You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao 2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang
Ikaapat Na Markahan – Modyul 2: Mga Paraan Ng Pagpapasalamat Sa Mga
Kakayahang Bigay Ng Panginoon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mary Laine S. Codera
Editor: Editha A. Tolop / Dolores S. Casalan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio RGC PhD
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 2
Ikaapat Na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Mga Paraan Ng Pagpapasalamat Sa Mga Kakayahang
Bigay Ng Panginoon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 2 ng


Modyul 2 para sa araling Mga Paraan Ng Pagpapasalamat Sa Mga Kakayahang
Bigay Ng Panginoon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication,
Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2 Modyul 2 ukol
sa Naiisa-Isa Ang Mga Paraan Ng Pagpapasalamat Sa Mga Kakayahang Bigay
Ng Panginoon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa araling ito, ang mga mag – aaral ay inaasahang


maiisa-isa ang mga paraan ng pagpapasalamat sa mga
kakayahang bigay ng Panginoon.

PAUNANG PAGSUBOK

Pag-aralan ang “maze”. Alin sa mga ito ang iyong


labis na ipinagpapasalamat sa Panginoon?
BALIK-ARAL

Maraming bagay ang labis nating ipinagpapasalamat sa


Panginoon. Paano mo maipakikita ito?

ARALIN

Sa kabila ng labis na takot na naranasan nating


lahat ng dahil sa sakit na Covid 19, marami pa ring mga
bagay ang dapat nating ipagpasalamat sa Panginoon,
tulad ng :
☺ pagkakabuklod – buklod ng pamilya
☺ panahon upang linangin o mas pag-igihan ang
mga talento
☺ pagkakataon upang matuto ng mga aralin
kasama ang magulang
Ito naman ang mga paraan upang magpasalamat sa
mga kakayahan bigay ng Panginoon.
 Paggamit ng mga talento upang mapasaya ang
mga frontliner
 Magdasal sa Diyos
 Sumali sa mga aktibidad na may kinalaman sa
paglinang ng kakayahan.
 Gamitin ang “social media” upang magbahagi
ng mga insiparasyonal na mensahe
MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Basahin ang mga pahayag. Isulat ang Wasto kung
nagpapahayag ng mga paraan ng pagpapasalamat sa
mga kakayahan bigay ng Panginoon at Di-Wasto naman
kung Hindi.
1. Sinisira ang mga halamang tanim dahil naiinggit sa
iba.
2. Pagsali bilang mang-aawit sa simbahan dahil
mahusay umawit.
3. Taimtim na magdasal sa Panginoon para sa mga
kakayahang tinataglay.
4. Mag”share” ng mga “video” nagpapakita ng
panghahamak sa mga “frontliner”.
5. Paggamit ng mga aplikasyon na tulad ng “Tiktok”
upang maipagyabang ang talento.

Gawain 2
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.
1. Sino ang nagbigay ng iyong talino at mga talento?
A. Diyos B. guro C. magulang
2. Ang ating talento ay dapat gamitin sa __________.
A. Pananakit ng kapwa
B. Pagyayabang
C.Pagtulong sa iba
3. Regalo ng Diyos sa atin ang mga talento. Paano mo
ito maipapakita ang pasasalamat para sa mga ito?
A. Ipagyabang sa iba.
B. Ikahiya at itagao.
C.Gamitin at pagyamanin pa.
4. Nais kang isali ng iyong nanay bilang “choir” sa
inyong simbahan, ano ang iyong dapat gawin?
A. Umayaw dahil nahihiya.
B. Sumali upang makatulong.
C.Sabihing iba na lang ang isali.
5. Ano ang dapat gawin sa mga talentong
ipinagkaloob ng Diyos?
A. Ikahiya B. Ipagmalaki C. Sarilinin

Gawain 3
Sino sa mga sumusunod na mga bata ang
nagpapakita ng pagpapasalamat sa Panginoon sa mga
talentong natanggap? Lagyan ng masayang mukha (☺)
ang patlang.
____ 1. Nakikisali si Ron-ron sa pagtatanim sa kanilang
lugar.
____ 2. Magiliw na tumutugtog ng gitara si Peter sa oras
ng misa.
____ 3. Sumasali si Luna sa mga paligsahan sa pagtula sa
paaralan.
____ 4. Masayang sumasayaw sina Lala at Lino sa
programa sa barangay.
____ 5. Umiiyak si Kikay dahil nahihiyang umarte sa harap
ng buong klase.

PAGLALAHAT

Anong mga paraan ang maaaring gawin upang


maipakita ang pasasalamat sa mga kakayahang taglay
mo?
Ating Tandaan:

Dapat nating pasalamatan ang Panginoon sa lahat


ng Kanyang nilikha at sa ipinagkaloob Niyang
biyaya sa atin. Kaya nararapat lang na ingatan at
pahalagahan ang mga ito.

PAGPAPAHALAGA
Sa card na nasa ibaba, isulat ang paraan ng iyong
pasasalamat sa Diyos sa mga kakayahang taglay na
ibinigay niya sa iyo.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang Tama


kung nagsasaad ng mga paraan ng pagpapasalamat
sa mga kakayahan bigay ng Panginoon at Mali naman
kung hindi.
1. Si Lili ay mahusay sa pagpinta at lagi siyang nag-
eensayo upang maging mas mahusay pa.
2. Matalino sa Matimatika si Ron-ron kaya
ipinagyayabang niya ito sa mga kamag-aral.
3. Sumasali ang kambal na sina Kara at Kiko sa mga
paligsahan sap ag-awit upang inggitin ang mga
kaibigan.
4. Magaling mag-alaga ng mga halaman si Pipoy kaya
naman tumutulong siya sa pagpapalago ng mga
halaman sa kanilang purok.
5. Si Sara ay may talento sa pagluluto, kaya lagi niyang
tinutulugan ang kanyang ina sa paghahanda ng
mga pagkain para sa mga “frontliner”

SUSI SA PAGWAWASTO
5. 5. B 5. di wasto
4. ☺ 4. B 4. di wasto
3. ☺ 3. C 3. wasto
2. ☺ 2. C 2. wasto
1. ☺ 1. A 1. di wasto
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
Mga Pagsasanay

5. tama
4. tama
3. mali

2. mali
1. tama
Panapos na Pagsususlit

Sanggunian
Biglete, Caraan, Catapang and Gonzales, Edukasyon sa Pagpapakatao2
Kagamitan ng Mag-aaral (Lungsod ng Pasig: Vibal Publishing House,Inc.
2013) 234
http://clipart-library.com/clipart/383889.htm
http://clipart-library.com/clipart/503582.htm
http://clipart-library.com/clipart/animated-cliparts-study_18.htm
http://clipart-library.com/clipart/family-love-cliparts_8.htm
http://clipart-library.com/clipart/girl-thinking-cliparts_10.htm
http://clipart-library.com/clip-art/thinking-clipart-transparent-3.htm

You might also like