You are on page 1of 2

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


Disenyo ng Pananaliksik – Ito ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik sa
maayos at lohikal na paraan. Ito ay nagtitiyak na masasagot ng pananaliksik and suliranin at
matutupad ang layunin na itinakda nito. Naglalaman ito ng paraan ng pangolekta,
presentasyon, at pagsusuri ng datos. Nililinaw din nito kung anong uri ng pananaliksik ang pag-
aaral.
Mga Disenyo ng Pananaliksik
1. Kuwantitatibo – Nakatuon sa pag kalkula ng mga bilang. Tumutukoy ito sa empirikal at
sistematikong imbestigasyon ng iba’t ibang paksa. Halimbawa ay mga sarbey,
eksperimentasyon.
2. Kuwalitatibo – Ito ay personal sapagkat ninanais nitong maunawaan ang pag-uugali at
katangian ng pakikipagrelasyon. Hindi ito nakapagbibigay ng tiyak na mapanlahat na
konklusyon, bagkus ang layunin lamang nito ay mapaliwanag at magbigay ng inisyal na
pagkaunawa tungo sa pagbuo ng desisyon.
3. Deskriptibo – Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang kasalukuyang
ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na ano,
sino, kailan, saan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
4. Action Research – Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na
kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya at iba pa sa layuning palitan ito ng mas
epektibong pamamaraan.
5. Historikal – Ang historikal na pananaliksik ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan sa
pangangalap ng datos upang makabuo ng mga konklusyon hinggil sa nakaraan.
6. Case Study – Ang pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang
unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang konklusyon sa
iba’t ibang paksa ng pag-aaral.
7. Komparatibo – Ito ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura, bagay,
pangyayari at iba pa. Madalas na gamitin sa cross-national na pag-aaral ang ganitong uri
ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga
lipunan, kultura at institusyon.
8. Normative Study – Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng disenyo ang
normative dahil naglalayon itong maglarawan ng anumang paksa.
9. Etnograpikong pag-aaral – Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham
panlipunan na nag – iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang
komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha nito. Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang
panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa
sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura at iba pa.
10. Eksploratori – Isinasagawa ang disenyong eploratori kung wala pang gaanong pag-aaral
na nagawa sa iang paksa o suliranin.
Metodolohiya ng pananaliksik – Ito ay sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan
at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos ng pananaliksik.
Mga Pamamaraan ng Pananaliksik
1. Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik – Ang Disenyo ng pananaliksik ay tumutukoy
sa kabuuang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik, samantalang ang Pamamaraan
naman ay kung paano mabibigyang katuparan ang disenyo. Narito ang iba’t ibang
pamamaraan na ginagamit sa pananaliksik.
a. Sarbey – Ginagamit upang mangalap ng datos sa sistemaktikong paraan sa isang
tiyak na populasyon o sample ng pananaliksik.
b. Pakikipanayam o Interbyu – Pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may
awtoridad o di kaya ay may personal na pagkaunawa.
c. Dokumentaryong Pagsusuri - Ito ay isang pamamaraan sa pananaliksik na ginagamit
upnag kumalap ng impormasyon na susuporta at pagpapatibay sa mga datos ng
pananaliksik sa pamamagitn ng analitikang pagbasa sa mga nasusulat na
komunikasyon at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin.
d. Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon – Ito ay
pagmamasid ng mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng pag-aaral habang
sistematikong itinatala ang pagkilos, interaksyon at pag-uugali sa pamamagitan ng
gabay sa obserbasyon.
2. Lokal at Populayon ng Pananaliksik – Sa bahagi ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga
batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik. Kabilang sa mga ito kung
sino, tagasaan o kaya ay kung anong institusyon o organisasyon may kaugnayan ang
kalahok. Ipinapaliwanag dito ang proseso ng sampling na pinagdaanan at kung ano kunh
ano ang dahilan o pinagbatayan ng pamimili ng kalahok.
3. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos – Sa bahaging ito ng metodolohiya, inilalahad kung
ano ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang
pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento.
Binubuo ang instrumento bago ang aktwal na pangangalap ng datos. Nagsisilbing bahagi
ng apendiks ng pananaliksik ang mismong talatanungan, checklist o ano mang bagay.
4. Paraan ng Paglikom ng Datos – Nilalaman naman ng bahaging ito ang mga hakbang na
plano at proseso sa pagkuha ng datos.
5. Paraan ng Pagsusuri ng Datos – Nakapaloob sa bahaging ito kung paano gagawing
sitematiko ang presentasyon ng datos para sa mas madaling iterpretasyon at pagsusuri.

You might also like