Professional Documents
Culture Documents
A. Disenyo ng Pananaliksik
Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptong
metodolohiya ng pananaliksik. Isa sa mga uri na gagamitin ng mananaliksik
ay “Quantitative Survey” upang makalikom ng datos. Naniniwala ang
mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang pagbabawal ng
takdang-aralin. Makatutulong ang pangangalap ng datos sa mga
respondent ng mga mag-aaral ng Grade 12- Accountancy, Business, and
Management ng Notre Dame of Midsayap College.
D. Instrumento ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o survey
questionaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na
magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang
pangkat: ang profile at ang sarbey ukol sa paksang pinag-aaralan. Ang
sarbey ay nagbibigay ng iba’t – ibang persepsyon sa mga mag-aaral kung sa
papaanong paraan makakatulong ang “ No Homework Policy” sa
Accountancy, Business , and Management-12.