You are on page 1of 16

3

Science
Ikalawang Markahan– Modyul 6:
Pangangalaga at Pag-iingat sa
Kapaligiran
Agham – 3
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Pangangalaga at Pag-iingat sa Kapaligiran
Unang Edisyon , 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module

Writers: Jennie Ann P. Gayas and Elvira R. Felicilda


Editor: Alpha V. Cerbo
Reviewer: Blessy Mae M. Cabayao Jay Sheen A. Molina
Illustrator: Lyndin S. Bordamonte
Layout Artist: Solomon P. Lebeco Jr.
Cover Art Designer:
Management Team:
Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director

Atty. Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director

Ruth L. Estacio PhD, CESO VI- OIC- Schools Division Superintendent

Jasmin P. Isla - Assistant Schools Division Superintendent

Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD

Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS

Peter Van C. Ang-ug – REPS, Science and ADM

Lalaine SJ. Manuntag, PhD – Chief, CID

Nelida S. Castillo, PhD - EPS, LRMS

Marichu Jean R. Dela Cruz – EPS, Science

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita!
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.

Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan


ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Magandang araw sa inyo aming mag-aaral!
Ang modyul na ito ay isinulat upang malaman mo ang iba’t
ibang paraan sa pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran.
Iyong mababatid sa tulong ng iba’t ibang gawain ang
pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran.

Mahalagang Pamantayan Pangnilalaman:


Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

1. Nakakikilala ang kahalagahan ng pangangalaga at


pagiingat sa kapaligiran. (S3LT-IIi-j-16)

Subukin

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga nabanggit ang hindi nabibilang sa mga bagay
na nakapagdudulot ng pinsala sa mga hayop at halaman?
2. A. Pagpuputol nang mga puno.
B. Pagtatapon nang mga basura sa ilog at kagubatan.
C. Pagpapatayo nang mga kabahayan sa kabundukan.
D. Paglalaro nang sarangola.

1
3. Ano ang maaaring mangyari kapag patuloy ang pagpuputol
ng mga punong kahoy?
A. Mawawalan nang tirahan ang mga hayop na naninirahan
sa kagubatan at hindi na presko ang hangin na ating
nalalanghap.
B. Magiging masaya ang mga hayop sa kagubatan.
C. Patuloy na maninirahan ang mga hayop sa kagubatan.
D. Magiging malamig ang simoy ng hangin.
4. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi pangangalagaan
ang hanging ating nilalanghap?
A. Magiging sariwa ang hangin
B. Magiging maaliwalas ang kapaligiran
C. Mabubuhay ang lahat ng mga hayop at tao
D. Magkakasakit ang mga tao at hayop
5. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi natin inaalagaan
ang lupa?
A. Marami tayong maaani na mga halaman
B. Magiging mataba ang lupa
C. Mag bibitak-bitak ang lupa at hindi na ito maaaring
taniman
D. Maraming halaman ang tutubo.

2
6. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi natin
pangangalagaan ang pinagkukunan natin ng tubig na
iniinom at iba pang anyong tubig?
A. Mamamatay ang lahat ng hayop na naninirahan sa tubig.
At mawawalan tayo ng inumin.
B. Mabubuhay ang lahat ng hayop na naninirahan sa tubig
at magiging malinis ang tubig na ating iniinom.
C. Malayo sa sakit na amoeba ang mga tao.
D. Magiging malusog ang mga hayop at tao.

Aralin
Pangangalaga at Pag-iingat
1 sa Kapaligiran
Ang mga tao, hayop at halaman ay may pangunahing
pangangailangan upang mabuhay sa kanilang piniling tirahan.
Kailangan ang pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran upang
patuloy na matugunan ang mga pangangailangan.

Balikan

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang Totoo kung


ang pangungusap ay nag sasaad ng katotohanan at Hindi Totoo
kung ang pangungusap naman ay walang katotohanan.

____________1. Lahat ng mga bata ay kamukha ng


kanyang mga magulang.
3
____________2. Ang isang bata ay maaaring kamukha ng
kanyang lolo.
____________3. Namana natin ang iba’t ibang ugali at
hitsura mula sa ating mga magulang.
____________4. Kung ang isang magulang ay matangkad
at ang isa ay pandak, ang mga bata ay
maaaring matangkad o pandak.
___________ 5. Ang isang bata ay maaaring lumaki at umunlad
tulad ng kanilang mga magulang.

Tuklasin Ang Philippine Eagle ay isang


higanteng ibon na makikita sa 4 na
isla sa Pilipinas – Luzon, Samar, Leyte
at Mindanao. Ito ay itinuturing na isa
sa pinakamalaki at pinakamalakas sa
mga raptor ng kagubatan.
Ayon sa International Union for
Conservation of Nature (IUCN),
Nabibilang sa listahan ang Philippine
Eagle sa Critically Endangered, na
may tinatayang

bilang lamang na 400 pares ang natitira sa kagubatan. Unti-unti na


silang na uubos dahil sa panganib na dala ng mga tao.
Ang kagubatan ang nag iisang tirahan ng Philippine Eagle.
Dito sila kumukuha ng pagkain, nagpaparami at nag aalaga ng
kanilang mga uri. Sa kasamaang palad, ang illegal na pagtotroso
at hindi responsableng paggamit ng mga mapagkukunang
yaman ay nagresulta sa pagkawala ng kanilang tirahan sa

4
kagubatan na nagdulot ng pagkawala o unti-unting pagkaubos
ng kanilang uri.

Mga tanong:
1. Ano ang dahilan ng pagkaubos ng Philippine Eagle?
a. Illegal na pagtotroso
b. Pagkalat ng mga basura
c. Ginagawa silang laruan
d. Pagtatanim ng mga punong kahoy
2. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy na sinisira ang
tirahan ng mga hayop?
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Suriin

Paraan ng pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran

Ang mundo ay isa sa mga planeta sa solar system. Ito ang


planeta na tinatawag nating tahanan.

Ito lamang ang nag iisang planeta na maaring tirahan. Kung


hindi natin pangangalagaan ang kapaligiran dito sa ating mundo,
wala na tayong ibang planeta na mapupuntahan.

Kapag patuloy tayo sa paggawa ng mga bagay na


nakasasama dito, maaari itong mag resulta sa maraming mga
problema tulad ng maruming hangin, lupa at tubig. Gayundin,
maaari nitong mapalala ang mga epekto ng natural na kalamidad
tulad ng bagyo. Ang mga bundok na wala nang mga punong

5
kahoy ay maaring mag resulta sa nakamamatay na pagguho ng
lupa at pagbaha. Hindi lamang mga pag-aari ang masisira ngunit
nagreresulta din sa pagkawala ng buhay ng tao, hayop at
halaman.

Pagyamanin

Gawain I: Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba. Sagutan


ang mga sumusunod na katanungan sa iyong sugutang papel.

Tanong:
1. Itala ang pangangalagang ginagawa ng mga tao na makikita
sa larawan.

__________________ __________________ __________________

Gawain II: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay


naglalarawan ng kahalagahan ng pangangalaga at
pag-iingat sa kapaligiran at (X) naman kung hindi.
_____ 1. Pagkakaroon ng malinis at ligtas na tirahan.
_____ 2. Pagkakaroon ng malinis na tubig para sa tao, hayop at
mga halaman.

6
_____ 3. Pagkakaroon ng maruming hangin dulot ng mga pabrika.
_____ 4. Pagtatapon ng basura sa ilog, lawa at karagatan.
_____ 5. Pag-iwas sa pangangaso ng mga hayop sa kagubatan.

Isaisip

Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang


mabuo ang talata. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon.

pagguho ng lupa tubig halaman

tao hangin lupa


hayop
pangalagaan pagbaha

Ang mundo ay nag – iisang planeta na maaaring tirahan.


Kaya dapat natin itong 1________________ dahil wala na tayong
ibang planeta na mapupuntahan.
Kapag Patuloy tayo sa paggawa ng mga bagay na
nakasisira dito, maaari itong mag dulot ng iba’t ibang problema
tulad ng maruming 2________, 3________ at 4________.
Ang pagkawala ng mga punong kahoy sa kagubatan ay
maaaring magresulta ng 5___________________ at
6___________________. Dulot din nito, maaaring mawala ang buhay
ng 7__________ , 8___________ at 9_____________.

7
Isagawa

Ano ang maaari mong gawin upang maibalik sa dati ang


kalinisan at kagandahan ng ating kapaligiran? Isulat sa kahon na
nasa larawan ng mundo ang iyong sagot.

8
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat sa iyong


sagutang papel ang tamang sagot.
1. Ano ang maaaring mangyari kapag patuloy ang pagpuputol

ng mga punong kahoy?

A. Mawawalan nang tirahan ang mga hayop na naninirahan


sa kagubatan at hindi na presko ang hangin na ating
nalalanghap.
B. Magging masaya ang mga hayop sa kagubatan.
C. Patuloy na maninirahan ang mga hayop sa kagubatan.
D. Magiging malamig ang simoy ng hangin.
2. Alin sa mga nabanggit ang hindi nabibilang sa mga bagay na
nakapagdudulot ng pinsala sa mga hayop at halaman?
A. Pagpuputol nang mga puno.
B. Pagtatapon nang mga basura sa ilog at kagubatan.
C. Pagpapatayo nang mga kabahayan sa kabundukan.
D. Paglalaro nang sarangola.

9
3. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi natin
pangangalagaan ang pinagkukunan natin ng tubig na

iniinom at iba pang anyong tubig?


A. Mamamatay ang lahat ng hayop na naninirahan
sa tubig. At mawawalan tayo ng inumin.
B. Mabubuhay ang lahat ng hayop na naninirahan
sa tubig at magiging malinis ang tubig na ating iniinom.
C. Malayo sa sakit na amoeba ang mga tao.
D. Magiging malusog ang mga hayop at tao.
4. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi pangangalagaan

ang hanging ating nilalanghap?


A. Magiging sariwa ang hangin.
B. Magiging maaliwalas ang kapaligiran.
C. Mabubuhay ang lahat ng mga hayop at tao.
D. Magkakasakit ang mga tao at hayop.
5. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi natin inaalagaan

ang lupa?

A. Marami tayong maaani na mga halaman


B. Magiging mataba ang lupa
C. Mag bibitak-bitak ang lupa at hindi na ito maaaring
taniman
D. Maraming halaman ang tutubo.

10
Karagdagang Gawain

Gumawa ng slogan tungkol sa pangangalaga at


pag-iingat sa kapaligiran.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

11
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Sacatropes, A., et. al., 2015. Science 3 Kagamitan ng mag-aaral.


Pasig City, Philippines: Bloombooks Inc., pp. 111-112.
Sacatropes, A. et. al., 2015. Science 3 Kagamitan ng guro. Pasig
City, Philippines: Bloombooks Inc., pp. 115-117.

12
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 2.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like