You are on page 1of 15

4

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikalawang Markahan - Modyul No:1
Kasanayan at Kaalaman sa Halaman,
Mapagkakakitaan!

AIRs - LM
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 4
Ikalawang Markahan - Modyul 1: “Kasanayan at Kaalaman sa Halaman, Mapagkakakitaan!”

Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marivic B. Abaya


Language Reviewer: Gemma Bassig
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Bernard M. Bunuan
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Melba N. Paz Ph.D, EPS in Charge of EPP/TLE/TVL
Michael Jason D. Morales PDO II
Claire P. Toluyen Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q2_EPP4_Modyul 1
4
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikalawang Markahan - Modyul No:1
Kasanayan at Kaalaman sa Halaman,
Mapagkakakitaan!

LU_Q2_EPP4_Modyul 1
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q2_EPP4_Modyul 1
Aralin Kaalaman at Kasanayan
1 sa Pagtatanim ng
Halamang Ornamental

Sapulin

Ang pagtatanim ay isang makabuluhang gawain at kapaki-pakinabang na


libangan na maaaring pagkakitaan ng buong pamilya. Sino sa inyo ang nakaranas
nang magtanim? Ano-anong gawain ang inyong isinagawa para mabuhay at
maalagaan ang iyong mga halaman? Ang wastong kaalaman at kasanayan sa
gawaing ito ay dapat na isaalang -alang upang maging matagumpay sa
paghahalaman. Ano-ano ang mga kasanayan at kaalamang ito na dapat mong
matutunan? Tara na! Sundan mo para matuto ka!

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang magiging malawak ang


isipan, kakayahan at pang-unawa:

• Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang


ornamental bilang isang pagkakakitaang gawain (EPP4AG-Oa-1)

Layuning Pagkatuto:

1.Nailalarawan ang mga halamang ornamental


2.Natutukoy ang mga uri at halimbawa ng mga halamang ornamental
3.Nakapagsasagawa ng survey upang matukoy ang mga halamang
ornamental ayon sa pangangailangan
4.Nagagamit ang teknolohiyang/internet sa pagsasagawa ng survey at
iba pang pananaliksik nang wasto sa makabagong pamamaraan ng
pagpapatubo ng halamang ornamental.

1
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
Simulan

Gawain 1. Like o Unlike

Panuto: Piliin ang like na icon kung ikaw ay sang-ayon sa ipinapahayag ng


pangungusap at kung hindi ka sang-ayon ay bilugan ang unlike na icon . Isulat
ang kasagutan sa iyong sagutang papel.

1. Ang mga halaman na nakikita natin sa ating mga tahanan, bakuran, sa


pamayanan at paaralan ay mga halamang ornamental.
2. Ang mga halamang ornamental ay nauuri sa herbs, vine, shrub o puno.
3. Ang rosas at gumamela ay halimbawa ng halamang ornamental.
4. Ang puno ang siyang pinakamalaking halamang ornamental.
5.Ang mga orkidyas ay halimbawa ng aerial plant o mga halamang nakakapit
sa taas ng punong-kahoy.

Gawain 2. Bulaklak ka ba o Dahon Ka?

Panuto: Iguhit ang ✿ kung ang mga sumusunod ay halamang ornamental na


namumulaklak at kung di namumulaklak. Ilagay ang kasagutan sa sagutang
papel.

________1. San Francisco ________ 2. Santan


________ 3. Gumamela ________ 4. Palmera
_________ 5. Rosas

Lakbayin

Napakahalaga ang tamang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang


ornamental. Upang madagdagan ang mga kaalamang ito at matutunan ang
makabagong pamamaraan ng pagtatanim ay nakatutulong ang tamang pananaliksik
gamit ang Internet at pagsasagawa ng survey upang makakakuha ng impormasyong
nais malaman tungkol sa pagpapatubo ng halaman o punong ornamental. Sa
ganitong paraan, makasisiguro ka na magiging matagumpay ang iyong pagtatanim
at tiyak ang iyong kikitain.

Para lubusang maintindihan ang aralin, ano nga ba ang:


a. Teknolohiya- makabagong pamamaraan na nakapagpapabilis ng isang gawain
b. Internet-isang kagamitang mekanikal na ginagamit ng buong mundo upang
madaling maipadala ang anumang impormasyon sa pamamagitan ng computer
c. Pananaliksik- pagtuklas upang malutas ang isang suliranin na nangangailangan
bigyang kalutasan
d. Survey- isang pamamaraan kung saan ginagamit ang sukat na
pangkaisipan,opinion at pandamdam.

2
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
Sa tulong ng teknolohiya, kilalanin ang mga sumusunod:
Pangkat 1

https://www.google.com/url?sa=i&url=http
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F s%3A%2F%2Fmediko.ph%2Fgamot%2Fmira
%2Ftl.wikipedia.org%2Fwiki%2FGumamela&psig=AOv sol-sun-
Vaw2lDljJWjdistxyPzRIgBkY&ust=1603170399611000 flower%2F&psig=AOvVaw26TX5Upu2Ql-
&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwiild6i8b_sAhU fIGltYx9UG&ust=1603172118673000&sour
SHqYKHTubDWAQr4kDegUIARCiAQ ce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIC
M2dz3v-wCFQAAAAAdAAAAABAD

Pangkat 2

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A
%2F%2Fpinoy-students- https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3
corner.blogspot.com%2F2012%2F09%2Fmga- A%2F%2Fphilnews.ph%2F2019%2F07%2F18%
halimbawa-ng-halamang- 2Fhalamang-
palumpong.html&psig=AOvVaw3NrA9woyTBw4M
CosqwGotD&ust=1603171372444000&source=i
ornamentalpilipinas%2F&psig=AOvVaw3NrA9w
mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMj_vPv0v- oyTBw4MCosqwGotD&ust=1603171372444000
wCFQAAAAAdAAAAABAU &source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTC
Mj_vPv0v-wCFQAAAAAdAAAAABAP
Nakilala ba ninyo ang mga halamang nasa itaas, pangkat 1 at pangkat 2? Ang
mga ito ay halimbawa ng halamang ornamental. Kaaya-ayang tingnan ang mag ito
lalo na kung ito’y nakatanim sa ating munting tahanan, maging sa daanan,
paaralan, sa mga pampublikong pasyalan o sa mga pribadong gusali man. Isa ito sa
nagbibigay ng palamuti at dagdag na kagandahan sa lugar. Isa ring maituturing na
kawili-wiling libangan at tiyak na magsisilbing pagkakitaan.

Mga halimbawa ng halamang ornamental na namumulaklak:


1. Cosmos 6. Rosas
2. Adelfa 7. Bougainvillea
3. Ilang-ilang 8. Orkidyas
4. Gumamela 9. Santan
5. Sunflower 10.Yellow Bell

Mga halimbawa ng halamang ornamental na di-namumulaklak:


1. San Francisco 6. Monstera
2. Money plant 7. Song of India
3. Fortune plant 8. Pothos
4. Palmera 9. Five Fingers
5. Spider plant 10. Aloe Vera

3
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
Ang mga halamang ornamental ay nauuri sa mga sumusunod:
1. Herb- halamang may malambot na tangkay at karaniwang nabubuhay ng isa o
dalawang taon
2. Shrub- halamang may ilang matitigas na sanga na pangkaraniwang hindi
tumataas ng mahigit sa 7 metro
3. Vine (baging o gumagapang na halaman)- halamang hindi nakakatayo sa
sarili kaya’t gumagapang sa lupa o kumakapit sa mga bagay
4. Tree o punong-kahoy- may malalaking puno at maraming mga sanga na
karaniwang tumataas ng higit sa 7 metro kapag magulang na
5. Air plant o aerial –halamang nakakapit sa taas ng punong kahoy o sa
malalaking bato sa mga bundok tulad ng orchids at pako
6. Aquatic- mga halamang nabubuhay sa tubig gaya ng water lily at lotus

Gamit ang internet, maari kang mag surf ng mga halamang ornamental ayon sa
pangalan at uri nito.Alamin din kung saang lugar ito naaangkop itanim at ang
paraan ng pangangalaga nito. Ito ay makatutulong para lubusang maintindihan ang
katangian ng bawat halamang itatanim.

Pangalan ng Uri ng Halamang Lugar kung saan Paraan ng


Halamang Ornamental dapat itanim pagtatanim/pag-
Ornamental aalaga
Fortune Plant Shrub Maaraw- sanga
(mapalumpon) lupa/paso
Cosmos Herb Maaraw- buto
lupa/paso
Adelfa Tree (puno) Maaraw-maluwag sanga
na lugar
Sunflower Herb Maaraw- buto
lupa/paso
Gumamela Shrub(mapalumpon) Maaraw- sanga
katamtamang
luwang ng lugar
Bougainvillea Shrubby vine Maaraw- sanga
lupa/paso

Magsagawa din ng survey upang matukoy ang mga halamang ornamental ayon
sa pangangailangan: ikagaganda ng tahanan, gusto ng mamimili, napapanahon,
ayon sa kailangang kagamitan at kasangkapang gagamitin at ang kita ng
magtatanim. Sa pamamagitan nito madaling matutukoy ang halamang ornamental
na iyong pararamihin at maaaring ibebenta.

Gumawa ng isang nursery o garden para paramihin ang mga halamang


ornamental.Kung sapat na ang dami at naalagaang mabuti ang mga pananim maari
ka nang magbenta.Sa panahong ito, maari kang kumita online sa pamamagitan ng
pagpost ng iyong paninda sa social media gamit ang facebook o messenger upang
mas mapabilis ang pagtitinda ng mga ito sa publiko. Ang sapat na kaalaman at
kasanayan sa paghahalaman, samahan ng tiyaga at sipag sa pag-aalaga, buhay ay
sasagana.

4
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
Galugarin

Gawain 1: Isip at Mata, Magkasama!


Panuto: Hanapin ang limang (5) halimbawa ng halamang ornamental. Bilugan ang
mga sagot sa puzzle. Isulat ang mga ito sa ibaba sa angkop na kinabibilangang
pangkat. Kopyahin ang pormat at ilagay ang kasagutan sa sagutang papel.

S G D A F W Q R S C B A G
A U E D I C A S A B N H H
G M N R E O S G D D V M D
L A R F R S A Y E E G D S
A M T R L M S H L D R S V
P E U E G O D T F S H B J
K L H S B S W R A L N N M
G A N A N R H E R P M M H
N D F G D S Q Y R U K J F
B O U G A I N V I L L E A

HERB SHRUB TREE VINE

Gawain 2. Sapat na Kaalaman ang Kailangan!

Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang S


kung sumasang-ayon ka sa kaisipan at kung hindi naman, isulat ang
DS. Ilagay ang kasagutan sa iyong sagutang papel.

_________ 1. Sa pananaliksik, natututo tayo ng makabagong pamamaraan sa


pagtatanim ng halamang ornamental.

_________ 2. Napaparami ang halamang gumamela sa pamamagitan ng pagpapatubo


sa buto nito.

_________ 3. Sa pamamagitan ng survey, nalalaman natin ang halamang gusto ng


mga namimili.

_________ 4. Bago magtanim, dapat alamin ang angkop na klima para sa halaman.

_________ 5. Lupang mabato ang piliin para pagtamnan ng halamang ornamental.

5
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
Palalimin

Gawain 1: Sagot Mo,Isulat Mo!


Panuto: Gumawa ng survey sa inyong pamayanan ng limang (5) karaniwang
itinatanim na halamang ornamental ayon sa mga sumusunod. Kopyahin ang pormat
at ilagay sa iyong sagutang papel.

Halamang Halamang Halamang Halamang Halamang


Nagpapaganda gusto ng mga napapanahon nagbibigay madaling
ng tahanan mamimili ng paramihin
malaking
kita sa
nagtatanim

RUBRIK SA PAGSAGOT NG TANONG (WRITTEN OUTPUT)

Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan May Panimuang


PAMANTAYAN pa ng Kasanayan Kasanayan
5 4 3 2 1
Napakahusay Mahusay May Nakapagbiga Nakapagbiga
at at kahusayan y ng tig (2) y ng tig( 1)
nakapagbigay nakabigay at halimbawa halimbawa
ng tig ( 5) ng tig (4) nakabigay ng halamang ng halamang
halimbawa na ng tig (3) angkop sa angkop sa
NILALAMAN
(5 PUNTOS)
ng halamang halimbaw halimbawa bawat bawat
angkop sa a ng ng sitwasyon sitwasyon
bawat halamang halamang
sitwasyon angkop angkop sa
sa bawat bawat
sitwasyon sitwasyon

6
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
Gawain 2: Sagot Mo,Palawakin Mo!
Panuto: Sagutin ang tanong sa sagutang papel. (5 pts)

Ano ang gagawin mo para makatulong sa pamilya at kumita sa pagtatanim ng


halamang ornamental?

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
____________________________________________

RUBRIK SA PAGSAGOT NG TANONG (WRITTEN OUTPUT)

May
Napakahusay MahusayKatamtaman Nangangailangan
Panimulang
PAMANTAYAN pa ng Kasanayan
Kasanayan
5 4 3 2
1
Napakahusay Mahusay May Maligoy ang sagot May ilang
ang ang kahusayan Nakalilito at hindi naisulat na
pagkakabuo pagkakabuo ang tiyak ang mga salita
ng sagot. ng sagot. pagkakabuo punto. ngunit
NILALAMAN
Malawak at Malinaw at ng sagot. walang
(5 PUNTOS)
marami ang tiyak ang Tiyak ang diwa.
angkop na pahayag at mga pahayag
pahayag at paliwanag. at paliwanag.
elaborasyon.

7
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
Sukatin

Gawain 1: Kaalamang Natamo, Ilabas Mo!


Panuto: Isulat sa patlang ang W kung wasto ang mga sumusunod na pahayag at
DW kung hindi wasto. Ilagay ang kasagutan sa iyong sagutang papel.

______ 1.Ang mga halamang ornamental ay nangangailangan ng sapat na pag-


aalaga at atensyon.
______ 2.Ang Adelfa at Ilang-Ilang ay mga halimbawa ng halamang ornamental na
kabilang sa halamang gumagapang.
______ 3.Maaring magbenta ng halaman sa pamamagitan ng pagpost sa facebook sa
social media.
______ 4.Maging magalang sa chat sa messenger para makakakuha ng maraming
suking bibili ng iyong panindang halaman.
______ 5. Magsagawa ng survey ng mga gustong mamili na mga halaman at iyon
ang paramihin para maibenta at kumita.

Gawain 2. Maging Listo sa Pagpili!


Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. Ilagay ang kasagutan sa iyong sagutang
papel.

1.Ang mga halamang ornamental na yellow bell, santan, at rosas ay mga halimbawa
ng halamang ___________
A. aerial B.di- namumulaklak
C. namumulaklak D. vine
2. Ang mga sumusunod na halaman ay halimbawa ng shrubs, maliban sa isa.Alin
ang hindi nabibilang?
A. Bougainvillea B. Fortune
C. Gumamela D. Mahogany
3. Alin sa mga sumusunod na halaman ang hindi kabilang sa grupo ng mga hindi-
namumulaklak?
A. Fortune Plant B. Palmera
C. San Francisco D. Yellow bell
4.Ang bougainvillea at gumamela ay napaparami o napapatubo sa pamamagitan ng
________.
A. buto B. sanga C. A at B D. wala sa nabanggit
5. Ang mga sumusunod ay mga panimulang kaalaman sa pag-aalaga ng halamang
ornamental, maliban sa isa.
A. Ang iba’t ibang halamang ornamental ay nangangailangan ng sikat ng
araw at ang iba ay nabubuhay sa ilalim na hindi-gaanong nasisikatan.
B. Ang mga halamang ornamental ay may namumulaklak at di-
namumulaklak.
C. Angkop na paso/lupang pagtatamnan ng halamang ornamental
D. Presyo ng halaman ng kapitbahay

8
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
9
Simulan
Gawain 1
1.
2.
3.
4.
Palalimin
Gawain 1
5. Gamitin ang rubriks
Gawain 2
Gawain 2
1.
Gamitin ang rubriks
2.
Sukatin
3. 1. W
4. 2. DW
3. W
5. 4. W
5. W
Galugarin Gawain 2
Gawain 1 1. C
Sunflower-herb 2. D
Adelfa-shrub 3. D
Cosmos-herb 4. B
Gumamela-shrub 5. D
Bougainvillea-Shrub
Gawain 2
1.S
2.DS
3. S
4.S
5.DS
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Lavilla, Dolores M., et. al., 2015 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


Kagamitan ng Mag-aaral (p. 320-332), (DepEd-BLR) Meralco Avenue Pasig City
Philippines 1600

Lavilla, Dolores M., et. al., Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Manwal


ng Guro (p. 128-136), (DepEd-BLR) Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600

Tonda, Princess Grave V. DepEd Valencia City.2020.EPP4 Learner’s Module

K to 12 Curriculum Guide, 2013 EPP4AG-Oa-1


LINKS:
https://www.slideshare.net/arnelbautista1428/grade-4-epp-quarter-3-week-3-
day-2

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fmediko.ph%2Fgamot%2
Fmirasol-sun-flower%2F&psig=AOvVaw26TX5Upu2Ql-
fIGltYx9UG&ust=1603172118673000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwo
TCICM2dz3v-wCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftl
.wikipedia.org%2Fwiki%2FGumamela&psig=AOvVaw2lDlj
JWjdistxyPzRIgBkY&ust=1603170399611000&source=ima
ges&cd=vfe&ved=2ahUKEwiild6i8b_sAhUSHqYKHTubD
WAQr4kDegUIARCiAQ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpinoy-students-
corner.blogspot.com%2F2012%2F09%2Fmga-halimbawa-ng-halamang-
palumpong.html&psig=AOvVaw3NrA9woyTBw4MCosqwGotD&ust=1603171372444
000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMj_vPv0v-
wCFQAAAAAdAAAAABAU

10
LU_Q2_EPP4_Modyul 1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

LU_Q2_EPP4_Modyul 1

You might also like