You are on page 1of 2

Kabanata III

Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang

mga paraang ginamit ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan ang

layunin ng pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa implikasyon ng mga mag-aaral


sa Paghubog ng Sosyo-Politikal na Pananaw sa Internet Meme Culture'. Ang
pananaliksik ding ito ay gagamit ng open-ended questions upang makakalap
ng mga datos mula sa mga respondente na magagamit at makakatulong sa
nasabing pag-aaral.

Kalahok sa Pananaliksik

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga Piling Mag-

aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Santa Rosa Campus.

Gagamit ang mga mananaliksik ng random sampling na pamamaraan upang

magkaroon ng pantay na representasyon ng mga datos. Hahanap at pipili

ang mga mananaliksik ng dalawang daang (200) mag-aaral na galing sa iba’t

ibang antas.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng

mga talatanungan o pagsasarbey sa mga napiling respondente.Nakatulong

din sa mananaliksik ang mga datos na nakalap sa mga silid aklatan , maging
ang mga impormasyon na mula sa internet para makalikom ng mga datos na

makakatulong upang mabigyang katuparan ang mithiin ng pag-aaral.

Mga Hakbang sa Paglikom ng Datos

Upang maisakatuparan ang pananaliksik, magsasagawa angmga

mananaliksik ng iba’t ibang hakbang upang magingepektibo ang

pangangalap ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng

datos sa pamamagitan ng surbey. Ang mga mananaliksik ay magtitipon-tipon

at magbabagyong-isip tungkol sa paksa. Pagkatapos ay gagawa ng isang

structure-questionaire kung saan nakapaloob ang mga katanungang

makatutulong sa katuparan ng pananaliksik.

You might also like