You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 4

2nd SUMMATIVE TEST


2ND QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Punan ng titik ang puzzle upang mabuo ang inaasahang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ang pangunahing hanap-buhay ng mga taong malapit sa dagat.

2. Ito ay mahabang panahon ng tag-init kaya natutuyo ang mga sakahan.

3. Pangunahing hanap-buhay sa bansa na patunay na isang agrikultural na bansa ang


Pilipinas.

4. Ito ang kinakaharap na isyu ng gawaing pangkabuhayan ng bansa.

5. Tulong ng pamahalaan matugon sa suliranin sa pangkabuhayan.

II. Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

____6. Paano kaya matutugunan ang suliranin sa tubig ng mga sakahan sa bansa?
A. Hikayatin ang mga magsasaka magtayo ng sariling patubig para sa sakahan.
B. Umasa sa tubig ulan para magapagtanim.
C. Pagpapatayo ng pamahalaan ng mga irigasyon para sa mga lupang sakahan.
D. Lahat ng nabanggit.
____7. Ano kaya ang dahilan kung bakit naaantala ang pagdating ng mga isda sa
palengke kung kaya ang mga ito ay hindi na sariwa?
A. Kawalan ng maayos na daanan o imprastraktura upang makarating ng maayos
at maaga ang mga isda sa palengke.
B. Paggamit ng tamang paraan ng pangingisda.
C. Mahabang panahon ng tagtuyo.
D. Walang masasakyan ang mga mangingisda.
____8. Ano kaya ang posibleng solusyon sa pagpaparami ng ani ng mga magsasaka?
A. Pagpapautang ng puhunan sa mga magsasaka.
B. Pagbibigay ng impormasyon at pag-aaral ng sa tamang paraan ng pagsasaka.
C. Pagpapatayo ng mga kooperatiba.
D. Hindi pagsunod sa programa tungkol sa pagtatanim.
____9. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan ng panghuhuli ng isda sa dagat. Isa sa
mga ito ay ang dahilan ng pagkasira ng tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat. Alin
ito?
A. Paggamit ng tamang sukat ng lambat sa panghuhuli ng isda.
B. Paggamit ng bingwit sa panghuhuli ng isda.
C. Paggamit ng underwater sonar at radars sa paghahanap ng isda.
D. Paggamit ng dinamita upang mas maraming isda ang mahuli.
____10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng katotohanan tungkol sa
gawaing pangkabuhayan ng Pilipinas?
A. Ang Pilipinas ay hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga tao.
B. May kinakaharap na hamon sa gawaing pangkabuhayan ang bansa, may
tugon ang pamahalaan at ibinibigay ang oportunidad sa magsasaka at
mangingisda.
C. Mayayaman ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
D. Nangunguna ang Pilipinas sa pangkabuhayang pangingisda at pagsasaka sa
buong Asya.
____11. Kung ihahambing sa ibang mga bansa ang Pilipinas, masasabing higit itong
pinagpala. Bakit kaya?
I. Mayaman ito sa mga likas na yaman
II. Magagaling ang ating mga yamang tao.
III. Madami at makapal ang populasyon ng Pilipinas
IV. Maraming bilang ng mga kapuluan ang Pilipinas
A. I at II B. I at III C. I at IV D. I lamang
____12. Ano ang tawag sa pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang
may pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din ang
kanilang mga pangangailangan.
A. Kayamanang likas
B. Likas kayang pag-unlad
C. Kakayahang manakop ng ibang bansa
D. Likas na kakayahang mag-angkin ng yaman ng iba
____13. Ang likas kayang pag-unlad ay kilala rin sa tawag na ________________.
A. Environmental Sustainment
B. Sustainable Development
C. Sustainable Environment
D. Environmental Development
____14. Bakit kailangan ang sustainable development o ang likas kayang pag-unlad?
A. Upang magkaroon ng isang alternatibong kaunlaran sa harap ng lumalalang
krisis pangkalikasan
B. Upang maiwasan ang tuluyang pagkasira at pagkawasak ng kalikasan
C. Pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din
ang kanilang mga pangangailangan
D. Lahat ng nabanggit ay tamang sagot
____15. Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng iba’t ibang istratehiya upang matugunan
ang mga pangangailangan ng tao. Alin ang hindi kabilang dito:
A. Pagsama ng mga usaping pangkalikasan sa paggawa ng desisyon
B. Pagsama ng mga isyung pampopulasyon at kapakanan ng nakararami sa
pagpaplano ng pag-unlad
C. Pagbabawas ng paglaki ng mga rural na lugar,
D. Hindi pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan,

File created by DepEd Click.


KEY:

1. PANGINGISDA
2. EL NIÑO
3. PAGSASAKA
4. HAMON
5. OPORTUNIDAD
6. C
7. A
8. B
9. D
10. B
11. A
12. B
13. B
14. D
15. D

You might also like