You are on page 1of 20

3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Ang Kultura ng Aming Lalawigan

1
Aralin
Ang Kultura ng Aming
1 Lalawigan
Ang mga lalawigan sa ating rehiyon ay may kani-kaniyang
pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana pa ng ating mga
ninuno. Kinikilala ang ating rehiyon bilang isa sa may mayamang
kultura sa iba’t ibang larangan.

Ang kultura ang sumasalamin sa ating lipunan. Marapat


lamang na iyong malaman kung ano ano ang mga kultura ng iyong
lalawigan at ng ating rehiyon. Handa ka na bang malaman ang mga
kultura ng iyong lalawigan at ng ating rehiyon?

Halina at ating suriin ang iba’t ibang kulturang


pagkakakilanlan ng mga lalawigan sa Gitnang Luzon.
Tuklasin

Halika at tulungan natin si Tina na tuklasin kung ano nga ba ang


sikreto ni Fely sa kaniyang mga napakasarap na lutuin.
Basahin at unawain ang kwento sa ibaba.

Si Fely at ang Gintong Sandok


ni Joemar J. Bancifra

Sa isang maliit na nayon naninirahan ang isang kusinera na


masarap magluto ng sisig. Siya si Fely. Hindi lang siya hinahangaan sa
kaniyang galing sa pagluluto kundi pati na rin sa kaniyang pagiging
mabuting tao.
Isang araw habang
naglalakad papuntang
pamilihan si Fely,
nagkasalubong sila ni Tina na
isang mahigpit na katunggali sa
pagluluto ng sisig dahil na rin sa
katapat lang nito ang kanilang
kainan.
Tina: Oh Fely! Papunta
ka ba ng pamilihan?
Fely: Oo Tina, kailangan ko ng mamili para sa gagawin kong
sisig.
Tina: Ah ganoon ba? Sige mag-iingat ka.
Fely: Salamat Tina, ikaw din.
Lingid sa kaalaman ni Fely ay inggit na inggit si Tina sa
kanya dahil nalalamangan siya nito sa pagbebenta ng sisig.
Matapos mamili ni Fely ay agad
itong nagluto. Dahil bukas ang bintana
ng kusina, hindi batid ni Fely na palihim
na nagmamatyag si Tina. Nakita ni Tina
na kinakausap ni Fely ang gintong
sandok at tila baga giliw na giliw ito.

Sa isip ni Tina, “kaya siguro masarap ang lutong sisig ni Fely ay


dahil sa gintong sandok na kaniyang ginagamit.” Kaya naman nang
umalis saglit si Fely ay agad kinuha ni Tina ang gintong sandok.
Subalit nakita niya si Tina at kanya itong hinabol.
Fely: Tina, sa akin ang sandok na iyan bakit mo kinuha?!?
Tina: Dahil sa sandok kung bakit masarap ang luto mong sisig
kaya akin na ang sandok na ito.
Fely: Hindi Tina! Nagkakamali ka. Nagmamakaawa ako, ibalik mo sa
akin iyan! Sa kanuno-nunoan ko pa ang gintong sandok na iyan.
Hindi iyan ang nagpapasarap ng aking lutuin!
Tina: Hindi ako naniniwala!
Hinabol ni Fely si Tina hanggang sa maabutan niya ito sa tabi
ng rumaragasang ilog. Nag-agawan sina Fely at Tina sa gintong
sandok hanggang sa mahulog ang gintong sandok sa ilog. Lumuha
si Fely habang unti-unting nilamon ng ilog ang kaniyang sandok.
Samantala, umuwi naman si Tina na masaya dahil alam niyang di na
sasarap ang lutong sisig ni Fely.
Kinaumagahan, nagtataka si Tina kung bakit marami pa ring
bumibili sa kainan ni Fely. Sumilip si Tina sa kusina ni Fely at
napansin niyang magiliw itong nagluluto. Napagtanto ni Tina na hindi
ang gintong sandok ang nagpapasarap sa lutuin ni Fely kung hindi
ang pagmamahal na kalakip nito sa paggawa niya ng masarap na
sisig.
Kinabukasan habang
naglalaba si Tina sa ilog ay
nakita niya ang isang bagay na
kumikinang sa may batuhan.
Nilapitan niya ito at laking gulat
nito ng mapansin niyang ito ang
gintong sandok ni Fely.

Kinuha ni Tina ang


gintong sandok at agad na
pinuntahan si Fely upang ibalik ito. Humingi rin siya ng tawad kay Fely
sa kaniyang nagawa. At simula noon ay naging mabuting magkaibigan
sina Tina at Fely.

Binabati kita at natapos mong basahin ang kwento tungkol kay


Fely at sa Gintong Sandok. Ngayon naman ay gumuhit ka ng isang
kahon sa iyong kuwaderno at isulat sa loob ng kahon kung ano ang
sikreto sa masarap na lutuin ni Fely.

Magaling! Maari ka ng magpatuloy sa susunod na bahagi ng


Modyul na ito.
Mga kultura na Nagpapakilala sa mga
Lalawigan ng Gitnang Luzon

Aurora
Ang mga Auroreño ay nabiyayaan ng mahabang dalampasigan
na sagana sa naglalakihang bangkulis (yellow fin tuna) at malasugi
(blue marlin). Maliban dito, nabiyayaan din ang lalawigan ng
mayamang kabundukan na siyang
pinagkukunan ng kopra at saging.
Maliban dito, kilalang kilala rin sa
lalawigan ang sabutan. Ang dahon nito ay
kanilang hinahabi upang makagawa ng iba’t
ibang produkto tulad ng sombrero, pamaypay
at bayong.
Bilang pagpapakita ng
pagpapahalaga sa niyog at sabutan sa
kabuhayan ng mga Auroreño, itinatampok
taon-taon ang Coco-Sabutan Festival. Ang
isang linggong pagdiriwang na ito ay
kinatatampukan ng maraming mga
kaganapan tulad ng
trade fair, tagisan sa pagpapakita ng katutubong gawain tulad ng
sayaw, awit at eksibit sa naturang pagdiriwang.

Bataan
Ang “Dambana ng Kagitingan” na
matatagpuan sa Bundok Samat ang isa sa
kinikilalang pangunahing pagkakakilanlan ng
lalawigan. Ito ay ginawa bilang pagbibigay pugay
sa mga Pilipino na lumaban sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Matatanaw mula sa
dambana ang kalakhan ng lalawigan
ng Bataan, ang isla ng Corregidor, at ang Kamaynilaan.
Tanyag rin sa mga karatig rehiyon ang
tinapa o pinausukang isda ng Bataan. Marami
sa mga bumibisita dito ang hindi maaaring
dumaan sa kanilang pamilihang bayan upang
bumili ng maiuuwing masarap na tinapa.

Hindi rin pahuhuli ang mga Bataeño sa


kapistahan. Isa sa mga ipinagdiriwang sa
Bataan ang Pawikan
Festival. Ito ay ginaganap
sa Morong, Bataan, kung
saan binibigyang halaga ang panahon ng
pangingitlog ng mga pawikan.

Bulacan
Ang makasaysayang lalawigan ng Bulacan ay may mayamang
kultura at kalinangan. Ito ay itinuturing na duyan ng mga
mahahalagang pangyayari.
Makikita sa Malolos, Bulacan ang makasaysayang Simbahan
ng Barasoain na isa sa pinakamahalagang gusaling pang-relihiyon
sa Pilipinas. Ang gusaling ito ay tinaguriang “Duyan ng
Demokrasya sa
Silangan.” Ito ay idineklarang
isang “pambansang dambana”
at lugar kung saan naganap
ang pagpupulong ng “Unang
Kongreso” at pagbalangkas ng
Saligang Batas. Dito rin naitatag
ang Unang Republika ng
Pilipinas.

Mayaman din sa mga pagdiriwang ang lalawigan tulad ng


Singkaban Festival o Sining at Kalinangan ng Bulacan. Ito ay
isang makulay at natatanging pagdiriwang.
Nagkakaroon ng iba’t ibang gawain at pagtatanghal
tungkol sa sining at kalinangan ng Bulacan.
Itinatampok dito ang ilang paligsahan tulad ng
balagtasan, indakan sa kalye, mga awiting kundiman
at pagtatanghal sa mga sikat na lutuin. Nagbibigay
din ng gawad parangal sa mga Dangal ng Lipi ng
Bulacan.

Nueva Ecija
Kinikilala ang Nueva Ecija sa taguring na “Bangan ng Bigas ng
Pilipinas” sapagkat sa lalawigang ito nagmumula ang pinakamalaking
suplay ng palay at bigas sa Pilipinas.
Maliban sa palay at bigas, unti-
unti ring nakikilala ang bayan ng
Bongabon sa Nueva Ecija bilang
pinakamalaking tagapagtustos ng
sibuyas sa Pilipinas kung kaya’t ang
bayang ito ay kinikilala bilang Onion
Capital of the Philippines at Onion
Basket of Asia.
Bilang pagpapakita ng
pagpapahalaga ng mga taga-Bongabon
sa industriya na nagbibigay at nagsisilbing
buhay ng kanilang bayan, lumikha sila ng
isang pagdiriwang na ngayon ay kilala
natin sa tawag na Sibuyas Festival.

Pampanga
Ang Pampanga ay may mga ipinagmamalaking
pagdiriwang at produkto na may malaking kaugnayan sa
kanilang kultura.
Ang mga Kapampangan ay nakilala sa
pagiging malikhain. Gumagawa sila ng iba’t
ibang hugis, disenyo, at kulay ng mga parol sa
mga okasyon tulad ng Pasko, kaya nagkaroon
sila ng pagdiriwang gaya ng Ligligan Parul
tuwing Disyembre. Pinaiilawan at ipinakikita rito
ang mga higanteng parol na gawa ng mga iba’t
ibang barangay sa Lungsod San Fernando.
Sinasabi ring ang lutong
Kapampangan ang pinakasikat at
pinakadalisay sa mga lutuing Pilipino. Ang
Pampanga ang tinaguriang Sentro Kulinari
ng Pilipinas. Ang Lungsod Angeles ay
nagdaraos ng taunang Sisig Festival
upang maitampok ang iba’t ibang paraan
ng pagluluto ng sisig.

Tarlac
Sentro ng mga mamamayang nagsasalita ng limang etno-
lingwistiko ang Tarlac dahilan kung bakit tinawag na “Melting Pot” ang
lalawigan. Tubo at palay ang mga pangunahing produkto rito.
Matatagpuan sa lalawigan ang malaking industriya ng asukal, ang
Central Azucarera de Tarlac.
Ang lugar kung saan natapos ang
Bataan Death March ay inihayag ni dating
Pangulong Corazon Aquino bilang
“Pambansang Dambana ng Capas”. Ang
dambana ang pangunahing pagkakakilanlan
ng lalawigan. Dito inilagak ng mga Hapones
ang libo-libong Sundalong Pilipino-Amerikano
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Unti-unti ring nakikilala ang “Monasterio de
Tarlac” na matatagpuan sa Bundok Resurrection sa
San Jose, Tarlac. Makikita rito ang isang estatwa ni
Hesukristo. Ito ay kahalingtulad ng “Christ the
Redeemer” sa bansang Brazil.

Ipinagdiriwang sa lalawigan tuwing buwan ng Marso ang


Kanlungan ng Lahi Festival o Kanlahi Festival. Ito ay nagbibigay
daan upang mas makilala ang tradisyon at kultura ng Tarlac.
Pagsapit naman ng buwan ng Disyembre, ipinagdiriwang ang
Belenismo sa Tarlac kung saan nagkakaroon ng paligsahan ng
pagandahan sa paggawa ng belen na nilalahukan ng iba’t
ibang residente at organisasyon. Sa tuwing
sasapit ang gabi, kapansin-pansin sa mga
dumaraan ang kislap at ningning ng bawat
belen na naka-display sa tabing daan o
tapat ng mga munisipyo, plaza at mga
opisina.

Zambales
Kilala ang lalawigan ng Zambales na may pinakamatamis na
bunga ng mangga, kung kaya’t ang isa sa pinakatanyag na
pagdiriwang dito ay ang
Mango Festival. Kinilala ng Guiness Book of
World Records noong 1995 ang mangga ng
Zambales na siyang pinakamatamis sa buong
mundo. Idineklara rin ng Department of
Agriculture noong 2013 ang mangga ng Zambales
na nananatiling pinakamatamis sa buong mundo.
Maging ang mga eksperto sa
University of the Philippines Los Baños, Laguna at ng Bureau of Plant
Industry ay kinilala ang Zambales “Sweet Elena Variety” ang
nanatiling pinakamatamis na manggang kinalabaw para sa
komersiyalismo.
Ipinagdiriwang naman sa Iba, Zambales ang Paynauen
Duyan Festival tuwing Abril 25
hanggang Mayo 1. Ito ay
ipinagdiriwang bilang pag-alala sa
anibersaryo ng probinsya noong
1611. Ang paynauen ay mula sa
salitang Zambal, ang dating pangalan
ng Iba. Sa kabilang banda, ang
Duyan ay ang lokal na pangalan para
sa paboritong lugar para sa
pagpapahinga.

Pagyamanin

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kulturang


pagkakakilanlan. Isulat sa iyong sagutang papel kung saang
kultura kabilang ang mga ito: pagkain, pagdiriwang o arkitektura?

Kulturang
Pagkain Pagdiriwang Arkitektura
Pagkakakilanlan
1. Mango Festival

2. Tinapa

3. Pambansang Dambana
ng Capas

4. Ligligan Parul

5. Malasugi
B. Panuto: Gamitin ang tsart sa ibaba sa pagpapangkat ng mga
sumusunod na pagkakakilanlang kultural. Isulat ang titik sa angkop
na hanay. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Simbahan ng Barosoain
B. Tinapa
C. Paynauen Duyan Festival
D. Sibuyas Festival
E. Dambana ng Kagitingan.

Pagkain Pagdiriwang Istruktura

C. Panuto: Gumuhit ng parol na may iba’t ibang hugis at disenyo


ayon sa iyong kagustuhan. Gawin ito sa isang malinis na
papel.
Rubrik para sa pagkulay ng parol.
Batayan Mahusay na Mahusay Paghusayan
mahusay (3 puntos) pa
(5 puntos) (1 puntos)
Pagka- Nagpakita ng Nagpakita ng May
malikhain pagkamalikhain at pagkamalikhain kakulangan
napakagaling sa sa pagkulay sa
pagkulay pagkakakulay
Kalinisan Malinis ang gawa Malinis ang gawa Marumi ang
at walang lampas ngunit may pagkakakulay
ng pangkulay kaunting lampas
ng pangkulay
D. Panuto: Isulat ang sa sagutang papel kung ang sumusunod na
pangungusap ay tama at naman kung hindi.
_____ 1. Itinatampok taon taon ang Coco-Sabutan Festival sa
lalawigan ng Aurora.
_____ 2. Ang Singkaban Festival ay isang makulay at
natatanging pagdiriwang sa lalawigan ng Bulacan.
_____ 3. Lumikha ang mga Auroreño ng isang pagdiriwang na
ngayon ay kilala natin sa tawag na Sibuyas Festival.
_____ 4. Ang Lungsod Angeles sa Pampanga ay nagdaraos ng
taunang Sisig Festival upang maitampok ang iba’t
ibang paraan ng pagluluto ng sisig.
_____ 5. Isa sa mga ipinagdiriwang sa Nueva Ecija ang
Pawikan Festival kung saan binibigyang-halaga ang
panahon ng pangingitlog ng mga pawikan.
E. Panuto: Basahin ang pahayag sa ibaba. Iguhit ang ☺ kung ang
pahayag ay tama at  kung mali. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
_____ 1. Sinasabing ang lutong Kapampangan ang pinakasikat at
pinakadalisay sa mga lutuing Pilipino.
_____ 2. Kilala ang Zambales sa taguring na “Palabigasan ng
Pilipinas”.
_____ 3. Sa Bulacan naitatag ang Unang Republika ng
Pilipinas.
_____ 4. Tanyag sa karatig rehiyon ang tinapa o pinausukang isda
ng Bataan.
_____ 5. Makikita sa Tarlac ang isang estatwa ni Hesukristo na
kahalingtulad ng Christ the Redeemer sa bandang Brazil.

F. Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A sa mga


pagdiriwang sa Hanay B. Isulat ang letra ng iyong sagot sa
sagutang papel.

Hanay A Hanay B

_____ 1. Bataan a. Paynauen Duyan Festival


_____ 2. Bulacan b. Kanlahi Festival
_____ 3. Pampanga c. Pawikan Festival
_____ 4. Tarlac d. Coco-Sabutan Festival
_____ 5. Zambales e. Singkaban Festival
f. Ligligan Parul
G. Panuto: Punan ng mga letra ang patlang upang mabuo ang salita.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. A __ __ __ __ __ ang lalawigan kung saan kilalang kilala ang
sabutan.
2. B __ __ __ __ __ ang makasaysayang lalawigan sa ating
rehiyon na itinuturing na duyan ng mga mahahalagang
pangyayari.
3. N __ __ __ __ __ __ __ __ __ ang lalawigang itinuturing na
Palabigasan ng Pilipinas.
4. T __ __ __ __ __ ang lalawigan na sentro ng mga
mamamayang nagsasalita ng limang etno-lingwistiko.
5. Z __ __ __ __ __ __ __ ang lalawigan sa ating rehiyon na may
pinakamatamis na bunga ng manga.

H. Panuto: Sa ibaba ay may mga numero at katumbas na titik. Isa-


isahin mong isulat sa patlang ang katumbas na titik ng bawat
numero hanggang mabuo mo ang mga salita. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 1213 1415 1617 18 19 20 21 2223 24 25 26


A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U VW X Y Z

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __,
11 21 2 20 21 18 1 14 7 16 9 12 9 16 9 14 15

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __!
9 16 1 7 14 1 12 1 11 9

Magaling! Kahanga-hanga! Dahil nasagot mo ng tama ang mga


tanong, maaari mo nang ituloy ang mga susunod na gawain.
Susi sa Pagwawasto

Magkakaiba ng sagot
Gawain C
.5 Zambales
.4 Tarlac
.3 Nueva Ecija
.2 Bulacan
.1 Aurora
G
B
.5 a
.4 b .3 Arkitektura
.3 f .5 Pagkain .2 Pagkain
.2 e .4 Pagdiriwang .1 Pagdiriwang
.1 c A
Magkakaiba ng sagot F Pagyamanin
Karagdagang Gawain
.5 Magkakaiba ng sagot
.4 ☺ Tuklasin
.3 ☺
.2 .4 Tabla .5 Kutsilyo
Tayahin .1 ☺ .1 Asukal .2 Bagoong .3 Palay
E Balikan
Magkakaiba ng gawa
Isagawa ✕ .5
✓ .4
Magkakaiba ng sagot
✕ .3
Isaisip
✓ .2
Kulturang Pilipino, Ipagmalaki! ✓ .1
H D Subukin

You might also like