You are on page 1of 16

Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

AGHAM
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Kahalagahan ng mga Hayop sa Tao

Mitzie Ross B. Culala

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa inyong mga
mag-aaral. Ginawa ito upang matulungan kang matutunan na
mailahad ang kahalagahan ng mga hayop sa mga tao. Ang
saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa
iba't ibang sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay
kinikilala ang magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-
aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang karaniwang
pagkakasunud-sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakasunud-
sunod ng iyong pagbabasa ay maaaring mabago upang tumugma
sa aklat na ginagamit mo ngayon.

Ang module ay nahahati sa dalawang aralin mula sa kompetensi


na nailalahad ang kahalagahan ng mga hayop sa mga tao.
3LT-IIc-d-6
• Aralin 1 – Kapaligiran: Paglalarawan ng kahalagahan ng hayop
sa tahanan, paaralan, at komunidad.
• Aralin 2 – Kapaligiran: Mga paraan ng tamang pangangalaga sa
mga hayop sa tahanan, paaralan, at komunidad.

Matapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mga bata ay


inaasahang:
1. nailalarawan ang kahalagahan ng hayop sa tahanan,
paaralan, at komunidad.
2. natutukoy ang paraan ng tamang pangangalaga sa mga
hayop sa tahanan, paaralan, at komunidad.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Subukin

Basahin ang sumusunod na sitwasyon at bilugan ang titik ng


tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod na nilikha ng Diyos ang dapat nating
alagaan?
A. hangin C. hayop
B. klima D. ulap

2. Alin sa sumusunod ang maaaring maging alagang hayop sa


tahanan?
A. aso C. kabayo
B. baka D. kambing

3. Isa ang aso, sa mga hayop na malaki ang naitutulong sa


tao. Kung kaya, sila ay tinaguriang .
A. Man’s best enemy C. Man’s best friend
B. Man’s best helper D. Man’s best chef

4. Alin sa mga bagay na ito ang naibibigay ng baka at kalabaw


sa tao?
A. gatas C. perlas
B. itlog D. pulot-pukyutan

5. Alin sa sumusunod na mga hayop ang katuwang ng mga


magsasaka sa pag – aararo ng kanilang bukid?
A. baboy C. kalabaw
B. kabayo D. kambing

6. Alin ang HINDI dapat ibigay sa mga hayop?


A. salamin C. tirahan
B. pagkain D. tubig

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
7. Ikaw ay may alagang pusa. Aling pagkain ang dapat mong
ibigay sa iyong alaga?
A. buto C. isda
B. damo D. kendi

8. Paano ang wastong paghuli ng mga isda sa dagat?


A. Gumamit ng cyanide.
B. Gumamit ng dinamita.
C. Gumamit ng istik.
D. Gumamit ng lambat na may katamtaman ang butas.

9. Saan maaaring manirahan ang isang baka?


A. lupa C. tubig-alat
B. tubig at lupa D. tubig-tabang

10.Ikaw ay may alagang aso. Isang araw, napansin mo ito na


matamlay at may sakit. Ano ang dapat mong gawin?
A. bigyan ng tubig
B. bigyan ng gamot
C. bigyan ng pagkain
D. dalhin sa beterinaryo

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Paglalarawan ng
Aralin
kahalagahan ng hayop
1 sa tahanan, paaralan, at
komunidad

Ang mga hayop ay may malaking bahaging ginagampanan


sa ating buhay. Nakatutulong sila sa tahanan, komunidad at
maging sa paaralan. Maraming bagay ang kanilang naibibigay sa
atin. Sila rin ay nagsisilbi nating kaibigan at nagbibigay
kasiyahan sa atin sa tuwing tayo ay nalulungkot.
Mayroong limang hayop na nasa unang kolum. Isulat ang bahagi
ng katawan na kanilang ginagamit sa pagkuha ng pagkain.
Kilalanin din ang uri ng kanilang kinakain. Punan mo ang
talahanayan sa ibaba.
Bahagi ng
Pangalan ng hayop katawan na Uri ng pagkain
ginagamit sa na kinakain
pagkain o
pagkuha ng
pagkain
1. baboy

2. baka

3. kabayo

4. kambing

5. pusa

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Tuklasin

Punan ang kahon ng naaangkop na bagay na naibibigay at


naitutulong ng mga sumusunod na hayop sa atin.

Mga hayop Bagay na naibibigay at naitutulong sa


atin

1.

2.

3.

4.

5.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Suriin
Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga hayop, sa buhay ng
mga tao. Sila ay mahalaga sa ating komunidad. Pag – aralan ang
mga salita sa loob ng bilog na makikita sa ibaba. Pagkatapos ay
suriin mo kung bakit mahalaga ang mga hayop sa buhay ng tao?

Pagkain Kapaki-pakinabang
na mga bagay
-karne -itlog
-gatas -keso -damit -sweater
-isda -hipon -bags -sinturon
-alimango -pusit -sapatos -karpet
-perlas

Hayop
Kaibigan/kapamily Nakatutulong sa
a hanapbuhay
-tagapagbantay ng bahay -katulong ng magsasaka sa
at iba pang bagay laban pag-aararo
sa magnanakaw -katulong sa transportasyon
-nagsisilbing at pagdadala ng mga bagay
proteksiyon, kasama, at papunta sa ibang lugar
alaga ng tao
-nagbibigay kasiyahan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Pagyamanin

Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan. Isulat ang kahalagahang


naibibigay sa tao ng sumusunod na mga hayop.
Mga hayop Kahalagahang naibibigay sa tao

1.

2.

3.

4.

5.

Isaisip
Ano ang kahalagahan ng mga hayop? Paano nakatutulong ang
mga ito sa tao, tahanan, komunidad at maging sa paaralan?
Iguhit ang iyong ideya sa loob ng kahon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Isagawa

Ano-ano ang mga bagay na dapat mong gawin upang maipakita


ang iyong pagpapahalaga sa mga alaga mong hayop? Sumulat ng
limang (5) pangungusap.
1. .
2. .
3. .
4. .
5. .

Karagdagang Gawain
Sa iyong kuwaderno, gumawa ng isang poster na nagpapakita
ng iyong pagkatuto sa kahalagahan na dulot ng mga hayop sa
tao, tahanan, komunidad at maging sa paaralan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Mga paraan ng tamang
Aralin
pangangalaga sa mga
2 hayop sa tahanan,
paaralan, at komunidad

Balikan
Pagtambalin sa pamamagitan ng pagguhit ng linya, mula sa mga
hayop na nasa hanay A at kanilang produkto na nasa hanay B.
Hanay A Hanay B
1. baboy * * itlog
2. baka * * karne
3. bubuyog * * pulot-pukyutan
4. kabibe * * gatas
5. manok * * perlas

Tuklasin

Basahin at unawain ang maikling tula.

“Ang Aking Alaga”


Ako’y may alaga, asong mataba Buntot ay
mahaba, makinis ang mukha Mahal niya
ako, mahal ko rin siya
Kaya kaming dalawa, ay laging magkasama!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Suriin
Kagaya nating mga tao, ang mga hayop ay isa rin sa nilalang, na
nilikha ng ating Panginoong Diyos. Marapat silang alagaan,
pakainin nang wasto, bigyan ng maayos na tirahan, maging
malaya at higit sa lahat, mahalin at kalingain natin.

Pakainin ng wasto at Bigyan ng maayos at


bigyan ng malinis na ligtas na tirahan.
tubig.

Bigyan ng kaukulang
Dalhin sa atensiyon at pag-
beterinaryo kung aaruga ang mga
sila ay may sakit. alagang hayop.

Pagyamanin
Gawaing may Paggabay:
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit ang
masayang mukha kung nagpapakita ng tamang
pangangalaga sa mga hayop, malungkot na mukha k
un
g
hindi
1. Linisin ang kulungan ng alagang hayop.
2. Hulihin ang mga paruparo sa hardin.
3. Batuhin ang mga asong tumatahol sa iyo.
4. Gumamit ng lambat sa pangingisda.
5. Makiisa sa mga proyekto ng komunidad sa
pangangalaga ng mga hayop.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Isaisip
Napaliguan mo na ba ang iyong alagang hayop? Nabigyan mo
na ba sila ng pagkain at malinis na inuming tubig?
Sa loob ng kahon, gumawa ng isang poster na nagpapakita ng
tamang paraan ng pangangalaga sa mga hayop sa loob ng
kahon.

Isagawa
Ang mga hayop ay mahalagang bahagi ng ating kalikasan.
Maraming bagay ang naibibigay at naitutulong nila sa atin,
maging sa tahanan, paaralan at komunidad.
Sa paanong paraan ka makatutulong sa pangangalaga ng mga
hayop?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Tayahin
Basahin ang sumusunod na sitwasyon at bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Isa ang aso, sa mga hayop na malaki ang naitutulong sa
tao. Kung kaya, sila ay tinaguriang .
A. Man’s best enemy C. Man’s best friend
B. Man’s best helper D. Man’s best chef

2. Alin sa sumusunod na nilikha ng Diyos ang dapat nating


alagaan?
C. ulap C. klima
D. hangin D. hayop

3. Alin sa sumusunod ang maaaring maging alagang hayop sa


tahanan?
C. aso C. kabayo
D. baka D. kambing

4. Alin sa sumusunod na mga hayop ang nakatutulong sa


pag- aararo ng mga magsasaka?
A. baboy C. kalabaw
B. kabayo D. pusa

5. Alin sa mga bagay na ito ang naibibigay ng baka sa tao?


A. itlog C. perlas
B. gatas D. pulot-pukyutan

6. Ikaw ay may alagang aso. Isang araw, napansin mo ito na


matamlay at may sakit. Ano ang dapat mong gawin?
A. bigyan ng tubig
B. bigyan ng gamot
C. bigyan ng pagkain
D. dalhin sa beterinaryo

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
7. Saan maaaring manirahan ang isang baka?
A. lupa C. tubig-alat
B. tubig at lupa D. tubig-tabang

8. Paano ang wastong paghuli ng mga isda sa dagat?


A. Gumamit ng cyanide.
B. Gumamit ng dinamita.
C. Gumamit ng istik.
D. Gumamit ng lambat na may katamtaman ang butas.

9. Ikaw ay may alagang pusa. Aling pagkain ang dapat mong


ibigay sa iyong alaga?
A. buto C. isda
B. damo D. kendi

10. Alin ang HINDI dapat ibigay sa mga hayop?


A. laruan C. tirahan
B. pagkain D. tubig

Karagdagang Gawain
Sumulat ng dalawang paraan ng tamang pangangalaga ng mga
hayop sa kagubatan. Gawin ito sa inyong kuwaderno.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
Sanggunian
Illustrations:
a. Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

b. Creative Commons

Susi sa Pagwawasto

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mitzie Ross B. Culala
Mga Tagasuri: Vilma B. Camba
Veronica A. Cena
Norma C. Velasquez
Tagasuri- Panloob: Jessica S. Mateo
Galcoso C. Alburo
Catherine Paningbatan
Tagasuri- Panlabas: Paul S. Magbanua (PNU)
Tagaguhit Marie Cris D. Cruz
Tagaguhit ng Kober: Dennis Baquial
Charo Marie Defeo-Baquial
Tagalapat: Vilma B. Camba
Jemwel Dela Paz
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola Pangalawang
Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Jessica S. Mateo
Superbisor sa Agham

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 15

You might also like