You are on page 1of 21

4

Health
Ikatlong Markahan - Modyul 1
Linggo 1-4:Tamang Gamot, Iwas Sakit
Alamin

Bakit kailangan nating uminom ng gamot?

Anu-ano ang mga karaniwang gamot na ating iniinom??

Anong pagbabago ang nagagawa ng gamot sa ating


katawan?

Layunin sa pagkatuto:

➢ Natutukoy ang iba’t-ibang gamit ng gamot sa pangangalaga ng


katawan, pag-iwas ng sakit at lunas sa sakit.
➢ Nakikilala ang pagkakaiba ng gamot at ang wastong
paggamit nito.
o a. mga gamot na hindi nangangailangan ng reseta ng doctor
(Over-the counter)
o b. mga gamot na nangangailangan ng reseta ng doctor
(Prescription
➢ Nailalarawan ang mga maling paggamit at pang-aabuso sa gamot
• Paggamot sa sarili
• Maling paggamit ng gamot (overdose, excessive use)

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


sumusunod na mga hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat gawain.

• Sagutin ang lahat na mga tanong.


Subukin

Panuto:Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang mabuting dulot ng bitamina sa atin?


A. Galak at saya
B. Mataas na grado
C. Lungkot at ligaya
D. Lakas ng katawan

2. Sino ang maaaring gumabay sa bata sa pag-inom ng gamot?


A. Kaklase at guro
B. Magulang at nars
C. Tindera at kapatid
D. Magulang at parmasya

3. Kumunsulta si Maria sa Doktor. Masakit ang kanyang ulo. Alin sa


sumusunod na gamot ang nireseta sa kanya?
A. Analgesic
B. Antihistamine
C. Anti-allergy
D. Anti-diarrhea

4. Alin sa mga sumusunod ang magiging epekto ng gamot kung ito ay


ginagamit at iniinom ng tama?
A. Kagalakan
B. Katalinuhan
C. Nalulunasan ang sakit
D. Sama ng loob at lumbay sa buhay

5. Pabalik-balik sa palikuran si Maria upang dumumi at nanghihina na


siya. Alin sa sumusunod na gamot ang maaari niyang inumin?
A. Analgesic
B. Muculytic
C. Stimulant
D. Anti-diarrhea
Z
Aralin
1 Tamang Gamot, Iwas Sakit

Mapalad tayong nabubuhay sa isang panahon kung saan


madaling makakuha ng iba’t-ibang gamot na kailangan natin.
Gayunpaman, ang paggamit ng gamot ay may kaakibat na
responsibilidad. Kailangang tama ang paggamit ng gamot upang
makatulong ito sa ating kalusugan sa halip na maging panganib.

Sa yunit na ito, malalaman ang wastong paraan ng pag-inom ng


gamot. Tatalakayin din dito ang mga paraan kung paano maiiwasang
maabuso ang paggamit ng gamot at makatutulong na maunawaan ang
kahalagahan ng preskripsiyon at paggamot sa may karamdaman.

Balikan

1. Bakit Kailangang ipaalam sa mga magulang, guro, o nars ng


paaralan na ikaw ay nakararamdam ng mga sintomas ng sakit?
Ilagay ang sagot sa patlang.

1._______________________________

2._______________________________

3._______________________________

Tuklasin

Panuto:Tingnan ang larawan at sagutin ang mga tanong.


Health LM page 325

1. Anu-ano ang inyong nakikita?

______________________________________________

2. Anu-ano ang mga gamot na ating iniinom?

______________________________________________

3. Bakit tayo umiinom ng gamot?

______________________________________________
4. Ano ang dapat tandaan kapag iinom tayo ng gamot?

Suriin

Panuto:Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba.

Health LM Page 324

1. Gamot o droga- anumang sustansiya maliban sa pagkain o tubig na


maaaring inumin at kainin, baguhin, panatilihin, o kontrolin ang pisikal,
mental at emosyonal na kalagayan ng taong umiinom nito.
a. Mga gamot na iniinom kung may sakit tayo:
• Analgesic at Anti-inflammatory- para sa sakit ng ulo o kirot ng
katawan o pamamaga.
• Antibiotic- para sa impeksiyong dulot ng bacteria at pagdudumi
• Mefenamic acid- isang uri ng analgesic para sa matinding kirot
ng katawan. Inumin ang mefenamic acid pagkatapos kumain
para hindi humapdi ang tiyan.
• Antihistamine- Gamot para sa pangangati ng katawan o allergy
• Antitussive- gamot para maibsan at masugpo ang ubo.
• Antacid- iniinom para maiwasan na matunawan at mangasim
ang sikmura.
• Anti-diarrhea-gamot para sa pagtatae
b. Halamang likas na nagtataglay ng mga nakalululong na sustansiya:
• Tabako- nagtataglay ng nikotina
2. Paggamit ng droga- katamtaman ang paggamit ng droga upang baguhin
ang kalagayan ng isang tao.
Vitamins at minerals–nagbibigay ng karagdagang nutrisyon

Pagyamanin

A. Panuto:Ayusin ang pinaghalu-halong titik para makabuo ng isang salita na


tumutukoy sa gamot ng mga pangkaraniwang sakit sa katawan

1. AIOTBIITNC - ___________________
2. ALANSICGE - ___________________
3. ANATCID - ___________________
4. ARERHADINTIA - ___________________
5. ATUSSNTIIVE - ___________________

Isaisip

Ang pangangalaga ng sarili ay ang pinakamabisang paraan upang


makaiwas sa anumang sakit at karamdaman. Kailangan na alam natin ang
mga paraan o lunas asa iba’t-ibang uri ng sakit.
Ang pag-inum ng gamot ay isa sa mga paraan upang guminhawa ang
pakiramdam o gumaling sa isang karamdaman, ngunit ito ay may kaakibat
na responsibilidad, dapat na tama ang sukat at oras ng pag-inom ng
anumang gamot na basi sa nireseta ng doctor.

1. Kailan natin iinumin ang gamot?

____________________________________
2. Anu-ano ang mga gamot na dapat nating inumin sa mga sumusunod
na sakit o karamdaman?

➢ Sakit sa ulo at lagnat ___________________________________________


➢ Impeksyon sanhi ng bacteria

___________________________________________
➢ pangangati ng balat

___________________________________________
➢ Nagtatae

__________________________________________
➢ Tuyongubo

____________________________________________
3. Bakit kailangan uminom ng gamot?

____________________________________
4. Ano ang dapat nating tandaan sa pag-inom ng gamot?

_____________________________________

Isagawa

Panuto: Sagutin kung tama o mali ang mga pangungusap. Isulat sa patlang
ang sagot.

_____1. Dalawang araw ng pabalikbalik ang lagnat ni Riza.


Kumonsulta siya sa doctor bago uminom ng gamot.

_____2. Ilagay kahit saan ang gamot pagkatapos gamitin.

_____3. Ilagay ang gamot sa naabot ng mga bata.

_____4. Inumin ang gamot sa takdang oras.

_____5. Tiningnan at sinuri ni Leo ang pakete ng gamot bago ininom


para sa kanyang sakit ng ulo.

_____6. Bumili ng gamot malapit sa inyong bahay kung ito ay may


reseta upang labanan ang sakit na dumapo sa katawan.

_____7. Si maria ay uminom ng sobrang antibiotic


_____8. Bumili ng gamot na kaiba sa inireseta ng doctor upang
makamura sa presyo.

Z
Aralin
2 Gamot na Iba't Iba, Sa Botika Makikita

Mapalad tayong nabubuhay sa isang panahon kung saan madaling


makakuha ng iba’t-ibang gamot na kailangan natin. Gayunpaman, ang
paggamit ng gamot ay may kaakibat na responsibilidad. Kailangang tama
ang paggamit ng gamot upang makatulong ito sa ating kalusugan sa halip
na maging panganib.

Sa yunit na ito, malalaman ang wastong paraan ng pag-inom ng


gamot. Ang pagkakaiba ng gamot na nangangailangan ng reseta ng doctor
at gamot na di nangangailangan ng reseta upang gamutin ang iba’t ibang
uri ng sakit at karamdaman. Tatalakayin din dito ang mga paraan kung
paano maiiwasang maabuso ang paggamit ng gamot at makatutulong na
maunawaan ang kahalagahan ng preskripsiyon at paggamot sa may
karamdaman.

Balikan

1. Ito ay gamot para sa sakit ng ulo o kirot ng katawan at pamamaga.


___________________________________________________

2. Ito ay gamot para sa namamagang tonsils, ubong madilaw ang


plema,impeksyon sa ihi(UTI) at malaking pigsa at pamamaga ng
gilagid,para sa sari-saring impeksiyon, madalas ireseta ng mga doctor.
___________________________________________________

3. Ito ay nagbibigay ng karagdagang nutrisyon sa katawan.

___________________________________________________
Tuklasin

Panuto:Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba.

Health LM Page 324

5. Anu-ano ang inyong nakikita?

______________________________________________

6. Anu-ano ang mga gamot na ating iniinom?

______________________________________________

7. Bakit tayo umiinom ng gamot?

______________________________________________

8. Ano ang tatandaan natin kapag umiinom ng gamot?

_____________________________________________

5. Ano ang dalawang uri ng gamot?

______________________________________________

5. Saan tayo makakabili ng gamot? _____________________


Suriin

Ano ang dalawang uri ng gamot?

Ang gamot ay may dalawang uri. Ito ay ang Prescribed at Non – Prescribed
na gamot.

Ang prescribed na gamot ay uring gamot na ibinibigay sa ilalim ng


patnugot ng doctor. Ito ay hindi nabibili na walang reseta sapagkat
maaaring itong magdulot ng kapahamakan kapag hindi nagamit sa tamang
paraan. Ang Reseta ay isang dokumentong bahagi ng pangangalaga ng
pangkalusugan. Dito isinulat ng isang doctor o iba pang mga kawaning
medikal na binigyan ng kapangyarihan ng batas ang mga instruksiyon para sa
kanilang mga pasyente.

Halimbawa:
Antibiotic

Ang Non – prescribed ay mga gamot na hindi nangangailangan ng


reseta ng doktor.Tinatawag itong Over-the-counter (OTC). Nabibili ito ng
deretso mula sa counter ng mga botika at pati narin sa mga tindahan.

Halimbawa:

a. Analgesic/paracetamol tablet
b. Analgesic/paracetamol Syrup
c. Antidiarrhea
d. Antacid
e. Antitussive
Paggamit ng droga o gamot – katamtamang paggamit ng mga gamot
upang baguhin ang kalagayan ng isang tao. Kung umiinom tayo ng gamot
upang pagalingin ang sakit ng ulo, lagnat, sipon at iba pang mga karaniwang
sakit, itinuturing na itong paggamit ng droga.
Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang tula upang masagot ang mga tanong.

GAMOT SA BOTIKA

May dalawang uri ng gamot


Na nabibili sa botika.
Una ay gamot na may reseta,
Pangalawa nama’y kahit wala na.
Gamot na may reseta, doktor ang may dikta.
Gamot sa mga sakit na malubha’t malala na.
Hindi puwedeng gamitin kung pahintulot ng doktor ay di
Kamtin.
Pagkat lalo lang magdudulot sakit’ karamdaman natin.

Gamot na walang reseta ay marami sa botika,


Kahit sino sa atin ay maaaring bumili at makakuha.
Basahing mabuti direksiyon sa etiketa.
Upang di magkamali, maiwasan ang pinsala.

1. Ano ang dalawang uri ng gamot ayon sa ating tula?

_____________________________________
2. Saan natin mabibili ang mga gamot na ito?

_____________________________________

3. Ano-ano ang pagkakaiba sa dalawang uri ng gamot?

_____________________________________
Isagawa

Panuto: Isulat ang mga pangalan ng mga gamot kung saan ito napabilang,
sa prescribed ba o sa non- prescribed. Pumili sa kahon.

Analgesic/paracetamol Antidiarrheals/Loperamide
Mefenamic acid Penecillin
Antibiotic/amoxicillin

Prescribed Non – prescribed


(Kailangan ang Reseta) (Di- nangangailangan ng Reseta)

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang tamang gamot na isinasaad ng bawat sitwasyon. Piliin


ang letra ng tamang sagot.Isulat ang sagot sa inyong papel.
1. Alin ang hindi makikita sa pakete ng gamot?
A. Paano inumin ang gamot
B. Gaano karami ang iinumin
C. Pirma ng doctor na nagbigay ng gamot
D. Gaano kadalas inumin ang gamut

2. Ano ang tawag sa dokumento na ibinibigay ng doctor kung saan


nakasulat ang mga tagubilin sa wastong pag inom o paggamit , wastong
sukat at dalas ng paggamit ng gamot?
A. Reseta B.Eteketa C.Listahan D. Rekomendasyon
3. Si Marta ay umiinom ng gamot ngunit hindi niya sinusunod ang payo ng
doctor at sobra-sobra ang pag inom niya nito.Naramdaman niyang lumalabo
ang kaniyang paningin. Ano ang gagawin ni Marta upang maging ligtas siya?
A. Inumin ang gamot na walang tamang reseta ng doctor.
B. Sundin ang reseta ng doktor
C. Pagkahilo
D. Magpakunsulta sa doktor
4. Ano ang naidudulot ng hindi tama at hindi sa wastong oras ang pag-inom
ng gamut?
A. Paglakas ng immune system
B. Paghina ng Immune System
C. Paglakas ng nervous system
D. Paghina ng nervous system

5. Anong uri ng gamot ang nabibili sa botika kahit walang reseta?


A. Addictive
B. Prescribed
C. Preventive
D. Over the counter

Subukin

Panuto:Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin ang hindi tamang hakbang sa pag-inom ng gamot?
A. Bumili ng gamot sa pinagkakatiwalaang botika.
B. Ilagay ang gamot sa lalagyan pagkatapos gamitin
C. Inumin ang gamot kahit walang preskripsiyon ng doktor.
D.Gamitin ang gamot na may gabay ang nakababatang kapatid.

2. Si Marta ay uminom ng gamot ngunit hindi niya sinunod ang payo ng doktor
at sobra-sobra ang pag-inom niya nito. Nararamdaman niyang lumalabo
ang kaniyang paningin. Ano kaya ang nagiging epekto ng sobrang pag-
inom ng gamot?
A. pagkabingi
B. pagkabulag
C. pagkahilo
D. pagkalumpo
3. Alin ang tumutukoy sa masamang dulot ng pag-abuso, at hindi paggamit
ng gamot sa wastong paraan na nakaaapekto sa normal na pag-iisip?
A. Malungkutin
B. Dependency
C. Pagkalulong
D. Masayahin

4. Niresetahan si Peter ng gamot na antibiotic dahil sa kanyang tonsillitis at


pinayuhan siyang inumin ito sa loob ng isang linggo ngunit ito’y hindi niya
ininom sa tamang oras kaya nakaramdam siya ng iba’t ibang sintomas.
Ano kaya ang maaari niyang maramdaman sa hindi wastong paggamit at
pag-inom ng gamot?
A. Nanunuyo ang balat
B. Sumasakit ang ngipin
C. Naninilaw ang mga mata
D. Pagkabingi, pagsusuka at panunuyo ng balat

5. Hindi na matiis ni Jun ang sobrang sakit ng kaniyang ngipin. Kumuha siya ng
gamot mula sa kanilang medicine cabinet. Ininom niya ang gamot na katulad
ng ibinigay ng tatay niya minsang sumakit ang kaniyang ngipin. Ano ang
hindi tamang gawi sa pag-inom ng gamot?
A. Paggamot sa sarili
B. Pagiging matipid sa gamot
C. Pagiging marunong sa pag-inom
D. Pag-inom ng gamot na may reseta

Z
Aralin
3 Maling Paggamit, Hatid ay Panganib

Mapalad tayong nabubuhay sa isang panahon kung saan madaling


makakuha ng iba’t-ibang gamot na kailangan natin. Gayunpaman, ang
paggamit ng gamot ay may kaakibat na responsibilidad. Kailangang tama
ang paggamit ng gamot upang makatulong ito sa ating kalusugan sa halip
na maging panganib.

Sa yunit na ito, malalaman ang wastong paraan ng pag-inom ng


gamot. Tatalakayin din dito ang mga paraan kung paano maiiwasang
maabuso ang paggamit ng gamot at makatutulong na maunawaan ang
kahalagahan ng preskripsiyon at paggamot sa may karamdaman
Balikan

1. Ano ang dalawang uri ng gamot ?

___________________________________________________

2. Saan natin mabibili ang mga gamot na ito?

___________________________________________________

3. Ano-ano ang pagkakaiba nito?

___________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.

Saan Nagkamali si Luis

Health LM page 345

Masama ang pakiramdam ni Luis nang dumating galling sa paaralan.


Pagkatapos ng hapunan, nagsimula siyang bumahing at nahirapang
huminga dahil sa baradong ilong. Agad siyang kumuha ng gamot mula sa
lalagyan at ininom ito nang hindi binabasa ang label. Pagkalipas ang isang
oras, sa halip na bumaba ang lagnat at mawala ang sipon ay lalo pa itong
lumala. Naglitawan din ang maliliit na pantal sa katawan na may kasamang
pangangati. Nang dumating ang kaniyang Nanay, nabahala ito sa
kalagayan ni Luis. Nagpasya ang kaniyang Nanay na dalhin siya sa
pinakamalapit na pagamutan. Pinayuhan ng doktor ang mag-ina na
siguraduhing di pa lipas ang gamot na iniinom, at laging nasa patnubay ng
nakakatatanda. Binigyan ng doktor si Luis ng tamang gamot at panuto sa
pag-inom para sa kaniyang karamdaman.

1. Ano ang naging sakit ni Luis?

___________________________________________________
2. Paano niya binigyang lunas ang kanyang sakit?

___________________________________________________
3. Ano ang nangyari sa kaniya pagkatapos uminom ng gamot?

__________________________________________________
4. Bakit mali ang ginawa ni Luis?

___________________________________________________
5. Ano sa palagay ninyo ang dapat niyang ginawa?

__________________________________________________
Suriin

Panuto:Tingnan at unawain ang mga larawan sa ibaba.

Health LM page 344

Ano-ano ang mga ginagawa ng mga bata?


____________________________________________
Paano nila ginagamit ang mga gamot?
____________________________________________

1. Paggamot sa Sarili
Huwag gamutin ang sarili
Ito ang iginiit sa publiko ng Food and Drugs Administration (FDA).
Kasabay nito, nagbabala pa ang FDA na ang self-medication o pagbibigay
ng lunas sa sarili nang hindi kumukonsulta sa doktor ng ilang indibiduwal na
dumaranas karamdaman o kondisyong pangkalusugan ay maaaring lalo
pang makasama sa kalusugan, lalo na kung mali ang gamot na ginamit o
mali ang paggamit ng isang indibidwal sa gamot.
2. Improper Use of Medicine. Maling paggamit o pag-inom ng gamot
katulad ng:
• Pag-inom ng di sapat na gamot sa nakareseta, o pag-inom ng mas
madalang o ang pag-inom sa takdang oras.
• Pagtigil sa pag-inom ng gamot nang mas maaga. Kahit pa maiklian o
matagalan ay panggagamot. kahit mawala man ang mga sintomas.
• Sobrang pag-inom ng gamot kaysa sa nakatakdang dami.
• Pag-inom ng gamot sa maraming oras kaysa nakatakda.

Mga Dapat Tandaan sa Pag-inom ng Gamot


• Uminom ng tamang gamot na nireseta ng doktor
• Uminom ng gamot ayon sa dami at tamang sukat nito.
• Basahin ang etiketa ng gamot bago ito inumin.
• Uminom ng tamang gamot para sa tamang uri ng sakit.
• Huwag uminom ng gamot na neriseta sa ibang tao.
• Huwag uminom ng gamot na lagpas na sa “Expiration Date”.

Pagyamanin

Panuto:Punan ang bawat talutot ng bulaklak ng epekto ng sobrang


paggamit ng gamot.

Epekto ng
maling
paggamit ng
gamot

Isaisip
Ang tamang paggamit o pag-inom ng gamot at pagsunod sa tamang
alituntunin sa pag-inom nito ay dapat sundin. Ang hindi pagsunod sa tamang
paggamit ng gamot ay nakasasama sa katawan.

Ano-ano ang dapat tandaan sa pag-inom ng gamot?

________________________________________________________

______________________________________________

Anong mangyayari sa atin kapag maling gamot ang ininom natin para sa
ating sakit?

_________________________________________________________________________

___________________________________________________________

Ano ang maaaring epekto ng hindi pagsunod sa tamang paggamit ng


gamot?

_________________________________________________________________________

___________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Alin ang tumutukoy sa masamang dulot ng pag-abuso, at hindi paggamit


ng gamot sa wastong paraan na nakaaapekto sa normal na pag-iisip?
A. Malungkutin
B. Dependency
C. Pagkalulong
D. Masayahin

2. Niresetahan si Peter ng gamot na antibiotic dahil sa kanyang tonsillitis at


pinayuhan siyang inumin ito sa loob ng isang linggo ngunit ito’y hindi niya
ininom sa tamang oras kaya nakaramdam siya ng iba’t ibang sintomas. Ano
kaya ang maaari niyang maramdaman sa hindi wastong paggamit at pag-
inom ng gamot?
A. Nanunuyo ang balat
B. Sumasakit ang ngipin
C. Naninilaw ang mga mata
D. Pagkabingi, pagsusuka at panunuyo sa balat

3. Hindi na matiis ni Jun ang sobrang sakit ng kaniyang ngipin. Kumuha siya ng
gamot mula sa kanilang medicine cabinet. Ininom niya ang gamot na katulad
ng ibinigay ng tatay niya minsang sumakit ang kaniyang ngipin. Ano ang hindi
tamang gawi sa pag-inom ng gamot?
A. Paggamot sa sarili
B. Pagiging matipid sa gamot
C. Pagiging marunong sa pag-inom
D. Pag-inom ng gamot na may rese
4. Alin ang hindi tamang hakbang sa pag-inom ng gamot?
A. Bumili ng gamot sa pinagkakatiwalaang botika.
B. Ilagay ang gamot sa lalagyan pagkatapos gamitin
C. Inumin ang gamot kahit walang preskripsiyon ng doktor.
D. Gamitin ang gamot na may gabay ang nakababatang
kapatid.

5. Si Marta ay uminom ng gamot ngunit hindi niya sinunod ang payo ng doktor
at sobra-sobra ang pag-inom niya nito. Nararamdaman niyang lumalabo ang
kaniyang paningin. Ano nagiging epekto ng sobrang pag-inom ng gamot?
A. pagkabingi
B. pagkabulag
C. pagkahilo
D. pagkalumpo

You might also like