You are on page 1of 18

Department of Education

3 National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

AGHAM
Ikalawang Markahan – Modyul 1
MGA BAHAGI AT GAMIT NG MGA
Department of Education
National Capital Region
S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

PANDAMA NG KATAWAN NG ISANG TAO

Sally T. Orbe

0
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ginawa ito
upang matulungan kang matutunan ang mga bahagi at gamit
ng mga pandama ng katawan ng isang tao. Ang modyul na ito
ay nagpapahintulot na magamit sa iba't ibang sitwasyon sa pag-
aaral. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas
ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos
upang sundin ang karaniwang pagkakasunud-sunod ng kurso.
Ang modyul na ito ay naglalaman nang isang aralin :
- nailalarawan ang mga bahagi at gamit ng mga pandama
ng katawan ng isang tao. S3LT-Ila-b-1

Subukin
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Nahulaan ni Jessa na isang liha ang laman ng kahon, dahil ito
ay magaspang. Anong uri ng pandama ang kanyang ginamit?
A. Mata B. Ilong C. Balat D. Tainga

2. Gustong malaman ni Nerie ang lasa ng adobong niluluto ni


nanay. Anong uri ng pandama ang kanyang gagamitin?
A. mata B. Ilong C. dila D. balat

3. Nakita ni Sally na iba ang kulay ng mga mata ng dayuhan


niyang kaibigan. Anong bahagi ng mata ang nagbibigay
kulay dito?
A. Iris B. Pupil C. Cornea D. Eyeballs

4. Nagulat si Mina nang malaman niya na may pusa sa loob ng


nakakandadong kabinet. Paano niya ito nalaman?
A. Nakita niya ito. C. Nalasahan niya ito.
B. Naamoy niya ito. D. Narinig niya ito.

City of Good Character


1
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5. “Wow! Sadyang kay gaganda ng mga bulaklak sa hardin”,
sambit ni Grace sa kanyang sarili. Paano niya ito nalaman?
A. Naamoy niya ang mga bulaklak.
B. Nakita niya ang mga bulaklak.
C. Nalasahan niya ang mga bulaklak.
D. Nararamdaman niya ang mga bulaklak.

6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita


ng tamang pag-iingat sa ating mga mata?
A. Tumingin ng direkta sa araw.
B. Magbasa sa umaandar na sasakyan.
C. Manood ng malapitan sa telebisyon o monitor.
D. Pagsuot ng salaming may kulay sa labas kapag matindi
ang sikat ng araw.

7. Napansin ni Marissa na nagdurugo ang ilong ng kanyang


kamag-aral ngunit wala ang kanilang guro. Ano sa palagay
mo ang dapat niyang gawin?
A. Pahigain upang hindi umagos ang dugo.
B. Tumakbo kaagad sa labas at humingi ng tulong.
C. Bigyan ng paunang lunas bago niya dalhin sa klinika.
D. Tumawag na agad ng ambulansya at dalhin sa ospital.

8. Magbabakasyon ang mag-anak ni Patrick sa Baguio. Alin sa


mga kasuotan ang dapat niyang ihanda?

A. jacket
C. sando and pants

t-shirt and short


B. D. bestida

9. Nawala ang panlasa ni Mary matapos niyang higupin ang


mainit na sabaw. Anong bahagi ng dila ang naapektuhan
kung bakit nawalan siya ng panlasa?
A. Taste buds C. tonsils
B. muscle o laman D. Gitnang bahagi ng dila

City of Good Character


2
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10. Mahilig magpatugtog nang malakas na musika si Alvin.
Aling bahagi ng tainga ang maaapektuhan kapag
nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa?
A. outer ear B. ear canal C. ear drum D. cochlea

Aralin
Paglalarawan ng mga bahagi
at gamit ng mga pandama ng
1 katawan ng isang tao

Balikan

Isang araw si Nilo ay naglalaro sa ilalim ng punong mangga. Aliw


na aliw siya sa mga naririnig niyang tila nagkakantahang mga
ibon. Nakita niya na ang puno ng mangga ay hitik sa bunga.
Naisipan niyang kumuha ng isa, hinawakan at tinikman niya ito.

Tuklasin

Paano inilarawan ni Nilo ang kanyang mga nakita? Anong


bahagi ng katawan ang kanyang ginamit upang mailarawan
ang mga ito?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
Suriin

Batay sa paglalarawan ng mga bagay. Sagutin mo ang mga


sumusunod na tanong.
1. Ano-anong uri ng pandama ng katawan ang ginamit ni Nilo
sa paglalarawan sa mga bagay na kanyang mga nakita sa
kapaligiran?_____________________________________________
2. Ano-ano ang mga tungkulin ng bawat uri ng pandama?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Pagyamanin

Itambal ang mga bahagi ng pandama na nasa hanay A ayon sa


kanilang gamit sa Hanay B.
A B

1. A. Nakadadama

2. B. Nakalalasa

3. C. Nakakikita

4. D. Nakaaamoy

5. E. Nakaririnig

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Isaisip

Ano-ano ang limang uri ng pandama sa ating katawan? Ibigay


ang gamit ng mga ito?

Isagawa
Iguhit ang iyong buong katawan. Tukuyin at pangalanan mo ang
bawat sense organ o uri ng pandama nito. Ilarawan ito ayon sa
kani-kanilang gamit. Ilagay ang iyong sagot sa malinis na papel.

Karagdagang Gawain

Tumingin ka sa iyong kapaligiran. Gumuhit ka ng tig-dadalawang


mga bagay na iyong nakikita, naaamoy, naririnig, nalalasahan at
nadadama. Ilagay mo ito sa activity notebook.

Aralin
Paglalarawan ng bawat
bahagi ng mga pandama ng
2 katawan ng isang tao

Balikan
Isang gabi napanaginipan ni Nilo ang mga bahagi ng pandama
ng kanyang katawan. Sa kanyang panaginip, nakasalubong niya
si Tiny, isang maliit na taong may magic. Inaya niya si Nilo na
lakbayin ang bawat bahagi ng kanyang pandama sa katawan.
Halika’t samahan si Nilo sa kanyang paglalakbay at tulungan
siyang sagutin ang mga gawain na siyang susi sa pagpapatuloy
ng kanyang paglalakbay!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Tuklasin

Ang paglalakbay sa mata

Nagpalutang-lutang at nagpatalbog-talbog sila habang


sinusundan ang liwanag papasok sa gitna ng mata. At ito ang
kanilang nakita:

Ito ang Pupil, maliit at maitim na bilog kung saan pumapasok


ang liwanag upang tayo ay makakita. Ang bahaging may kulay
ay Iris. Ito naman ang nagkokontrol sa liwanag na pumapasok
sa Pupil upang hindi ito masira. Ang tila malinaw na plastik na
bumabalot at nagbibigay-kinang sa iyong mga mata ay
tinatawag na Cornea. Ang sobrang liwanag ay maaaring
makasira sa iyong mga mata.

Masayang nagising si Nilo dahil nalaman niya ang mga bahagi


ng kanyang mga mata. Ngayon, tulungan si Nilo sa pagsagot.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Gawain 1:
Hanapin mo ang bahagi ng mga mata sa Word Hunt Puzzle.
Kulayan mo ng dilaw ang bawat mahanap mong salita.

I A R O N E C A

R E I N R N O I

P C N R S E R P

L N E I I A N U

U A R S E S E R

S E M N T R A L

P P U P I L L S

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Ang paglalakbay sa Tainga at Ilong

Nagpatuloy ang panaginip ni Nilo at ipinasyal ulit siya ni Tiny.

Ito ang tainga.

Ang bahaging pinasukan natin ay ang outer ear .


Nakasasagap ito ng tunog mula sa labas. Pumapasok ang
tunog sa ear canal iyang inaaapakan mo ay earwax, ito ang
nagbibigay proteksyon upang hindi agad makapasok ang
mga dumi o insekto sa loob ng tainga. Halika ito ang ear drum
gumagalaw ito kapag nakaririnig ng tunog. Napakanipis nito
kaya maaari itong masira kapag sobrang lakas ng tunog ang
narinig at nagiging sanhi nito ng pagkabingi. Itong mga
naggagalawang tatlong maliliit na buto ay ang hammer, advil
at stirrup. Ito naman ang cochlea tila isang maliit na suso na
punong puno ng likido na siyang sumasala sa mga tunog o
vibration patungo sa auditory nerve o mga ugat na
nagdadala ng mensaheng narinig sa utak.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Halika kumapit ka! Ito naman ang ilong may dalawang butas
ang ilong o nostrils. Naliligiran ito ng cilia o mga buhok na
nagbibigay proteksyon sa ilong. Itong bahaging puno ng
sipon o mucous ay ang nasal cavity. Sinasala naman nito at
nililinis ang hangin na pumapasok sa katawan natin. At ang
nakikita mong malilit na ugat ay ang olfactory nerve na
nagdadala ng mensaheng naaamoy patungo sa utak.

“Bago tayo makarating sa susunod na bahagi kailangan muna


nating sagutan ang ilang mga gawain”.

Gawain 2.1 : Paano gumagana ang iyong pandinig? Pagsunod –


sunurin mo ang paglalakbay ng huni ng ibon mula sa labas na
bahagi ng iyong tainga patungo sa utak.

1._________ 2._________ 3_________


Huni ng ibon
_ _ _

utak 5._________ 4._________


_ _

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Gawain 2.2 : Isulat ang tinutukoy na bahagi ng ilong sa loob ng
kahon. Tingnan sa itaas ang larawan.

Ang paglalakbay sa dila


Ngayon naman patuloy na nilakbay ni Nilo at Tiny ang bahagi ng
dila.

Tingnan mo! Ito ang iyong dila. Kung mapapansin mo, ito ay
punong-puno ng bumps o tinatawag na taste buds. Tingnan mo
ang mga bahagi ng dila, may nakalalasa ng matamis, maasim,
maalat, mapait, at malinamnam.

mapait mapait

maasim maasim

maalat maalat

maalinamnam
matamis

Tara! Bilisan nating sagutan ang mga gawain upang marating na


natin ang huling uri ng pandama ng katawan.

City oflamig
Ang sobrang Good Character
at init ng pagkain ay maaaring makasira sa
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
ating panlasa.
Panuto: Gumuhit ng dila sa isang papel. Kulayan ang bahagi ng
dila gamit ang mga nasabing kulay na nakaayon sa lasa ng mga
pagkaing nasa loob ng kahon.

Barbekyu - lila Manggang hilaw – berde


Ampalaya – dilaw Tsokolate – pula Daing - bughaw

At nagpatuloy na ulit sina Nilo at Tiny sa kanilang paglalakbay…..

Ang Paglalakbay sa Balat!

Ayan! Ito naman ang balat. Ito ang bumabalot sa buong katawan
natin. Ito ay nakadarama. Ang ating balat ay punong-puno ng nerve
endings na nakadarama ng tekstura, sakit, init at lamig. Ito ay binubuo
ng dalawang layer. Ito ang Epidermis, ang unang layer, na iyong
nakikita. Mayroon itong tinatawag na pigment na nagbibigay kulay sa
balat. Halika pasok tayo sa pores, ito ang butas kung saan lumalabas
ang dumi at pawis sa loob ng katawan. Itong nasa ilalim ay ang
ikalawang layer ng balat, ito ang dermis. Nakasasama ang sobrang
init at lamig sa ating balat.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Ayan tapos na tayo kailangan mong sagutan ang huling Gawain
para makalabas tayo dito sa loob ng balat.
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at Mali naman kung hindi.
______ 1. Ang unang layer ng balat ay tinatawag na dermis.
______ 2. Ang epidermis ay makikita sa ikalawang layer ng balat.
______ 3. Sa epidermis tumutubo o makikita ang ating mga buhok.
______ 4. Ang ating balat ay maraming nerve endings na
nakadarama.
______ 5. Maganda sa balat ang pagbibilad sa init tuwing
tanghaling tapat.
Ang paglalakbay ay nangyari nang napakabilis. Nakatutuwa
talaga. Nagising si Nilo mula sa kanyang panaginip.

Suriin
Sagutin ang tanong batay sa iyong nabasang teksto.
1. Ano sa palagay mo ang pakiramdam ni Nilo nang siya ay
nagising? Bakit?

Pagyamanin
Isulat ang mga bahagi ng bawat pandama sa talahanayan

Mata Ilong Tainga Dila Balat

Isaisip

Ano-ano ang mga limang bahagi ng pandama ng ating


katawan ang nilakbay ni Nilo sa kanyang panaginip? Ano-ano
ang mga bagay na maaaring makasasama o makasisira sa
mga ito?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Isagawa
Iguhit mo sa activity notebook ang limang bahagi ng pandama
sa katawan at ilagay ang pangalan ng bawat bahagi nito.

Karagdagang Gawain

Iguhit ang iyong sarili na nagpapakita ng tamang pangangalaga


sa bawat bahagi ng pandama sa katawan. Isulat ang
pangangalagang ginagawa sa ibaba ng larawan. Ilagay sa
activity notebook.

Tayahin
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Gustong malaman ni Nerie ang lasa ng adobong niluluto ni
nanay. Anong pandama ang paiiralin?
A. mata B. ilong C. dila D. balat

2. Nakita ni Hannah na iba ang kulay ng mata ng dayuhang


kaniyang nakita. Anong bahagi ang nagbibigay kulay sa
mata?
A. Iris B. Pupil C. Cornea D. Eyeballs

3. Nahulaan ni Jessa na liha ang laman ng kahon, dahil ito ay


magaspang. Anong sense organ ang kanyang ginamit?
A. Mata B. Ilong C. Balat D. Tainga

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
4. Nagulat si Mina nang malaman niya na may pusa sa loob ng
nakakandadong kabinet. Paano niya nalaman ito?
A. Nakita niya ito. C. Nalasahan niya ito.
B. Naamoy niya ito. D. Narinig niya ito.

5. “Wow! Sadyang makukulay at kay gaganda ng mga bulaklak sa


hardin”, sambit ni Grace sa kanyang sarili. Paano niya ito nalaman?
A. Naamoy niya ang mga bulaklak.
B. Nakita niya ang mga bulaklak.
C. Nalasahan niya ang mga bulaklak.
D. Nararamdaman niya ang mga bulaklak.

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pag-


iingat sa ating mga mata?
A. Tumingin ng direkta sa araw
B. Magbasa sa umaandar na sasakyan.
C. Manood ng malapitan sa telebisyon o monitor.
D. Pagsuot ng salaming may kulay sa labas kapag matindi
ang sikat ng araw.

7. Mahilig magpatugtog nang malakas si Alvin. Anong bahagi ng


tainga ang higit na maapektuhan kapag nagpatuloy siya sa
kanyang ginagawa?
A. outer ear C. ear drum
B. ear canal D. cochlea

8. Napansin ni Vilma na nagdurugo ang ilong ng kanyang


kamag-aral ngunit wala ang kanilang guro. Ano sa palagay
mo ang dapat niyang gawin?
A. Pahigain upang hindi umagos ang dugo.
B. Tumakbo kaagad sa labas at humingi ng tulong.
C. Bigyan ng paunang lunas saka niya dalhin sa klinika.
D. Tumawag na agad ng ambulansya at dalhin sa ospital.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
9. Magbabakasyon ang mag-anak ni Patrick sa Baguio. Alin sa
mga kasuotan ang dapat niyang ihanda?
A. C.
jacket sando and pants

t-shirt and short

B. D. bestida

10. Nawala ang panlasa ni Mary matapos niyang higupin ang


mainit na sabaw. Anong bahagi ng dila ang naapektuhan
kung bakit nawalan siya ng panlasa?
A. Taste buds C. tonsils
B. muscle o laman D. Gitnang bahagi ng dila

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 15
Sanggunian

Science Learning Material for Grade 3


Illustrations:
a. Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Susi sa Pagwawasto

City of Good Character 16


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Sally T. Orbe
Mga Tagasuri: Vilma B. Camba
Tagasuri- Panloob: Jessica S. Mateo
Tagasuring Panlabas: Paul S. Magbanua (PNU)
Editor sa Wika: Analiza B. Calimag
Catherine C. Paningbatan
Tagaguhit at Tagalapat: Marie Cris D. Cruz
Tagaguhit ng Kober: Dennis Baquial
Charo Marie Defeo-Baquial

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Jessica S. Mateo
Superbisor sa Agham

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character 17


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like