You are on page 1of 12

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 13:Terminolohiya na Ginagamit sa Mundo ng Pelikula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Bb. Katherine Aragon
Tagasuri: Emelita S. Garcia MTI at Gng. Melinda P. Iquin HTVI
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagaguhit:
Tagalapat: Bb. Jessica N. Dacles
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 13 para sa Sariling Pagkatuto
Terminolohiya na Ginagamit sa Mundo ng
Pelikula

Manunulat: Bb. Katherine Aragon


Tagasuri: Emelita S. Garcia MTI at Gng. Melinda P. Iquin HTVI
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8, Modyul 13 para sa
Aralin : Terminolohiya na Ginagamit sa Mundo ng Pelikula!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8, Modyul 13 ukol sa Araling


Terminolohiya na Ginagamit sa Mundo ng Pelikula!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul na ito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula
(F8PT-IIIg-h-32)
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa napanood na pelikula.
2. Napahahalagahan ang mga kahulugan ng mga salitang ginagamit sa mundo ng
pelikula.
3. Nagagamit nang wasto ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula ayon
sa kahulugan nito.

PAUNANG PAGSUBOK
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman
sa nilalaman ng aralin na ito. Kompletuhin ang letra sa mga patlang
upang matamo ang mga sagot sa bawat bilang.

1. Nangyayari ito kapag tapos na ang syuting o aktuwal na recording ng


pelikula. E__t_ ng
2. Tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng palabas at ang inaasahang
epekto nito sa manonood. _ e m _
3. Binibigyang-pansin ang lugar na pinagdausan ng pelikula. _ u n _ n at
P_ n__ on
4. Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang kamera na
isinasaalang-alang ang mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit ng
ilaw. S_ nem a__g_a__ y_
5. Itinuturing na isa sa pinakabata ngunit kinaaaliwang libangan ngayon
ng mga Pilipino sa bansa. P _ l _ k _ _ a n _ P i _ _ p _ _o.

6
BALIK-ARAL
Bago natin simulan ang susunod na aralin, sukatin muna natin
ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga unang paksa.

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Pelikulang malaya sa kanilang tema at pamamaraan na ang pinakalayunin ay
buksan ang kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan.
A. Independent Film B. Short Film C.Video Advocies
2. Isang elemento ng pelikula na batay sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento sa
pelikula.
A. Disenyong Pamproduksyon
B. Sequence Iskrip
C. Sinematograpiya
3. Isa sa pinakamahusay na direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa
paglikha ng mga Independent o Indie Films.
A. Brillante Mendoza B. Joel Lamangan C. Sid Lucero
4. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang
higit itong mas maging makatotohanan.
A. Dokumentaryong Pampelikula
B. Dokumentaryong Pantelebisyon
C. Komentaryong Panradyo
5. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at diyalogo ng mga
tauhan at artista.
A. Iskrip B. Pagdidirehe C.Tunog at Musika

ARALIN

Nasagutan mo ba ang balik-aral? Handa ka na bang makatamo ng


bagong kaalaman? Bago ka tumungo sa aralin ay sagutin muna ang tanong.

7
Bukod sa panonood ng telebisyon, isang libangan ding matatawag
ang panonood ng pelikula. Ang ganitong uri ng panoorin ay unang pinalalabas
o mas madalas na pinapanood sa mga sinehan. Marahil ay marami ka nang
pelikulang napanood. Alin sa mga pelikula na nasa larawan ang napanood mo
na? Ibahagi mo ang iyong karanasan o interes tungkol dito.

Basahin at Unawain
ALAM MO BA?
Ang Pelikulang Pilipino ay itinuturing na isa sa pinakabata
ngunit kinaaaliwang libangan ngayon ng mga Pilipino sa bansa. Ayon sa
kasaysayan ng Pelikulang Pilipino,ang naitalang kauna-unahang pelikulang
ginawa sa Pilipinas ay ang Dalagang Bukid sa direksyon ni Jose Nepomuceno
noong 1919 na hango sa Zarzuelang isinulat nina Hermogenes Ilagan at ni
Leon Ignacio. Ang mga unang pelikula noon ay kalimitang batay lamang sa
mga pelikulang gawa sa Hollywood kung hindi man ay hinahango ang istorya ng
mga ito sa aklat.
Noong 1929, ipinalabas sa bansa ang kauna-unahang pelikulang may
saliw na tunog- walang iba kundi ang Syncopation, na ipinalabas sa Radio
Theater Sta. Cruz, Maynila. Taong 1932 naman nang ipalabas ang Aswang,
na may temang katatakutan, ang unang pelikulang Tagalog na nilapatan ng
mga tunog sa bansa. Noong Dekada ’30, nauso ang mga pelikulang
tumatalakay sa mga naging karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga
mananakop tulad ng Patria Amore ( Love of Country ) at Mutya ng Katipunan
( Muse of Katipunan ) na pawang may elemento ng propagandang laban sa
Espanya. Nilikha ang mga ito ni Julian Manansala na kinilalang “Ama ng Pelikulang
Pilipino” at siyang nagtatag ng Malayan Movies na kauna- unahang Filipino
studio sa bansa. Samantalang si Carmen Concha, ang unang babaeng direktor sa
Pilipinas ay gumawa rin ng ilang pelikulang tumatalakay sa buhay ng mga Pilipino
tulad ng Nagkaisang Landas at ang Yaman ng Mahirap noong 1939 sa ilalim ng
Parlatone Hispano- Filipino at ang pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN Pictures.
Sa kasalukuyan, halos hindi na mabilang ang mga pelikulang
Pilipinong nabuo at naipalabas sa bansa. Ilan sa mga ito ay nakilala at
tumanggap pa ng mga parangal maging sa ibang mga bansa tulad ng pelikulang
Anak na kinilala bilang isa sa pinakamahusay na pelikulang Pilipino. Ito ay
ipinalabas noong 2000 bilang handog sa mga overseas Filipino worker na
pinagbidahan ni Vilma Santos.

Terminolohiyang Dapat Tandaan sa Mundo ng Pelikula: Mga Elemento ng


Pelikula
1. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento
2. sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
3. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng
ilaw at lente ng kamera.
4. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan
ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng
manonood.

8
5. Tauhan – Epektibong pagganap ng mga artista
6. Tema – Tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng palabras at
inaasahang epekto sa manonood

Iba pang mga Elemento


a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha
ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang
mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
b. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,
pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng
biswal na pagkukuwento.
c. Pagdidirihe (Direktor) - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung
paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.
d. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo
mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga
tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di
makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon
ang isang pelikula.

MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na aytem. Piliin ang mga sagot sa loob ng
kahon. Isulat ito sa linya.

Dalagang Bukid Julian Dekada ‘ 30


Aswang Manansala Carmen Concha

_____________1. Naitalang kauna-unahang pelikulang ginawa sa Pilipinas.


_____________2. Ang unang pelikulang Tagalog na nilapatan ng mga tunog sa bansa
na may temang katatakutan.
_____________3. Unang babaeng direktor sa Pilipinas.
_____________4. Ama ng Pelikulang Pilipino.
_____________5. Dekada kung saan nauso ang mga pelikulang tumatalakay sa mga
naging karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop.

9
PAGSASANAY 2
PANUTO: Bilugan ang 5 mahahalagang termino na dapat tandaan sa mundo ng
pelikula..

E D I T I N G M A D
I L E E D I D J I Z
A M M G N E G R C A
K A R A K T E R K K
H N C M V K R I I Y
G I S A T O S K R B
T G S O Z U L S N K
H L R G M M C F V O

PAGSASANAY 3
PANUTO: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga pahayag na nasa Hanay A.
Isulat ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari A. Pagdidirehe
2. Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng B. Pag-eedit
ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo C. Disenyong
3. Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, Pamproduksyon
pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad D. Tunog at musika
ng biswal na pagkukuwento. E. Sequence Iskrip
4. Pagpuputol, pagdudugtong- dugtong muli ng mga
negatibo mula sa mga eksenang nakunan na.
5. Pamaraan at diskarte ng direktor kung paano
patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula

PAGLALAHAT
PANUTO: Dugtungan ang pahayag sa ibaba sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga natutuhang Termino sa Pagsusuring Pelikula sa loob ng
kahon

Ang mga termino na ginagamit sa Pagsusuri ng pelikula ay:

 _____________________________________________________________
 _____________________________________________________________
 _____________________________________________________________

10
PAGPAPAHALAGA
Punan ang patlang upang mabuo ang kaisipan ng aralin:

Mahalagang maunawaan natin ang kahalagahan ng mga termino


na ginagamit sa mundo ng pelikula, upang
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Sa bahaging ito ng modyul masusukat ang iyong natutuhan o
naunawaan sa pamamagitan ng pagsagot sa bawat aytem ng panapos
na pagsusulit.
PANUTO: Tukuyin kung ano ang isinasaad ng larawan batay sa elemento
ng pelikula. Isulat ang sagot sa patlang

11
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
https://www.scribd.com/doc/70832326/PAGSUSURI-NG-PELIKULA
https://www.slideshare.net/vangiea/mga-sangkap-ng-pelikula
https://www.slideshare.net/jankyerakino/mga-elemento-ng-pelikula-at-gabay-sa-
pagsulat shorturl.at/ctHTU

12

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Edith Buklatin Velazco
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Marychel Sambrano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document11 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Wes
    100% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Kate Batac
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document11 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Edith Buklatin Velazco
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    0% (1)
  • FIL8
    FIL8
    Document13 pages
    FIL8
    Rhian Kaye
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M12 PDF
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Document11 pages
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Kate Batac
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    yajope8262
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    ikkesh nabasca
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Camille Caacbay
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • FIL8Q3M6
    FIL8Q3M6
    Document15 pages
    FIL8Q3M6
    albert
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Mayren Vizarra
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • Ap 10 - Q1 - M5 Araling Panlipunan Grade 10
    Ap 10 - Q1 - M5 Araling Panlipunan Grade 10
    Document17 pages
    Ap 10 - Q1 - M5 Araling Panlipunan Grade 10
    Rose Alga
    No ratings yet
  • Ap 10 - Q1 - M4 Araling Panlipunan Grade 10
    Ap 10 - Q1 - M4 Araling Panlipunan Grade 10
    Document18 pages
    Ap 10 - Q1 - M4 Araling Panlipunan Grade 10
    Rose Alga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    albert
    No ratings yet
  • Kasaysayan NG Pilipinas
    Kasaysayan NG Pilipinas
    Document17 pages
    Kasaysayan NG Pilipinas
    Jessie Yutuc
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Fil11 Q1 M8 Komunikasyon
    Fil11 Q1 M8 Komunikasyon
    Document17 pages
    Fil11 Q1 M8 Komunikasyon
    christaelisesevilla
    No ratings yet
  • Ap4-Q3 Grade 4
    Ap4-Q3 Grade 4
    Document18 pages
    Ap4-Q3 Grade 4
    Angelina Alea
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Angelica Teologo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Science 3 q2 m1 Layout
    Science 3 q2 m1 Layout
    Document18 pages
    Science 3 q2 m1 Layout
    Angel Ricafrente
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    khathlene
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Twin Afable Rivera Miralpes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Joel Calubia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Ivy Angeline Cabading
    No ratings yet
  • Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    From Everand
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    No ratings yet
  • Libro ng Bokabularyo ng Indonesian: Isang Paraan Batay sa Paksa
    Libro ng Bokabularyo ng Indonesian: Isang Paraan Batay sa Paksa
    From Everand
    Libro ng Bokabularyo ng Indonesian: Isang Paraan Batay sa Paksa
    No ratings yet