You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 8

Name: __________________________________ Grade/Section: ________ Score: ___


School: ________________________________ Teacher: __________________________

IKA-APAT NA MARKAHAN
Written Test 3

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat bilang. Piliin ang
titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang


produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal.

a. Demokrasya
b. Sosyalismo
c. Kapitalismo
d. Totalitaryanismo

2. Isang ideolohiya na kung saan ang lahat ng mekanismo sa produksiyon


ay pag-aari at pinapangasiwaan ng isang pangkat ng tao.

a. Sosyalismo
b. Kapitalismo
c. Awtoritaryanismo
d. Totalitaryanismo

3. Paano mailalarawan ang demokrasya bilang uri ng pamahalaan?

a. Maaaring makilahok ang mga mamamayan ng tuwiran o di tuwiran.


b. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng tao.
c. Maaari din itong mauwi sa diktadura kapag ang inatasan ng mga tao
upang mamuno ay magsimulang mangamkam ng kapangyarihan at
isawalang-bahala ang kagustuhan ng mga tao.
d. Lahat ng nabanggit.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
4. Hangad ng ideolohiyang ito ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa
pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksiyon ng bansa.

a. Totalitaryanismo
b. Kapitalismo
c. Awtoritaryanismo
d. Sosyalismo

5. Ito ay isang hidwaan ng dalawang makapangyarihang bansa na


naganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

a. Cold War
b. Great War
c. Religious War
d. Proxy War

6. Anong ideolohiya ang pinalaganap ni Adolf Hitler na nagsasaad ng


pagiging superyor ng lahing Aryan o lahing kinabibilangan ng mga
German?

a. Marxism
b. Narzism
c. Communism
d. Fascism

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting epekto ng Cold War?

a. Umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pang-militar, at


kalakalan ng mga bansa.
b. Nawalan ng tunay na pagkakaisa.
c. Nagkaroon ng banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang
pansandatahan.
d. Lahat ng nabanggit.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
8. Ang mga sumusunod ay magandang epekto ng Cold War maliban sa isa.

a. Tiniyak ng United States na maayos ang takbo ng ekonomiya ng


pandaigdigang sistemang kapitalista.
b. Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang pagiging bukas ng pamunuan sa
pamayanan at pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya.
c. Nagkasundo ang Union Soviet at Amerika na tapusin na ang Arms
Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng
nakakarami.
d. Iginiit ng Amerika at Union Soviet ang kanilang pamamalakad kaya
nawalan ng tunay na pagkakaisa.

9. Ito ay tumutukoy sa patuloy na impluwensiyang pang-ekonomiya at


panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati nilang kolonya na
hindi gumagamit ng puwersa o dahas upang kontrolin ang mga
mahihirap na bansa.

a. Kolonyalismo
b. Merkantilismo
c. Neokolonyalismo
d. Imperyalismo

10. Isang instrumento ng neokolonyalismo ang nakapaloob sa


dayuhang tulong na maaaring pang-ekonomiya, pangkultura o
pangmilitar.

a. Foreign Aid
b. Foreign Debt
c. Covert Operation
d. Over Dependence

11. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting epekto ng


Neokolonyalismo?

a. Labis na pagdepende sa iba


b. Kawalan ng karangalan
c. Patuloy na Pang-aalipin
d. Lahat ng nabanggit

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
12. Bakit sinasabing pakunwaring tulong lamang ang nakapaloob sa
neokolonyalismo?

a. Dahil mas pinaboran nito ang kapakanan ng mga mahihirap kaysa


mga mayayaman.
b. Sapagkat ang bansang tumulong ang mas nangangailangan ng ayuda
kaysa bansang tinulungan.
c. Dahil itinali lamang ang bansang tinulungan sa patakaran at motibo
ng bansang tumulong.
d. Sapagkat hangarin ng bansang tumulong na direktang sakupin at
angkinin ang lupain ng bansang sinaklolohan.

13. Ano ang tawag sa epekto ng neokolonyalismo na ang maliliit na


bansa ay patuloy pa ring nakatali sa malakolonyal at makakapitalistang
interes ng kanluran?

a. Continued Enslavement
b. Loss of Pride
c. Over Dependence
d. Peaceful Co-Existence

14. Sa ideolohiyang totalitaryanismo, paano pinanatili ng isang


diktador ang kapangyarihan nito?

a. Katigan ang mga kahilingan ng negosyante.


b. Ginawang insitibo ang pagbibigay ng mga lupain.
c. Kontrolin ang pamahalaan, ekonomiya, at mass media.
d. Bibigyan ng malawak na karapatan ang mga mamamayan.

15. Siya ang unang cosmonaut na lumigid sa mundo.

a. Yuri Gagarin
b. Neil Armstrong
c. John Glenn
d. Alan Shepard

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 4


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
SUSI SA PAGWAWASTO

1. C
2. A
3. D
4. D
5. A
6. B
7. D
8. D
9. C
10. A
11. D
12. C
13. A
14. C
15. A

Inihanda ni:

CHERYLL MAE R. COS


Teacher I
Dela Paz High School

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 5


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like