You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

ARALING PANLIPUNAN- Ikaapat na Baitang


Kwarter 1, Linggo 2
Modyul 2

RELATIBONG LOKASYON NG
PILIPINAS

Kasanayan sa Pagkatuto

Natutukoy ang relatibong lokasyon ng


Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito
gamit ang pangunahin at pangalawang
direksyon.
AP4AAB-Ic- 4

Address: D. Macapagal Highway, Poblacion, Toledo City


Tel. No.: (032) 322-7770; Fax. No.: (032) 467-8629;
Email Address:toledo.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Panimulang Mensahe

Para sa Mag-aaral. Mahal naming mag-aaral, lugod naming


ipinagkakaloob sa iyo ang Modyul na ito na naglalaman ng mga aralin
patungkol sa lokasyon ng Pilipinas sa Asya at sa mundo. Sa
pamamagitan ng mga gawaing nakapaloob, matutukoy mo ang relatibong
lokasyon ng Pilipinas batay sa nakapaligid dito gamit ang pangunahin at
pangalawang direksyon.

Para sa Magulang o Tagapagdaloy. Minamahal naming mga magulang


at guro, para mas mapaunlad at mapalinang pa ang kaalaman ng ating
mga mag-aaral, kayo ay hinihiling na patnubayan ang ating mga
estudyante alinsunod sa mga angkop na gawain, katanungan at
pagsusulit na nakapaloob sa modyul na ito.

Panimula

Sa modyul o self-learning kit na ito, malalaman mo ang mga aralin


patungkol sa lokasyon ng Pilipinas sa Asya at sa mundo . Inaasahan din
malalaman mo ang mga relatibong lokasyon ng Pilipinas gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon

1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Alamin

Sa modyul o self-learning kit na ito inaasahan ko na matatamo mo


ang mga sumusunod na kasanayan:

 natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas gamit ang


pangunahin at pangalawang direksyon;
 naisusulat ang lugar na nakapaligid sa Pilipinas ayon sa
pangunahin at pangalawang direksyon sa naiguhit na mapa;
 nakabubuo ng magandang pahayag tungkol relatibong
lokasyon ng Pilipinas; at
 naibibigay ang kahalagahan sa paggamit ng mga
pangunahin at pangalawang direksyon sa pagtukoy ng
relatibong lokasyon ng bansa.

Subukin
Bago tayo tumungo sa ating aralin, subukan mo munang sagutin
ang mga katanungang ito.

Panuto: Tingnang ang Asya. Basahin ang mga pangungusap at piliin


ang salita o impormasyong bubuo sa diwa nito. Isulat ang letra ng
sagot sa sagutang papel.

Image source: https://images.app.goo.gl/3XFdBmy2hBHdzuJG7)

2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

1. Ito ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar, kasama


rito ang mga katubigan na nakapaloob at nakapaligid sa kalupaan, at
ang mga kalawakang itaas na katapat nito.
A. tao
B. bansa
C. teritoryo
D. pamahalaan

2. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ___________.


A. Timog Asya
B. Silangang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog-silangang Asya

3. Nakabatay sa anong artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ang


hangganan ng pambansang teritoryo ng Pilipinas.
A. Artikulo 1
B. Artikulo 2
C. Artikulo 3
D. Artikulo 4

4. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang


__________.
A. Bashi Channel
B. Dagat Celebes
C. Karagatang Pasipiko
D. Dagat Kanlurang Pilipinas

5. Ang direksiyon ng Vietnam mula Pilipinas ay nasa gawing


__________.
A. hilaga
C. timog
B. silangan
D. kanluran

6. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang ______.


A. China
B. Taiwan
C. Japan
D. Hongkong

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

7. Ilan ang pulo ng Pilipinas?


A. 7701
B. 7107
C. 7071
D. 7017

8. Ang Pilipinas ay may lawak na umaabot sa kilometro kuwadrado.


A. 100 000
B. 200 000
C. 300 000
D. 400 000

9. Ang bansang Pilipinas ay may kilometro ang haba mula sa hilaga


patimog at umaabot naman sa 1107 kilometro ang lawak nito mula sa
kanluran pasilangan.
A. 8151
B. 5811
C. 1851
D. 1158

10. Humigit kumulang sa kilometro ang layo ng Pilipinas mula sa


kalakhang kontinente ng Asya.
A. 1000
B. 2000
C. 3000
D. 4000

Balikan

I. Panuto:Basahin at intindihing mabuti ang bawat pangungusap. Iguhit


sa sagutang papel ang masayang mukha kung ang
sinasabi ng pangungusap ay Tama at malungkot na mukha
kung Mali.

1. Ang Pilipinas ay isang bansa. ______


2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa. _______
3. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging
isang bansa ang isang lugar. ______

4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya, may


sariling teritoryo at pamahalaan, at may mga mamamayan. _______
5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling
pamahalaan ay hindi maituturing na bansa. ________

II. Panuto : Isulat sa apat na bahagi ng saranggola na may bilang ang


mga elementong dapat mayroon ang isang lugar para
matawag itong bansa.Gawin ito sa sagutang papel.

2
3

Tuklasin
Pag-aralang mabuti ang mapa. Tingnan ang mga karatig bansa ng
Pilipinas.

(Image Source: https://images.app.goo.gl/3XFdBmy2hBHdzuJG7)

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Suriin

Ano-ano ang makikita sa paligid ng Pilipinas ayon sa mga Pangunahin


at Pangalawang direksyon.

Pangunahin Direksyon

K H S
T
H H

6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Mga Pangalawang Direksyon

H
HK HS

K S

TK TS
T

Maikling Aralin

Tandaan Mo

Ang mapa sa ibaba ay magagamit mo sa pagtukoy sa mga


relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon.

Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan ng bansa


ay ang direksyon o lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng
mga katabi o kalapit nitong lugar.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog-Silangang Asya


sa kontinente o lupalop ng Asya.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

-Kung gagamitin ang mga pangunahing direksyon, ang Pilipinas ay


napapaligiran ng:

Hilaga – Taiwan at Bashi Channel


Silangan – Karagatang Pasipiko
Timog – Brunei, Indonesia at Dagat Celebes at Sulu
Kanluran – Vietnam at Dagat Kanlurang Pilipinas

-Kung ang mga pangalawang direksyon ang gagamitin, napapaligiran


ang Pilipinas ng:

Hilagang-silangan – Dagat Pilipinas


Timog-silangan – Isla ng Palau
Hilagang-kanluran – Isla ng Paracel
Timog-kanluran – Borneo

(Image source: Araling Panlipunan 4, 2015 )

8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

(Image source: www.google.com )

Kung pagbabatayan ang mapa sa ibabaw, masasabing ang


Pilipinas ay:
 bahagi ng kontinente ng Asya
 nabibilang sa mga bansa sa rehiyong Timog-silangang
Asya;
 Isang kapuluang napapalibutan ng mga anyong tubig;
 bahagi ng karagatang Pasipiko;

9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Pagyamanin

A. Tingnang muli ang mapa ng Pilipinas.

Binubuo ng
mahigit sa 7107
mga pulo

Source:https://images.app.goo.gl/3XFdBmy2hBHdzuJG7

Panuto: Isulat sa papel ang H kung sa gawing hilaga, S kung sa


silangan, T kung timog, at K kung sa kanluran ng Pilipinas
makikita ang mga nasa ibaba.

1. Dagat Celebes
2. Vietnam
3. Brunei
4. Bashi Channel
5. Indonesia
6. Karagatang Pasipiko
7. Dagat Sulu
8. Taiwan

10
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

B. Panuto: Batay sa kinalalagyan ng Pilipinas sa mapa ng Asya, buuin


ang pahayag sa pamamagitan ng pagpili sa pinakaangkop na
salita o mga salitang bubuo sa pahayag. Isulat ang titik sa
sagutang papel.

(Image source: Araling Panlipunan 4, 2015)

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ___________.


A. Timog Asya
B. Silangang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog-Silangang Asya

2. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang


_________.
A. Bashi Channel
B. Dagat Celebes
C. Karagatang Pasipiko
D. Dagat Kanlurang Pilipinas

3. Ang direksyon ng Vietnam mula sa Pilipinas ay nasa gawing _______.


A. hilaga
B. silangan
C. timog
D. kanluran

11
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

4. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang _______.


A. China
B. Japan
C. Taiwan
D. Hongkong

5. Ang pinakamalayong bansa mulas sa kanluran ng Pilipinas ay ang


_________.
A. Indonesia
B. Myanmar
C. Taiwan
D. Amerika

Isaisip

Matutukoy mo na ba ang mga relatibong lokasyon ng Pilipinas?


Masasagot mo ba ang mga tanong tungkol sa aralin ngayon?
Handa ka bang lumakbay sa buong Pilipinas? Tara na!

1. Ano ang ibig sabihin ng kaugnay na kinalalagyan?

2. Ano ang mga pangunahaing direksyon?

3. Ano ang mga pangalawang direksyon?

4. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang


Pilipinas?

5. Ano-ano ang pumapalibot na anyong tubig o


anyong lupa sa Pilipinas kung pagbabatayan ang
mga pangunahing direksyon?

6. Ano-ano ang pumapalibot sa Pilipinas kung


pagbabatayan ang pangalawang direksyon ?

12
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Isapuso

Bilang isang mag- aaral, paano mo mapapahalagahan ang


paggamit ng mga pangunahin at pangalawang direksyon sa pagtukoy ng
relatibong lokasyon ng bansa? Pangatwiranan at isulat sa loob ng hugis
puso ang iyong sagot.

13
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Isagawa

Pag-aralan ang mapa. Ano-ano ang makikita sa paligid nga Pilipinas


ayon sa pangunahin at pangalawang direksyon? lsulat ang sagot sa
sagutang papel.

Pagtataya

Source: https://images.app.goo.gl/3XFdBmy2hBHdzuJG7

14
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Pagtataya:

Panuto: Basahin maigi ang mga tanong at isulat ang tamang sagot sa
inyong papel.

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ___________.


A. Timog Asya
B. Kanlurang Asya
C. Timog-Silangang Asya
D. Silangang Asya

2. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang


_________.
A. Dagat Celebes
B. Dagat Kanlurang Pilipinas
C. Bashi Channel
D. Karagatang Pasipiko

3. Ang direksyon ng Taiwan ng mula sa Pilipinas ay nasa gawing


_______.
A. Timog
B. Kanluran
C. Silangan
D. Hilaga

4. Ang pinakamalapit na bansa sa kanluran ng Pilipinas ay ang _______.


A. Taiwan
B. Vietnam
C. Indonesia
D. Brunei

5. Ano ang tawag sa lokasyon ng isang lugar ayon sa kinalalagyan ng


mga katabi o kalapit nitong lugar?_________
A. relatibong lokasyon
B. teritoryo
C. direksyon
D. lokasyon

15
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

6. Ang anyong tubig na nasa kanluran na bahagi ng Pilipinas ay ang


_______.
A. Bashi Channel
B. Dagat Kanluran
C. Dagat Celebes
D. Dagat Sulu

7. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng _________ sa Timog-silangan.


A. Dagat Pilipinas
B. Dagat Celebes
C. Bashi Channel
D. Isla ng Palau

8. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng _________ sa Hilagang-kanluran.


A. Dagat Celebes
B. Isla ng Palau
C. Isla ng Paracel
D. Dagat Pilipinas

9. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng _________ sa Hilagang-silangan.


A. Dagat Celebes
B. Isla ng Palau
C. Isla ng Paracel
D. Dagat Pilipinas

10. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng _________ sa silangan.


A. Karagatang Pasipiko
B. Dagat Celebes
C. Bashi Channel
D. Isla ng Palau

16
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa isang buong papel iguhit ang mapa ng Pilipinas at


isulat ang lugar na nakapaligid nito ayon sa pangunahin
at pangalawang direksyon.

17
18 Isaisip
1. Relatibong Lokasyon
2. Hilaga, timog, silangan, at kanluran
3. Hilagang – Silangan, Timog – Silangan,
Suriin 4. Hilagang – Kanluran, Timog – Kanluran
Pangunahing Direksyon 5. Timog – Silangan Asya
Hilaga – Taiwan at Bashi Channel 6. Hilaga – Taiwan at Bashi Channel
Silangan – Karagatang Pasipiko Silangan – Karagatang Pasipiko
Timog – Brunei, Indonesia, at Dagat Celebes Timog – Brunei, Indonesia, at Dagat Celebes
Kanluran – Vietnam at Dagat Kanluran Kanluran – Vietnam at Dagat Kanluran
7. Hilagang-Silangan- Dagat Pilipinas
Pangalawang Direksyon Timog-Silangan- Isla ng Palau
Hilagang – Silangan – Dagat Pilipinas Hilagang-Kanluran- Isla ng Paracel
Timog – Silangan – Isla ng Palau TImog-Kanluran - Borneo
Hilagang – Kanluran- Isla ng Paracel
Timog – Kanluran - Borneo Isapuso
Mahalaga na malalaman natin ang mga relatibong
Pagyamanin ng Pilipinas gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon.
1. T 6. S
2. K 7. T
3. T 8. H Pagtataya
4. H 1. C 5. A
5. T 2. A 6.B
B. 3. D 7.D
4. B 8. C
1. D 5. A 9. D
2. B 6. B 10. A
3. D
4. C
5. B.
Susi sa Pagkatuto
Subukin
1. C
2. D
3. A
4. B
5. D
6. B
7. B
8. C
9. D
10. A
Balikan
I.
1.
2.
3.
4.
5.
II.
1. Tao
2. teritoryo
3. Pamahalaan
4. Soberanya
Susi sa Pagwawasto
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
Region VII – Central Visayas
Department of Education
Republic of the Philippines
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Sanggunian
A. Curriculum Guide
1. K to12 Gabay Pangkurikulum ARALING PANLIPUNAN Baitang 1 –10, May 2016
2. Curriculum Implementation and Learning Management Matrix, MELC K to 12,

B. Learning Materials
1. Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015, pp 8-20

C. Internet Sources
1. Video Clip https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.
2. Video Clip- https://youtu.be/bisDAzxtJgg
3. https://images.app.goo.gl/gQHeXyWqpk1cobhL8
4. https://images.app.goo.gl/3XFdBmy2hBHdzuJG7

JUCEL L. JAVINEZ
TEACHER III-OIC
LUBO ELEMENTARY SCHOOL
SITIO LUBO, CAPT.CLAUDIO TOLEDO CITY

19

You might also like