You are on page 1of 23

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 5b.2:
Pagkakakilanlang Heograpikal ng
Pilipinas:
Heograpiyang Pantao (Agrikultura)
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self – Learning Module
Unang Markahan – Modyul 5b.2 Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas.
Heograpiyang Pantao(Agrikultura)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Daisy V. Belviatura
Editor: Alma J. Tuyan, Irlou V. Alado, Nona Leah N. Escopalao, Ma. Leida M. Donque,
Denah V. Andres
Tagasuri : Yusof A. Aliudin, Dennison J. Tangala, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos, Aida S. Delon
Tagaguhit : Elthone Loreto G. Bermudez
Tagalapat : Joseph R. Coyaye, Allan T. Basubas
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almenrdas- Asst.Regional Directo
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat- REPS, Araling Panlipunan
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura –EPSVR, LRMDS
Marcelo A. Bocatera- Division ADM Coordinator
Marilou P. Mangansakan- EPSVR, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5b.2:
Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas:
Heograpiyang Pantao (Agrikultura)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng


Self – Learning Module (SLM) para sa araling Heograpiyang Pantao (Agrikultura).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang panturo na


katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong
mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas:
Heograpiyang Pantao (Agrikultura). Ang inyong tamang paggabay ay
makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang ating layunin sap ag-
aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila nang


tama ang lahat ng mga Gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at


hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis
at mabisang pakatuto.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self - Learning
Mode (SLM) Modyul ukol sa Heograpiyang Pantao (Agrikultura).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda na nakatuon sa


sektor ng agrikultura. Tulad ng ibang bansa sa Timog-Silangang
Asya, ang Pilipinas ay isang bansa mayaman sa iba’t ibang
pananim tulad ng niyog, pinya, abaka, at marami pang iba.
Ito ay ginawa upang matulungan kang mabigyan nang
lubos na pang-unawa sa Agham ng Agrikultura.
Nawa’y handa ka nang matuto at maging masaya ang iyong
pagsisiyasat sa modyul na ito.

Most Essential Learning Competency:

Nailalarawan ang pagkakakilanlang Heograpikal ng


Pilipinas;(Heograpiyang Pantao (Agrikultura) AP4AAB-lg-10

Sa araling ito, ang mag – aaral ay inaasahang:

1. nailalarawan ang mga sektor ng agrikultura.

2. natutukoy ang kahalagahan ng agrikultura sa pag-unlad


ng ekonomiya ng bansa.

Subukin

Panuto: Unawain nang maayos ang bawat tanong. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sa anong larangan kilala ang bansang Pilipinas?

A. agrikultura
B. industriya
C. siyensya
D. Agham at Teknolohiya
2. Ilang sektor mayroon ang agrikultura?
A. 2
B. 3
C. 4
D. 5

3. Aling ahensiya ng ating pamahalaan ang katuwang sa


pagsasaka, paghahalaman at iba pa?

A. Kagawaran ng Edukasyon
B. Kagawaran ng Agrikultura
C. Kagawaran ng Pangkalusugan
D. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman

4. Anong sektor ng agrikultura ang karaniwang hanapbuhay ng


mga tao sa ating bansa?
A. pagsasaka at paggugubat
B. paghahalaman at paghahayupan
C. paghahayupan at pangingisda
D. pagsasaka, pangingisda, paghahayupan, paghahalaman at
paggugubat

5. Alin sa mga sumusunod na kasangkapan ang ginagamit sa


pagsasaka?

A. abono, feeds at purga


B. bangka, bingwit at lambat
C. harvester, kuliglig at sprayer
D. lagare, martilyo at palakol

6. Aling sektor ng agrikultura ang tumutuon ng pansin sa pag-


iimbak at pagpaparami ng mga tanim?
A. paghahalaman
B. paggugubat
C. pangingisda
D. pagsasaka

2
7. Kung ang pangingisda ay isang sektor ng agrikultura na
pinagkukunan ng isda at mga halamang dagat at iba pa, Saan
naman nagmumula ang karne, itlog at gatas?
A. paghahalaman
B. paghahayupan
C. paggugubat
D. pagsasaka

8. Ano sa palagay mo ang pinakaepektibong sektor ng


agrikultura na nakatutulong sa pag-unlad ng ating
pamumuhay?

A. paggugubat, dahil nagagamit ang mga papel sa pag-aaral.


B. pagsasaka, dahil dito nagmumula ang bigas para sa ating
pagkain.
C. paghahayupan, dahil dito kinikuha ang sariwang karne,
itlog , gatas at iba pa.
D. lahat ng sektor ay mahalaga, dahil naibibigay ng
mga ito ang pangangailangan ng tao araw-araw.

9. Ang tatay mo ay laging pumapalaot sa dagat upang


mangisda.Tama ba ang kanyang ginagawa upang matugunan
ang pangangailangan ng mamamayan sa pagkain sa kabila ng
murang presyo ng isda?
A. Hindi, dahil kulang pa rin ang kita ng pamilya.
B. Opo, upang makasalamuha niya ang ibang mangingisda.
C. Hindi, dahil nananatiling mahirap pa rin ang aming
pamilya.
D. Opo, dahil tumutulong siyang mabigyan ng pagkaing
nagmumula sa dagat ang mga mamamayan.

10. Alin sa mga sumusunod ang maging implikasyon kapag


nawala ang sektor ng agrikultura?
A. Lalaking matalino ang mga mag-aaral.
B. Malusog pa rin ang mamamayang Pilipino.
C. Daranas ng matinding gutom ang bansa.
D. Maayos pa rin ang takbo ng ekonomiya ng bansa.
Balikan

3
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Sagutin ito sa
sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga anyong lupa ang iyong napag-aralan?

2. Ano ang maaari nating gawin sa mga anyong lupa upang


makatulong sa ating pamumuhay?

Kay Ganda ng Pilipinas


ni: Daisy V. Belviatura
Bansang Pilipinas, yama’y walang kupas.
Dulot ay kagandahan, kaaya-ayang masdan.
Halika at mamasyal, sa hardin ng halamanan,
Bulaklak at gulayan, hatid nito’y kasiyahan.

Sa gubat ay malalanghap, sariwang hanging hinahanap,


Bigay nito’y kaginhawaan, sa ating kalusugan.
Isdang sariwa’y makikita sa mga pangisdaan,
Pagkaing katakamtakam, bigay ito ng kalikasan.

Itlog, karne’t gatas naman, bigay ng paghahayupan,


Kaya mga kabataan, mga hayop ay alagaan,
Sa malawak na bukirin, magsasaka’y nagtatanim,
Mga palay na aanihin, upang tayo’y may kakainin,

Lahat nang ‘toy pagyamanin, bigay ng Diyos sa atin,


Walang hanggang pasasalamat , ating sambit sambitin.

Tuklasin

Gawain 1 . “ISINATITIK KO, AAWITIN MO”

Panuto: Awitin ang “Kay Ganda ng Pilipinas” sa tono ng


“Bahay Kubo.”
Pangganyak na tanong:

1. Ano-ano ang makikita mo sa mga larawan 1-5?


2. Paano mapangalagaan ang mga biyaya na bigay ng
Maykapal?

Gawain 2. “HULAAN MO”

4
Suriin

Panuto: Sa anong lugar matatagpuan ang bawat larawan?


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.

______________________ ______________________

3. 4.

________________________ ______________________

5.

R
R
Rubrik

Pamantayan 3 1

Kawastuhan ng Hindi natumbok ang


Wasto ang sagot
bawat larawan tamang sagot

Agrikultura
Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikulturang bansa. Ang
agrikultura ay itinuturing na Agham at Sining sapagkat may
kinalaman ito sa pagpapabuti ng mga halaman upang
magkaroon ng marami at saganang ani. Kabilang din ang pag-
aalaga ng hayop at pangingisda na isa sa pinagkukunan ng
pagkain maliban sa halaman. Pati na rin ang paggugubat na

5
kung saan ito ay ginagawang materyales sa paggawa ng
muwebles, papel at iba pa.
Sektor ng Agrikultura

1. Pagsasaka. Ito ay isang sektor ng agrikultura na


pinagkukunan ng suplay ng pagkaing bigas ng isang bansa.
Nakatutulong din ito sa pagtaas ng ating ekonomiya dahil
sa pag-aangkat ng ibang bansa ng ating produktong bigas.

2. Paghahalaman. Ito ay ang pagtatanim ng ibat ibang


halaman tulad ng mga gulay , mga bulaklak, halamang
gamot, at mga prutas. Ito ay maaaring itanim sa malawak
na lupain at bukirin, sa harapan at likod ng bahay na
nagbibigay ng kagandahan sa ating kapaligiran.
Nakatutulong din ito sa pang araw-araw na
pangangailangang pinansyal sa pamamagitan ng
pagbebenta ng mga ito.
3. Paghahayupan. Ito ay ang pag-aalaga ng iba’t ibang
hayop na mapagkukunan ng karne, itlog at gatas.
Ginagawang raw material upang maproseso at maibenta o
mapabili sa merkado at sa ibang bansa.

4. Pangingisda. Isa ang sektor ng agrikultura na kalimitang


ginagawa sa malalawak na pangisdaan o kaya sa dagat at
malalawak na katubigan na kung saan iba ibang mga isda
ang makikita at mahuhuli rito. Sa pamamagitan ng mga
nahuling isda, maraming mga mamamayan ang mabibigyan
ng hanapbuhay upang matustusan ang kanilang
pangangailangan.

5. Paggugubat. Malalawak ang mga gubat dito sa ating bansa


na pinagkukunan ng mga materyales sa sambahayan at
industriya. Ito rin ay nagsisilbing natural na imbakan ng
tubig kagaya ng Maria Cristina Falls na pinagkukunan ng
kuryente sa ating bansa.
Ang pagpuputol ng kahoy sa kagubatan ay
pinapayagan ng pamahalaan sa kabila ng negatibong
epekto nito sa kalikasan dahil kailangan ng mga tao ang

6
mga produktong tulad ng papel at mga kagamitang gawa
sa kahoy gaya ng mesa, upuan at iba pa sa pang araw-araw
na pamumuhay basta’t mapalitan ito ng panibagong tanim.
Kahalagahan ng Agrikultura
• pangunahing pinagmulan ng hanapbuhay
• pinagkukunan ng pagkain at materyal ng mga industriya
• nagsisilbing market o pamilihan ng mga produkto ng
industriya
• pinagkukunan ng kitang panlabas
• pinagkukunan ng karagdagang tulong ng ibang sektor ng
ekonomiya

Pagyamanin
Gawain 3. “ILARAWAN MO AKO”
Panuto: Gamit ang sagutang papel, tukuyin kung anong
sektor ng agrikultura at ilarawan ang mga ito. Ang
unang bilang ay nagawa na para sa iyo.

1. 2.

Paggugubat-sektor ng agrikltura na
nagbibigay ng mga materyales o kagamitan
____________________________
para sa paggawa ng bahay, muebles, papel o ____________________________
gamot
_________________________

3. 4.
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________

5.
_____________________________
_____________________________

7
R
Rubrik

Pamantayan 5 3 1

Napakawasto Hindi natumbok


Kawastuhan Wasto ang sagot
ang sagot ang tamang sagot
Hindi gaanong
Napakaayos ang Maayos ang
maayos ang
Kaayusan pagkasulat ng pagkasulat ng
pagkasulat ng
sagot sagot
sagot

Gawain 4. “PARES- PARES”


Panuto: Pagtambalin ang paglalarawan ng Hanay A na angkop
sa sektor ng agrikultura sa Hanay B. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Pangunahing pinagkukunan ng A. pangingisda
suplay ng pagkain ng isang bansa
2. Proseso ng pagtatanim ng mga gulay, B. paggugubat
mga bulaklak at prutas.
3. Pag-aalaga ng mga hayop para C. paghahayupan
sa karne, itlog at gatas.
4. Uri ng hanap-buhay na ginagawa D. paghahalaman
laot ng dagat, ilog, lawa, at batis
na mayroong maliliit o malalaking isda.
5. Pinagkukunan ng mahahalagang E. pagsasaka
sangkap para matugunan ang
lumalawak na pangangailangan
ng sambahayan F. pangangaso
at bahay-kalakalan. G. paghahabi

Gawain 5. “PUNAN MO ANG KULANG KO”


Panuto. Buuin ang graphic organizer sa ibaba gamit ang
sagutang papel.
Sektor ng
Agrikultura

Pagsasaka Pangingisda 8
Paghahalaman Paghahayupan Paggugubat
Isaisip

Gawain 6. “TULA KO, BUUIN MO”


Panuto: Basahin ang maikling tula at punan ang patlang ng
tamang sektor ng agrikultura. Isulat ang tamang sagot
sa sagutang papel.

Isagawa
Mukha ng Agrikultura
nina: Irlou V. Alado at Denah V. Andres
Ako’y nabighani nang masilayan ko ang yaman ng Pinas,
Mga ginintuang palay nito ay produkto ng (1) _________ ni Juan,
Sinubukan ko namang mamasyal malapit sa dalampasigan,
Ikinabubuhay ng mga Pilipino na (2)_________ ay nasilayan,

Nais mo rin bang makakita ng mga endemikong halaman?


Halika at mamasyal sa mga iba’t ibang kagubatan ,
Ngunit dahil sa (3)____________ nawala na ito ng dahan dahan,
Kaya’t mga sentinyal na puno ay tila mabibilang na lamang.

Sa kapatagan may alagang manok, kambing at baka,


Kabuhayang (4)__________ ay siyang sikat na tawag nila.
Marami ring halamang ornamental at gulay na tinda,
Pagkat (5)__________ dito ay masagana.

‘Yan ang sektor ng agrikultura sa ating bansa,


Tulong nito ay di matatawaran sa mga bata at matanda,
Kaya’t marapat magpasalamat kay Bathala,
Sa handog niyang libreng mga biyaya

Gawain 7. “PABORITO MO, GUHIT MO”


Panuto: Alin sa mga sektor ng agrikultura ang sa tingin mong
nakatutulong nang malaki sa iyong pag-unlad bilang
isang mag-aaral? Iguhit at ipaliwanag ang iyong sagot
sa sagutang papel.

9
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Rubrik

Pamantayan 5 3 1
Napakaganda ng
Maganda ang
ideya at May konting ideya at
Nilalaman ideya at angkop
napakaangkop sa angkop sa iginuhit.
sa iginuhit.
iginuhit.
Napakaayos ang Maayos ang Magulo ang
Organisasyon pagkakalahad ng pagkakalaad ng pagpapaliwanag ng
paliwanag. paliwanag. sagot.

Napakalinis ng Malinis ang May mga bura ang


pagkaguhit at pagkaguhit at pagguhit at mga
Kalinisan
pagkasulat ng mga pagkasulat ng pangungusap na
pangungusap. pangungusap. naisulat.

Tayahin

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga sumusunod na


tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

10
1. Alin sa mga sumusunod ang ahensiya ng pamahalaan ang
nangangalaga sa pagtatanim at pag-aalaga ng hayop?
A. Kagawaran ng Agrikultura
B. Kagawaran ng Edukasyon
C. Kagawaran ng Kalusugan
D. Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan
2. Anong sektor ng agrikultura ang nagpapatupad na
magkaroon ang bansa ng halamang gamot, mga bulaklak at
prutas?
A. Pagsasaka
B. Paggugubat
C. Pangingisda
D. paghahalaman
3. Alin sa sumusunod na kaisipan ang TAMA tungkol sa
pagsasaka?
A. Ito ay pinagkukunan ng pagkain ng bansa.
B. Ito lamang ang kabilang sa sektor ng agrikultura.
C. Ito’y nagkakaloob ng mga upuan at kabinet sa
kabahayan.
D. Ito’y tumutulong upang makapagbigay ng ulam
lamang sa mga mamamayan.
4. Ang lagare ay sa paggugubat, ano naman sa paghahalaman?
A. asarol
B. lambat
C. martilyo
D. suyod

5. Anong hayop ang nahuhuli sa pamamagitan ng bangka,


lambat at bingwit?

A. aso
B. ibon

11
C. isda
D. manok

6. Alin sa mga sumusunod ang nakikita sa nursery?

A. sisiw
B. binhi
C. halaman
D. maliliit na isda

7. Sa paanong paraan nakatutulong ang agrikultura sa iba pang


sektor ng ekonomiya?

A. Sa tulong ng agrikultura, nakakukuha ng pagkain at


materyal ang iba pang sektor ng industriya

B. Ang ahensiyang ito ang nagmumungkahi para sa


magandang edukasyon ng mga bata.

C. Ito ay naglalaan ng pundo na maaaring ipagawa ng mga


gusali.

D. Nagbabahagi ito ng kaalaman upang maiangat ang


ekonomiya ng bansa.

8. Ang pamahalaan ay nagnanais na isulong ang paghahalaman


sa pamayanan. Sa iyong palagay nakatutulong ba ito upang
mapanatiling malusog ang mamamayan ng bansa?
A. Hindi, dahil mapanganib ang mga halaman ngayon
dulot mg kemikal.
B. Hindi, dahil ang mga halaman ay tirahan ng insekto
tulad ng lamok.

12
C. Oo, dahil kailangan ito upang makapagtapos ang mga
bata sa pag-aaral.
D. Oo, dahil ito ang pinagkukunan ng sapat at
masustansiyang pagkain upang mapabuti ang ating
kalusugan.

9. Si Maria ay isang negosyante ng karne, itlog , gatas at iba


pa. Nakatutulong ba siya sa pamahalaan?
A. Opo, dahil pinapayaman niya ang bansa.
B. Hindi, dahil hindi rin siya tinutulungan ng gobyerno.
C. Hindi, dahil kumikita naman siya sa kanyang
negosyo.
D. Opo, dahil naging bahagi siya ng pagpapatupad ng
pamahalaan na masuplayan ng pagkain ang
mamamayan.

10. Pinapayagan ng DENR na putulin ang mga kahoy sa


kagubatan kahit na may negatibong epekto ito sa
kalikasan.Sang-ayon ka ba sa ganitong pamamalakad?
A. Hindi, dahil nakasasama sa kalusugan.
B. Oo, dahil ang mga kahoy ay itinanim para putulin.
C. Hindi, hahayaan na lang natin ang mga kahoy sa
kagubatan.
D. Oo, kailangan natin ang papel upang magamit ng
mga mag-aaral.

Karagdagang Gawain

Gawain 8. “PILIIN MO NA AKO”


Panuto: Sa limang larawang nakaguhit, alin dito ang nakikita
mo sa iyong pamayanan? Ipaliwanag sa isang talata
ang naitutulong nito sa iyong pamumuhay. Isulat sa
sagutang papel.
13
1. 3.

5.
2. 4.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Rubrik

Pamantayan 5 3 1

Napakaayos ang Maayos ang Magulo ang


Organisasyon pagkakalahad ng pagkakalahad ng pagpapaliwanag ng
paliwanag. paliwanag. sagot.

Napakalinis ang
Malinis ang May mga bura ang
pagkasulat ng
Kalinisan pagkasulat ng mga pangungusap
mga
pangungusap. na naisulat.
pangungusap.

14
15
Subukin
1. A
2. D
3. B
4. D
5. B
6. D
7. C
8. B
9. D
10. D
Gawain 1
Gawain 3
1. Mga bulaklak,gulay
1.paggugubat-sektor ng Gawain 5.
agrikultura na 2. Malalanghap
nagbibigay ng mga sariwang hangin
1. Pagsasaka-
materyales o kagamitan 3. Mga isda
pinagkukunan ng
para sa paggawa ng 4. Itlog,kare at gatas
suplay ng bigas
bahay, muwebles, papel 5. Mga palay
o gamot. 2. Pangignisda-
2.paghahalaman-sektor pinagkukunan ng
Gawain 2.
ng agrikultura na suplay ng isda
1. Nag-aani ng palay
nagproproseso ng
pagtatanim ng mga 2. Nagtatanim ng gulay 3. Paghahalaman-
halaman, gulay, prutas, pinagkukunan ng mga
halamang gamot at mga 3. Nagpapakain ng gulay, bulaklak,prutas
bulaklak. hayop at mga halamang
3.paghahayupan-sektor
ng agrikultura na nag – gamot
4. Nagpuputol ng
aalaga ng hayop upang punong kahoy 4. Paghahayop-
may pagkukunan ng
pinagkukunan ng itlog,
karne, itlog at gatas. 5. Namimingwit ng
4.pangigisda-sektor ng karne at gatas
isda
agrikultura na nag-
5. Paggugubat-
aalaga ng isda at
pinagkukunan ng mga pinagkukunan ng
Gawain 4.
isda. materyales para sa
5.pagsasaka-sektor ng 1. E paggawa ng muwebles,
agrikultura na 2. D gamot at nagsisilbi
pinagkukunan ng 3. C itong natural na
suplay ng bigas. 4. A imbakan ng tubig
5. B
Tayahin Gawain 6. Gawain 7
1. A 6. B 1. Pagsasaka Ang sagot ay depende
2. D 7. A 2. Pangingisda sa pagguhit ng bata
3. A 8. D 3. Paggugubat
4. A 9. D 4. Paghahayupan
5. C 10. A 5. paghahalaman
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ma. Corazon V. Adriano, Marain A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P.
Miranda, Emily R. Quintos. 2015. Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag- aaral. Pasig,
City: Kagawaran ng Edukasyon.

16
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na inihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong sa
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul
na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigit naming hinihimok ang
anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Printed n the Philippines by Department of Education –


SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like