You are on page 1of 16

Heograpiya at

Kasaysayan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ika-Limang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Naiisa-isa ang mga salik ng pag-
usbong ng kamalayang pambansa.

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jovelyn A. Mangulab
Editor: Rose B. Impuesto
Tagasuri: Pangalan
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Araling
Panlipunan 5
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Naiisa-isa ang mga salik sa pag-usbong
ng kamalayang pambansa.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Modyul
para sa araling Naiisa isa ang mga salik sa pag usbong ng kamalayang pambansa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 Modyul ukol sa
Naiisa-isa ang mga salik sa pag-usbong ng kamalayang Pambansa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Kamusta ka!
Halika’t galugarin mo ang modyul na ito at inaasahang kong maiisa-
isa mo ang mga salik sa pag-usbong ng kamalayang pambansa.
Alamin at pag-aralan natin ang modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Isulat sa patlang ang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay


katotohanan at Mali naman kung hindi.
_______ 1. Sa merkatilismo, nakasalalay sa dami ng ginto at pilak ang
yaman ng isang bansa.
_______ 2. Hindi nagkaroon ng epekto ang La Ilustracion sa Pilipinas dahil
malayo ang Europa.
_______ 3. Napayaman ng Kalakalang Galyon ang Spain mula sa kita nito.
_______ 4. Ang pagbubukas ng Suez Canal ay naging daan ng pagdating ng
kaisipang Liberal sa bansa.
_______ 5. Ang paggarote sa tatlong paring martir ay isang dahilan sa pag-
sidhi ng damdamin ng mga Pilipino upang lumaban sa mga
mananakop.

BALIK-ARAL

Isulat sa patlang ang Fact kung tama ang isinasaad ng pangungusap at


Bluff naman kung mali.

________ 1. Isang dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa ng mga Pilipino ay


ang walan ng kasanayan at kahusayan ng mga ito sa
pakikidigma.

________ 2. Nagkakaisa ang mga Pilipino kahit ang mga ito’y magkakalayo
ng bayan o lalawigan.
________ 3. Nagkakasundo at nagkakaintindihan ang mga Pilipino noong
panahon ng pananakop ng Espanyol kaya tagumpay ang
kanilang pag aaklas.
________ 4. Ang ating bansa ay isang arkipelago kaya’t naging mahirap sa
mga ninuno natin na mag-ugnayan at magplano ng pag-aalsa.
________ 5. Ang mga katutubo ay kulang sa mga sopistikado at makabagong
sandata kaya karamihan sa kanilang pag–aaklas ay nabigo.
ARALIN

Sa Araling ito, tatalakayin natin ang mga naging epekto ng mga


pandaigdigang pangyayari gaya ng paglipas ng merkantilismo, paglaganap ng
kaisipang La Ilustracion at pagwawakas ng kalakalang galyon sa pagkabuo
ng kamalayang makabayan at pakibaka ng mga Filipino laban sa
kolonyalismong Espanyol.

Balangkas ng Kaisipan

Mga Pandaigdigang Pangyayari

Pagpapalaganap ng Paglipas ng Pagwawakas ng


kaisipang La Illustracion Merkantilismo Kalakalang Galyon

Pagbubukas ng Suez Pagkakaroon ng Pag-usbong ng


Canal Liberal na Pinuno Panggitnang uri

Pag-usbong ng Kamalayang
pambansa at Pakibaka

La Ilustracion o Age of Enlightenment

https://www.slideshare.net/ells08/aralin-15-pagusbong-ng-kamalayang-pambansa-at-pakikibabaka-130563203

• Nagsimula ito sa Europe na naging patakarang kolonyal ng mga


Espanyol. Kilala bilang La Ilustracion sa Spain.
• Ito ay maituturing na mahalagang panahon ng paghahanap ng
katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay sa
pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamahalaan, impraestraktura at
mga institusyon ng lipunan.
• Maari din itong ituring bilang isang kilusang intelektuwal na umunlad
sa Europe noong ika-18 siglo nung ang pagtatangkang kumawala
mula sa Middle Ages o ang panahon ng pamamayani ng pamahiin,
bulag na pananampalataya at kawalan ng rason.
• Tinutugligsa nito ang mga itinuturing na konserbatibong kaisipan na
nagbibigay daan sa pagkakaroon ng mga imperyo gayundin ang
pagiging makapangyarihan ng Simbahang Katolika.
• Hinubog ng La Ilustarcion ang Europe sa mga modernong kaisipan sa
mga aspekto ng pamahalaan, demokrasya, edukasyon, ekonomiya,
sining at panitikan nagkaroon ng epekto sa unti-unting paghina ng
mga imperyo at ang kaakibat na mga pagbabago sa larangang
pangkaisipan lalo na hinggil sa politika at ekonomiya.
• Pinahahalagahan din sa panahong ito ay ang kakayahan ng tao na
mag-isip para sa ikabubuti ng sarili at lipunan, naging banta rin ito
sa kapangyarihan ng simbahan.

Paglipas ng Merkantilismo

• Mula ika-16 hanggang ika-18 siglo, naging batayan ng kaunlaran at


kapangyarihan ng mga bansa sa Europe, ang prinsipyong
merkatilismo.
• Ang tunay na sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay ang dami ng
mahalahang metal –lalo na ang ginto at pilak, ito ay ayon sa
Merkatilismo.
• Isang mahalagang epekto ng merkantilismo ay ang pagtatatag ng
malalakas na hukbong military na magtanggol sa mga
kolonyangbansa ng mga European , higit ding naging mahalaga ang
ginto at pilak bilang pambayad sa barter trade o transaksiyon sa
pagpapalitan at pagtutumbasan ng produkto.

Pagwawakas ng Kalakalang Galyon

https://i.ytimg.com/vi/Owxc3EGYvBY/maxresdefault.jpg
• Ang Kalakalang Galyon ay tinawag ding Manila-Acapulco Galleon
Trade ang tanging kalakalang sinalihan ng Pilipinas mula ika-16 na
siglo hanggang 1815.
• Subalit hindi nakinabang ang mga katutubo sa kalakalan bagkus ang
mga Tsino, Espanyol at ilang mangangalakal na Filipino lamang ang
may pakinabang.
• Nagdulot din ito ng pang-aabuso sa mga katutubo, dulot ng polo y
servicio nan aka setro sa mga gawaing may kinalaman sa galyon,
tulad ng paggawa ng barko.

MGA SALIK NG PAG-USBONG NG KAMALAYANG MAKIBAKA


AT PAMBANSA
Sa paglipas ng merkatilismo at pagtatapos ng kalakalang galyon ay mga
pangyayari sa labas ng Pilipinas na nakaimpluwensiya sa diwang makibaka
at pambansa ng mga Filipino. Kabilang dito ang pagbubukas ng Suez Canal
at paglahok ng Pilipinas sa malayang kalakalan, pag-usbong ng
panggitnang uri, at pagpasok ng liberal na kaisipan. Dagdag nito ang
sekularisasyon ng simbahan sa Pilipinas.

A. Pagbubukas ng Suez Canal

https://www.facebook.com/APKasaysayanNgPilipinas/photos/a.1395555740466250.1073741839.978981438790351/1395555833799574

Noong ika-17 ng Nobyembre 1869 , binuksan sa pandaigdigang


kalakalan ang Suez Canal. Sa pagbubukas ng kanal na ito, higit na
napadali ang pag-aangkat ng kalakal at pagdating ng kaisipang liberal mula
sa Europe patungo sa ibang panig ng daigdig. Napaikli din ang buwan ng
paglalakbay mula Europe patungo sa Maynila.

Dahil dito dumami ang mga dayuhang naglakbay sa Pilipinas dala ng


sariling mga Filipinong nakapaglakbay palabas ng bansa. Nakarating din sa
Pilipinas ang mga aklat, pahayagan at mga kaisipang liberal na may
kaugnayan sa kalayaan, pagkapantay-pantay at pagkakapatiran.
B. Pag-usbong ng Panggitnang Uri

https://www.facebook.com/APKasaysayanNgPilipinas/photos/a.1395555740466250.1073741839.978981438790351/1395555833799574

Ang pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan at paglago ng


agrikultura ay bunga ng ilang mga mangangalakal, magsasaka at
propesyunal na umunlad ang pamumuhay. Sila ang bumuo ng panggitnang
uri sa lipunan sa Pilipinas. Ang panggitnang uri ay kinabibilangan ng mga
Chinese at Spanish Mestizo. Ang mga ito ay may kakayahang pag-aralin ang
kanilang mga anak sa Maynila o Europe, partikular sa Espanya. Doon
nakamit ng mga “naliwanagang” kabataan o tinatawag na Ilustrados- ang
liberal na edukasyon ang nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan noon ng
Pilipinas.

C. Liberal na Pamumuno

https://www.facebook.com/APKasaysayanNgPilipinas/photos/a.1395555740466250.1073741839.978981438790351/1395555833799574

Sumiklab ang isang himagsikan sa Espanya noong ika-19 ng


Setyembre 1868. Nagsimula ang himagsikang ito sa pagpapalit ng
papamahala ng Espanya mula sa kamay ng konserbatibo tungo sa
liberal. Sa panahong ito, ipinadala si Carlos Maria de la Torre bilang
bagong gobernador-heneral sa Pilipinas.
Madaling nakuha ni de la Torre ang pagtitiwala ng mg Pilipino.
Nakilala siya sa kaniyang liberal na pamamahala sa bansa. Nakinig
siya sa mga suliranin ng mga mamamayan at nakikisalamuha siya sa
mga Espanyol o Pilipino man. Ipinagbawal din niya ang paghahagupit
bilang parusa, winakasan ang pag-eespiya sa mga pahayagan, at
hinikayat niya ang malayang pamamahayag. Naniwala din siya na
pantay-pantay ang lahat ng mamamayan. Sa kanyang panunugkulan,
naranasan ng mga Pilipino ang kalayaan sa paghayag ng kanilang
saloobin.
Pagkatapos ng dalawang taong panunungkulan ni de la Torre,
pinalitan siya ni Rafael de Izquierdo bilang bagong gobernador-
heneral. Siya ay nakilala bilang isa sa pinakamalupit na namuno sa
bansa. Sa panahong ito, lalong sumidhi ang paananais ng mga tao na
makamit ang pagbabago at kasarinlan.

D. Sekularisasyon at ang Tatlong Paring Martir

https://www.facebook.com/APKasaysayanNgPilipinas/photos/a.1395555740466250.1073741839.978981438790351/1395555833799574

Noong ika-19 na siglo, isa pang pangyayari ang naging salik sapag-
usbong ng kamalayang Pilipino, ang sekularisasyon. Ito ay ang pagbibigay
ng paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang parokya.
Uri ng Paris a Panahon ng Espanyol:
1. Paring Regular. Ang mga paring regular ay ang mga paring Espanyol
na pabilang sa ordeng relihiyoso tulad ng Agustinian, Franciscan,
Recollect, Jesuit at Dominican.
2. Paring Sekular naman ang tawag sa mga Pilipinong pari na hindi
maaring mapabilang sa alinmang ordeng relihiyoso.

Nag-ugat ang suliranin mula sa pagtutol ng mga paring regular na


pamunuan ng mga paring sekular ang mga parokya. Malawak ang
kapangyarihan at impluwensiya ng mga paring regular. Ibinalik sa mga
paring regular ang mga parokyang hawak ng mga paring sekular. Hinaing
ng mga Pilipinong pari, diskriminasyon ang ginawang pagtanggal sa
kanilang katungkulan. Bunsod nito, nagsimula ang isang kilusan sa
pamumuno ni Padre Pedro Pelaez.
Isang pag-aalsa ang sumiklab noong 1872 sa Cavite na kinabibilangan
ng mga sundalong Pilipino na naglilingkod sa isang arsenal dito.
Pinangunahan ito ni Fernando La Madrid na isang sarhentong Pilipino. Nag-
aklas ang mga sundalo nang tanggalin ang ilan sa kanilang mga pribilehiyo
tulad ng hindi pagbabayadng buwis at hindi kasali sa sapilitang paggawa.
Ang pag-aalsang ito ay agad nasugpo ng mga Espanyolat dinakip ang
mga napagbintangang pinuno nito, kabilang ang mga paring sina Mariano
Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora.
Nilitis ang tatlong pari at isinakdal ng mga bayarang testigo, piskal at
abogado. Hinatulan sila ng kamatayn at ginarote noong ika-17 ng Pebrero
1872. Sa pangyayaring ito, napaigting ang damdaming makabansa ng mga
Pilipino laban sa mga mananakop.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1

Tukuyin ang salita o konseptong inilalarawan sa bawat bilang.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang.

A. Merkantilismo
B. Sekularisayon
C. Ilustrados
D. La Ilustracion
E. GOMBURZA

_______ 1. Tatlong paring martir na hinatulan ng kamatayan.


_______ 2. Tawag sa Age of Enlightenment o Kaliwanagan sa Spain
_______ 3. Sistemang ekonomiko kung saan ang batayan ng kayamanan ng
isang estado ay ang dami ng ginto at pilak na pag-aari nito.
_______ 4. Mga Pilipino na nakapag-aral sa Maynila o sa Europe na tinawag
na “naliwanagang” kabataan.
_______ 5. Pagbibigay sa mga paring secular ng kapangyarihang pamunuan
ang mga parokya.

Pagsasanay 2
Bilugan ang mga salik na may kinalaman sa pag-usbong ng
kamalayang pambansa.
1. Pagbubukas ng Suez Canal
2. Pag-usbong ng Panggitnang Uri
3. Pagdating ng mga mababait na Espanyol sa bansa
4. Pagpalit ng liberal na pamumuno
5. Pagkakaroon ng Sekularisasyon
Pagsasanay 3

Iguhit ang watawat ng Pilipinas kung ang pangyayari ay


nakatulong upang magising ang diwang makabayan at ekis (X) naman kung
hindi.

___________ 1.
Pag-unlad ng kalakalan.
___________ 2.
Paggarote sa tatlong paring martir.
___________ 3.
Pagpapatayo ng pabrika.
___________ 4.
Pagkamit ng liberal na edukasyon ng mga kabataang
ilustrados.
___________ 5. Pagkakaroon ng malupit na pinuno gaya ni Rafael de
Izquierdo.

PAGLALAHAT

Isulat sa bawat kahon ang mga mga salik ng pag-usbong ng


kamalayang makibaka at pambansa.

Mga salik ng pag-


usbong ng kamalayang
makibaka at pambansa

PAGPAPAHALAGA
Maraming pagsubok, pagpapakasakit at pagmamalabis ang naranasan ng ating mga
ninuno noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Bilang mag-aaral, paano mo pahalagahan ang pagpapakasakit na ito. Ipakita ito sa
pamamagitan ng tula, awit o pagguhit.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin at intindihin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nang mabuksan ang Suez Canal naging madali din ang pagpasok ng
mga dayuhang may dala-dalang ibat-ibang ideya at kaisipang liberal.
A. Siguro C. Mali
B. Tama D. Malamang
2. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa mundo na naging dahilan
ng pag-usbong ng diwang makabansa ng mga Pilipino maliban sa
_________________.
A. Pagbubukas ng Suez Canal
B. Merkatilismo
C. Pagkakaroon ng “middle class” sa lipunang Pilipino
D. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan

3. Alin ang hindi lokal na pangyayari sa estadong kolonyal ng Espanya


sa Pilipinas na nagbunsod ng diwang makabansa?
A. La Ilustracion
B. Paglipas ng Merkatilismo
C. Pagpasok ng kaisipang liberal
D. Okupasyon ng Ingles sa Maynila

4. Ang pagpatay sa GOMBURZA ay isa sa mga salik ng ______________.


ng mga Pilipino.
A. Pag-usbong ng diwang makabansa
B. Pagkalagas ng lahing Pilipino
C. Pagsuko
D. Pagkamasayahin

5. Ang panggitnang uri ay kinabibilangan ng mga Tsino at Espanyol


Mestizo. Ang mga ito ay may kakayahang pag-aralin ang kanilang mga
anak sa Maynila o Europa, partikular sa Espanya. Ano ang magandang
naidulot ng pag-aaral ng mga ilustrados sa Espanya?
A. Ang liberal na edukasyon na natutuhan ng mga ilustrados sa
Espanya ay nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan ng mga
Pilipino na naging dahilan ng pag-usbong ng diwang makabansa.
B. Ang pakikisalamuha ng mga Ilustrados sa ibang lahi ay nagdulot ng
magandang samahan sa pagitan ng mga Pilipino at mga dayuhan
C. Nahubog ang kaalaman ng mga Ilustrados sa pakikipagkapwa-tao.
D. Marami sa mga Ilustrados na nakapagtapos ng pag-aaral sa
Espanya.
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang pagsubok Balik-aral


1.T 1. FACT
2. M 2. BLUFF
3. T 3. BLUFF
4. T 4. FACT
5. T 5. FACT

PAGSASANAY 1 PAGSASANAY 2
1.E 1. ILUSTRADO
2. D 2. GOMBURZA
3.A 3. SUEZ CANAL
4. C 4. SEKULARISASYON
5B 5. PADRE PEDRO PELAEZ

PAGSASANAY 3 PANAPOS NA PAGSUSUSLIT


1. X 1. B
2. 2. B
3. X 3. D
4. 4. A
5. 5. A

Sanggunian

https://www.slideshare.net/ells08/aralin-15-pagusbong-ng-kamalayang-pambansa-at-pakikibabaka-
130563203

https://www.facebook.com/APKasaysayanNgPilipinas/photos/a.1395555740466250.1073741839.97
8981438790351/1395555833799574

https://www.youtube.com/watch?v=TvF-eSUMfPc

https://quizizz.com/admin/quiz/5c5a351e1c82ca001ac12ac5/pag-usbong-ng-
pakikibaka-ng-bayan

Araling Panlipunan- Pilipinas Bilang Isang Bansa


Maria Annalyn P. Gabuat, Michael M. Mercado at Mary Dorothy dL. Jose

You might also like