AGRIKULTURA Pangalan:___________________________ Baitang at pangkat:______________
PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga halamang gulay? a. ito ay nakalilibang at dagdag na kita c. ito ay dagdag na hirap sa mag-anak b. ito ay dagdag na gawain d. dagdag na gastos _____2. Sa paghahanda ng lupa ang unang hakbang na gagawin ay pagbubungkal ng lupang taniman. Alin sa mga kasangkapan ang nararapat gamitin? a. asarol b. pala c. kalaykay d. trowel o dulos _____3. Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagpapatag ng kamang taniman matapos itong bungkalin? a. piko b. trowel o dulos c. kalaykay d. asarol _____4. Ang halamang gulay ay nangangailangan ng mga bagay upang tumubo ng mahusay. Alin sa mga sumusunod ang mga pangunahing pangangailangan ng halaman? a. lupang loam b. tubig c. pataba d. lahat ng nabanggit _____5. Para sa wastong panahon ng pagtatanim ng halamang gulay, dapat tayo ay sumangguni sa ? a. kalendaryo ng pagtatanim c. talaan ng paghahalaman b. imbentaryo ng kagamitan d. listahan ng mga gulay _____6. Alin sa mga sumusunod na halamang gulay ang tinatanim sa tuwiran o direct planting? a. petsay b. repolyo c. okra d. kamatis _____7. Paano itinatanim ang mga gulay na upo, sitaw at patola? a. Ipinupunla b. itinatanim ng direkta c. isinasabog d. pagmamarkot _____8. Mahalaga ang mga ito sa halaman upang madagdagan ang sustansya nito. Alin sa mga ito ang Hindi kailangan ng halaman? a. pataba b. mga damo c. tubig d. compost pit _____9. Ang ________ ay isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang sisidlan. a. recycling b. compost pit c. hukay d. basket composting _____10. Kailan dapat ilipat ang punla sa kamang taniman? a. hapon b. tanghali c. gabi d. umaga _____11. Mahalaga ang paglaki ng mga halaman. Ano ang gagawin mo para tumaba ito? a. lagyan ng langis b. lagyan ng buhangin c. lagyan ng damo d. lagyan ng pataba _____12. Mas maraming gulay ang maitatanim kung ilalagay ito ng maayos sa ______. a. kamang taniman b. kamang punlaan c. bukid d. tumana _____13. Paano inaani ang petsay? a. paghuhukay b. pagbubunot c. paggugupit d. pagpipitas _____14. Nais ni Lito na magtanim ng mga halamang ugat dahil mayaman ito sa kaloriya at karborato. Alin sa mga ito ang dapat piliin? a. gabi at kamote b. sitaw at bataw c. upo at patola d. rambutan at lansones _____15. Isang pamamaraang bayolohikal kung saan ang isang maliit na sukat ay natataniman ng maraming halaman? a. Bio-intensive Gardening c. Biochemecal Gardening b. Bio-intense Gardening d. Bio-intrance Gardening _____16. Ang pataba ay ikinakalat sa lupa? a. Side Dressing Method c. Broadcasting Method b. Ring Method d. Foliar Application Method _____17. Sa paraang ito idinidilig o iniispray ang solusyong abono sa mga dahon ng halaman a. Side Dressing Method c. Broadcasting Method b. Ring Method d. Foliar Application Method _____18. Paraan ng pagtitinda ng gulay sa kaunting bilang lamang? a. Pakyawan b. Kooperatiba c. Tingian d. Kontrata _____19. Paraan ng pagtitinda ng gulay kung saan ang magbubukid at negosyante ay may kasunduan? a. Pakyawan b. Kooperatiba c. Tingian d. Kontrata _____20. Alin dito ang hindi angkop sa pag-aalaga ng Tilapia? a. Pagagamit ng drum c. Paggamit ng timba b. Paggamit ng kulungan d.Paggamit ng artipisyal na sapa _____21. Naisipan ni Ben na hakutin ang mga lupang nakatambak sa kanyang gulayan, ano ang kagamitan ang dapat niyang gamitin? a. kartilya b. itak c. bareta d. pala _____22. Aling uri ng isda ang mainam alagaan sa likod ng bakuran? a. tilapia b. bangus c. karpa d. galunggong _____23. Ano ang gagawin mo pagkatapos gamitin ang mga kagamitan sa paghahalaman? a. iwanan b.pabayaan c. linisin d. wala sa nabanggit _____24. Ano ang mga inilalagay sa isang compost? a. dumi ng hayop, balat ng prutas, balat ng gulay c. dayami, damo, sanga b. diyaryo, papel, bote d. papel, sanga, plastic _____25. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang istratehiya sa pamilihan ng isda? a. Mag-alaga ng hayop na kakaunti sa pamilihan c. Mura ang presyo sa pamilihan b. Ipagbili ang hayop satamang laki at gulang d. Mataas ang presyosa pamilihan
II. Iguhit ang kung tama at naman kung mali.
_____ 1. Di tiyak kung sariwa ang gulay pag sariling tanim. _____ 2. Gumamit ng urban gardening pag kulang sa lupa. _____ 3. Mainam gamitin ang urganikong pataba. _____ 4. Kailangan ang sikat ng araw sa paghahalaman. _____5. Hindi kailangan ang matabang lupa sa pagtatanim. _____ 6. Ang compost pit ay dapat malayo sa kabahayan at ilog. _____ 7. Sa basal application method ang pataba ay inihahalo sa lupa. _____ 8. Mainam ang intercropping sa pagsugpo ng peste at kulisap sa halaman. _____ 9. Tabako at tubig ay pamatay peste at kulisap. _____ 10. Mayaman sa protina ang halamang ugat
III. A. Piliin ang tamang sagot ng hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
Hanay A Hanay B
_____ 1. Loam a. hayop na nagbibigay ng balut
_____ 2. BIG b. madahong gulay _____ 3. FAA c. gawaing pag-aalaga ng hayop _____4. Petsay, malungay d. inaalagaang manok para pagkukunan ng itlog _____5. Intercropping e. Fish Amino Acid _____6. Pakyawan f. Bio-intensive Gardening _____ 7. Paghahayupan g. inaalagaang manok para pagkukunan ng karne _____ 8. Itik h. maramihang pagbibili _____ 9. Layer i. pagtatanim ng higit sa dalawang uri ng halaman _____ 10. Broiler j. matabang lupa
B. Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng organikong pataba na Fish
Amino Acid o (FAA) _____1. Ibuhos ang mga sangkap sa garapon o balde. _____2. Itabi sa lugar na malamig at madilim. _____3. Ilagay ang tinadtad sa plangana kasunod ang asukal o nog-nog _____4. Tadtarin ang mga sangkap para madali makuha ang katas. _____5. Haluing mabuti ang mga sangkap.
File Submitted by DepEd Club Member
-visit depedclub.com for more Credit to the author of this file