You are on page 1of 11

Mga Istratehiya sa

Sampling
SHEENA MAE G. DAGO-OC 11 HUMSS AUGUSTINE
A. Sampling na Pa-random
• Ang pa-random na sampling ay pamaraan
ng pagpili ng sukat ng sampol mula sa
populasyon kungsaan ang bawat miyembro
ng populasyon ay pareparehong may
pagkakataon na mapasama sa sampolat
lahat ng posibleng kombinasyon ng sukat
ay maypantay na pagkakataon na mapili
bilang sampol.
1) Talahanayan ng bilang na random (Tableof
random numbers).

• Ito ay kinikilala bilang pinaka sistematikong


pamaraan sa pagkuha ng yunit ng sampol na pa-
random. Ang Random Table ay naglalaman ng
mga hanay ng numero na mekanikal ang
pagkagawa, karaniwan ay sa pamamagian ng
kompyuter, para masiguro ang random na
pagkakasunud-sunod.
2) Palabunutang sampling (Lottery sampling).

• Ang tawag ni Fox (1969) dito ay fishbowl technique.Ang


pamaraang ito ay maaaring gamitin, sa pamamagitan,
una, ng pagtatakda ng mga numero sa mga kalahok sa
inyong populasyon tipunin sila sa sampling frame.
Pagkatapos ay isulat ang mga numero ng inyong kalahok
sa maliliit na papel-isang numero sa bawat piraso o papel.
Sumunod, ibilot (roll) ang mga maliliit na pirasong papel
at ilagay ang mga ito sa isang sisidlan na sapat ang laki
para maalog ang mga papel. Pagkatapos maalog na mabuti
ang lalagyan, bumunot ng kailangang bilang ng kalaho
mula sa lalagyan.
B. Sistematikong Sampling

• Ang isa pang uri ng sampling


sistematikong sampling. Ito ay isang
istratehiya sa pagpili ng mga miyembro ng
sampol na nagpapahintulot at isang
sistema ang tumiyak o tumukoy sa pagsapi
sa sampol.
C.Stratified Sampling
• Ang stratified sampling ay isang
istratehiya ng pagpili ng sampol sa paraan
na ang mga tiyak na subgroup ay
magkakaroon ng sapat na bilang ng mga
kinatawan sa loob ng sampol para
makapagbigay ng bilang na sampol sa sub-
analysis ng mga miyembro ng mga
maliliit na grupo.
D. Sampling na Klaster
• Ang cluster sampling ay nagaganap kung
pumipiling mga miyembro ng iyong sampol nang
pa-klasterkay sa gumamit ng hiwalay na mga
indibiduwal. Ano mang buong grupo na may
magkakatulad na mga katangian ay isang
klaster. Paminsan-minsan ang sampling na ito
ay tinutukoy na area sampling dahil sa ito’y
karaniwang inilalapat ito sa
heograpiyangbatayan.
E.Sampling na Di Random

• Sa istratehiyang ito, lahat ng mga


kalahok sa imbestigasyon ay hindi
napili sa pamamagitan ng parehong
pagkakataon.
1. Sampling na may layunin

• Halimbawa, interesado kang malaman ang mga


reaksyon ng ilang mamamayan sa usapin ng
pag-amyenda sa Konstitusyon. Sa halip na
tanungin ang lahat ng mag-aaral sa iba’t ibang
kolehiyo at mga pamantasan sa Kalakhang
Maynila tungkol sa kung sila ba ay sumasang-
ayon sa pag-aamyenda sa konstitusyon, maaari
mong tanungin lamang ang mga lider o pinuno
ng mga mag-aaral
2.Quota sampling.

• Sa quota sampling kinikilala mo ang


isang set ng mga mahalagang katangian
ng populasyon at pagkatapos ay pumipili ka
ng kailangan mong sampol sa paraang
hindi pa random. Ipinalalagay na ang mga
sampol ay aakma sa populasyon kaugnay
ng piniling set ng mga katangian
3.Convenience sampling.
• Ito ay pagkuha ng sampol o tagatugon pabor sa
katayuan o kalagayan ng mananaliksik.
Halimbawa guto mung malaman ang mga
opinyon ng mga Pilipino tungkol sa
industriyalisasyon ng ating bansa, sa
pamamagitan ng pakikipanayam sa telepono,
ikaw ay magkakaroon ng tsansa na maka
panayam lamang ‘yung may mga telepono na
bayas doon sa mga walang telepono. Ang
Sampling na ito ay ginawa para sa kaluwagan ng
mananaliksik.

You might also like