. noong 753 B.C.E.

2
Ayon sa isang
matandang alamat ang http://upload.wikime
Rome ay itinatag ng dia.org/wikipedia/co
kambal na sina Romulus at mmons/6/6a/She-
Remus. Habang mga wolf_suckles_Romul
us_and_Remus.jpg
sanggol pa lamang,
inilagay sila sa isang
basket at ipinaanod sa 4
Tiber River ng kanilang
amain sa takot na angkinin Ang mga Roman ay tinalo
ng kambal ang kaniyang ng mga Etruscan, ang kalapit na
trono. tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay
magagaling sa sining, musika, at
sayaw. Dalubhasa rin sila sa
arkitektura, gawaing metal, at
kalakalan . Tinuruan nila ang mga
Roman sa pagpapatayo ng mga
gusaling may arko, mga aqueduct,
mga barko, paggamit ng tanso,
paggawa ng mga sandata sa
pakikipagdigma, pagtatanim ng
ubas, at paggawa ng alak.

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan,
Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina
126-127

25
GAWAIN 6:
Ang Republikang Romano
Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng
mga Roman ang punong Etruscan at Batay sa binasang teksto,
nagtayo ng Republika, isang pamahalaang
ilarawan ang mga
walang hari.
Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius sumusunod na bahagi ng
Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy Republikang Romano.
sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang konsul-
huling haring Etruscan na si Tarquinius
Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus
ang isang Republika. Tumagal ito mula 509
hanggang 31 B.C.E. diktador-
Sa halip na pumili ng hari, naghalal
ang mga Roman ng dalawang konsul na may
kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan
sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay Patrician-
may kapangyarihang pigilin ang pasya ng
isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan
ng mga konsul, humina ang sangay
tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan,
kinakailangang pumili ng diktador na Plebeian-
manunungkulan sa loob lamang ng anim na
buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit
na kapangyarihan kaysa mga konsul.
Republika lamang sa pangalan ang
mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa
mga maharlika o patrician. Pawang mga
patrician ang dalawang konsul, ang diktador
at ang lahat ng kasapi ng senado. Mga
kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi
ng Assembly na binubuo ng mga Para sa karagdagang kaalaman,
mandirigmang mamamayan. Walang
basahin ang Kasaysayan ng
kapangyarihan ang plebeian at hindi rin
Daigdig, Batayang Aklat sa Araling
makapag-aasawa ng patrician.
Panlipunan, Ikatlong Taon nina
Mateo et. al. pahina 127
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong
Taon nina Vivar et. al. pahina 92.

26
Paglaganap ng Kapangyarihan ng
Rome

Lumaganap ang kapangyarihan ng


Rome sa buong Italy matapos ang sunud-
sunod na digmaan mula pa noong 490
B.C.E. Nasakop ang mga Latino, mga
Etruscan at iba pang pangkat tulad ng
Hernici, Volscian, Sabine at Samnite.
Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod
ang lungsod-estado ng Greece sa timog.
Naganap ang unang sagupaan ng Rome at
Greece sa Heraclea, Italy noong 280 B.C.E.
Nagwagi Ang Greece dahil tinulungan si
Haring Pyrrhus ng Espirus ng kaniyang
pinsang si Alexander the Great at dahil din
sa paggamit ng mga elepanteng
kinatatakutan ng mga mandirigmang
Romano. Bagamat nagtagumpay si Haring
Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan ang
nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang
napakamahal na tagumpay ay tinaguriang
Pyrric Victory. Hindi nagtagal, nagapi si
Haring Pyrrhus noong 275 B.C.E sa
Beneventum, Italy. Rome ang naging reyna
ng peninsula ng Italy.
Ang tagumpay ng isang labanan ay
hindi lamang nangangahulugan ng panalo ng
Roman at pagtatamo ng kabantugang militar.
Kadalasan, naging kaanib ng Rome ang
nagaping kaaway at magiging kolonya ng
Rome ang nasakop na teritoryo. Ang mga
hukbong nagapi ay nagiging karagdagang
mandirigma para sa hukbong Roman. Sa
ganitong sistema unti-unting lumaganap ang
kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog
Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy.
Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa
Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa
Kipot ng Messina sa timog. Sa kabila ng 16
na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng
mga Roman sa Sicily ang naging
pinakamabigat na kaaway nito- ang mga
Carthagenian.

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong
Taon nina Vivar et. al. pahina 93

27
3 Nasubok ang
Digmaang Punic kapangyarihan ng Rome at
Carthage sa tatlong Digmaang
Punic- salitang Latin na nagmula sa
pangalang Phoenicia. Sa
2 digmaang ito napagpasyahan kung
Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang
sino ang mamumuno sa
pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy.
Mediterranean. Sa simula
Nagisismula pa lamang ang Carthage noon na
makapangyarihan ang Carthage sa
maging makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng
dagat bagaman pawang upahan
Mediterranean. Itinatag ang Carthage (Tunis
ang mga mandirigma nito dahil sa
ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong
814 B.C.E. Nang sakupin ng Persia ang Tyre, maliit na populasyon. Ang mga
naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng Roman naman sa simula ay walang
imperyong komersyal na nasasakop ng hilagang hukbong pandagat ni karanasan sa
Africa, silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica, digmaang pandagat.
Sardinia at Sicily.

Mapa 1.5 ad.wikim


Lokasyon edia.org/
ng wikipedia/commo
Digmaang ns/7/79/First_Puni
Punic c
_War_264_BC.png
h
Halaw sa
t
t Kasaysayan ng
p Daigdig,
: Batayang
/ Aklat sa
/ Araling
u Panlipunan,
p Ikatlong Taon
l nina Vivar et.
o
al. pahina 94
1 p n
S aw d
a an a
g g
s up a
i ah t
m an
u an n
l g i
a m
ga k
m a
m
a r
an
k a
dir
a n
ig
p a
m
a s
a
n a
nit
g n
o
y
da
a s
hil
r a
sa
i
m
h d
alii
a i
t
n g
na
po m
a a
n pu
las a
g n
yo
n. g
C
a An
p
r g
a
t m
n
h ga
d
a Ro
a
g m
g
e an
a
na
t
s m
.
a an
sa
d si 2
a m 8
g ul
a a
t ay
wa
b la
a ng
g hu
a kb
m on
a g
n pa
Batas Panitikan
Ang mga Roman ay kinikilala Ang panitikan ng Rome ay nagsimula
bilang pinakadakilang mambabatas ng noong kalagitnaan ng ikatlong siglo B.C.E.
sinaunang panahon. Ang kahalagahan Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga
ng Twelve Tables ay ang katotohanan tula at dula ng Greece. Ang halimbawa ay si
na wala itong tinatanging uri ng Livius Andronicus na nagsalin ng Odyssey
lipunan. Ito ay batas para sa lahat, sa Latin. Si Marcus Palutus at Terence ay
patrician o plebeian man. Ito ang ang mga unang manunulat ng comedy. Ang
ginamit upang alamin ang mga krimen iba pang manunulat ay sina Lucretius at
at tantiyahin ang kaukulang parusa. Catullus. Si Cicero naman ay isang
Nakasaad dito ang mga karapatan ng manunulat at orador na nagpahalaga sa
mga mamamayan at ang pamamaraan batas. Ayon sa kanya, ang batas ay hindi
ayon sa batas. dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan
o sirain ng pera kailanman.

Inhenyeriya Arkitektura
Ipinakita ng mga Kabihasnang Ang mga Roman ang
Roman ang kanilang galing
sa inhenyeriya. Nagtayo sila
Roman tumuklas
marunong
ng
na rin
semento.
silang
ng mga daan at tulay upang gumamit ng stucco, isang
pag-ugnayin ang buong plaster na pampahid at
imperyo kabilang ang pantakip sa labas ng pader.
malalayong lugar. Marami sa Umaangkat sila ng marmol
mga daan na ginawa nila Pananamit mula sa Greece. Ang arch na
noon ay ginagamit pa Dalawa ang kasuotan natutuhan ng mga Roman
hanggang ngayon. Isang ng mga lalaking Roman. Ang mula sa mga Etruscan ay
halimbawa ang Appian Way tunic ay kasuotang ginagamit sa mga temple,
na nag-uugnay sa Rome at pambahay na hanggang aqueduct, at iba pang mga
timog Italy. Gumawa rin sila tuhod. Ang toga ay isinusuot gusali. Ang gusali na
ng mga aqueduct upang sa ibabaw ng tunic kung sila ipinakilala ng mga Roman ay
dalhin ang tubig sa lungsod. ay lumalabas ng bahay. ang basilica, isang bulwagan
Ang mga babaeng ng nagsisilbing korte at
Roman ay dalawa rin ang pinagpupulungan ng
kasuotan. Ang stola ay
Assembly. Mayroon din silang

29
GawaiN 7

Punan ng angkop na impormasyon ang talahanayan.

Pangyayaring Nagdulot ng Patunay/ Paliwanag


Paglakas ng Rome

30
MODYUL SA
ARALING PANLIPUNAN 8
(IKALAWANG MARKAHAN)
W2
ARALIN2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa
America, Africa, at mga Pulo sa Pacific

Ano-ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang mga salitang America,


Ang Africa? At ang mga Pulo sa Pacific? Ano-ano na ang alam mo tungkol
sa mga lugar na ito?
Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nit at sa pamumuhay ng
kanilang mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang
naitatag sa mga kontinenteng ito.
Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga
imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung
paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon
ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo
sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan.

31
ALAMIN

Natutuhan mo sa nakaraang aralin tungkol sa pagkakatatag at mga


kontribusyon ng Kabihasnang Greek at Roman sa mundo.
Tatalakayin naman sa susunod na aralin ang pagkakatatag ng
mga kabihasnan at imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific.
Bilang panimula, sagutin ang mga gawain sa bahaging Alamin.

Gawain 1. ImbestigaSaysayan

Panuto: Palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan ang matatag


na arkitektura na ipinatayo bunga ng magkakaibang dahilan. Bilang
isang imbestigador, suriin ang sumusunod na arkitektura sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong.
1
Ilarawan ang
disenyo
3
Ano ang
iyong
masasabi sa
kakayahan
2 ng mga
Bakit gumawa?
ipinagawa?

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg

1 3
Ilarawan ang
disenyo Ano ang
iyong
masasabi sa
kakayahan
ng mga
gumawa?
2
Bakit
ipinagawa?
http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg

32
Gawain 2.Ang Aking Paglalakbay.Simulan mo ang iyong paglalakbay sa
araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa loob ng kahon.
Isulat mo sa bahaging “Simula” ang iyong sagot. Samantala, ang bahagi ng
“Kalagitnaan” at “Katapusan” ay sasagutan mo sa iba pang bahagi ng araling
ito.

Katapusan

Kalagitnaan

Simula

Paano
nakaimpluwensiya
ang mga
pangyayari at mga
tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo
sa pagbuo ng
sariling
pagkakakilanlan?

BINABATI KITA!

Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Alamin.

Sa pamamagitan ng pagtutupad sa iba’t ibang


gawain sa modyul na ito, higit na madaragdagan ang dati
mo nang kaalaman tungkol sa paksa.

33
PAUNLARIN

Sa bahaging ito, inaasahang maiisa-isa mo ang mga kontribusyon at


impluwensiya ng kabihasnang Klasikal ng America, Africa, at mga Pulo sa
Pacific sa daigdig. Inaasahan ring masusuri mo ang kahalagahan ng mga
kontribusyong ito sa kasalukuyang panahon. Sikaping suriin ang nilalaman
ng bahaging ito ng aralin at sagutin ang mga gawain upang lalo pang
mapagyaman ang iyong kaalaman sa paksa. Simulan na!

Gawain 3.Sulyap sa Nakaraan.Suriin ang timeline tungkol sa


pagkakatatag ng iba’t ibang kabihasnan sa daigdig mula 3000 B.C.E.
hanggang 500 C.E. Pagkatapos na masuri, sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

Ang mga pangyayari na makikita sa timeline ay natalakay na sa mga nakaraaang


aralin.
Makikita dito ang pag-unlad ng kabihasnan sa iba’t ibang lugar sa daigdig mula 3000 B.C.E.
hanggang 500 C.E.

Gabay na tanong:

1. Kailan umusbong ang mga kabihasnan sa Mesopotamia, Africa, China at India?

2. Anong mga lungsod ang naitatag sa Kanlurang Asya noong 3000 B.C.E.?

3. Batay sa timeline, alin ang mas naunang umunlad, ang kabihasnan sa Mediterranean o
sa America? Ipaliwanag.

4. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo tungkol sa pag-usbong ng mga kabihasnan sa


daigdig?

Kung ito ang nagaganap sa mga nabanggit na bansa at kontinente, paano naman
kaya namuhay ang mga tao sa kontinente ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific?

34
Gawain 4.Magbasa at Matuto.Basahin at unawain ang teksto tungkol sa
Kabihasnang Maya.

Mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang


Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga
mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural
na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging
makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang
mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito
ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul.
Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec.
Naging maunlad rin ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng
kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay
nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng
lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya,
Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa
America.

Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)

Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa


Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng
Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok
ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.

35
Mapa. 2.1 Lokasyon ng
Kabihasnang Maya

1. Ano-anong lungsod ang makikita sa


timog na bahagi ng Yucatan Peninsula?

2. Paano nakipagkalakalan ang mga


Maya sa iba pang bahagi ng
Mesoamerica?

Sa lipunang Maya,
katuwang ng mga pinuno ang
mga kaparian sa
pamamahala. Pinalawig ng
mga pinunong tinatatawag na
halach uinic o “tunay na
lalaki” ang mga pamayanang
urban na sentro rin ng
kanilang pagsamba sa
kanilang mga diyos.

Nang lumaon, nabuo rito ang mga


lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng Sa larangan ng ekonomiya,

ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng kabilang sa mga produktong

malalawak at maayos na kalsada at pangkalakal ay mais, asin, tapa,

rutang pantubig ang mga lungsod-estado pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy,

ng Maya. Banaag sa kaayusan ng at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa

lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao pamamagitan ng pagkakaingin. Ang

sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng pangunahing pananim nila ay mais,

mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng patani, kalabasa, abokado, sili, pinya,

bawat lungsod ay isang pyramid na ang papaya, at cacao. Dahil sa

itaas na bahagi ay dambana para sa mga kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng

diyos. May mga templo at palasyo sa mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay

tabi ng pyramid. may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng


mais gayundin ang tungkol sa ulan.

36
Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E. Subalit sa
pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng
kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak.
Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E., ang karamihan sa mga sentrong Maya ay
tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa
pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang
pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang
sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang
pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao
na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang
hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito.
Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili
nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng
Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan
hanggang
sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.

Kasingtulad ng pyramid ang


estrukturang ito. Subalit, Ipinagawa ang templo
mapapansin, na ang itaas na upang pagdausan ng
bahagi nito ay patag. Sa loob mga seremonyang
nito ay may altar kung saan panrelihiyon. Ito ay
isinasagawa ang pag-aalay. parangal para kay
Kukulcan, ang
tinaguriang “God of
the Feathered Serpent”

Gawa ang pyramid


mula sa malalaking
bato. Mayroon itong
apat na panig na may Ang pyramid na ito ay
mahabang hagdan. patunay ng mataas na
kaalaman ng mga
Larawan 2.1 ang Pyramid of Kukulcan Mayan sa arkitektura,
inhenyeriya, at
matematika.

37
Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita
sa diyagram ang mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak.

Paglakas

Tapat ang mga


nasasakupan sa pinuno.
Siya ay namumuno sa
pamahalaan at relihiyon.
Paghina
Napag-isa ang mga
mamamayan dahil sa iisang
paniniwala. Palagiang
Pamahalaan nakikipagdigma ang mga
at Relihiyon pinuno at kaniyang
nasasakupan upang
makahuli ng mga alipin
Paglakas
na iaalay sa kanilang
mga diyos. Nagbunga
May mahusay na sistema ito ng pagkaubos ng
ng pagtatanim na nagdulot yaman ng mga lungsod-
ng sobrang produkto. estado.

Ekonomiya
Paghina
at
Kabuhayan
Pagkawala ng sustansya
Paglakas ng lupa. Ang paglaki ng
populasyon ay nagdulot
Mayaman at maunlad ang ng suliranin sa suplay ng
mga lungsod-estado ng pagkain.
Maya.

Mga
Paghina
Lungsod-
Estado
Nagdulot ng kaguluhan
at kahirapan ang
madalas na digmaan sa
pagitan ng mga lungsod-
estado.

Pigura. 2.2 Paglakas at Paghina ng Imperyong Mayan. Ipinakikita sa diyagram ang mga sanhi at bunga ng paglakas
at paghina ng Kabihasnang Mayan.

Gabay na Tanong
1. Paano nakabuti at nakasama sa mga Mayan ang kanilang mahusay na sistema ng pagtatanim?

38
Gawain 5.Ipaliwanag Mo.Patunayang may mataas na kabihasnan ang mga
Mayan. Punan ng impormasyon ang dayagram.

Pamahalaan Relihiyon

Ang mga Mayan ay may mataas na antas ng kabihasnan

Ekonomiya Arkitektura

Napatunayan ko na may mataas na kabihasnan ang mga Mayan dahil

39.
Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng
Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito.
Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga
nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec.
Subalit, hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo.
Mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga
Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga
karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.

Gawain 6.Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang mga teksto


tungkol sa Kabihasnang Aztec.

Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)

Ang mga Aztec ay mga


nomadikong tribo na ang
orihinal na pinagmulan ay
hindi tukoy. Unti-unti silang
tumungo sa Lambak ng
Mexico sa pagsapit ng ika-12
siglo C.E. Ang salitang Aztec
ay nangangahulugang “isang
nagmula sa Aztlan,”isang
mitikong lugar sa Hilagang
Mexico.

Noong 1325, itinatag nila ang


pamayanan ng Tenochtitlan,
isang maliit na isla sa gitna
ng lawa ng Texcoco. Ang
Texcoco ay nasa sentro ng
Mapa 2.2 Sakop ng Kabihasnang Aztec Mexico Valley. Nang
Gabay na Tanong: lumaon, ang lungsod ay
1. Anong katangiang-heograpikal ng Tenochtitlan ang nagbigay-daan upang naging mahalagang sentrong
ito ay maging sentrong pangkalakalan sa Mesoamerica noong sinaunang pangkalakalan.
panahon?

40
Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga
Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain
upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay
matagumpay na natugunan ng mga Aztec.

1
Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak. Upang
madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha
ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden.

2 3
Wala silang kasangkapang pambungkal Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa
ng lupa o hayop na pantrabaho. nilang tanim ay patani, kalabasa, abokado, sili, at
Nagtatanim sila sa malambot na lupa na kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato, at
ang gamit lamang ay matulis na kahoy. gansa.

4
Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan
at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli,
ang diyos ng araw. Mahalaga ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at
hinahandugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl.
Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na ito upang mahadlangan
ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng
tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan bagama’t may mga mandirigmang
Aztec na nagkukusang-loob ialay ang sarili.

41
MODYUL SA
ARALING PANLIPUNAN 8
(IKALAWANG MARKAHAN)
W3
Gawain 1. Magbasa at Matuto.Basahin at unawain ang teksto tungkol sa
Kabihasnang Inca.at sagutin ang gabay na tanong.

HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA


May magkakaibang klima at
heograpiya ang South America kung
ihahambing sa Mesoamerica.
Matatagpuan sa hilaga ng Amazon River
na dumadaloy sa mayayabong na
kagubatan. Pawang ang mga prairie at
steppe naman ang matatagpuan sa Andes
Mountains sa timog na bahagi.
Samantala, tuyot na mga disyerto ang
nasa kanlurang gulod ng mga bundok na
kahilera ng Pacific Ocean.
Dahil sa higit na kaaya-aya ang
topograpiya ng Andes, dito nabuo ang
mga unang pamayanan. May mga
indikasyon ng pagsasaka gamit ang
patubig sa hilagang gilid ng Andes noong
2000 B.C.E.
Sa pagsapit ng ika-11 siglo B.C.E,
maraming pamayanan sa gitnang Andes
Mapa. 2.3 Sakop ng Kabihasnang Inca. ang naging sentrong panrelihiyon. Ang
Gabay na Tanong mga pamayanang ito ay umusbong sa
1. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan
ng Imperyong Inca? kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador.
Nang lumaon, nagawang masakop ng
2. Paano nakatulong ang mahabang kalsada na
ipinatayo ng mga Inca upang mapatatag ang ilang malalaking estado ang kanilang mga
kanilang imperyo?
karatig-lugar. Subalit sa kabila nito, wala
3. Sa kasalukuyan, bakit mahalaga ang maayos na
sistema ng transportasyon?
ni isa man ang nangibabaw sa lupain
42
Kabihasnang Inca (1200-1521)
Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong
naninirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa
matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco
Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado.
Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango
ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na
nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang
kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro
kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng Gabay na
Tanong
imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia,
1. Ano ang ibig
at Argentina.
sabihin ng Inca?
Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti
2. Sino si
ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang Pachakuti?
sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui (1471-1493),
pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi
ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan Ma
kiki
ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng ta
mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, sa
tal
nasakop ng imperyo ang Ecuador. ah
an
ay
an
an
g
pa
gk
ak
atu
lad
ng
mg
a
Az
tec
at
Inc
a.
BATAYAN AZTEC INCA PATUNA
Pinagmulan Parehas na umunlad ang d
- nagmula sa maliliit na pamayanang mula sa matagumpay na p
agrikultural
Paniniwala Huitzilopochtli – diyos ng ar
- pagsamba sa araw bilang diyos Inti – diyos ng araw ng mga
Inhinyera Pyramid of the Sun – ginawa
- mahusay sa paggawa ng kalsada, Mahaba at batong kalsada
templo, at iba pang gusali Incan
Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong
1532, ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang
Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa
mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na
bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila
napakalaking saklaw ng Imeryong Inca na naging malayo mula sa sentrong
pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng
tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.

Siya ang namuno sa mga Espanyolsa pananakop sa


Imperyong Inca.

Gabay na Tanong
1.May pagkakatulad ba ang mga Pilipino at mga Inca?
Patunayan.
2. Paano siya natutulad kay Miguel Lopez de Legazpi sa
kasaysayan ng Pilipinas?

Samakatuwid, ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng


epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o
mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng
Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay
nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Sa huli,
nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito patungong
Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-
raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon,
sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo.
Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong
teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga
Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon.
Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo
noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyo sa Andes.

44
Gawain 2.Sino Sila?Tukuyin ang mga nagawa ng sumusunod napinuno ng
Kabihasnang Inca.

Pachakuti Topa Huayna


Yupanqui Capac

Ano ang Ano ang Ano ang


nagawa? nagawa? nagawa?

Kahalagahan ng nagawa:ng
Kahalagahan Kahalagahan ng
nagawa: nagawa:

GAWAIN 3.Puno ng Kaalaman.Isulat sa loob ng dahon ang mga dahilan


ng pagbagsak ng Imperyong Inca.

Mga Dahilan ng Pagbagsak


ng Imperyong Inca

45
Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang Klasikal
na Maya, Aztec, at Inca. Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of Kukulcan,
Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu ay hinahangaan
at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian nito. Nananatili
itong paalala ng mataas na kabihasnang nabuo ng mga
sinaunang mamamayan sa America.

Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga


Kaharian at Imperyong naitatag sa Africa.

Mga Kaharian at Imperyo sa Africa

Sa kasalukuyan, higit ang iyong kaalaman sa kontinente ng America subalit


limitado lamang ang mga Pulo sa Pacific. Samantala, kadalasan ay hindi maganda
ang iyong impresyon sa kontinente ng Africa. Maging sa sinaunang kasaysayan ng
daigdig, karaniwang hindi nabibigyan ng tuon ang Africa at mga pulo sa Pacific.
Maliban sa kaharian ng Egypt, hindi na natatalakay pa ang ibang sentro ng
kabihasnan sa Africa. Samantala, halos walang pagbanggit naman sa mga pulo
sa
Pacific. Tunghayan sa araling ito ang mga kaganapan sa dalawang rehiyong ito

Heograpiya ng Africa

Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit


Gabay na
ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati ng
Tanong
mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga
Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito Bakit tinawag na
dark continent
nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman
ang Africa?
ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng
ito hanggang noong ika-19 na siglo.

46
Ang pinakamainit at pinakamaulang
bahagi ng Africa ay yaong malapit sa
equator. Matatagpuan dito ang
rainforest o isang uri ng kagubatan
kung saan sagana ang ulan at ang
mga puno ay malalaki, matataas, at
may mayayabong na dahon. Sa
hangganan ng rainforest ay ang
savanna, isang bukas at malawak na
grassland o damuhan na may mga
puno. Sa grassland sa hilaga ng
equator matatagpuan ang rehiyon ng
Sudan. Sa bandang hilaga naman ng
rehiyon ng Sudan makikita ang
Sahara, ang pinakamalaki at
pinakamalawak na disyerto sa

Mapa 2.5 Katangiang Heograpikal ng Africa daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa


Europe ay hindi natitirhan maliban sa
mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa
disyerto kung saan may matabang
lupa at tubig na kayang bumuhay ng
halaman at hayop. Tanging sa oasis
lamang may mga maliliit na
pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay
at kalat-kalat ang mga kultura at
kabihasnang sumibol at namayani sa
malawak na kontinente ng Africa.

47
Isa sa mga umunlad na kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara.
Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag itong
Kalakalang Trans-Sahara. Bunga nito, nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng
Asya ang mga
produktong African.

Ang Kalakalang Trans-Sahara

Noong 3000 B.C.E., isang masaganang kalakalan ang umunlad sa


pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara.
Tinawag na Trans-Sahara ang kalakalang naganap dito. Ang kalakalang Trans-
Sahara ay tumagal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang Trans-
Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa
pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba’t ibang uri ng kalakal. Kamelyo ang
kadalasang gamit sa mga caravan. Ang caravan ay pangkat ng mga taong
magkakasamang naglalakbay.
Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang
mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas.
Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban sa
Rome ay nanggaling sa Kanlurang Africa. Iba’t ibang grupo ng mga tao ang
nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.

http://northafrica
nhistory.wikispac
es.com/file/view/
timbuktu.jpg/112
619921/timbuktu
.jpg

Mapa 2.6 Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara

48
Ang Pagpasok ng Islam sa Morocco
Kanlurang Africa Berber

Nang makapagtatag ng mga


pamayanang Muslim sa Morocco, ang
Islam ay unti-unting nakilala at
kalaunan ay namayani sa mga kultura
at kabihasnang nananahan sa
Kanlurang Africa. Ang Islam ay
pinalaganap ng mga Berber, mga
Sudan at
mangangalakal sa Hilagang Africa. Hilagang Africa
Pumupunta sila sa Kanlurang Africa
upang bumili ng ginto kapalit ng mga Pigura 2.4 Kalakalan ng mga Berber at African
aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at
iba pa. Gabay na Tanong
1. Sino ang nagdala ng relihiyong Islam sa Hilagang Africa?

2. Bukod sa pag-unlad ng kabuhayan, anong aspeto ng


pamumuhay ng mga African ang naimpluwensiyahan ng
mga Berber?

49
Gawain 4.Magbasa at Matuto.Basahin at unawain ang teksto tungkol
iba pang Kabihasnan sa Africa.

Mga Kabihasnan sa Africa

Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan


ng kabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang
Ethiopia

Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia. Umusbong din ang
mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ng
kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara. Kapwa nasa
Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito.
Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan.
Dito umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

350 C.E. Namayani ang Kaharian ng Axum sa Silangang Africa

700 Naging makapangyarihan ang Imperyo ng Ghana sa


dantaon Kanlurang Africa

Naitatag ang Imperyong Mali nang matalo ang


1240 Imperyong Ghana

Nagsimulang mamuno ang dinastiyang Sunni na siyang


1335 nagpalawak sa teritoryo ng Imperyong Songhai

Pigura 2.5. Timeline ng mga Kabihasnang umusbong sa Africa.

50
Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan

Ang kaharian ng Axum ay sentro ng


kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang
pakikipagkalakalan nito at sa katunayan,
ito ay may pormal na kasunduan ng
kalakalan sa mga Greek. Mga elepante,
ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay
ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o
rekado ang karaniwang kinakalakal sa
Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit
nito, umaangkat ang Axum ng mga tela,
salamin, tanso, bakal, at iba pa.
Isang resulta ng malawakang
kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito Mapa Bilang 2.7. Ruta ng Kalakalang Axum

ng Kristiyanismo. Naging opisyal na Gabay na Tanong


1. Anong mga anyong-tubig ang dinaanan ng mga
relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo Axum sa pakikipagkalakalan?
noong 395 C.E. 2. Saang mga kontinte nakipagkalakalan ang mga
Axum?
3. Paano ito natutulad at naiiba sa kalakalang Trans-
Sahara?

Kung ang kahariang Axum ay naging tanyag sa Silangang Africa, nakilala


naman sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo na siyang naging makapangyarihan
dulot rin ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa labas ng Africa. Ito ay ang
mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

51
Ang Imperyong Ghana

Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang
isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng
kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t
ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay
ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal,
katad, at iba pang produktong wala sila.
Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak
na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan
kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan
ang
pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.

Ginamit ang mga


Mahalagang salik sandatang gawa sa
sa paglakas ng bakal upang
Ghana makapagtatag ng
kapangyarihan sa mga
grupong mahina ang
mga sandata.

Naging maunlad Bumili ng mga


dahil naging sentro kagamitang
ng kalakalan sa pandigma na yari sa
Kanlurang Africa bakal at mga kabayo
Ang mga kabayo ay
nagbibigay ng ligtas at
mabilis na paraan ng
transportasyon para
sa mga mandirigma
nito
Gabay na Tanong
1. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng Imperyong Ghana?
2. Paano nakatulong ang heograpiya ng Ghana upang umunlad ang
kanilang pamumuhay?

52
ANG IMPERYONG MALI

Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula


ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost
ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa
Mga Namuno sa
kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240,
Imperyong Mali
sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng
Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na
pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran
Sundiata Keita
patungong lambak ng Senegal River at Gambia River,
pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga patungong
Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Mansa Musa
Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong
Mali ang pinakamalaki at pinakamapangyarihan sa buong
Kanlurang Sudan.
Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman
Gabay na
sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Tanong
Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng
1. Paano nakamit
imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod ng Imperyong
Mali ang
pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay
kapangyarihan
naging bahagi ng Imperyong Mali. mula sa
Imperyong
Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog
Ghana?
din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa
2. Bakit naging
karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pook-
tanyag si Mansa
dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Musa?
Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa
panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at
Djenne ay naging sentro ng karunungan at
pananampalataya.

53
Ang Imperyong Songhai
Simula pa noong ikawalong siglo, ang Songhai ay
nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga
ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga
Berber ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010,
tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang Islam. Bagama’t
hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit
ang mga ito.
Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang
Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai
sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam.
Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong
Mali. Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335,
lumitaw ang bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang
kalayaan ng Songhai mula sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim
ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa
panahon ng kaniyang paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai
mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne.
Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang
kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong
mangingisda at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan
pa rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan
sa loob ng kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa
mga Muslim bilang mga kawani sa pamahalaan.

54
GAWAIN 5:Triple Venn Diagram. Isa-isahin ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai. Isulat sa Venn
Diagram ang sagot.

Ghana

Mali Songhai

GAWAIN 6.KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan).


Punan ng tamang sagot ang talahanayan.Isulat ito sa loob ng angkop na
kolum. Dugtungan ang kasunod na pangungusap na nasa loob ng
kahon.

IMPERYO KONTRIBUSYON KAHALAGAHAN


GHANA

MALI

SONGHAI

.55
Bunga ng pagkakatatag ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo, nabuo
ang pagkakilanlan ng kasalukuyang kontinente ng America at Africa.
Samantala, sa mga Pulo ng Pacific, nagsimula na ring makilala ang mga
Austronesean. Tunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang kanilang
nabuong kabihasnan.

Gawain 1: Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang teksto tungkol


sa mga kabihasnan sa Pulo ng Pacific

MIGRASYONG AUSTRONESIAN
Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at
Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa dalawang
rehiyong ito ay mga Austonesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong
nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang
pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

Mapa 2.8. Migrasyon ng


mga Austronesian.

Gabay na Tanong

1. Magbigay ng ilang sa
kasalukuyan na
pinanirahan ng mga
Austronesian.

2.Bakit nandayuhan
ang mga Austronesian
sa mga pulo sa Pacific.

http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples

Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa timog China ang mga
Austronesian. Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na masasaka, umalis sila
ng China at nandayuhan simula noong 4000 B.C.E. Tumungo sila sa mga lugar na kilala
ngayon bilang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei, at Indonesia. Noong 2000 B.C.E., may
mga Austronesian na tumungo pakanluran hanggang makarating sa Madagascar sa Africa.
Samantala, may mga tumungo pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at nanahan sa mga
pulo ng Pacific. 201
56
.
Unang narating ng mga Austronesian ang New Guinea, Australia, at
Tasmania. Noong 1,000 B.C.E., nanahan ang mga Austronesian sa Vanuatu, Fiji, at
Tahiti.
Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang nasa mga
pulo ng Hawaii sila noong 100 B.C.E. Pinakamalayo nilang naabot ang Easter
Island, isang pulo sa Pacific na bahagi na ng South America.
Sa pag-aaral ng kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, mahalagang tunghayan
ang lipunan ng mga tao rito bago dumating ang mga Kanluranin. Ang lipunan at
kulturang ito ay Austronesian.

Ang mga Pulo sa Pacific


Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islandsay nahahati sa tatlong malalaking
pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay
iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at
ang
anyo ng mga katutubo nito.

POLYNESIA –
MICRONESIA –
maraming isla
maliliit na mga
poly – marami
isla
nesia - isla
micro – maliit
nesia - isla

MELANESIA –
maiitim ang mga
Mapa 2.9
tao dito
mela– maitim
Ang mga isla na nesia - isla
bumubuo sa
Pacifi.

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg

57
Polynesia
Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific
Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na
malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia.
Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii,
Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue,
Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu,
Marquesas, at Pitcairn.
Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa
Polynesia. Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang
sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok.
Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid satohua ang
tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura.
Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at
pangingisda.Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit,
saging, tubo, at niyog.Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon,
octopus, at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng pating.
Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na
kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o
“lakas.”Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali,
bato, bangka, at iba pang bagay.

Gabay na Tanong
1. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Polynesia?
2. Ano ang ibig sabihin ng mana?

58
May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o
mabawasan ang mana. Halimbawa, bawal pumasok sa isang
Gabay na
banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Ang sinaunang Tanong
kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa
Ano-ano ang mga
bangka sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may
paraan upang
angking mana. Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa mapangalagaan
pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay ang mana?
dapat nakabukod. Bawal silang makihalubilo sa babae at pili
lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang
kanilangmana. Ang tawag sa mga pagbabawal o
prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang pinakamabigat na
Micronesia
parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.
An
g maliliit
na pulo
at atoll
ng
Micronesi
a ay
matatagp
uan sa
hilaga ng
Melanesi
a at sa
silangan
ng Asya.
Ang
Micronesi
a ay
binubuo
ng
Caroline
Islands,
Marianas
Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay
Kiribati), at Nauru.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay
matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan.
Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at
maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga
pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng
bagyo o malalakas na ihip ng hangin.
Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga
Micronesian.Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog,
at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na
maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang
ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman
din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga
lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.

59
Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at
shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong
ginawang pera (stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal ang
matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying coral atolls).
Ipinagpapalit ng mga high-lying island ang turmericna ginagamit bilang gamot at
pampaganda. Samantala, ang mga low-lying coral atoll ay nakipagpalitan ng mga
shellbead, banig na yari sa dahon ng pandan, at magaspang na tela na galing sa
saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong palda ng kababaihan at bahag
ng kalalakihan.
Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga
rituwal para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay
ng
unang ani.

Melanesia
Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng
Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago,
Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New
Caledonia, at Fiji Islands.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat
o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay
sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming
grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma
tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.

60
Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito
ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga
ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito.
May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng
mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin ang
mga gawa nilang bangka.
Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng
diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna,
kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon Islands
at
Vanuatu ang paniniwala sa mana.

May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa


Pacific. Nakabatay ang kanilang pamumuhay sa
pakikipagkalakalan sa iba’t ibang isla at kontinente.
Bagama’t hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasing-
yaman ng mga kabihasnan at imperyo sa America at Africa,
nakaimpluwensiya rin ito sa mga mamamayang naninirahan sa
mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito sa Timog-
silangang Asya sa kasalukuyan.

Gawain 2.Pagsagot saChart.Punan ng impormasyon ang talahanayan.

Isla Kahulugan ng Kabuhayan Relihiyon


Pangalan
Polynesia
Micronesia
Melanesia

61
Gawain 3. Ang AkingPaglalakbay.Sa pagkakataong ito, isulat mo
ang iyong sagot sa bahagi ng “Kalagitnaan”.

Katapusan

Kalagitnaan

Simula

Paano
nakaimpluwensiya
ang mga
pangyayari at mga
tugon sa hamon
ng mga sinaunang
mamamayan sa
mga nabanggit na
kontinente tungo
sa pagbuo ng
sariling
pagkakakilanlan?

BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 2.

Ngayong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga salik na


nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga kabihasnang klasikal sa mga
Pulo sa Pacific, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng
modyul na ito.

62
ARALIN 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon
-Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa
Pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval

Isinulat ni Jeanette Winterson ang mga katagang: “In the space


between chaos and shape there was another chance.” Nangangahulugan ito
na ang bawat kaguluhan at pagbagsak ay may kaagapay na panibagong
pagkakataon. Marahil pagkakataon para bumangon, pagkakataon para
muling umunlad.Sa pagitan ng pagbagsak at pagbangon ay isang
mahalagang pangyayaring maaaring ituring na transisyon. Ikaw, sa buhay
mo, ano ang maituturing mong mahalagang transisyon?
Pagtutuunan sa Modyul na ito ang mga pangyayari sa Transisyunal
na Panahon.Sa pagitan ng sinauna at makabagong panahon, ano nga ba
ang naganap sa kasaysayan ng mundo partikular na sa Europe? Ano
ang epekto ng mga pangyayaring ito sa paggpapalaganap ng
pandaigdigang kamalayan? Paano nakaapekto ang mga pangyayari sa
Transisyunal na Panahon sa paghubog at pagbuo ng pagkakakilanlan
ng bansa at rehiyon sa daigdig?Halina’t iyo itong tuklasin.

ALAMIN

Matapos talakayin ang mga kabihasnang klasikal na nabuo sa daigdig,


bibigyan naman ng tuon sa bahaging ito ng Modyul ang kalagayan ng mundo
sa Panahon ng Transisyon. Pagtutuunan sa araling ito ang mga kaganapan sa
kasaysayan na nakasentro sa Europe- mga pangyayari na nagbigay-daan sa
pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Ano nga ba ang epekto ng
mga pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kaalaman?
Subalit, bago mo tuluyang alamin ito, gawin mo muna ang sumusunod upang
malaman ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba?

63
Gawain 1.Photo-Suri
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
matapos masuri ang larawan.

Pamprosesong Tanong
Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?


2. Sa iyong palagay, anong panahon sa kasaysayan makikita ang
mga tagpong nasa larawan?
3. Sa kasalukuyan, mayroon pa kayang mga tagpong tulad ng iyong
nakikita sa larawan? Patunayan.

Gawain 2.A-R Guide (Anticipation-Reaction Guide)


Panuto: Marahil ay nasasabik ka nang pag-aralan ang susunod na aralin.
Upang mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, isagawa ang susunod na
gawain.

Alamin kung gaano na ang iyong kaalaman sa paksang


taalakayin. Isulat sa unang kolum ang SA kung ikaw ay sang-ayon
sa pahayag at HSA namn kung hindi.

64
Bago ang PAHAYAG Matapos ang
Talakayan Talakayan
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Romano
at pananalasa ng iba’t ibang pangkat ng
mga barbaro ay natapos ang Sinaunang
Panahon at pumasok ang pagsisimula ng
Panahong Medieval.
2. Si Charlemagne o “Charles the Great”
ang itinuturing na isa sa pinakamahusay
na hari ng Panahong Medieval.
Pinamunuan niya ang “Holy Roman
Empire” na sinasabing muling bumuhay
sa Imperyong Roman.
3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng
pagbagsak ng imperyong Roman at
pananalakay ng mga tribung barbaro,
naging kanlungan ng mga tao ang
simbahan. Naging mahalaga ang papel
ng “Kapapahan” o ang tungkulin,
panahon ng panunungkulan at
kapangyrihang panrelihiyon ng Papa
bilang pinuno ng simbahang Katoliko.
4. Pangunahing layunin ng paglulunsad
ng mga Krusada ang pagpapalaganap ng
relihiyong Kristiyanismo sa iba pang
panig ng daigdig.
5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na
sistemang naitatag noong Panahong
Medieval. Itinuturing itong sistemang
politikal, sosyo-ekonomiko at militar na
sagot sa pangangailangan sa
tagapanguna sa panahon ng kaguluhan.
6. Ang pang-ekonomiyang aspeto ng
Piyudalismo ay tinatawag na
Manoryalismo. Ito ay ang sistemang
gumagabay sa pamumuno ng mga hari
sa kanilang nasasakupan.
7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at
pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad
ng mga bayan. Ang paglago ng bayan ay
nakatulong sa paglago ng kalakalan at
ang paglago ng kalakalan ay nakatulong
din sa paglago ng mga bayan.
8. Maaaring umangat ang isang tao sa
lipunan dahil hindi nakabatay sa
kapanganakan ang antas sa buhay kundi
sa kayamanan ng isang tao.
9. Naging maunlad ang mga manor dahil
sa pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
10. Ang mga pangyayaring nagbigay-
daan sa pag-usbong ng Europe ay
nakatulong sa pagkakabuo ng
pandaigdigang kamalayan sa
kasalukuyang panahon.

BINABATI KITA!

Sa puntong ito ay natapos mo na ang bahagi ng Alamin.

Natititiyak kong nais mong malaman kung tama ang iyong mga
sagot sa talahanayan. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng
Modyul.
Sa iyong pagtupad sa iba’t ibang gawain, suriin kung tumutugma
ba ang iyong mga dating kaalaman sa mga bagong kaaalaman na
iyong matututuhan sa Modyul na ito.

PAUNLARIN

Sa bahaging ito ay inaasahan na matututuhan mo ang mga pangyayaring


nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Sagutin
ang mga gawain upang lalo pang mapagyaman ang iyong kaalaman tungko
sa paksa. Handa ka na ba?

65
GAWAIN 3. Daloy Ng Kasaysayan

Tinalakay sa Aralin 1 ng Modyul 2 ang pagkakatatag ng mga Klasikal na Kabihasnan


sa Europe. Sa pagdaan ng panahon, ang dating matayog at makapangyarihang imperyong
Romano ay unti-unting humina at tuluyang bumagsak. Makikita sa diagram ang mga salik ng
pagbagsak ng Imperyong Romano.
Panuto: Suriin ang diagram at sagutin ang kasunod na mga tanong.

P
A
G
B
A
G
Pagkawala S
Kakulangan
Paghina Pagbaba
ng mga Paglubha ng
ng Pagsalakay
A
ng Krisis ng Katuturan
Tapat at
ng Moralidad ng mga K
may Pangka- Hukbong Pagkamama ng mga Barbaro N
Kakayahan buhayan
g Pinuno
Romano -mayang
Romano G
Romano
IM
P
E
Diagram Blg. 3.1. Mga Salik sa Pagbagsak ng Imperyong Roman. R
Halaw mula sa Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat Para sa Y
Ikatlong Taon) nina Vivar et.al, pahina 137-139 O
N
G

Pamprosesong Tanong
1. Mula sa mga nabanggit na salik sa diagram, ano sa tingin mo ang
pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman? Bigyang
katuwiran ang iyong sagot.
2. Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto ng pagbagsak ng
Imperyong Roman sa kabuuan ng Europe?

66
Gawain 1.Magbasa at Matuto
Panuto: Bilang panimula sa pagtalakay ng paksa, basahin at unawain
ang teksto tungkol sa mga salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Pope
sa Europe.
Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan
Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng
Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Romano na siyang
nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.

Pagbagsak ng Imperyong Sa kabutihang-palad, ang


Roman.Marami ang dahilan ng simbahang Kristiyano, na tanging
paglakas ng kapangyarihan ng institusyong hindi pinakialaman ng
Simbahang Katoliko at ng kapapahan. mga barbaro, ang nangalaga sa mga
Isa na rito ang pagbagsak ng pangangailangan ng mga tao. Sa
imperyong Romano noong 476 C.E., kawalan ng pag-asang maibalik ang
na naghari sa kanluran at silangang dating lakas-militar at kasaganaang
Europe sa Gitnang Silangan at sa materyal ng imperyo, bumaling ang
hilagang Africa sa loob ng halos 600 mamamayan sa simbahang Katoliko
taon. sa pamumuno at kaligtasan.
Tinukoy ni Silvian, isang pari, Binigyang-diin nila ang kalagayan ng
na kalooban ng mga Roman ang kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa
bunga ng kanilang mga kasamaan. pangako ng Simbahan para sa mga
Ang mga kayamanang umagos nailigtas sa pamamagitan ni Kristo.
papasok sa Rome ang naging sanhi Sa kabilang dako, nahikayat
ng palasak na kabulukan sa naman ang mga barbaro sa
pamahalaan ng imperyo. Sa walang kapangyarihan ng Simbahan.
tigil na pagsasamantala sa tungkulin Pumayag sila na binyagan sa pagka-
ng mga umuugit ng pamahalaan, Kristiyano at naging matapat na mga
nahati ang lipunan sa dalawang kaanib ng pari.
panig- ang pinakamaliit na bahagi ng
lipunan na binubuo ng mayayaman at Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,
malalakas na pinuno sa pamahalaan Batayang AKlat para sa Ikatlong Taon nina
at mga nakararaming maliliit na Vivar et. al. pahina 141-144
mamamayan.
Lubhang nakapagpahina ang
kabulukan sa pamahalaan at ang
Ano-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng
kahabag-habag na kalagayan ng Imperyong Romano?
pamumuhay ng mga pangkaraniwang
tao sa katayuan ng Imperyong Rome.
Noong 476 C.E., tuluyan itong
Mula sa binasa, paano nakaimpluwensiya ang
bumagsak sa kamay ng mga barbaro
Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng
na dati ng nakatira sa loob ng imperyo Imperyong Romano?
mula pa noong ikatlong siglo ng
Kristiyanismo. 21667
67
Uri ng Pamumuno sa Simbahan

Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa


pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan
lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang
makikita sa talahanayan.

Pinuno/ Papa Paraan ng Pamumuno

Constantine the  Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa


Great buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na
kaniyang tinawag.
 Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan
ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinag-
uri-uri ng mga Obispo ang iba’t ibang malalaking lungsod
sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang
pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang Obispo ng
Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang
Katoliko Romano.

Papa Leo the  Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang
Great (440-461) nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni
San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa
kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe
ang nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng
Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan.
Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang
Papa sa Obispo ng Rome. Mula noong kapanahunan ni
Papa Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng
mga Kristiyano sa kanlurang Europe. Tumanggi naman
ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na kilalanin
ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo
http://upload.wikimedi hanggang sa panahong ito.
a.org/wikipedia/comm
ons/5/5b/Pope_St._L
eo_IV.jpg 68
Papa Gregory I  Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap
sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng
Simbahan sa buong kanlurang Europe.
 Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang
magawa niyang sumampalataya ang iba’t ibang mga
barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa
malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito,
nagpadala siya ng mga misyonero sa iba’t ibang bansa na
hindi pa sumasampalatay sa Simbahang Katoliko. Buong
tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa
http://upload.wikimedi ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa
a.org/wikipedia/comm Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at Germany.
ons/9/97/Francisco_d
e_Zurbar%C3%A1n_
040.jpg

Papa Gregory VII  Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng


kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of
investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga
tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry
IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa simbahan si
Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya
ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang
maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa Gregory VII
ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at
humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang
http://hist2615.wikispa kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng
ces.com/file/view/Gre lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak
gory_VII- pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.
1.jpg/251843136/174

Ang investiture ay isang


Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng seremonya kung saan ang isang
mahusay na pinuno sa pagtatag ng isang pinunong sekular katulad ng hari ay
organisasyon? Ipaliwanag pinagkakalooban ng mga simbolo sa
pamumuno katulad ng singsing sa
Obispong kaniyang hinihirang bilang
maging pinuno ng simbahan.
Sa pamumuno ni Papa Gregory
sa Simbahan, tinanggal niya ang
karapatan ng mga pinunong sekular na
magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno
ng simbahan.

69
Pamumuno ng mga Monghe Ang makatarungang pamumuno ng
Binubuo ang mga monghe ng isang mga monghe sa kanlurang Europe ay
pangkat ng mga pari na tumalikod sa nakatulong din sa lawak ng katanyagan at
makamundong pamumuhay at nanirahan kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng
sa mga monasteryo upang mamuhay sa pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga
panalangin at sariling disiplina. Sila ang monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa
mga regular na kasapi ng mga pari at mga maysakit at kumupkop sa mga taong
itinuturing na higit na matapat kaysa mga nais makaligtas sa kanilang mga kaaway.
paring sekular. Tuwirang nasa ilalim Bumalangkas ang Simbahan ng isang
lamang ng kontrol at pangangasiwa ng sistema ng mga batas at nagtatag ng mga
Abbot at Papa ang mga monghe. sariling hukuman sa paglilitis ng mga
Namumuhay ang mga monghe sa pagkakasala na kinasasangkutan ng mga
ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil
monasteryo. Dahil dito, malaki ang walang sinumanang nagsasagawa ng
kanilangimpluwensya sa pamumuhay ng ganitong paglilingkod pagkatapos
tao noong Panahong Medieval. Dahil sa bumagsak ang imperyo ng Rome,
kanilang paniniwalang “Ang pagtatrabaho nahikayat ang mga tao sa Simbahan para
at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang sa kaayusan, pamumuno at tulong.
at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid Pinakamahalaga sa mga
sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, ginampanang tungkulin ng mga monghe
hindi lamang kapaki-pakinabang ang ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa
kanilang pagsisikap sa mga monasteryo, utos ng Papa sa iba’tibang dako ng
kundi higit pang nakaimpluwensya ito sa kanlurang Europe. Napag-alaman na
pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe natin kung paano napasampalataya sa
noong Panahong Medieval. Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain;
ang mga Anglo-Saxon sa England, Ireland
Mga Gawain ng mga Monghe. at Scotland; at ang mga German sa ilalim
Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng direksiyon ni Papa Gregory I.
ng mga karunungang klasikal ng mga Gayundin, naging martir si St. Francis
sinaunang Griyego at Romano. Dahil sa Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia
hindi pa natutuklasan ang palimbagan at para sa simulain ng pagpapalaganap ng
ang paggawa ng papel, ang lahat ng mga Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome.
libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan
sa monasteryo ang kanilang matiyagang
isinusulat muli sa mga sadyang yaring
Paano nakatulong ang mga monghe sa
balat ng hayop. Dahil sa ginawang
pagsisikap ng mga monghe, ang mga paglakas ng simbahan at
kaalaman tungkol sa sinauna at pagpapalaganap ng Kristiyanismo?
panggitnang panahon ay napangalagaan
sa kasalukuyan.

Halaw sa “Kasaysayan ng
Daigdig, Batayang Aklat para sa
Ikatlong
Taon nina Vivar et. al, pahina 141-
144

70
Gawain 2.Diagram ng Aking Natutuhan
Panuto: Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na
nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Europe. Ipaliwanag
ang sagot.

Salik sa
Paglakas ng
Kapangyarihan
ng Papa

Pamprosesong Tanong
1. Batay sa teksto, ano ang pangunahing papel na ginampanam
ng simbahan noong Gitnang Panahon? Patunayan.
2. Bakit madaling nahikayat ng simbahan ang mga grupong barbaro
na yakapin ang Katolisismo?
3. Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng simbahan
sa kasalukuyan sa gampanin nito noong Panahong Medieval?
Ipaliwanag.

71
Gawain 3: Sa Madaling Salita
Panuto: Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa loob ng kahon.

Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-


usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Paano nakatulong ang


paglakas ng simbahang
Katoliko sa pag-usbong ng
Europe sa Panahong
Medieval?

Bukod sa paglakas ng impluwensiya ng simbahang


Katoliko, isa sa mahalagang kaganapan sa Europe sa
Panahong Medieval ay ang pagkakatatag ng “Holy Roman
Empire”. Sino nga ba si Charlemagne? Bakit tinawag na
Holy Roman Empire ang imperyo? Ano ang kontribusyon ng
imperyong ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang
kamalayan?

72
Gawain 4.Magbasa at Matuto
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang teksto tungkol sa mga
kaganapang nagbigay- daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”.
481- Pinag-isani
Clovis ang iba’t
Ang Holy Roman Empire ibang tribung Franks
Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang at sinalakay ang
nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga mga Romano
mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin 496- Naging
ang Kanlurang Europe. Kristiyano si Clovis
Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. at ang kaniyang
Noong 768, humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o buong sandatahan
Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval 511- Namatay si
Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay na Clovis at hinati ang
iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba’t ibang wika. kaniyang kaharian
Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang sa kanyang mga
turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop anak
niya ang Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga 687- Pinamunuan ni
Kristiyano. Pepin II ang tribung
Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang Franks
emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). 717- Humalili kay
Marami ang nagsabi na ang imperyo ang bumuhay na muli sa Pepin II ang
kaniyang anak na si
imperyong Romano. Sa panahon ng imperyo, ang mga iskolar ang
Charles Martel
naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Romano. Ang
751- Ang anak ni
pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman Charles Martel na si
ang namayani sa kabihasnang Medieval. Pepin the Short ay
Nang namatay si Charlemagne noong 814, humalili si Louis hinirang bilang Hari
the Religious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ng mga Franks sa
ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay halip na Mayor ng
siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan Palasyo
ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay Charles the
Bald ang France; kay Louis the German ang Germany; atang Italy
kay Lothair.Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng
kapangyarihan ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at Si Pope Leo
nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar at III ang humirang kay
Muslim. Namayani sa Europe ang mga maharlika at humina ang Charlemagne bilang
mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko, “Emperor of the Holy
politiko at militari- ang piyudalismo. Roman Empire”.
Ayon sa ilang aklat,
Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon)nina nangangahulugan ito
Vivar et. al. pahina 140-141 na ang ideya ng mga
Romano ng isang
sentralisadong
pamahalaan ay hindi
naglaho.
Para sa karagdagang kaalaman basahin ang
“Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo
et. al. pahina 173-175

73
Gawain 5: Paggawa ng Timeline
Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ang timeline ng
mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy
Roman Empire.
Pinag-isa ni
Clovis ang
mga tribong
Franks at
sinalakay
ang mga
Romano.

481 500 600 700 800

Pamprosesong Tanong
1. Sa iyong palagay, sinong personalidad ang pinakamahalaga sa
pagtatatag ng Holy Roman Empire?
2. Bakit kaya Holy Roman Empire ang ibinansag sa imperyo ni
Charlemagne?
3. Ano ang kahalagahan ng Simbahang Katoliko sa “Holy Roman
Empire”?
4. Sa kasalukyan, masasabi pa bang may matibay na ugnayan ang
pamahalaan at simbahan? Patunayan.

74
Gawain 1.Magbasa at Matuto.
Panuto:Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paglulunsad ng Krusada sa
Europe.

ANG KRUSADA

Ang Krusada ay isang


ekspedisyong militar na inilunsad ng Hindi pa man sila nakalayo sa
Kristiyanong Europeo dahil sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si
panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Frederick at si Philip naman ay bumalik sa
Ito ay isang banal na labanan ng mga France dahil nag-away sila ni Richard.
relihiyosong Europeo laban sa mga Nagpatuloy si Richard hanggang sa
Turkong Muslim na sumakop sa banal na nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno
pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem ng mga Turko. Sa kahulihulihan
balak salakayin ng mga Turkong Muslim nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa
ang Imperyong Byzantine kaya humingi loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay
ng tulong ang Emperador ng Byzantine malayang nakapaglakbay sa Jerusalem.
sa Papa sa Rome lalo pa at sa Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit
pagsalakay na ito ay mapalaganap ang sa baybayin.
relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa
Urban, hinimok niya ang mga kabalyero Krusada ng mga Bata
(knights) na maging krusador at Noong 1212 isang labin dalawang
pinangakuan niya ang mga ito na taong French na ang pangalan ay
papatawarin sila sa kanilang mga Stephenay naniwala na siya ay tinawag ni
kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga
at kalayaang pumili ng “fief” mula sa lupa bata angsumunod sa kaniya ngunit
na kanilang masakop. karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi
sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang
Unang Krusada alipin sa Alexandria.
Ang unang Krusada ay binuo ng
mga 3000 kabalyero at 12000 na Ikaapat na Krusada
mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at Ang ikaapat na Krusada na
mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. inulunsad noong 1202 ay naging isang
Matagumpay na nabawi ng grupong ito iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng
ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag mga mangangalakal ng Venetra na
sila ng Estadong Krusador malapit sa Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang
Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay
Jerusalem, maraming Muslim ang idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy
napatay, pati na ang mga Hudyo at sa pagdarambong ang mga krusador
Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung hanggang sa Constantinople kungsaan
taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din nagtayo sila ng sariling pamahalaan.
sila ng mga Muslim. Noong 1261 sila ay napatalsik sa
Constantinople at naibalik ang imperyong
Ikalawang Krusada Byzantine. Ang huling kuta ng mga
Sa paghihikayat ni St Bernard ng Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng
Clairvaux, sinamahan siya nina Haring mga Muslim at ito ay naging simula ng
Luis VIIng France at Emperor Conrad III paghina ng Krusada.
ng Germany. Maraming balakid na
naranasan anggrupong ito sa pagpunta
sa Silangan at ang pinakatagumpay nila
ay ang pagsakop ngDamascus. 75
Gawain. 15.Comic-
Suri
Iba pang Krusada
Nagkaroon ng iba
pang Krusada noong 1219,
1224, 1228 ngunit lahat ng
mga ito ay naging bigo sa
pagbawi muli sa Holy
Land.Sa kabuuan, ang
mga Krusada ay pawang
bigo, maliban sa una na
nahawakan nila ang
Jerusalem sa loob ng
isang daang taon at
pagkatapos nito ay
nanumbalik na
naman sa kamay ng mga
Turkong Muslim ang
lupain. Mapa 3.1 Ruta ng ilan sa mga Krusada

nagla
ntad
Resulta ng ng
Krusada tunay
Kung na
mayroon mga
mang layuni
magandang n ng
naidulot ang mga
Krusada, ito suma
ay sa ma
larangan ng sa
kalakalan. gawai
Napalaganap ng
ang ito.
komersyo at Hindi
ito ay pagm
nagsilbing amal
salik sa pag- asakit
unlad ng mga sasim
lungsod at baha
malalaking n ang
daungan. nagin
Ang kulturang g
Kristiyano ay dahila
napayaman n
din. sapa
Sa gsam
kabilang a sa
panig, ang banal
krusada ay na
laban A na
na n “crux” na
ito g nangangah
kundi ulugang
ang s “cross”.
pagkaka a Ang mga
taong l Krusador ay
makapa i taglay ang
glakbay
t simbolo ng
at
mangala a Krus sa
kal. n kanilang
g kasuotan.

Halaw “
mula sa C
Project
EASE r
Araling u
Panlipuna s Para sa
n, Module karagdaga
8 (“Ang a
Simbahan d ng
g Katoliko: e impormasy
Isang
Makapang ” on,
yarihang basahin
Institusyon a ang
sa Gitnang
Panahon) y “Kasaysay
an ng
n Daigdig,
a Batayang
g Aklat Para
m sa Ikatlong
u Taon nina
l Vivar et. al,
a pahina
145-147
s
a

s
a
l
i
t
a
n
g

L
a
t
i
n
Panuto:Suriin ang “comic strip” at sagutin ang tanong sa loob ng kahon.

Ano-anong mga uring panlipunan


Ako ang HARI, ang makikita sa “Comic Strip”?
pagmamay-ari ko ang
lahat ng lupain. Subalit
ibinigay ko ang iba sa
mga BARON.

Ako ang BARON, dapat akong maging


TAPAT sa HARI dahil ibinigay niya sa
akin ang ilan sa kaniyang lupain. Dapat Ano ang salitang nababanggit sa
maging handa akong ipaglaban siya at lahat ng bahagi ng “Comic Strip”?
magsanay ng mga KNIGHT. Ibinigay
ko ang ilan sa aking lupain sa aking mga Ano ang ipinapahiwatig nito?
KNIGHT.

Ako ang VILLEIN, ibinigay ng KNIGHT sa


akin ang ilan sa kaniyang lupain upang
mapagtaniman at paunlarin. Tungkulin kong
magbayad ng buwis at pagkalooban siya ng
regalo. Hindi ako maaaring umalis sa lupain
na kaniyang nasasakupan nang walang
pahintulot ng KNIGHT.

Sa iyong palagay, anong Sistema ang umiiral na ipinahihiwatig ng


“comic strip”? Ipaliwanag.

76
GAWAIN 3: Magbasa at Matuto
Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang
mga tanong sa kahon kaugnay ng tekstong binasa.

Ang Piyudalismo Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo?


Mula sa ikasiyam hanggang
ika-14 na siglo, ang
pinakamahalagang anyo ng
kayamanan sa Europe ay lupa.
Kinakailangang pangalagaan ang
pagmamay-ari ng lupa.Pangunahing
Paano mo mailalarawan ang ugnayan
nagmamay-ari ng lupa ang hari.
Dahil sa hindi niya kayang o relasyon ng lord at vassal?
ipagtanggol ang lahat ng kaniyang
lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa
sa mga nobility o dugong bughaw.
Ang mga dugong bughaw na ito ay
nagiging vassal ng hari. Ang hari ay
isang lord o panginoong may lupa.
Ang iba pang katawagan sa lord ay
liege o suzerain. Samantala, ang
lupang ipinagkakaloob sa vassal ay ng vassal sa pamamagitan ng
tinatawag na fief.Ang vassal ay isa
pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya
ring lord dahil siya ay may-ari ng
lupa. Ang kaniyang vassal ay na ipagtanggol ang vassal laban sa mga
maaaring isa ring dugong bughaw. mananalakay o masasamang-loob at
Ang homage ay isang maglapat ng nararapat na katarungan sa
seremonya kung saan inilalagay ng lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang
vassal ang kanyang kamay sa pangunahing tungkulin ng vassal ay
pagitan ng mga kamay ng lord at magkaloob ng serbisyong pangmilitar .
nangangako rito na siya ay magiging Tungkulin din ng vassal na magbigay ng
tapat na tauhan nito. Bilang ilang kaukulang pagbabayad tulad ng
\
ransom o pantubos kung mabihag ang
pagtanggap ng lord sa vassal,
lord sa digmaan. Kailangan din niyang
isinasagawa ang investiture o
seremonya kung saan binibigyan ng tumulong sa paghahanap ng sapat na
lord ang vassal ng fief. Kadalasang salapi para sa dowry ng panganay na
isang tingkal ng lupa ang ibinibigay dalaga ng lord at para sa gastusin ng
ng lord sa vassal bilang sagisag ng seremonya ng pagiging knight ng
ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay
sumpang ito ay oath of fealty. isang mandirigmang nakasakay sa
Kapag naisagawa na ng lord kabayo at nanumpa ng katapatan sa
at vassal ang oath of fealty sa isa’t kaniyang lord.
isa, gagampanan na nila ang mga
tungkuling nakapaloob sa Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig,
kasunduan. Tungkulin ng lord na Batayang Aklat sa Araling Panlipunan
suportahan ang pangangailangan nina Mateo et.al. pahina 192-193

77
Ang Pagtatag ng Piyudalismo
Ang Piyudalismo sa Gitnang
Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati
ng Banal na Imperyo ni Charlemagne Ano ang kinahinatnan ng
batay sa kasunduan sa Verdum. mahinang uri ng pamumuno,
Mahihinang tagapamahala ang mga batay sa tekstong binasa?
tagapagmana ni Charlemagne kaya
ang mga opisyal ng pamahalaan at
mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa
pamumuno ng hari. Naibangon muli
ang mga lokal na pamahalaan na
ngayon ay pinatatakbo ng mga
maharlikha katulad ng mga konde at Bakit itinatag ang sistemang
duke. Piyudalismo?
Sa sitwasyong ito pumasok ang
mga barbarong Viking, Magyar, at
Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang
panig ng Europa lalo na sa bandang
France. Ang mga Viking na kilala rin sa
tawag na Normans ay nabigyan ng _
lupain sa bandang France kapalit ng
pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang
lupaing napasakanila ay kilala ngayon
sa tawag na Normandy.
Ang madalas na pagsalakay na
ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan,
sa mga mamamayan ng Europe. Dahil Module 9 (“Sistemang Pyudal sa Gitnang Panahon
dito, hinangad ng lahat ang sa Europa)
pagkakaroon ng proteksiyon kaya
naitatag ang sistemang Piyudalismo.

Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang


Para sa karagdagang sistemang kabalyero (knighthood). Kinapapalooban ang
kaalaman, basahin kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero (chivalry)
ang “Kasaysayan ng ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at
Daigdig, Batayang maginoo lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng
Aklat sa Araling mga saloobing Kristiyano ang sistemang kabalyero
Panlipunan Ikatlong tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa
Taon nina Mateo. kababaihan.
Banal at isang propesyon na pinagpala ng simbahan
ang pagiging kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling
ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo.

78
Lipunan sa Panahong Piyudalismo
Nahahati sa tatlong pangkat ang
Ano-ano ang uring panlipunan noong
lipunang Europeo sa panahong
Piyudalismo- ang mga pari, kabalyero o
panahon ng piyudalismo? Ilarawan ang
maharlikang sundalo at mga alipin (serf) bawat isa.
Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga
pari na natatanging sektor ng lipunan
sapagkat hindi namamana ang kanilang
posisyon dahil hindi sila maaaring mag-
asawa. Maaaring manggaling ang mga pari
sa hanay ng maharlika, manggagawa at
mga alipin.
Mga Kabalyero. Noong panahon ng
kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni
Charlemagne, may matatapang at
malalakas na kalalakihan na nagkusang
loob na maglingkod sa mga hari at sa mga
may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa
mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang
paggamit ng salapi, ang magigiting na
sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng
mga kapirasong lupa bilang kapalit ng
kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero
ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng
mga panginoon ng lupa, na maaaring
magpamana ng kanilang lupain.
Mga Serf. Ito ang bumubuo ng
masa ng tao noong Medieval Period.
Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang
sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga
serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid
na maaaring tirahan lamang ng hayop sa
ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa
bukid ng kanilang panginoon nang walang
bayad. Wala silang pagkakataon na
umangat sa susunod na antas ng lipunan
tulad ng maharlika at malayang
tao.Makapag-aasawa lamang ang isang
serfsa pahintulot ng kaniyang panginoon. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig Batayang
Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al
kaniyang mga anak, ay itinuturing na pag- pahina 148-149
aari ng panginoon. Wala silang maaaring
gawin na hindi nalalaman ng kanilang
panginoon.

79
Pamprosesong Tanong

1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon uring lipunan sa Sistemang


Piyudalismo?
2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Ipaliwanag.
3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang Sistemang Piyudalismo?
Pangatwiranan

Gawain 4.Alam Ko Na
Panuto: Upang mataya at mapagtibay ang iyong kaalaman mula sa
binasang teksto, sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang Piyudalismo?

2. Ano-anong uring panlipunan mayroon ang Piyudalismo?

3. Ano ang kahalagahan ng lupa sa sistemang Piyudal?

80
Gawain 5.Magbasa at Matuto
Panuto: Sa bahaging ito ng modyul, pag-aaralan mo naman ang
Manoryalismo. Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paksa.

Ang manor ay isang


malaking lupang
sinasaka. Ang malaking
Pagasasaka: Batayan ng Sistemang bahagi ng lupain na
Manor umaabot ng 1/3
Ang Sistemang Manor ang sentro ng hanggang ½ ng kabuuang
lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira
lupang sakahan ng manor
dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming
manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay ay pag-aari ng lord at ilan
maaaring maihalintulad sa isang pamayanan lamang sa mga
(village) kung saan angmga naninirahan dito ay magsasaka ang
umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka nagmamay-ari ng lupa.
sa manor. Sakabilang dako ang kanilang
panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng Halaw mula sa “Kasaysayan ng
Daigdig (Batayang Aklat sa Araling
pagsasaka samanor na kaniyang magiging Panlipunan, Ikatlong Taon) nina
kayamanan. Mateo, et.al pahina 195)
Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang
pinakapusod ng isang manor. Maaari ringang
bahay sa manor ay isang malaking
nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang
lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa
paggagamitan nito. Kumpleto sa mga
kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa
manor. Para sa mga naninirahan doon,ang mga
pangangailangan nila ay napapaloob na sa
manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan,
panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon
ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung
maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at
kagubatan ay kaniyang hinahati ngunit nag-
iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng
lahat.

Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan,


Module 9 (“Sistemang Pyudal sa Gitnang Panahon
sa Europa)

81
Gawain 7. Photo-suri
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa kahon.

Ano ang
ipinapahiwatig ng
kastilyo sa gitna ng
manor? Ipaliwanag.

Ano ang pangunahing


ikinabubuhay sa isang
manor?.

Ano ang kahalagahan


ng mga magbubukid
sa manor?

Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan, Module 9 (“Sistemang


Pyudal sa Gitnang Panahon sa Europa)

Pamprosesong Tanong
1.Batay sa teksto, anong uri ng relasyon mayroon ang lord at mga
magbubukid?
2. Sa iyong palagay, naipagkakaloob ba sa isang manor ang
mga pangangailangan ng mga mamamayan nito? Patunayan.
3. May gampanin ba ang mga kababaihan sa sistemang Manoryalismo?
Ipaliwanag.

82
GAWAIN 6: Magbasa at Matuto
Panuto: Kasama ng iyong pangkat, basahin at suriin ang sumusunod
na teksto.

Paglago ng mga Bayan


Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan.
Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at
mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng
magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng
mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami
ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa pangunahing daan.

Paggamit ng Salapi Ano-ano ang mga


Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema mahahalagang
ng kalakalan ay palitan ng produkto o barter. Dinadala ng
impormasyong
mga magbubukid o kaya ng “serf” ang mga produktong bukid
o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito makukuha mula sa
nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal na teksto?
pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa malalawak
na lugar malapit sa palasyo o simbahan. Unang Talata
Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar
na ang sumali, naisip ng panginoong piyudal na magtatag ng
taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpo-tagpo ang
mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong Ikalawang Talata
piyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa dito.
Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi
ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dahil dito,
nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer),
Ikatlong Talata
na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba’t ibang barya.
Sa pagpapalit ng salaping ito nasabing nagsimula ang
pagbabangko.
Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado
ang mag-iwan ng malalakinghalaga sa mga namamalit ng Ikaapat na Talata
salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo.
Ang isang mangangalakal ay maaari ring magdeposito ng
salapi sa isang lungsod at bibigyan siya ng resibo. Itong
dineposito niya ay maaari niyang kolektahin sa ibanglungsod. Ikalimang Talata
Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng salapi.
Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko
ay nalinang sa hilagangItalya. Ang paggamit ng pera ay
nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba’tibang lugar.

83
Ang Paglitaw ng Burgis
Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at Ano-ano ang
paglawak ng mga bayan, isangmakapangyarihang uri mahahalagang
ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men impormasyong
of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng makukuha mula sa
grupong ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na uri ng teksto?
bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante at mga
bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa Unang Talata
magagaling na unibersidad. Ang mgabourgeoisie ay
ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa
kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga
bagong yaman lamang.
Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila
ang nagtaguyod ng sining at nakalinang ng sariling uri Ikalawang Talata
ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa
mgadalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng
pag-uuri ng tao sa lipunan batay sa yaman at hindi na
sa angkan.

Ano-ano ang mahahalagang


Ang bayan sa panahong ito ay tinatawag impormasyong makukuha
na burgh. Ang mga taong nagtayo ng kanilang mula sa teksto?
tirahan dito ay karaniwang tinatawag naburgher.
Sa France, ang mga burgher ay kolektibong Unang Talata
tinatawag na bourgeoisie.
Ang mga burgher ay kakaiba sa
tradisyunal na paghahati ng lipunan batay sa
kanilang ginagawa. Hindi sila lordna may ari ng
lupa at nakikidigma. Iba rin sila sa pari na Ikalawang Talata
nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim.
Ang mga naninirahan sa bayan ay nagkakaloob
ng produkto at serbisyo na ikinakalakal. Habang
dumarami ang kalakal nila, yumayaman sila at
umuunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga
mangangalakal at artisan na ito ay bumuo ng Ikatlong Talata
bagong pangkat sa lipunan, ang gitnang uri o
“middle class”.
Sa bayan maaaring umangat ang
pangkaraniwang tao sa lipunan. Yaman at hindi
kapanganakan ang batayan ng pagkakakilanlan.
Kadalasan, higit na mayaman pa ang mga Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang
mangangalakal kaysa mga dugong bughaw. Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong taon, nina
Mateo et. al pahina 202-203
84
Ang Guild System Ang Craft Guild
Marami sa mga naninirahan sa Nang lumaki ang mga bayan, ang
bayan ay sumali sa guild. Ang guild sa mga artisan ay nagtatag ng sariling guild.
samahan ng mga taong nagtatrabaho sa Ang bawat craft o kasanayan ay may
magkatulad na hanapbuhay. sariling guild. Halimbawa, ang mga
karpintero, barbero, panadero, sastre, at
Ang Merchant Guild iba pang hanapbuhay ay may sariling
Ang mga unang guild ay guild. Ang sinumang hindi kasapi sa
binalangkas ng mga mangangalakal. isang guild ay hindi maaaring gumawa ng
Nagpatayo sila ng mga bulwagang produkto na ginagawa ng nasabing guild.
pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga
detalyeng kanilang negosyo. Kontrolado ng
Halaw saKasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat
guild ng mga mangangalakal ang lahat ng Para sa Ikatlong Taon nina Mateo et. al pahina
kalakalan sa bayan. Maaari rin nilang 204-205
hadlangan ang mga dayong mangangalakal
sa pagnenegosyo sa kanilang bayan.
Dahil sa kanilang yaman, lubhang
naging mahalaga ang mga merchant guild o
guild ng mga mangangalakal sa
pamahalaang bayan. Hinikayat ng mga Bigyang kahulugan ang sumusunod
merchant guild ang pagkakaroon ng
na konsepto:
sistema ng kalinisan at pagpapagawa ng
mga kanal para sa dumi. Sinikap nila na
magkaroon ng iisang batayan ng timbang at Ang Merchant Guild
panukat na maaaring gamitin ng lahat. bilang mga pulis na naglalaan
ng
Minsan, ginagampanan nila ang papel
proteksyon. Maaari rin
nilang
impluwensiyah Ang Craft
an ang mga Guild
lord na alisin
ang toll o bayad ng mga daan sa
mga
lupain nito.

Halaw sa Project EASE


Araling Panlipunan,
Module8 (“Sistemang
Piyudal sa
Gitnang Panahon sa Europa)

Para sa karagdagang
impormasyon, basahin an
sumusunod:
Kasaysayan ng Daigdig,
Batayang Aklat Para sa
Ikatlong Taon nina Vivar
et.al
pahina152-156
Kasaysayan ng
Daigdig, Batayang
Aklat Para sa
Ikatlong Taon nina
Mateo et. al pahina
200-205

85
PANG HULING PAGTATAYA:
Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagsusulit na magtatakda kung ano na ang iyong
alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan nang
wasto at alamin ang sagot sa mga aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan mo na
ang pagsagot.

1.Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa “polis” bilang isang lungsod-


estado?
A. Ang “polis” ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan
binibigyang-diin ang demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at
nakasentro sa isang lungsod.
C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang “polis” at nahahati ito sa
iba’t ibang yunit ng pamahalaan
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang
“polis”.

2. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang


Rome?
A. Censor at Praetor B.
Etruscan at Roman C.
Patrician at Plebeian D.
Maharlika at Alipin

86
3. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang
Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. maraming isla
B. maliit na mga isla
C. maitim na mga isla
D. maitim ang mga tao sa isla

4. Ang “Holy Roman Empire” ang sinasabing bumuhay sa Imperyong


Roman. Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 C.E.?
A. Charlemagne
B. Charles Martel
C. Clovis
D. Pepin the Short

5. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong


European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing
layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko

Para sa bilang 6, suriin ang kasunod na mapa

http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece

87
4
6. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod
na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa
pag- unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang
maging ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe,
Africa, at Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan
dahil nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Africa at
Asya ang Kabihasnang Minoan

A. I at II
B. II at III
C. II at IV
D. I, II, at III
Para sa bilang 7, suriin ang kasunod na larawan:

7. Makikita sa larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng


mga Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong kongklusyon ang
maaaring mabuo batay sa larawan?

A. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang


paniniwala sa iba’t ibang diyos
B. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa
Astronomiya C.Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya
mula sa mga Roman
D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa astronomiya
noong Panahong Hellenistic

88
Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na pahayag:
“ Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a
minority but of the whole people. When it is a question of settling private
disputes, everyone is equal before the law;…”
-
PERICLES
Funeral Oration

8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?

A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang Demokrasya


B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang
pamahalaang Demokrasya
D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban
sa pamahalaan

Para sa bilang 9, suriin ang timeline tungkol sa mga Kabihasnan sa America

Mga Kabihasnan sa America

1200- 200-700 250-900 900-1100 1200-1521 1300-1525


500 B.C.E. C.E. C.E. C.E.

Olmec Teotihuacan Maya Toltec Aztec Inca

9. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong


Pre- historic?
A. Kabihasnang Olmec
B. Kabihasnang Maya
C. Kabihasnang Aztec
D. Kabihasnang Inca

89
Para sa bilang 10, basahin at unawain ang comic strip

Ako ang HARI,


pagmamay-ari ko ang
lahat ng lupain. Subalit
ibinigay ko ang iba sa
mga BARON.

Ako ang BARON, dapat akong maging


TAPAT sa HARI dahil ibinigay niya sa
akin ang ilan sa kaniyang lupain.Dapat na
handa akong ipaglaban siya at magsanay
ng mga KNIGHT. Ibinigay ko ang ilan
sa aking lupain sa aking mga KNIGHT.

Ako ang VILLEIN, ibinigay ng KNIGHT sa


akin ang ilan sa kaniyang lupain upang
mapagtamnan at paunlarin. Tungkulin kong
magbayad ng buwis at magkaloob sa kaniya
ng regalo. Hindi ako maaaring umalis sa
lupain na kaniyang nasasakupan nang walang
pahintulot ang KNIGHT.

10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng mga tinukoy na karakter sa


comic strip tungkol sa Piyudalismo?

A. Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kaniyang


mga nasasakupan
B. Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan
ay pagmamay-ari ng lupa
C. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong
Panahong Medieval
D. Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe noong
Panahong Medieval upang mailigtas ang kaniyang teritoryo

90
11.Isa sa mga epekto ng pag-unlad ng sistema ng pagsasaka noong unang
bahagi ng Panahong Medieval ang pagtaas ng populasyon. Batay sa graph,
sa anong mga taon ito naganap?

A. 1000 at 1500 C.E.


B. 800 at 1000 C.E.
C. 800, 1000, at 1500 C.E.
D. 600, 800, at 1000 C.E.

12. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa. Ito ay yumaman
sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan
nito?
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.

13. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang


bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng
pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?

A. Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece


B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng
Europe na isang mabundok na lugar.
C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming
mangangalakal sa bawat lungsod-estado.
D. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan ang
umusbong dito

14. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang


pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung
ikukumpara sa mga karatig-lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa
Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece
D. Wasto ang lahat ng nabanggit

91
GLOSARYO

Acropolis- ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-


estado ng Athens at iba pang lungsod-estado ng Greece

Agora- ang gitna ng lungsod-estado ng isang bukas na lugar kung


saan maaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao sa Greece

Barter- pakikipagpalitan ng produkto

Bourgeoise- mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi


nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian

Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay

Fief- lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal

Hellenes- tawag ng mga Greek sa kanilang sarili na hango sa salitang


Hellas, isang lugar sa hilagang-kanluran ng Greece

Helot- mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na


ginagawa nilang tagapagsaka ng kanilang malalawak na lupain

Kapapahan- tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang


panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng simbahang Katoliko, gayundin
sa kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng Estado ng Vatican

Krusada- ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo


laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng
mga ito

Lay Investiture- isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang
Obispo ng singsing at tauhan para sa kanyang opisina

Manor- sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong


nakatira sa kastilyo

Mesoamerica- nangangahulugan ang katagang meso ng “gitna”, ang


Mesoamerica ay rehiyon mula sa gitnang Mexico hanggang Gitnang America.

92
Obsidian- isang maitim at kristal na bato na nabuo mula sa tumigas na
lava na ginamit sa Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim
ng kutsilyo

Olmec- kauna-unahang kabihasnan sa Central America: nangangahulugan


ang salitang Olmec na rubber people” dahil sila ang kauna-unahang
gumamit ng dagta ng mga puno ng rubber o goma.

Ostracism- ang sistema ng pagtatakwil at pagpapatapon sa isang tao


sa sinaunang Athens

Phalanx- tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang


16 na hanay ng mgamandirigma

Piyudalismo- isang sistemang political, sosyo-ekonomiko at military na


nakabase sa pagmamay-ari ng lupa.

Sibilisasyong Minoan-itinuturing na kauna-unahang sibilasasyong nabuo sa


Aegean na nagsimula sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo.

Teotihuacan- nangangahulugan ang katagang ito na “tirahan ng diyos”


at isa ito sa mga unang kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico

Tyrant- sa sinaunang Kasaysayan, ito ay pinuno ng Athens na


nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan

Vassal- taong tumatanggap ng lupa mula sa lord

Villein- kasingkahulugan ito ng salitang serf; ito ang bumubuo ng masa ng


tao noong Panahong Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang
kanilang sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong maylupa.

93

You might also like