You are on page 1of 2

Department of Education

Pedro Acharon Sr. District


GSC SPED Integrated School
General Santos City
2ndRating Period
HEALTH 2 ( ST #1 )
February 5, 2021

Pangalan_______________________________________Iskor:_____________
Baitang at Pangkat:________________Lagda ng Magulang___________

I. Basahin at intindihing mabuti ang mga tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.

________1. Alin sa mga sumusunod na tunog ang nakabubuti sa tainga?

a. patak ng tubig
b. busina ng trak
c. malakas na busina ng trak

________2. Piliin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang


nagpapakita ng hindi wastong pangangalaga sa mga tainga.

a. Nilalaro ni Jepoy ang lapis sa kaniyang tainga.


b. Nililinis ni Pia ng malinis na panyo ang kanyang mga tainga sa tulong ng
kanyang nanay o tatay.
c. Pagkokonsulta sa espesyalista tuwing may nararamdamang masakit sa tainga.

________3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari sa tainga kung ito
ay mapababayaan?

a. Maaaring maimpeksiyon
b. Lalaki ang butas
c. Lilinaw ang pandinig

________4. Ano ang mabuting naidudulot ng malusog na tainga?

a. Naririnig nang malinaw ang kausap


b. Nagiging masipag
c. Lumalakas ang katawan

________5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon angnagpapakita ng wastong


pangangalaga sa ilong?
a. Kapag ako ay sinisipon, isinisinga ko ito nang marahan sa malinis na tela o
tissue.
b. Hinahayaan ko ang aking sarili na makalanghap ng usok at alikabok ng mga
sasakyan.
c. Ginagamit ni Dona ang kanyang daliri sa paglilinis ng ilong.

_________6. Bakit dapat iwasan ang pagsinghot ng kemikal?

a. upang maging malusog


b. upang maging aktibo
c. upang hindi magkaroon ng problema sa paghinga

_________7. Ano-anong bagay ang maaaring gamitin sa paglilinis ng ilong?

a. basahan
b. matutulis na bagay
c. malambot na panyo o tissue

_________8. Ano ang isa sa mahalagang gampanin ng balat sa ating


katawan?

a. Natutukoy nito ang amoy


b. Nagsisilbing proteksiyon ngating katawan
c. Natutukoy ang ingay at tunog

_________9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang


pangangalaga sa balat?

a. Paglalagay ng lotion
b. Pagsusulat sa balat gamit ang ballpen
c. Paglalaro sa lugar na matindi ang sikat ng araw.

__________10. Ano ang ginagamit na nakatutulong upang maalis ang kuto sa


buhok?

a. panyo
b. suyod
c. salamin

You might also like