You are on page 1of 6

Pamantasan ng Katimugang Mindanao

Paaralang Panggradwado
Kabacan, North Cotabato

(Ed 602 Methods of Research in Language)


DR. SHANDRA C. GONSANG

Paksa: Kabanata III Metodolohiya: (Mga Kalahok, Instrumento ng pag-aaral, Tungkulin ng


Mananaliksik, Paraan ng pangangalap ng Datos, Paraan ng Pag-aanalisa ng Datos,
Konsiderasyong Etikal at Awtentisidad ng Pag-aaral)

Sa kabanata ng Metodolohiya makikita ang maikling paliwanang ukol sa paraan o estratehiya


ng pagsulat ng riserts, inilalahad dito kung paano isinagawa ng mananaliksik ang kanyang gagawin
/ ginawang pag-aaral, mula sa disenyo ng pag-aaral , pagpili ng respondent / impormante hanggang
sa pamamaraan ng pangangalap at pag-aanalisa ng mga datos na maaring kakalapin o nakalap na.
Kaakibat din nito ang tungkulin ng isang mananaliksik at mga konsiderasyong etikal sa pangangalap
ng datos at ang pagsukat sa usapin ng balidad at relayabilidad upang makita ang kahusayan ng
isang pananaliksik.

 Mga Kalahok

Binabanggit dito ang mga respondent o impormante ng pag-aaral, inilalarawan sila, ang kabuuang
bilang nila at kung paano at bakit sila ang napili.

 Respondente- ginagamit ang terminong ito kapag ang pag-aaral ay kwantitatibo


 Impormante- ginagamit ang terminong ito kapag ang pag-aaral ay kwalititatibo
May iba’t ibang estratehiya sa pagpili ng respondente o impormante sa isang pananaliksik, ito ang
mga sumusunod:

 Sa Kwalitatibong pag-aaral ay may dalawang pinakagamitin na “sampling techniques” ito


ang purposeful at convenience sampling
Purposeful Sampling: Also known as purposive and selective sampling, purposeful sampling is a
sampling technique that qualitative researchers use to recruit participants who can provide in-depth
and detailed information about the phenomenon under investigation. It is highly subjective and
determined by the qualitative researcher generating the qualifying criteria each participant must meet
to be considered for the research study

Convenience Sampling: This is a sampling technique that qualitative researchers use to recruit
participants who are easily accessible and convenient to the researchers. Oftentimes this may
include utilizing geographic location and resources that make participant recruitment convenient.

 Ilan pa sa mga halimbawa ng sampling techniques na ginagamit sa kwalitatibong pag-aaral


ay ang mga sumusunod:
 snowball sampling- is where research participants recruit other participants for a test
or study. It is used where potential participants are hard to find.
 quota sampling-

o Tell the reader how you chose the informants for your study - Usually, 'purposive sampling' is used
because the informants are available, convenient and most importantly represent characteristics you
want to study (Silverman, 2000)
 Sa pagpili ng mga kalahok sa isasagawang pag-aaral kinakailangang ilahad kung bakit siya
ang napili.
Halimbawa:
Purposive sampling ang ginamit ko sa pagpili ng impormante sa pag-aaral dahil, ang impormante ay
malapit lang, madaling hanapin at nagtataglay ng katangian na angkop bilang isang kalahok ng pag-
aaral.
Halimbawa:
(insert pics)

 Instrumento ng Pag-aaral

 Inilarawan ang paraang ginamit sa pangangalap ng datos at impormasyon.


 Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung papaano at bakit niya ginawa ang
bawat hakbang;
 Sa bahaging ito maaring mabanggit ang interbyu, pagka-conduct ng sarbey at pagpapasagot
ng talatanungan sa mga respondent bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraan.
 Inilahad din dito ang mga bahaging nakapaloob sa instrument (kwestyuner) maging ang
interbyu/ pakikipanayam na isinagawa.
Halimbawa: Kapag gumamit ka ng pakikipanayam sa pag-aaral, gagamit ka ng mga gabay na
katanungan, sa bahaging ito ay ilahahad mo sa mga mambabasa kung ano uri ng pakikinayam ang
ginamit mo at talakayin ang ibat’ ibang uri nga mga tanong na nakapaloob sa gabay na katanungan
at kung maari ay magbigay ka ng mga galibawa sa bawat katanungan upang lubos na maunawaan
ng kalahok sap ag-aaral.

Tatlong Pangunahing Pinagkukunan ng Datos

1.Talatanungan
Ginagamit ng mananaliksik kung saan ay sinusulat ang mga tanong at pinapasagutan
sa mga respondent nito. Ito ang pinakamadaling paraan ng pangangalap ng datos.
Dalawang uri ng Talatanungan
 Open-ended- ang mga respondent ay Malaya sa pagsagot
 Close ended- uri ng talatanungan na may pagpipilian.
2.Pakikipanayam
Ito ay isinasagawa kung possible ang interaksyong personal

Dalawang uri ng Pakikipanayam


 Binalangkas na Pakikipanayam o Structured Interview

Ang mga tanong ay nakalahad nang tiyak sa permaanenteng listahan o tinatawag din
itong gabay sa pakikipanayam o interview guide.
Ang nakikipanayam ay nagtatanong nang walang labis at walang kulang ayon sa
pagkakasunod-sunod sa listahan. Kung susundin ang pamantayan, minsan lamang
niya ibibigay ang tanong, hindi siya dapat lumayo sa pagkakaayos at hindi
magtatanong ng karagdagang katanungan.
 Di-binalangkas na Pakikinayam o Unstructured Interview

Bagamat ang kumakapanayam ay may listahan ng mga tanong, hindi niya kailangang
sundin ang pagkakasunod-sunod ng mga ito, bukod doon, Malaya niyang ulitin ang
tanong at tumatalakay pa sa iba pang punto na inaakala niyang makakatulong at
kapaki-pakinabangang.
3.Obserbasyon
Kinakapalooban ito ng obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong pinag-aralan. Ang
mananaliksik ay nakatugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang
pinakamabuting paraan para makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid.

Dalawang uri ng Obserbasyon


 Di-pormal na obserbasyon
Itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon
 Pormal na Obserbasyon o structured observation
Itinatala rito kung ano lamang ang nais sa obserbasyon at ang mga posibleng
kasagutan ay binalangkas.limitado lamang ang mga impormasyon.
 Tungkulin ng Mananaliksik
Tulad ng anumang gawain, ang pananaliksik ay isang malaki at mabigat na responsibilidad. May
mga katangian, pagpapahalaga at konsiderasyong dapat malaman at mabigyang halaga ng
mananaliksik

Sa pangangalap ng datos,tungkulin ng mananaliksik ang mga sumusunod:

Sa pakikipanayam

 Humimgi ng pahintulot sa kinauukulan sa lugar na pagdarausan ng pag-aaral sa


pamamagitan ng pormal na liham;
 Bago ang isasagawang panayam o pamimigay ng talatanungan ay dapat humingi
muna ng pahintulot sa mga kasaling kalahok bago isagawa ang panayam.
Mga dapat Tandaan sa Panayam

Bago ang panayam:

1. Tiyakin ang taong kakapanayamin


2. Makipag-ugnayan sa kakapanayamin at itakda ang petsa at lugar ng panayam.
3. Magsaliksik tungkol sa paksa at taong kakapanayamin
4. Maghanda ng gabay na mga tanong
Aktuwal na Panayam

1. Dumating sa takdang oras at lugar ng panayam


2. Magpakilala sa kakapanayamin at bigyan siya ng malinaw na background tungkol sa paksa
at layon ng panayam.
3. Isagawa ang panayam sa
Pagkatapos ng Panayam:

1. Gawan ng wastong identipikasyon ang file na ginamit sa pakikipanayam; gayundin ang mga
tala
2. Gawan ng transkripsyon ang file ng panayam.

 Paraan ng Pangangalap ng Datos


Inilahad ditto ang hakbang na isinagawa—kung papaano at bakit ginawa ang bawat hakbang.

 Ang pamaraan ng pananaliksik ay nararapat na ibagay sa layunin ng pananaliksik.


Tinatalakay ang ginamit na paraan ng mananaliksk sa pagsagawa ng sulatin.
 Kasama ang dahilan ng pagkakapili ng naturang uri o paraan ng pananaliksik at maging ang
mga natagpuang kalakasan at kahinaan ng nasabing pamamaraan para sap ag-aaral
Insert examples (pics of thesis)

 Paraan ng Pag-aanalisa ng Datos


Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang hakbang sap ag-aanalisa ng datos na nakalap,
ilahahad din ditto ang estratehiyang ginamit, bakit ito ang ginamit at ano ang kahulugan nito sap ag-
aaral.
 Konsiderasyong Etikal

Sa paglalahad ng pamamaraan ng pangangalap ng datos sa bahaging metodolohiya ay


isinasaalang-alang din ang etikal. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

 Huwag kumuha ng datos kung hindi pinayagan o walang permisyo


 Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na kung negatibo ang mga ito
o makakasirang puri sa taong iniinterbyu.
 Huwag kang mag-shortcut
 Huwag kang mandaya.
 Dapat lagging tapat ang ilalahad na mga pamamaraan sa pangangalapa ng datos

 Laging tandaan na sa seksyon ng metodolohiya, ipinapaalam sa mga mambabasa kung ano


ang ating ginawa. Anumang pagkakamali o kakulangang natuklasan sa pagsasagawa ng
riserts ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at anumang resulta dala ng limitasyong ito ay
dapat maitala ng buo

 Awtentisidad ng Pag-aaral

Talasanggunian:

https://www.statisticssolutions.com/qualitative-sampling-techniques/

https://www.statisticssolutions.com/the-art-of-the-semi-structured-interview-part-1-developing-
an-effective-interview-protocol/

https://www.statisticssolutions.com/beginning-the-dissertation-process-the-importance-of-the-
methodology/

http://www.emgo.nl/kc/qual-data-collection/
https://repository.up.ac.za/bitstream/handle/2263/25564/03chapter3.pdf?sequence=4&isAllowed=y

http://valmikiacademy.com/writing-chapter-3-methodology-qualitative-research/

[source: A. Langen (200). Chapter 3 Research Design and Methodology.


http://www.ais.utm.my/researchportal/files/2015/02/Example3-Res-Design.pdf]
https://www.statisticssolutions.com/what-is-credibility-in-qualitative-research-and-how-do-we-establish-it/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3312514/
https://ori.hhs.gov/education/products/n_illinois_u/datamanagement/datopic.html
Inihanda ni:

Shiela A. Jalmani

Pangalan ng mag-ulat: SHIELA A. JALMANI

Paksa: Kabanata III Metodolohiya: (Mga Kalahok,instrument ng pag-aaral,tungkulin ng


mananaliksik, paraan ng pangangalap ng datos, paraan ng pag-aanalisa ng datos, konsiderasyong
etikal at awtentisidad ng pag-aaral)

Petsa: ___________________

ANG RUBRIK O PANUKATAN SA PASALITANG PAG-UULAT ( REPORTING)


KRAYTERYA Kaukulang Iskor
Puntos

Malinaw na pagpapaliwanag sa mga konseptong inilalahad 30

Nabibigyang diin ang mga mahalagang punto ng isang paksa 20

Napapanatili ang interes ng mga tagapakinig sa pakikinig 10

Nakapagbibigay ng angkop na halimbawa sa bawat konsepto 10

Nasasagot nang tama ang tanong ng guro at mga kamag-aral 10

Tatlo o higit pa ang ginagamit na sanggunian ng paksang ulat 10

Tama at sapat sa mga kamag-aral ang bilang ng hand-outs 10

KABUUAN 100%

Inihanda ni:

SHANDRA C. GONSANG, Ph.D


Propesor

You might also like