You are on page 1of 45

KABANATA III:

DISENYO AT
PARAAN NG
PANANALIKSIK
ANG KABANATANG ITO AY NAHAHATI SA MGA SUMUS
NA BAHAGI:

SA DISENYO NG PANANALIKSIK NILILINAW KUNG ANONG


URI NG PANANALIKSIK ANG KASALUKUYANG PAG AARAL.
PARA SA INYONG PAMANAHONG PAPEL, IMINUMUNGKAHI
NAMIN ANG PINAKASIMPLE NA, ANG DESKRIPTIB-ANALITIK
NA ISANG DISENYO NG PANGANGALAP NG MGA DATOS AT
IMPORMASYON HINGIL SA ISANG DISENYO NG
PANGANGALAP NG MGA DATOS AT IMPORMASYON HINGIL
SA MGA SALIK O FACTORS NA KAUGNAY NG PAKSA NG
PANANALIKSIK.
Mga uri ng pananaliksik:
1. Pananaliksik na Eksperimental-Ang
pananaliksik na ito at karaniwang
ginagamit sa mga pananaliksik na
makaagham(scientific) tulad ng pisika,
kemistri, sikolohiya at iba pang sangay ng
agham. Estandardisadoang pagkakabuo ng
ganitong uri ng pananaliksik na karaniwang
ginagamitan ng mga batyabol at mga
construct.
Mga uri ng pananaliksik:
Halimbawa:
Eksperimentong gagawin ng isang guro
upang malaman niya kung aling paraan ng
pagtuturo ang gagamitin upang madaling
matuto ang kaniyang mag-aaral. Susubok
siya ng iba't ibang paraan ng pagtuturo.
Mga uri ng pananaliksik:
2. Korelasyonal na Pananaliksik-Ito ay
isang uri ng maparaang pananaliksik na
ginagamit upang malaman ng mananaliksik
kung ano ba ang relasyon ng dalawa o
marami pang bagay sa isa't isa.

Halimbawa:
Kaugnayan ng kinalakhang paligid
sa pagiging goal-oriented ng isang
tao.
Mga uri ng pananaliksik:
3.Pananaliksik na Hambing-Sanhi-Pag-alam
sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang
bagay o tao.

Halimbawa:
Paghahambing sa kahusayan ng mga
mag-aaral sa pribado at pampublikong
paaralan.
Mga uri ng pananaliksik:
4. Sarbey na Pananaliksik-Ang sarbey na
pananaliksik ay ang pagkolekta ng
impormasyon tungkol sa katangian, aksyon,
o opinion ng malaking grupo ng mga
tao na tumutukoy bilang ng isang
populasyon.

Halimbawa:
Pagkuha ng persepsiyon ng mga mag-
aaral sa pagtaas ng matrikula.
Mga uri ng pananaliksik:
5. Etnograpikong Pananaliksik-Layunin ng
pananaliksik na ito namakakalap at
makakuha ng
mgamahahalagang impormasyon tungkol sa
mga natural na kaugalian at gawain
ngmga ispesipikong pangkat etniko.

HALIMBAWA:

URI NG PAMUMUHAY NG MGA MANGYAN SA


MINDORO
Mga uri ng pananaliksik:
6. Historikal na Pananaliksik-Ang
historical na pananaliksik ay ang pagtugon
sa nagdaang pangyayari. Ang pananaliksik
na ito ay gumagamit ng iba't ibang
pamamaraan ng pangangalap ng datos
upang makabuong mga kongklusyon
hinggil sa nakaraan.

Halimbawa:
Pag-alam sa lawak angkan
Mga uri ng pananaliksik:
7.Kilos-Saliksik (Action Research)-Ito ay
pagsusuri ng problema, gumagawa ng
paraan para maresolba ito, pagkatapos,
tinitignan kung ito ay epektibo at kung
hindi ay isinasagawa ang eksperimento
muli.

Halimbawa:
Pagtukoy sa suliranin ng
pamayanan
Mga uri ng pananaliksik:
8. Deskriptibong Pananaliksik-
Ang Deskriptibong Pananaliksik ay
imbestigasyon na naglalarawan at
nagbibigay kahulugan sa isang bagay o
paksa.

Halimbawa:
Karanasan ng isang Batang
Ina: Isang Pananaliksik
Mga Uri ng Pananaliksik Batay sa Klase ng
Pagsisiwalat ng Datos:

KWANTITATIBO-Ang kwantitatibong
pananaliksik ay tumutukoy sa sistemako at
empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang
paksa at penemenong panlipunan sa
pamamagitan ng matematikal, estadistikal,
at mga teknik na pamamaraan ng
gumagamit ng kompyutasyon. Kadalasang
ginagamit din itk ng mga nasusulat at
nakabalangkad na pamamaraan sa
pananaliksik gaya ng sarbey,
eksperimentasyon, at pagsusuring
estadistikal.
Mga Uri ng Pananaliksik Batay sa Klase ng
Pagsisiwalat ng Datos:

KWALITATIBO -Ang kuwalitatibong


pananaliksik naman ay kinapapalooban ng
mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay
malalimang unawain ang pag-uugali at
ugnayan ng mga tao at ang dahilan na
gumagabay rito. Ang disenyong ito ah
pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-
uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas
malawak na kontekstong pinangyayarihan
nito at ang mga panlipunang realidad gaya
ng kultura, institusyon, at ugnayang pantal
na hindi maaaring mabilang o masukat.
RESPONDENTE

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


. Sa bahaging ito, tinutukoy
2

ang mga respondente ng


sarbey, kung ilan sila at
paano at bakit sila napili.
I B A ' T- I B A N G U R I N G R A N D O M S A M P L I N G :

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


1. Simple Random- ang
bawat miyembro ng
populasyon ay may pantay
na pagkakataon na
magsilbing sampol.
I B A ' T- I B A N G U R I N G R A N D O M S A M P L I N G :

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


2. Stratified Sampling-
Pagpili na ang mga tiyak na
subgroup ay magkakaroon
ng sapat na bilang ng mga
kinatawan sa loob ng
sampol.
I B A ' T- I B A N G U R I N G R A N D O M S A M P L I N G :

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


3. Sampling na Pa-Klaster/
Klaster Sampling- Pumipili
ng mga miyembro ng sampol
nang pa-klaster kaysa
gumamit ng hiwalay na mga
indibidwal.
I B A ' T- I B A N G U R I N G R A N D O M S A M P L I N G :

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


4. Sistematikong Sampling-
plano para sa pagpili ng
mga miyembro matapos na
mapili nang parandom ang
simula.
I B A ' T- I B A N G U R I N G N O N - R A N D O M S A M P L I N G :

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


Convenience Sampling-
Batay sa kaluwagan ng
mananaliksik o ang
accessibility nito sa
nagsasaliksik.
I B A ' T- I B A N G U R I N G N O N - R A N D O M S A M P L I N G :

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


Purposive Sampling-
Ginagamit batay sa
panghuhusga at kaalaman ng
mananaliksik upang makuha
ang representiveness ng
populasyon.
INSTRUMENTO NG
PANANALIKSIK
3. SA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK, INILALARAWAN

ANG PARAANG GINAGAMIT NG MANANALIKSIK SA


PANGANGALAP NG MGA DATOS AT IMPORMASYON.
INIISA-ISA RITO ANG MGA HAKBANG NA KANYANG
GINAGAWA AT KUNG MAAARI, KUNG PAANO AT BAKIT
NIYA GINAGAWA ANG BAWAT HAKBANG. SA BAHAGING
ITO, MAAARING MABANGGIT ANG INTERBYU O
PAKIKIPANAYAM, PAGKO-CONDUCT NG SARBEY AT
PAGPAPASAGOT NG SARBEY-KWESTYONEYR SA MGA
RESPONDENTE AT NILANG PINAKAKARANIWAN AT
PINAKAMADALING PARAANG APLIKABLE SA ISANG
DISKRIPTIB-ANALITIK NA DISENYO.
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
MGA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK:

1. Surbey o survey questionnaire -


Ito ay isang listahan ng mga
tanong na ipinapadala sa mga
respondent upang malaman ang
kanilang opinyon, karanasan, o
pananaw tungkol sa isang
partikular na paksa.
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
MGA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK:

2. Focus group discussion (FGD) -


Ito ay isang paraan ng
pananaliksik kung saan binubuo ng
isang moderator at isang grupo ng
mga respondent na binibigyan ng
pagkakataon na magbahagi ng
kanilang mga karanasan, opinyon
at pananaw tungkol sa isang
partikular na paksa.
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
MGA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK:

3. Case study - Ito ay isang


detalyadong pag-aaral tungkol sa
isang partikular na indibidwal,
grupo, organisasyon, o sitwasyon.
Ginagamit ito upang masuri at
maunawaan ang mga salik na
nakaaapekto sa partikular na kaso.
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
MGA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK:

4. Observation - Ito ay isang


paraan ng pag-aaral kung saan ang
mananaliksik ay nagmamasid ng
mga pangyayari, kilos, o gawi ng
mga respondent upang malaman
ang kanilang mga karanasan at
pananaw tungkol sa isang
partikular na paksa.
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
MGA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK:

5. Interview - Ito ay isang paraan


ng pananaliksik kung saan ang
mananaliksik ay nakikipag-usap sa
mga respondent upang malaman
ang kanilang mga karanasan,
opinyon, at pananaw tungkol sa
isang partikular na paksa.
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
MGA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK:

6. Test - Ito ay isang paraan ng


pananaliksik kung saan ang mga
respondent ay pinapagawa ng mga
test upang malaman ang kanilang
mga kakayahan, kasanayan, at iba
pang mga katangian.
TRITMENT NG MGA DATOS

4. Sa
Tritment ng mga datos inilalarawan
kung anong estadistikal na paraan ang
ginagamit upang ang mga numerikal na
datos ay mailarawan. Dahil itoy isang
pamanahong papel lamang, kailangang
gumamit ng mga komplikadong
estadistikal tritment. Sapat na ang
pagkuha ng porsyento/bahagdan matapos
mai-tally ang mga kasagutan sa
kwestyoneyr ng mga respondente.
TRITMENT NG MGA DATOS
Ang mga sumusunod na istatistikal na pamamaraan ay ginamit upang bigyang-kahulugan ang mga datos na
nakalap mula sa mga respondente ng pag-aaral.

1. Simpleng Porsyento (simple Precentage).


Ang mga variable ng demograpikong profile ng mga respondente
ay sinuri gamit ang simpleng porsyento na may sumusunod na
pormula:
F P= (100)
P = Porsiyento
F= frequency para sa bawat kategorya
N = Kabuuang bilang ng mga repondente
100 = constant multiplier
TRITMENT NG MGA DATOS
Ang mga sumusunod na istatistikal na pamamaraan ay ginamit upang bigyang-kahulugan ang mga datos na
nakalap mula sa mga respondente ng pag-aaral.

2. Weighted Mean.
Ginamit ang statistical tool na ito upang makalkula ang bigat ng mga sagot sa
talatanungan na itinalaga ng mga respondente sa panahon ng aktwal na
pamamaraan ng pangangalap ng datos.
Ang formula para sa weighted mean ay ang mga sumusunod:
WM = ΣFΝ
N
WM = Weighted mean
Σ = simbolo ng pagbubuod (summation symbol
F = frequency para sa bawat opsyon
W = Nakatalagang timbang (weight)
N = Kabuuang bilang ng mga frequency
ESTILONG A.P.A.
ESTILONG A.P.A.
Dati-rati footnoting o pag gamit ng talababa ang
pinakagamiting paraan ng dokumentasyon ng mga
mananaliksik. Sa ngayon, mas pinipili na ng marami
ang paraang iminungkahi ng American Psychological
Association (A.P.A.) o ng Modern Language
Association (M.L.A.). Ito ang tinatawag na talang-
parentetikal (parenthetical citation) na higit na
simple at madaling gawin kaysa footnote, bukod pa sa
nagagawa nitong maging tuloy-tuloy ang daloy ng
teksto sa pagbabasa.
FOOTNOTING
Ang footnoting ay ang pagbibigay ng pahayag o
impormasyon sa ibaba ng isang pahina sa
pamamagitan ng bantay na numero o marker. Ito ay
isang paraan ng paglalagay ng impormasyon o
sanggunian upang suportahan o patunayan ang
mga nakalap na datos.
Sa M.L.A., pangalan (apelyido) ng
awtor at bilang ng pahina (ng akda
kung saanmatatagpuan ang ideya,
datos o impormasyong hiniram) ang
inilalagay sa loob ngparentesis.
Samantala, iba naman ang sa A.P.A.
Narito ang mga
pangkalahatangtuntunin sa paggamit
ng dokumentasyon sa estilong A.P.A.:
1. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


mismong teksto, taon nalamang ng publikasyon
ang isulat sa loob ng parentesis.

Ayon kay Nunan (1977), mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral


ng dayuhang wika. Ngunit sa pag-aaral ng katutubong wika,
binibigyan ng higit na pansin sa mga paaralan ang paglinang sa
kakayahan sa pagbasa at pagsulat..Kung si Nunan ay may mga
ko-awtor (dalawa o higit pa), kailangangmay et al. matapos ang
kanyang pangalan at sa kuwit na naghihiwalay dito,bago ang
taon ng publikasyon na nasa loob ng parentesis.
2. Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong
teksto, banggitin ito sa hulihanng pangungusap

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


kasama ang taon ng publikasyon.Paghiwalayin
ang dalawang entris sa loob ng parentesis sa
pamamagitanng kuwit (,).

Ang lingua franca ay ang wikang ginagamit ng mga taong may


iba'tibang katutubong wika upang sila'y magkaunawaan
(Wardaugh, 1986).
3. Kung dalawa ang awtor, banggitin ang

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon.

Inamin ng mga guro ng Oral Communication sa Estados


Unidos naniya ang isang tipikal na mag-aaral sa kolehiyo ay
pinakukuha ng mga kurso sapagbasa, pagsulat at pagsasalita,
ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong kumuha
ng kurso sa pakikinig (Seiler at Beall 2002).

Inamin nina Seiler at Beall (2002), mga guro ng Oral


Communicationsa Estados Unidos, na ang isang tipikal na
mag-aaral sa kolehiyo ay pinakukuha ng mga kurso sa pagbasa,
pagsulat at pagsasalita, ngunit iilanlamang ang nagkakaroon ng
pagkakataong kumuha ng kurso sa pakikinig.
4. Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi
nabanggit ang pangunahing awtor sa mismong

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


teksto, banggitin na lamang ang unang awtor sa
loob ng parentesis at sundan ng et al. bago ang
taon ng publikasyon.

Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang


pangwika ayhindi pinaghihiwalay kundi nililinang sa
integratibong paraan (Bernales,et al, 2001).
5. Kung may babanggiting dalawa o higit pang
awtor na pareho ang apelyido,banggitin ang

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


inisyal ng mga awtor bago ang kani-kaniyang
apelyido at sundan ng taon ng publikasyon.

Ang pananaliksik...ay pangangalap ng mga datos sa masinop


atkontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at
eksplanasyon (E.Trece at J.W. Trece, Jr., 1977).

Ayon kina T. Trece at J.W. Trece. Jr. (1977). ang pananaliksik


aypangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong
sitwasyon para salayunin ng prediksyon at eksplanasyon.
6. Kung pamagat lamang ang abeylabol na
impormasyon, banggitin ang pinaikling bersyon

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


ng pamagat at sundan ng taon ng publikasyon.
Ipaloobang pinaikling pamagat sa panipi o di
kaya'y iitalisado ang tipo ng font.

Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at


mamahalaregular na publikasyon na sumasalamin ng
responsableng pamamahayag atng misyon-bisyon ng Kolehiyo
(CSB Student Handbook, 1996).

Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at


mamahala ngregular na publikasyon na sumasalamin ng
responsableng pamamahayag atng misyon-bisyon ng Kolehiyo
("CSB Student Handbook", 1996).
7. Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang
may higit sa isang bolyum,banggitin ang bilang

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


ng bolyum kasunod ng pangalan ng awtor o
mgaawtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting
bantas upang paghiwalayin ang unang entri sa
taon ng publikasyon.
Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas, muling ipinahayag
niMabini ang kanyang paghihimagsik. Isinulat niya ang El
Liberal na isang panunuligsa sa mga bagong mananakop
(Bernales 4: 2002).
8. Kung may babanggiting dalawa o higit pang
akda ng iisang awtor, banggitin na lamang ang

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


mga akda at paikiliin hangga't maaari. Ipaloob
sa panipi o iitalisado ang mga pamagat.

Sa mga aklat ni Bernales (Sining ng Pakikipagtalastasan at


Mabisang Komunikasyon), tinukoy ang mga pangunahin at
unibersal na katangian ng wika.

Sa mga aklat ni Bernales ("Sining ng Pakikipagtalastasan"


at"Mabisang Komunikasyon"), tinukoy ang mga pangunahin at
unibersal nakatangian ng wika.
9. Kung ang datos mula sa isang awtor ay
nakuha mula sa akda ng ibang awtor,dapat

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


banggitin ang dalawa.

Tinukoy ni Halliday (1961; sa Bernales, et al., 2000) ang pitong


tungkulin ng wika.

May pitong tungkulin ang wika (Halliday, 1961; sa Bernales, et


al.,2000).
10. Kung ang datos o impormasyon ay hango sa
internet, banggitin na lamangang link kung
walang awtor. Kung batid ang awtor, banggitin

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


din ang awtor.

Ayon sa campus.muraystate.edu, pangunahin sa mga hakbang


sapananaliksik ang pagtukoy sa suliranin.

Pangunahin sa mga hakbang sa pananaliksik ang pagtukoy sa


suliranin(campus.muraystate.edu)

Sa www.humankinetics.com, walo ay tinukoy na hakbang ni


Blankenship sa pagsasagawa ng pananaliksik.

May walong tinukoy na hakbang sa pagsasagawa ng


pananaliksik(Blankenship, www.humankinetics.com)
THANK YOU

You might also like