You are on page 1of 18

Science 3

Science 3
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Bahaging Pandama - Mata
Agham – Ikatlong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Bahaging Pandama- Mata
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Zoraida R. Castillo
Editor: Melinda P. Iquin at Marites R. Borras
Tagasuri: Liza A. Alvarez
Tagaguhit: Emmerando Martin P. Cruz at Lovely Rollaine B. Cruz
Tagalapat: Janeth D. Morte
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang ng
Modyul para sa araling Bahaging Pandama-Mata !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Agham – Ikatlong Baitang Modyul ukol sa
Bahaging Pandama-Mata !Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay isinulat at inihanda upang magamit sa


iyong pag-aaral. Sa paggamit nito ay lalawak ang iyong
kaalaman tungkol sa Agham.
Ang modyul na ito ay tatalakay sa bahaging pandama o
sense organ.
Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan
ka nang:
1. matukoy ang mga bahagi ng mata;
2. maibigay ang gampanin ng bawat bahagi ng mata;
3. mailarawan kung paano nakakikita ang mata ; at
4. maipakita o maisulat ang tamang pangangalaga sa
mga mata.

PAUNANG PAGSUBOK

Ano-ano ang iyong mga kaalaman tungkol sa bahagi ng mga


mata at tamang pangangalaga nito? Ating alamin sa
pamamagitan ng pagsagot sa paunang pagsubok.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang


titik ng tamang sagot. Isulat ang mga sagot sa malinis na papel.

1.Anong bahagi ng pandama o sense organ


ang nasa larawan?
A. balat B. ilong C. mata D. tainga

2. Alin sa sumusunod ang gamit ng mata?


A. pandama B. pandinig C. paningin D. pang- amoy
1
3. Ito ang puting bahagi ng ating mata. Ano
ang tawag dito?

A. iris B. optic nerve C. retina D. sclera

4. Tignan ang larawan. Anong bahagi ng mata ang may kulay?


A. cornea B. iris C. lens D. pupil

5. Alin sa sumusunod ang wastong pangangalaga sa mga mata?


A. Pagbasa sa dilim.
B. Manood ng telebisyon ng sobrang lapit.
C. Kusutin ang mata ng maduming kamay.
D. Huwag direktang tumingin sa araw sa tanghaling tapat.

BALIK-ARAL
Panuto: Piliin ang tamang larawan na sasagot sa bawat puwang.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. B. C.

D. E.

1. Ang _________ ang ginagamit na paningin .


2. Ang _________ ang ginagamit na pandinig
3. Ang __________ ang ginagamit na panlasa.
4. Ang __________ ang ginagamit na pang amoy.
5. Ang __________ ang ginagamit na pandama.

2
ARALIN

Figure 1. Larawan ng pamimili sa mobile palengke at Disinfection ng Area.

Pagmasdan mo ang unang larawan. Nakikita mo ba kung


ilang tao ang nakapila? Ano-ano kayang mga produkto ang
laman ng trak? Tingan naman ang pangalawang larawan.
Nakikita mo ba suot ng mga taong nag didisinfect? Bakit kaya
nila kailangan magsuot ng ganito?
Ang buong mundo ay apektado ng lumalaganap na Covid
19, kaya naman ang ating Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay
ginagawa ang lahat ng paraan upang makatulong sa
mamamayang Pasigueño ng lungsod. Nalalaman natin ang mga
nangyayaring ito sa ating paligid sa pamamagitan ng
pagbabasa ng mga dyaryo o post sa Facebook at panonood sa
telebisyon. Anong bahagi ng iyong katawan ang iyong ginagamit
sa pagbabasa at panonood? Tama! Ang ating mga mata ang
ating ginagamit sa pagbabasa at panonood.

Mga Bahagi ng Mata at Tungkulin Nito


Ano ba ang kahalagahan ng ating mga mata? Ang mata
ang tumutulong upang ikaw ay makakita. Ang ating mata ay
may iba’t ibang bahagi at bawat bahagi ay may kanya-kanyang
tungkulin. Handa ka na bang pag-aralan ang mga ito? Halika!
Simulan na natin ang pag-aaral tungkol sa mata!

3
MGA BAHAGI NG MATA

CORNEA
SCLERA

IRIS
OPTIC NERVE

PUPIL

LENS RETINA
Figure 2. Ang mata at mga bahagi nito.

Paano natin nakikita ang mga bagay gamit ang mata?


Pag-aralan natin ang larawan.

Figure 2. Ang proseso ng pagkakita ng mata sa mga bagay.

Nakikita natin ang paruparo gamit ang mata sa tulong ng


liwanag. Papasok ang liwanag sa pupil dala ang imahe ng
paruparo. Ang liwanag ay dadaan sa lens, ang lens ang magpo-
pokus ng liwanag sa retina. Sa retina nabubuo ang imahe ng
pabaligtad. Ang optic nerve naman ang magdadala ng
mensahe sa utak. Sa utak ang imahe ng bagay ay nasa tamang
posisyon na. Ito ang magsasabi kung ano ang bagay na nakita
ng mata.
4
Mga Bahagi ng Mata at Gampanin Nito

cornea Ito ay gaya ng salamin na tumatakip sa unahan


ng ating mata.

Ito ang may kulay na bahagi ng mata. Ito rin


iris ang kumokontrol sa liwanag na pumapasok sa ating
mata.

Ito ang puting parte sa ating mata na


sclera
nagbibigay korte at tibay sa ating mata.

Ito ay ang hugis bilog na nasa gitna ng iris.Dito


pupil
pumapasok ang liwanag sa ating mata.

lens Ito ay ang gitnang bahagi ng mata na


nagbibigay ng larawan o bagay na nakikita sa
retina.

Dito nabubuo ang bagay na nakikita ng mata


retina
nang pabaligtad.

optic Ito ang naghahatid ng mensahe sa utak tungkol sa


nerve bagay na nakikita natin.

5
MGA PAGSASANAY

Gawain-1. Mga Bahagi ng Mata

Panuto: Suriin ang larawan at tukuyin ang pangalan ng mga


bahagi ng mata. Pilin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

3.

1.

2. 4.

5.

cornea retina lens

optic nerve iris sclera

6
Gawain 2: Mga Gampanin ng mga Bahagi ng Mata

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

1. Ito ay naghahatid ng mensahe A. cornea


sa utak tungkol sa bagay na nakita.

2. Ito ang puting parte sa ating


mata na nagbibigay korte at tibay sa B. optic nerve
ating mata.

3. Dito nabubuo ang bagay na nakita C. pupil


ng pabaligtad.

4. Ito ang may kulay na bahagi ng D. retina


mata. Ito rin ang kumokontrol sa liwanag
na pumapasok sa ating mata.

5. Ito ang tumatakip na bahagi E. sclera


sa ating mata na tila salamin.

7
Gawain 3- Prosesong Nagaganap sa Pagkakita
Panuto: Ayusin ang sumusunod na pangungusap batay sa
prosesong nagaganap sa pagkakita ng mga bagay. Lagyan ng
bilang mula 1 hanggang 4 sa kahon.

Ang liwanag ay dadaan sa lens, ang lens ang


magpo-pokus ng liwanag sa retina. Sa retina
nabubuo ang imahe ng pabaligtad.

Papasok ang liwanag sa pupil dala ang imahe ng


nakita ng tao.

Ang optic nerve naman ang magdadala ng


mensahe sa utak . Sa utak ang imahe ng bagay
ay nasa tamang posisyon na. Ito ang magsasabi
kung ano ang bagay na nakita ng mata.

Tatamaan ng liwanag mula sa pinagmumulan


nito ang bagay o imahe ng nakita ng tao.

8
PAGLALAHAT

Upang maibuod ang ating aralin, kumpletuhin ang talata.


Piliin ang sagot sa kahon.

mata retina
cornea pupil lens

optic nerve iris

Ang ating mga (1) ___________ay tumutulong upang tayo ay


makakita. Ang (2) ____________ay gaya ng malinaw na salamin
na tumatakip sa ating mata. Ang (3)__________ay ang bahaging
may kulay. Sa gitna ng iris ay ang (4)___________kung saan
pumapasok ang liwanag.
Ang (5) ________ ay ang gitnang bahagi ng 14abasa14
nagbibigay ng larawan na nabubuo sa retina ng pabaligtad.At
ang optic nerve ang maghahatid ng mensahe sa utak na siyang
magsasabi sa atin kung ano ang ating 14abasa.

9
PAGPAPAHALAGA

Pagkatapos mong 15abasa ang modyul na ito, anu-ano ang


mga hakbang na iyong gagawin upang mapangalagaan ang
iyong mga mata? Maaaring magdikit ng larawan o magsulat ng
gawaing nagsasaad ng pangangalaga sa mga mata sa matrix.

Pangangalaga
ng Mata

10
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa malinis
na papel.
1. Anong bahagi ng pandama o sense organ ang tumutulong
upang tayo ay makakita?
A. balat B. ilong C. mata D. tainga

2. Anong bahagi ng mata ang may kulay?


A. iris B. lens C. optic nerve D. pupil

3. Libangan mo ang magbasa ng aklat. Anong bahagi ng mata


ang maghahatid ng mensahe sa utak upang makita mo ang
iyong binabasa?
A. lens B. retina C. optic nerve D. pupil

4. Saang bahagi ng mata pumapasok ang liwanag?


A. cornea B. lens C. pupil D. sclera

5. Ikaw ay naglilinis ng inyong salas nang biglang may pumasok


na maliit na bagay sa iyong mata. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kusutin ang mga mata gamit ang kamay.
B. Punasan ng maruming damit ang mga mata.
C. Hugasan ng malinis na tubig ang mga mata.
D. Tanggalin ng toothpick ang bagay na nasa mga mata.

11
SUSI SA PAGWAWASTO

5. C 5.lens 5.A 5.retina 5. A 5.D


4.C 4.pupil 1 4.optic nerve 4.C 4.C 4.B
3.C 3.iris 4 3.D 3.sclera 3.D 3.D
2.A 2.cornea 2 2.E 2.lens 2.B 2.C
1.C 1.mata 3 1.B 1.cornea 1.E 1.C
pagsusulit aral Pagsubok
Panapos na Paglalahat G-3 G-2 Balik- G-1 Paunang

A.Aklat

AntonioEleonor D.,Balagtas,Marilyn U,Briones,Aurora,Dallo,Evangeline,Dela


Crus,Susan Domanais,Ma.Lucia Explore and Discover3 Philippine
Copyrighted 2004 by Rex Bookstore

Paulino,Celia C,Del Prado,Natividad A,Moving Ahead with Science


Copyright 2008,Innovative Educational Materials

Sacatropes,Arthur DC ,et al,Science-Ikatlong Baitang ,Kagamitan ng Mag-


aaral sa Tagalog Unang Edisyon2015,Inilimbag sa Pilipinas ng REX
Bookstore INC.

B.Pampamahalaang Publikasyon

Department of Education K to 12 Gabay Pangkurikulum


Mayo 2016
Dep Ed Most Essential Learning Competencies(S3LT-IIa-b1.1.2 )
C. Online/electronic Sources

https://www.rappler.com/nation/255710-pasig-launches-mobile-palengke-coronavirus-lockdown-
march-2020

https://www.pinclipart.com/pindetail/hRhTxm_jpg-royalty-free-stock-clipart-washing-hands-hand/

You might also like