You are on page 1of 7

Ikaapat na Markahang Pagsusulit

ESP 5

Pangalan: ______________________________ Baitang/Seksyon : _____________


Paaralan:_______________________________ Score:__________

I.PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang


titik ng tamang sagot.

1. Pupunta kayo sa kamag-anak ninyo sa kabilang bayan. Sa isang hintuan ng bus, kahit wala ng
upuan, pinasakay parin ng tsuper ang isang babaing buntis. Inialok mo ang iyong upuan sa kanya
dahil sa nakikita mong hirap na hirap siya sa kanyang pagkakatayo. Ano ang magandang
kaugalian ang iyong pinamalas?
A.Pagiging maka-Dyos C.Pagmamapuri
B.Pagiging makatao D.Pagtulong sa kapwa
2. Ang iyong kapitbahay ay isa sa naging biktima ng bagyong nagdaan. Nasira ang kanilang mga
pananim sa bukid at bahay. Tinulungan mo sila sa pagdarasal para sa kanilang muling
pagbangon. Ikaw ay nagpapakita ng ugaling____________.
A.Matapat
B.Nakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
C.Nakikipagbayanihan
D.Pagtulong sa mga nangangailangan
3. Ano ang maaaring gawin ng isang may-ari ng kumpanya upang malutas ang sigalot sa pagitan
ng kanyang mga manggagawa?
A.Alamin ang sanhi ng sigalot at magdesisyon ukol sa ikalulutas nito
B.Hayaang lumala ang sigalot
C.Huwag na lamang pansinin ang pangyayari
D.Tumawag ng isang pulong at alamin ang sanhi ng sigalot.
4. Sa pagsakay mo ng bus ay may isang matandang nakatayo na maraming dala-dalahan. Ang
lahat ay nakaupo nang maayos. Ano ang iyong gagawin?
A.Magkukunwari na wala akong nakita
B.Pababayaan siya
C.Pagtatawanan
D.Tatayo at siya’y papaupuin
5. Ang dalawa ninyong kapitbahay ay matinding magkaaway.Walang sino mang makapag-ayos
ng kanilang sigalot. Bilang kapitbahay, paano mo sila matutulungang magkasundo?
A.Ipagdarasal ko na maliwanagan ang kanilang pag iisip na hindi na dapat nag -away ang
mga tao.
B.Isusumbong ko sila sa pulis
C.Panonoorin kong lalo ang kanilang pag-aaway at ipamalita ito
D.Tatakutin ko sila
6. Nagkaroon ng malaking pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal sa inyong
kalye. Ano ang nararapat mong gawin ?
A.Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda.
B.Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na magkaroon ng proyektong
pangkalikasan na kasali ang mga bata at matatanda.
C.Sasabihan ko ang mga nakakatanda na linisan nila ang mga kanal
D.Wala akong gagawin.
7. Marami kang inimbak na tubig. Nagkataong nasira ang poso at walang mapagkunan ng tubig
ang iyong kapitbahay. Humingi siya sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
A.Bibigyan mo siya ng tama lamang sa pangangailangan niya
B.Hindi mo siya bibigyan dahil naging pabaya siya at nararapat na mabigyan siya ng
aral.
C.Pababayaran mo sa kanya ang tubig
D.Wala rito ang tamang sagot
8. Plano ng inyong samahan ang mangampanya laban sa polusyon at napagkasunduan ninyong
guguhit ng poster tungkol dito . Ano ang dapat na maging desisyon mo?
A.Hindi ka na lang kikibo kahit ayaw mo
B.Makikiisa ka sa plano ng samahan
C.Sasalungat ka sa plano dahil iniisip mo ang pagod at gagastusin sa pag gawa
ng poster
D.Wala rito ang tamang sagot
9. Nagulat ka ng malaman mong itinuloy pa rin ni Harvey ang kanyang planong paglalayas.
Tinawagan ka niya at sinabing sa iyo kung saan siya naroroon. Dumating ang mga magulang
niya at tinanong ka sa kinaroroonan ni Harvey. Alin ang nararapat?
A.Hahayaan mong mamoblema ang mga magulang ni Harvey.
B.Hindi mo sasabihin sa kanila kunwari hindi mo alam
C.Sasabihin mo sa mga magulang niya kung bakit ginawa iyon ni Harvey at ituturo ang
kinaroroonan nito
D.Susumbatan ang mga magulang ni Harvey
10.Bukas na ang pyesta sa inyong lugar.Ang mga opisyales ay abalang abala sa pag-aayos ng
kapilya. Sa dami ng inihanda sa kapilya ay hindi na magkaintindihan ang mga opisyales kung
ano ang uunahing gawin. Ano ang gagawin mo?
A.Ipagdarasal na lamang na matapos na ang kanilang gawain
B.Makikipaglaro sa mga batang nasa kapilya
C.Magkukunwaring abala ka sa inyong bahay
D.Tutulungan sila
11.Kumakain ka at mayroong gutom na batang humihingi ng pagkan. Ano ang nararapat mong
gawin?
A.Hahatian ko siya ng pagkain
B.Ibibigay ko sa bata ang lahat ng aking pagkain
C.Sasabihan ko ang bata na humingi na lang sa iba.
D.Itataboy ko siya
12.Naghihingalo ang inyong kapitbahay na si Mang Gorio. Nagkataon na wala na siyang kasama
sa kanilang bahay. Ano ang iyong gagawin?
A.Hintayin na lamang na dumating ang kamag-anak ni mang Gorio
B.Huwag na lamang siyang pansinin
C.Tatawag ng kapitbahay upang isugod sa ospital si Mang Gorio.
D.Tatawagin ang kamag-anak ni Mang Gorio.
13. Ano ang ating dapat na ilaan sa ating kapwa?
A.Atensiyon B. Oras C. Pag-aaruga D. Sarili
14. May habilin sa atin ang Diyos. Ano ang iyong saloobin dito?
A.Babalewalain B. Hahayaan C. Ipagpapasalamat D. Susundin
15. Humahanga ka sa isang artista. Ano ang nararapat na gawin?
A.Pagpapantasiyahan siya B. Pupurihin siya
C. Sasambahin siya D.. Tutularan siya
16. Binigyan kayo ng takdang aralin ng inyong guro na gumawa ng isang panalangin. Ano ang
gagawin mo?
A.Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng mg kahilingan ko
B.Isusulat ko sa aking gagawing panalangin na bigyan ako ng maraming pera.
C.Isusulat ko sa aking panalangin na magkaroon pa ko ng maraming damit.
D.Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng pasasalamat sa mga biyayang
tinanggap naming.
17.Bumuo ng isang grupo ng relihiyon ang iyong mga kaibigan dahil mas madali raw maririnig
ng Diyos ang kanilang mga panalangin sa kanilang mga gawain. Hinihikayat ka nilang sumali sa
grupong ito. Ano ang iyong gagawin?
A.Iiwasan sila
B. Magtatanong muna sa mga magulang
C.Pagtatawanan ang kanilang ginagawa
D.Titingnan ang tunay na layunin ng kanilang grupo kung bakit nila ito binuo
18.Nabalitaan mong namatay ang iyong tiyo na nasa malayong lugar. Hindi kayo nakapunta sa
kanyang burol dahil kulang ang pera ninyo. Ano ang pinakamainam mong gawin ?
A.Ipagdasal na lamang ang kanyang kaluluwa
B.Ipagwalang bahala ito tutal naman ay patay na siya
C.Magalit sa magulang at piliting makapunta sa burol
D.Matuwa at namatay na siya para wala ng tiyuhin na laging humihingi ng
tulong sa iyong mga magulang
19. Laging nag-aaway ang iyong mga magulang dahil sa pera. Wala ka namang kakayahan na
makatulong sa kanila sapagkat may kapansanan ka sa paa. Ano ang pinakamainam mong
magagawa?
A.Hindi mo na lamang sila papansinin at mamaya naman ay bati na sila ulit
B.Magdarasal at humingi ng tulong sa Diyos na masulusyonan ang problema
C.Magalit sa magulang dahil sa palagi nilang pag-aaway
D.Magtatampo sa Diyos at binigyan ka ng ganoong klaseng magulang
20.Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo. Ubos na ang mga pananim at
nakakaranas na ng tag gutom ang mga naninirahan dito. Ano ang maitutulong mo sa kanila?
A.Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain
B.Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pag kain at pera mo
C.Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na
D.Tutulungan mo sila at ipagdarasal nasana ay matapos na ang dumating na
paghihirap na ito
21. Inaaanyayahan ang lahat sa parokya ninyo na sumali sa prusisyon ng Santa Maria.
Nagkataong hindi ka katoliko. Ano ang nararapat mong gawin?
A.Hindi ka sasali ngunit igagalang mo ang pananampalataya nila
B.Hindi mo na lamang papansinin ang paanyaya.
C.Kukutyain mo ang mga katoliko sa kanilang pananampalataya
D.Makikilahok ka sa prusisyon alang-alang sa pakikisama sa barangay
22.Pinag-aaralang awitin ni Dea ang kantang pangsimbahan na kanyang narinig pagkagaling
niya sa pagsimba. Hindi mo nagugustuhan ang kanyang ginagawa sapagkat naiingayan ka at
nalilito ka sa iyong pinapanood na pelikula. Ano ang gagawin mo?
A.Pagagalitan mo siya sapagkat naiingayan ka
B.Sasabihin sa kanya na sa kanyang silid-tulugan mag-aral ng pa-awit upang
magkaroon pareho sila ng konsentrasyon
C.Sisigawan siya at palalayasin
D.Tatawanan mo siya sapagkat hindi maganda sa pandinig mo ang kanyang
boses
23.Kasama mo sapag sisimba ang kapatid mong maliit. Habang nagmimisa ang pari ay nakita
mong naglalaro lamang ang kapatid mo sa loob ng simbahan. Alin sa mga sumusunod ang
nararapat mong gawin?
A.Ipagpapatuloy ang pakikinig sa pari
B.Hahayaan mong maglaro ang iyong kapatid
C.Magagalit ka at sisigawan mo ang kapatid mong naglalaro
D.Pasimple kang lalapit sa kapatid mo at sasabihin mo makinig muna sa pari at
pagdating na sa bahay maglaro
24. Si Jonases ay isa manlalaro ng sipa sa kanilang paaralan at palagi silang nanalo sa kanilang
distrito. Isang araw habang sila ay naglalaro, nakita niya na sadyang binagga ng kanilang ka-
team si Peter. Nadapa ito at napasubsob. Tamang-tamang siya ang sisipa at mananalo sila ngunit
sa halip,tinulungan niya si Peter na siyang kinatalo ng kanilang team. Anong katangian ang
pinamalas ni Jonases na siyang pagkakataong ito?
A.Pagiging isport
B.Pagiging mapagmahal sa kapwa
C.Pagiging patas
D.Lahat ay maaaring maging sagot
25.Nagpabili ang kapatid mo sa nanay mo ng bagong sapatos dahil luma na ito. Alam mong
walang pera ang iyong nanay. May pera kang naipon. Ibinigay mo kaagad sa iyong kapatid ang
pera mo at nang makabili siya, ikaw ay __________.
A.Mapapagkatiwalaan C.Matulungin
B.Matipid D.Palakaibigan
26.Matalik na kaibigan ni Rex si Jecric. Sa tuwing magkakaroon sila ng pangkatang gawain,nais
ni Rex na desisyon lamang niya ang dapat masunod. Bilang kaibigan,paano papayuhan ni Jeric si
Rex?
A.Mahinahong kakausapin ang kaibigan at sasabihin na pakinggan ang opinion
ng lahat.
B.Pagagalitan siya at sasabihin na siya na lamang ang gumawa ng gawain
C.Sasabihin na lilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
D.Sasabihan na huwag na lamang pagawain ang pangkat
27. Nag-away ang iyong kamag-aral dahil nais ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang ibang
mag-aaral sa kabilang pangkat. Ano ang dapat mong gawin?
A.Hayaan na lamang silang mag –away
B.Huwag silang pansinin
C.Panonoorin na lamang ang mangyayari sa kanila
D.Pagsabihan sila sa kanilang ginagawa at sabihin na masama ang pagdadamot sa
kapwa.
28.Ikaw ay panganay sa apat na magkakapatid. Alam mo na kapos kayo sa araw-araw na
gastusin at walang hanapbuhay ang iyong mga magulang. Dahil dito , nais na ng mga kapatid mo
na huminto na sa pag–aaral. Ano ang maari mong maging desisyon?
A.Ako na lamang ang hihinto sa pag-aaral
B.Bilang nakakatanda sasabihin ko sa kanila ang halaga ng edukasyon
C.Hahayaan ko na lamang silang huminto sa pag-aaral
D.Uutusan ko sina nanay at tatay na maghanapbuhay para kami ay makapag-
aral.
29. Oras ng recess,nakita moa ng iyong kamag-aral na walang baong pera o pagkain. Ikaw ay
pinabaunan ng dalawang tinapay ng iyong ina.Ano ang gagawin mo?
A.Ibibigay ang isa sa iyong kamag-aral
B.Huwag na lamang siyang pansinin
C.Kakainin ang dalawang tinapay upang mabusog ka
D.Sabihin sa guro na walang baon ang is among kamag-aral
30. Umuulan at naglalakad ka sa kalye. Nasalubong mo ng isang batang basing-basa sa ulan at
mukhang nanginginig sa sobrang lamig. Ano ang nararapat mong gawin?
A.Ihahatid mo ang bata sa isang masisilungan kahit na maabala ka sa pag-uwi.
B.Ipahihiram mo sa kanya ang iyong paying
C.Huhubarin moa ng iyong kamiseta at ibibigay sa kanya
D.Panonoorin mo ang kanyang panginginig sa lamig at tatawanan siya.

You might also like