You are on page 1of 13

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 11: Dokumentaryong Pampelikula

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Maricel M. Licsi at Mylene B. Errua
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas
Tagaguhit:
Tagalapat: Criselda M. Baccay at Evangeline G. Morales
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 11 para sa Sariling Pagkatuto

Dokumentaryong Pampelikula
Manunulat: Maricel M. Licsi at Mylene B. Errua
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas/ Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 8 ng Modyul 11
para sa araling Dokumentaryong Pampelikula !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 8 Modyul 11 ukol sa


Dokumentaryong Pampelikula !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo
ang sumusunod na Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa sumusunod;
 Paksa/Tema
 Layon
 Gamit ng mga Salita
 Mga Tauhan
Mga Layuning Pampagkatuto:

• Natutukoy ang paksa/tema ng napanood na Dokumentaryong Pampelikula.


• Naiuugnay ang mahahalagang pangyayari sa napanood na dokumentaryo
sa mga napapanahong isyu.
• Naihahayag ang sariling pananaw sa mahahalagang isyung tinalakay sa
napanood na Dokumentaryong Pampelikula.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Hulaan kung sinong artista ang nagsabi ng mga sumusunod na


pahayag hango sa Pelikulang Pilipino.

1. 2.
Ang totoo, kasi umaasa pa rin
akong sabihin mo. Sana ako
Bibigyan kita ng pa rin. Ako na lang ulit.
power hug

Mahal mo ba ako dahil Huwag mo akong mahalin dahil


kailangan mo ako o mahal kita. Mahalin mo ako dahil
3. kailangan mo ako dahil 4. mahal mo ako.
mahal mo ako?
Pero bakit kasalanan ko?
5.
Parang kasalanan ko?

BALIK-ARAL

Naalala mo pa ba ang mga mahahalagang impormasyon mula sa nakaraang


aralin. Subukin mo nga ang iyong sarili. Huwag kang mag-alala, kaya mo iyan!

PANUTO: Tukuyin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag tungkol sa


kabuoang nilalaman ng nakaraang aralin. Isulat sa patlang ang sagot.

____1. Taong 1900 nagsimula ang paglikha ng mga Dokumentaryong Pampelikula.


____2. Ang Dokumentaryong Pampelikula ay sumikat sa buong bansa.
____3. Layunin ng Dokumentaryong Pampelikula na buksan ang kaisipan ng
mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan.
____4. Si Brillante Mendoza ay isa sa pinakamahusay na direktor sa kasalukuyan
lalo na sa paglikha ng Independent Films.
____5. Maraming manonood ang sumuporta sa Dokumentaryong Pampelikula.

ARALIN

Nalaman na natin sa nakaraang aralin ang kaligirang pangkasaysayan ng


Dokumentaryong Pampelikula at ang mga Elemento nito.
Tunghayan naman natin ang halimbawa ng isang Dokumentaryong
Pampelikula.
MANORO (ANG GURO)
https://www.youtube.com/watch?v=o8U6gsy11vU&t=969s

MANORO
(Bahagi)
Isinalin at hinalaw ni Jet Oria Gellecanao

Basahin ang bahagi ng iskrip na hango sa dokumentaryong


pelikulang Manoro (The Aeta Teacher) ni Brillante Mendoza na pinarangalan
ng CinemAwenir Award noong 2006 sa Turin Film Festival at itinanghal na
Best Picture at Best Director ng Cinemalaya sa nasabi ring taon. Ito ay
pelikula tungkol sa batang Aeta na si Jonalyn ( na siya rin mismong
gumanap sa pelikula) na nabigyang pagkakatong makapag-aral hanggang
elementarya sa isang paaralan sa Angeles City, Pampanga. Gamit ang
kanyang natutuhan ay tinuruan niya ang kanyang kababayan sa
kabundukang bumasa, bumilang at sumulat.

Eksena 5- Simula ng isang malayong paglalakad


(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan
kung saan naroon ang mga Koreano, binati nila ang isa’t isa.)

Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn) “Yu nid to fill-up aplikey-


shen form fo your job” (ibig sabihin nito ay kailangan nitong magpasa ng
aplikasyon para sa trabaho)

(Nagpasalamat ang mga ito.)

Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at


magsulat

Jonalyn: O sige, para makaboto ka.

Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras
‘yan, narinig mo naman ang Koreano, kelangan ko na mag fill-up ng
aplikasyon.

(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang


kanilang Apo Bisen,.. mahabang paglalakad na tila isang walang
katapusang paglalakbay,.. paglalakbay para sa kinabukasan.)

(Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba’t ibang


eksena, ipinakita ang karilagan at kagandahan ng mga kabundukan na tila
humihiyaw ng kinabukasan… maalikabok ang tinatahak na landas. Ang
pagtatangkang sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na
isang mag-uuling na tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kanyang
mga itinuro; ang pagdaan ng mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa
kabundukan kung saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng
ama kung hanggang ngayon ay takot pa rin siya sa mga patay. Nasalubong
nila si Apo Almario…)

Jonalyn: Apo Almario, nakita n’yo po ba ng aking Apo Bisen?

Apo Almario: Hindi, Hindi kami nagkita!

Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok.

Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.

Jonalyn: O sige po, salamat, bumoto ka bukas!


(Sabay, nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang
paglalakad ay nakita naman ni Jonalyn ang mga batang nasa taas ng puno,
tumutugtog ng plawta at binati siya ng “magandang umaga” ng mga ito,
sinabihan niyang mag-ingat ang mga ito at baka sila ay mahulog.
Samantala, sa isang bahagi ng bundok natanaw nila ang isang
napakalawak at napakalaking apoy dulot ng kaingin.)

Jonalyn: Sa ginawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga


ibon.
(Malungkot ang mukha)

PAGSULAT NG REBYU NG ISANG PELIKULA


Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga
sa sining ng pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at
nagpapasiya sa katangian nito. Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa
kahinaan at kakulangan kundi gayundin sa mabubuting bagay na dapat isaalang-
alang sa pagpapaganda ng pelikula.
Ang sumusunod na elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula:
1. Paksa/Tema- ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan at
pinakapuso ng pelikula.

 Napapanahon ba ang paksa?


 Malakas ba ang dating o impact sa manonood kung saan ito ay
nakatitimo sa isip?
 Akma ba ang tema sa panahon kung kailan ito nagawa o akma sa
lahat ng panahon?
2. Layon- ito ang nais ipabatid, ipakita ng may-akda sa mga manonood.

3. Tauhan- Ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento


ng pelikula.
 Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan?
 Makatotohanan ba ang mga ito?
 Angkop ba ang pagganap ng artista sa pelikula?
4. Diyalogo- Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
 Naisaalang-alang ba ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan
sa kuwento?
 Matino ba, bulgar, o naaangkop ang mga ginamit na salita sa
kabuoan ng pelikula?
 Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula ang diyalogong
ginamit?

Sanggunian: Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)


Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2015
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Gamit ang graphic organizer, suriin ang napanood na


dokumentaryong pampelikulang Manoro (Ang Guro) batay sa
mahahalagang impormasyong dapat tandaan sa pagrerebyu ng isang
pelikula. Isulat ang sagot sa papel.

Manoro (Ang Guro)

Tema ng Pelikula Layon ng Pelikula

Pagganap ng mga Tauhan Diyalogo ng mga Tauhan

Pagsasanay 2: HAGDANAW (Hagdan at Pananaw)


Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na
tanong upang iyong makuha ang bandila. Lalo pa natin palalimin ang iyong
kaalaman, pagkilala sa sarili at pagkamulat sa kapaligiran. Isulat sa papel
ang iyong sagot.

http://www.angelfire.com/journal2/philippinehistory/watawat.htm

Paano nakakapagpamulat ng kamalayan ang Dokumentaryong


Pampelikula na bahagi ng ating kultura at Panitikang Popular?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili bilang


isang mahusay na lider at tagapagtaguyod ng kabutihan sa
nakararami sa kasalukyang panahon?

Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan


mo na nagtataglay ng “kawalang-alam” (literacy) lalo na sa
pagbasa at pagsulat? Ano ang naiiisip mong proyekto para
makatulong sa kanila?
Paano mo bibigyang-kahulugan ang mahabang paglalakad na tinahak
ng mag-amang Jonalyn doon sa kabundukan kung ihahambing sa
kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo sa ating bansa?

Kung ikaw si Jonalyn, paano mo maisasakatuparan ang


PAGLALAHAT

Panuto: Punan ng angkop na mga sagot ang pahayag tungkol sa


pangkalahatang natutunan mo sa modyul na ito.

Nalaman ko na ang dokumentaryong pampelikulang Manoro ay tungkol sa


________________________________. Hindi hadlang ang kahirapan upang
_____________________________________________________________________. Kaya
bilang isang kabataan ay ________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga dokumentaryong


pampelikula? Dugtungan mo ang pahayag sa ibaba.
Maipapakita ko ang pagpapahalaga sa
dokumentaryong pampelikula sa pamamagitan ng
_____________________________________________________
_____________________________________________________.
_____________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Suriin ang mahahalagang impormasyong may kinalaman sa


akdang binasa o napanood. Tukuyin kung anong mabubuting gawi ng
mga Pilipino ang ipinahihiwatig ng bawat pahayag. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon. Titik lamang ang isulat sa patlang.

a. Pagpapahalaga sa boto at dangal ng bayan


b. Pagmamahal sa bayan
c. Pagpapahalaga sa edukasyon
d. Pagiging matulungin
e. Paggalang sa kapwa

___1. May kabataang dahil sa kapos sa pera ang magulang ay nagtitiyagang


magtrabaho sa araw at mag-aral naman sa gabi.
___2. Marami pa ring mga Pilipino ang handang magbuwis ng buhay alang-
alang sa kapakanan ng bansa.
___3. Mga taong handang magkaloob ng tulong sa mga nangangailangan o
sa mga kapos-palad.
___4. Pinipili ng mga mamamayan ang maayos na kandidato at hindi nila
pinahihintulutang masuhulan sila ng mga politiko.
___5. Tinatrato nang maayos ang kapwa anuman ang kalagayan nito sa
buhay.

SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Mga Aklat:

Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)


Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2015
Website:
https://www.youtube.com/watch?v=o8U6gsy11vU&t=969s

You might also like