You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8
S.Y. 2019-2020

Pangalan_____________________________________ Iskor________________
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat sa sagutang papel ang wastong sagot.
1. Ang Greece at Rome ay itinuturing na klasikal na kabihasnan. Saang kontinente
matatagpuan ang mga ito?
A. Amerika B. Aprika C. Asya D. Europa
2. Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa
iba’t ibang bansa. Saan naganap ang kauna-unahang Olympics?
A. Athens B. Corinth C. Olympia D. Sparta
3. Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan ng China, India, Mesopotamia, at Egypt sa mga
lambak-ilog. Katulad ng mga ito, ang mga kabihasnang nabuo sa Europe ay malapit din sa mga
anyong tubig. Sa anong mga anyong tubig malapit ang Greece?
A. Atlantiko B. Indian C. Mediterranean D. Pasipiko
4. Itinuturing na maunlad ang kabuhayan at kalakalang pandagat ng sinaunang Greece. Alin sa
mga sumusunod ang pangunahing dahilan nito?
A. Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin.
B. May mainam na daungan na nakapaligid sa Greece.
C. Ang Greece ay maraming lungsod-estado.
D. Maraming nakatira sa mga baybay-dagat.

5. Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula noong 3100
BCE. Sa anong isla ito nagsimula?
A. Crete B. Sparta C. Minoa D. Mycenae

6. Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga
mangangalakal, mga magsasaka, at mga alipin. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga
katangian ng mga mamamayan nito?
A. Sila ay mga masayahing mga tao.
B. Sila ay mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan.
C. Sila ay di nagpahuli sa palakasan.
D. lahat ng nabanggit

6. Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga
Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang protektahan
ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ano ang tawag sa mga pook o
lungsod- estado na naging pamayanan?
A. acropolis B. agora C. metropolis D. polis
7. Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang
mga bagong ideya at teknik. Kanino nila nakuha ang ideya ng alpabeto na naging bahagi
naman ng kanilang sariling alpabeto?
A. Lydian B. Persian C. Phoenician D. Sumerian
8. Ang pagbabago sa Athens ay naganap noong 594 BCE. Sino sa mga sumusunod ang
nanguna sa pagbabagong ito na kilala sa pagiging matalino at patas?
A. Cleisthenes B. Pisistratus C. Solon D. Socrates
9. Sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang
pagsilang ng demokrasya. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang
pamahalaan.
B. Nagkaroon ng Sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang taong kumakalaban
sa pamahalaan.
C. Nakaboto sa asembleya ang mga mamamayan.
D. wala sa nabanggit
10. Ang mga Sparta ay itinuturing na pamayanan ng mga mandirigma, pagsapit ng anong taon
dinadala ang mga Spartan sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at
sanayin sa serbisyo militar?
A.ikapitong taon B. ikadalawampung taon
C. ikatatlumpung taon D. ikaanimnapung taon
11. Ang Sparta ay responsible sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa
buong daigdig, ang kanilang hukbo ay tinaguriang phalax. Ano ang bumubuo nito?
A. binubuo ng mga sundalong walang anumang sandata
B. karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma
C. karaniwang binubuo ng mga bayarang mandirigma
D. hindi maaaring magtanggol sa kanilang polis
12. Bagamat ang Greece ay binubuo ng mga lungsod-estadong Malaya sa isa’t isa, naranasan
din ng mga Greek ang banta ng paglusob at pananakop ng mga kalapit na kabihasnan. Sino sa
mga sumusunod na mananakop ang sumalakay sa mga kalapit na kolonyang Greek?
A. Cyrus the Great B. Darius I C. Thales D. Themistocles
13. Ayon kay Pericles, “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa
kamay ng nakararami at hindi ng iilan.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag niyang ito?
A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya.
B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa.
C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang demokrasya.
D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan.
14. Mahalaga ang edukasyon sa mga Athenians kaya marami ang mga magagaling na taong
nag-ambag sa kabihasnang klasikal ng Greece. Isa na rito si Socrates. Ayon sa kaniya,
mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself) at dapat na patuloy na magtanong ang
mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila ay may kasagutan sa mga
katanungang ito. Ano ang itinawag ngayon sa pamamaraang ito?
A. Platonic Method B. Politics C. Socratic Method D. The Republic
15. Samantala, isa rin sa mga sumikat na Greek ay si Aristotle. Siya ang pinakamahusay na
mag-aaral ni Plato. Marami rin siyang naging tanyag na ambag sa kabihasnang Greece. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang sa kaniyang mga akda?
A. Anabis B. Poetic C. Politics D. Rhetoric
16. Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay dito at sa
Mediterranean Sea. Saang bansa matatagpuan ang Rome?
A. France B. Greece C. Italy D. Vatican
17. Ayon sa alamat, ang Rome ay itinatag ng dalawang kambal. Sino ang dalawang kambal na
ito?
A. Patrician at Plebeian B. Romulus at Remus
C. Romulus at Matilda D. Zeus at Hera
18. Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy. Dahil dito, nagdulot ng suliranin sa
Carthage ang pananakop nito sa bahaging timog ng Italy. Ano ang itinawag sa idineklarang
digmaan sa pagitan ng Rome at Carthage?
A. Digmaang Peloponnesian B. Digmaang Persian
C. Digmaang Punic D. Digmaang Pandaigdig
19. May iba’t ibang kasuotan ang mga mamamayang Roman. Alin sa mga sumusunod ang
kasuotang sinusuot ng mga lalaki?
A. aqueduct at basilica B. patrician at plebeian
C. stola at palla D. tunic at toga
20. Ang panitikan ng Rome ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo BCE. Subalit ang
mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece. Sino sa mga sumusunod na manunulat
ang nagpahalaga sa batas?
A. Cicero B. Livius Andronicus C. Lucretius D. Marcus Palutus
21. Samantala, sino sa mga sumusunod na manunulat sa panahon ng Pax Romana ang may-
akda ng “Metamorphoses”?
A. Horace B. Ovid C. Tacitus D. Virgil
22. May iba’t ibang gusali rin na ipinatayo sa Rome na hanggang ngayon ay makikita pa rin dito.
Alin sa mga sumusunod na gusali ang ginagamit para sa mga labanan ng mga gladiator?
A. arch B. basilica C. coliseum D. forum
23. Sa unang siglo ng BCE, matindi ang agawan sa kapangyarihan ng mga heneral at pinunong
military sa Rome. Dahil dito, nabuo ang First Triumvirate. Isa itong union ng tatlong
makapangyarihang political at military. Sinu-sino ang mga ito?
A. Julius Caesar, Pompey, at Marcus Licinius Crassus
B. Mark Anthony, Marcus Lepidus at Octavian
C. Marcus Aurelius, Antonius Pius, at Nero
D. Tiberius, Caligula at Vespacian
24. Ang Rome ay nagkaroon ng iba’t ibang uri ng emperador. Sino sa mga sumusunod ang
magaling na administrador at sa kanyang panahon napako si Kristo sa krus sa Judea?
A. Caligula B. Claudius C. Nero D. Tiberius
25. Ang mga naging emperador ng Rome ay itinuturing na makapangyarihan at binibigyan ng
iba’t ibang titulo. Si Octavian na bumuo sa Second Triumvirate ay ginawaran ng titulong
Augustus. Bakit siya tinawag na Augustus?
A. Ang titulong Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi pangkaraniwan.
B. Ang titulong Augustus ay nangangahulugang pagtalikod sa pagiging sundalo.
C. Ang titulong Augustus ay nangangahulugang tagapagmana ng malawak na imperyo.
D. lahat ng nabanggit
26. Katulad ng kabihasnang Greece at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay
nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at
magtayo ng imperyo. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kabihasnang klasikal
sa America?
A. Aztec B. Inca C. Maya D. Olmec
27. Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy. Ano
ang ibig sabihin ng salitang Aztec?
A. Nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan”.
B. Nangangahulugang feathered serpent.
C. Nangangahulugang maliit na isla sa gitna ng dalawang ilog.
D. wala sa nabanggit
28. Itinatag ng mga Aztec noong 1325 ang pamayanan ng Tenochtitlan. Anong katangiang-
heograpikal ng Tenochtitlan ang nagbigay-daan upang ito ay maging sentrong pangkalakalan sa
Mesoamerica noong sinaunang panahon?
A. Ang Tenochtitlan ay isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco na sentro ng
Mexico Valley.
B. Ang Tenochtitlan ay may matabang lupaing angkop sa pagtatanim.
C. Ang Tenochtitlan ay nakapagtayo ng Sistema ng irigasyon at pamilihan.
D. wala sa nabanggit
29. Dahil angkop ang Tenochtitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga
Aztec, sila ay nakapagtatanim ng iba’t ibang pananim. Alin sa mga sumusunod ang kanilang
pangunahing tanim?
A. abokado B. kalabasa C. mais D. sili
30. Ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga pwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga
ito bilang mga diyos. Alin sa mga sumusunod ang kanilang pinakamahalagang diyos na diyos
ng araw?
A. Huitzilopochtli B. Quetzalcoatl C. Tlaloc D. Tlacaelel
31. May magkakaibang klima at heograpiya ang South America kung ihahambing sa
Mesoamerica. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Imperyong Inca?
A. Amazon River B. Atlantic Ocean C. Pacific Ocean D. Southern Ocean
32. Dahil sa unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo, nasakop nito ang 3,220
kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Alin sa mga sumusunod na mga
bansa sa kasalukuyan ang saklaw ng kanilang imperyo?
A. Chile, Venezuela, Paraguay at Uruguay
B. Ecuador, Bolivia, Argentina at Peru
C. El Salvador, Jamaica, Mexico at Guatemala
D. Puerto Rico, Colombia, Brazil at Costa Rica
33. Ang imperyong Inca ay nakaranas din ng pananakop. Sino sa mga sumusunod ang
mananakop na Espanyol na dumating sa Inca?
A. Atahuallpa B. Huascar C. Huayna Capac D. Pizarro
34. Sa kadalasan, hindi maganda ang impresyon sa kontinente ng Africa. Bakit kaya ito tinawag
ng mga Kanluranin na dark continent?
A. dahil hindi nila ito nagalugad kaagad
B. dahil limitado lamang ang kanilang kaalaman tungkol dito
C. dahil ito ay karaniwang hindi nabibigyan ng tuon
D. lahat nabanggit
35. Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Ano-
anong uri ng vegetation ang makikita sa kontinenteng ito?
I. rainforest
II. grassland
III. savanna
IV. prairie
V. tundra

A. I, II, at III B. II, III, at IV C. II, IV at V D. III, IV at V


36. Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 CE. Mga elepante, ivory, sungay
ng rhinoceros, pabango, at pampalasa ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian
Ocean. Bilang kapalit, ano-ano ang kanilang inaangkat?
I. bakal
II. dates
III. ginto
IV. salamin
V. tanso

A. I, II,at III B. I, III, at IV C. I, IV, at V D. I, III, at V


37. Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito sa isang relihiyon.
Ano ang naging opisyal na relihiyon ng kaharian nito?
A. Budismo B.Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo
38. Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga Pulo ng Pacific at Timog-
Silangang Asya. Ito ay dahil nandayuhan at nanahan sa dalawang rehiyong ito ay mga
Austronesian. Ano ang kahulugan ng Austronesian?
A. tumutukoy sa pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig
B. tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang Malayo-Polynesian
C. tumutukoy sa wikang kinabibilangan ng wikang Pilipino
D. wala sa nabanggit
39-41. Piliin sa mga sumusunod na mga pulo sa Pacific ang binibigyang-kahulugan ng mga
bilang 39-41.
A. Micronesia B. Melanesia C. Polynesia
39. Maraming isla
40. Maiitim ang mga tao
41. Maliliit na mga isla
42-44. Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng
pundasyon ng Simbahang Katoliko at Kapapahan. Piliin sa mga sumusunod na naging Papa
ang inilalarawan ng mga bilang 42-44.
A. Constantine the Great B. Papa Leo the Great
C. Papa Gregory I D. Papa Gregory VII
42. Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang secular at eklesyastikal
ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng
Simbahan.
43. Natamo niya ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang sumampalataya ang iba-
ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang
Europe.
44. Pinalakas niya ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople.
45. Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine.
46. Apat ang pangunahing salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang sa mga ito?
A. Pagbagsak ng Imperyong Roman
B. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan
C. Pagkakaroon ng mga Krusada
D. Pamumuno ng mga Monghe
47. Mula nang matalo ang mga mananalakay na Muslim, hindi na nagtangkang sakupin ang
Kanlurang Europe. Sino ang unang hinirang na hari ng France?
A. Charles Martel B. Charlemagne
C. Louis the Religious D. Pepin the Short
48. Ang mga sumusunod ay mahahalagang pangyayaring naganap na nagbigay-daan sa
pagkakabuo ng Holy Roman Empire. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari.
I. Humalili kay Pepin II ang kanyang anak na si Charles Martel
II. Pinag-isa ni Clovis ang iba-ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman
III. Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang hari ng mga
Franks
IV. Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan
V. Namatay si Clovis at hinati ang kanyang kaharian sa kanyang mga anak
VI. Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks

A. I, II, III, IV, V, VI B. II, IV, V, VI, I, III


C. III, I, II, V, VI, IV C. VI, V, II, IV, III, I
49. Nang namatay si Charlemagne noong 814 CE, sino naman ang humalili sa kanya bilang
hari?
A. Charles the Bald B. Louis the German
C. Louis the Religious D. Lothair
50. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa
panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansa sa Europe
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko

You might also like