You are on page 1of 41

LAYUNIN:

natukoy ang mga uri ng datos, pamamaraan ng


pangangalap ng datos, paraan ng presentasyon
ng mga datos at mga dapat tandaan sa pagbuo
ng survey-questionnaire (uri ng mga tanong)
nabibigyang-halaga ang gamit ng paksang
tinalakay sa mga mananaliksik at komunidad o
lipunan
nakabuo ng isang halimbawa ng survey
questionnaire
MGA URI
NG DATOS
URI NG HANGUAN
NG MGA
IMPORMASYON O
DATOS
HANGUANG PRIMARYA
Galing sa direktang hanguan o indibidwal,
awtoridad o organisasyon.
SEKUNDARYANG
HANGUAN
Kung saan tinutukoy ang mga hanguang aklat,
artikulo, mga naunang pag-aaral na tesis,
disertasyon, pananaliksik’mga manwal at iba pa.
Apat na aspeto na dapat pagtuunan ng
pansin sa pangangalap ng datos ng
isang mananaliksik
1.General references
works(encyclopedia, diksyunaryo at
iba pang hawig nito)
2.Library catalog(para sa mga aklat)
3.Indexes at databases(para sa
periodicals)
4.Search engines and subject
directories(para sa materyales sa web
HANGUANG ELEKTRONIKO
Ang datos/impormasyong makukuha sa
online ay maaring maituring na primarya o
sekondarya.
Domain ng mga hanguang online
1).com(komersyal)-ang sites na ito ay
ipinatatakbo ng mga mangangalakal
2).edu(edukasyunal)- ang sites na ito ay
pinatatakbo ng mga kolehiyo o
unibersidad o mga nasa akademya.
3).gov(gobyerno)- ang ganitong sites ay
pinatatakbo ng mga sangay ng gobyerno.
4).net(network)- madalas, ang ganitong mga
sites ay pinatatakbo ng ilang negosyante
ng imprastraktura na serbisyo tulad ng
mga internet providers.
5).org(organisasyon)-kadalasan,
ipinatatakbo ang sites na ito ng non profit
na grupo o organisasyon.
Paalala sa pagpili ng
impormasyon:
1. Dapat ang impormasyong makukuha ay
naipaliwanag nang maigi at nasurportahan
ng mga ideya.
2. Ang mga impormasyon sa website ay hindi
naa-access at nae-edit ng kung sino
lamang.
3. Isaalang- alang ang kredensyal ng
sumulat/website at kung wala bang
pagkiling sa ideya.
PAMAMARAAN NG
PANGANGALAP
NG DATOS
Interbyu
Isang uri ng pangangalap ng datos sa
pamamagitan ng kumbersasyon o ng pagtatanong
ng ilang mga punto na nauukol sa paksa ng
pananaliksik.

Batay kina Bradley at Harrell, ang mga


pamamaraang ito ay madalas na harapan o sa
pamamagitan ng isang telepono nagaganap ang
interaksyon.
Survey- questionnaire
Ang isang sarbey ay
isang tiyak na mga
katanungan na
maaring maisagawa sa
pamamagitan ng isang
papel at panulat ng
isang web o sa
pamamagitan ng isang
interbyu na mga iskrip.
Mga dapat tandaan sa
pagbuo ng survey
questionnaire
 Dapat na sasapat sa populasyon ng
pananaliksik ang mga respondanteng
mapipili.
 Nararapat na structured ang mga
katanungan kung saan ay
makakakuha ng datos ang mga
mananaliksik na masususkat sa
pamamagitan ng isang kompyutasyon
sa kwantitatibong pamamaraan.
 Nararapat na ang mga katungan ay close-
ended nang sa ganoon ay di magkakaroon
ng pagkakataon ang mga respondante na
magpaliwanag ng kanilang mga kasagutan.
 Sa simpleng pagkuha ng porsyento o tally
sa mga datos na pamamaraan ng
pananaliksik, at sikaing maiwasang
gumamit ng mga open-ended a mga
katanungan.
 Ang mga katanungan tulad ng
income,paggamit ng droga at iba pang mga
sensitibong katanungan ay nararapat na nasa
hulihang bahagi ng talatanungan.
 Ang sarbey na katanungan ay may nakalakip
na lihim para sa paghingi ng pahintulot sa mga
respondante sa pagsagot sa nasabing sarbey
na talatanungan, sa liham ay dapat na
nakasaan ang paksa ng
pananaliksik:kasiguraduhan ng
kumpidensyaliti ng mga datos na makakalap at
sa mga impormant.
 Tiyakin na maayos ang gramatika,
instruksyon sa pagsagot ng talatanungan,
at kung maari ay ipaapruba muna sa guro
ang nasabing sarbey na talatanungan
 Ipa apruba muna sa guro ang mga
nasabing surbey-questionnaire bago
ipamahagi at pasagutan sa mga
respondante.
Paraan ng
presentasyon ng
mga datos
Paraan ng presentasyon
ng mga datos
Sa pangkalahatan dalawa
ang pamamaraan ng
pagbibigay interpretasyon
sa mga datos, ang tabular
at tekswal.
Ang tabular na presentasyon
aymadalas na katatagpuan bg ibat
ibang pamamaraan, tulad ng paggamit
ng piktograph, bar graph, sketch o mga
mapa at sa pag pili ng isang tabular na
paliwanag mahalagang maisaalang-
alang kung anong presentasyon ang
angkop sa datos na ilalarawan o
ihaharap.
Mga dapat tandaan sa tabular
na presentasyon:

 May leybel na bilang ng grap bago


ang aktwal na grap/tsart/talahayan.
 Nakapaloob sa kahon ang buong
grap/tsart/talahayan.
 May pamagat ang grap/tsart/talahayan kung
tungkol saan ang iinterpret na datos.
 Porsyento o bahagdan ng interpretasyon
ng mga datos na ipapakita sa
grap/tsart/talhayan.
 Leyenda na siyang pagkakakilanlan ng mga
datos na iinterpret.
Mga dapat tandaan sa tekstwal
na paliwanag
 Nasa unahan palagi ang tabular na
presentasyon bago ang tekstwal
na paliwanag.
 Iisang talata lamang hannga’t
maari.
 Kung ano ang nasa loob ng tabular na
paliwanag, iyon lang din dapat ang
nakapaloob sa tekstwal na paliwanag.
 Iwasang magbigay ng konklusyon kung
bakit nagkaroon ng ganito/ganoong resulta.
 Huwag kakalimutang maglalahad ka lamang
ng datos kung ano ang resulta at himdi
magbibigay ng konklusyon.
GAWAIN 1:
PAGBUO NG ILANG HALIMBAWA NG
SURVEY-QUESTIONNAIRE
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

Nilalaman 10
Pagkakahanay 10
Balarila 10
KABUUAN 30
GAWAIN 2:
PAGBUO NG AKMANG GRAPO O TABULAR
AT LAGYAN NG PALIWANAG NA TEKSTWAL
batay sa ginawang survey-questionnaire
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
Nilalaman 10
Pagkakahanay 10
Balarila 10
KABUUAN 30
TAKDANG-ARALIN:
Magsaliksik ng limang (5)
halimbawa ng survey-questionnaire
na ginamitan ng iba’t ibang estilo o
format ng mga katanungan at
paghambingin ang mga ito.

You might also like