You are on page 1of 32

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t

Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik

Ikaapat na Markahan – Modyul 1


LAYUNIN, GAMIT, METODO AT METODO
AT ETIKA NG PANANALIKSIK
ALAMIN
Magandang araw! Kumusta ka?
Maraming kinakaharap na suliranin ang mga tao sa kasalukuyang
panahon. Ilan dito ay mga suliraning umuusbong sa iba’t ibang larangan
o disiplina. Ang mga bagay na ito ay nangangailangan ng maingat,
kritikal at sistematikong pag-aaral para makatuklas ng solusyon. Kaya
naman, ang mga gawaing matutunghayan mo sa modyul na ito ay
makatutulong sa iyo kung paano suriin ang ilang halimbawang
pananaliksik batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik.
ALAMIN
Dahil dito, matutuklasan mo rin kung ano ang dapat gawin bilang isang
mananaliksik sa pagsasagawa ng iyong pananaliksik. Bilang isang mag-aaral,
mahalagang mahasa ang iyong kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik dahil
makatutulong ito hindi lamang sa iyong pag-aaral kundi pati na rin sa iyong
pakikibaka sa iyong mga suliranin sa buhay lalo na’t kung hindi ito agad
mabigyan ng solusyon.
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:
• Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,
gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB IVab – 100)
MGA TIYAK NA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay;
1. Natutukoy ang layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik;
2. Nasusuri ang halimbawang pananaliksik batay sa layunin, gamit,
metodo at etika ng pananaliksik; at
3. Naisaalang-alang ang wastong paraan ng pagsusuri ng pananaliksik
nang may maingat na paghimay-himay sa pagbuo ng isang sulatin.
SUBUKIN
A. Panuto: TAMA o MALI. Basahing mabuti ang bawat pahayag sa ibaba.
Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi.
Isulat ito sa iyong kuwaderno.
TUKLASIN
Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng pananaliksik ang sumusunod na mga
halimbawa. Piliin ang sagot mula sa kahon sa ibaba.
Layunin, Gamit, Metodo at Etika ng
Pananaliksik
Ang pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino ay pagbibigay kasagutan sa mga umiiral
na problema at pag-aanalisa ng mga tiyak na datos sa paggawa ng mga angkop na
solusyon. Ito ang prinsipyo na ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay
ng isang buong pag-aaral. Dito hinihimay ang paksa sa mas maliit na bahagi at
mauunawaang mainam ang bawat detalyeng nakapaloob dito.

Nilalayon ng pagsusuri ng pananaliksik na makakita ng mga balangkas sa


pagbuo ng isang saliksik.
May apat na bahagi ang pagsusuri ng
pananaliksik:
1. Layunin
2. Gamit
3. Metodo
4. Etika
1. Layunin

Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng


pananaliksik o kung ano ang ibig matamo
pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa
napiling paksa.
Layunin

Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa


pamamagitan ng pananaliksik. Ito ang tinutukoy na
adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok,
maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. Isinusulat ito
bilang mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o
matutupad ang mga tanong sa pananaliksik.
Pagbuo ng Layunin

A. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na


nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gagawin
B. Makatotohanan o maisasagawa
C. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng
mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bilang
tugon sa mga tanong sa pananaliksik
2. Gamit

Isinasagawa ang pananaliksik upang


tumuklas ng mga bagong kaalaman at
impormasyon na magiging kapaki-
pakinabang sa mga tao.
Gamit ng Pananaliksik
Isang halimbawa ang bagong lumabas na datos na malaki ang
posibilidad na maging malilimutin ang isang tao batay sa dalas ng
kaniyang paggamit ng smartphone at internet.
Ayon sa pag-aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang
kaugnayan ang pagbababad sa internet at paggamit ng
smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya ng isang
tao.
Gamit ng Pananaliksik

A. Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng


bagong interpretasyon ang lumang impormasyon.
B. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang
pinagtatalunang isyu.
C. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang
patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o idea.
3. Metodo

Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha


ng datos at pagsusuri sa piniling paksa.
Metodo

Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong


gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng
pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan
ang instrumento.
4. Etika

Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga


etikal na isyu sa iba’t ibang bahagi ng proseso ng
pananaliksik.
Etika ng Pananaliksik

A. Pagkilala sa pinagmulan ng mga idea sa pananaliksik.


B. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
C. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa
pagkakakilanlan ng kalahok
D. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
PAMPROSESONG TANONG

1. Ang pagbuo ng pananaliksik ay may sinusunod na


hakbang. Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga ito?

2. Bakit kailangang tukuyin ang layunin, gamit, metodo


at etika sa pagsusuri ng isang pananaliksik?
Salamat sa pakikinig!
PAGYAMANIN
ISAISIP
Ang layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik ay
mga mahahalagang sangkap sa pagbuo ng isang
akademikong sulatin. Ginagamit ito sa pagsusuri ng mga
sulatin upang mabigyan ng angkop na katuturan ang isang
pangyayari lalong-lalo na kapag ito ay nangangailangan ng
interpretasyon sa mga datos na nakalap. Makapagbibigay
din ito ng mainam na solusyon upang mapaunlad ang isang
proyekto o gawain.
ISAGAWA
Panuto: Gumawa ng isang pagsusuri mula sa abstrak ng
pananaliksik ni Arlene L. Decipolo na pinamagatang, “Ang Bisa
ng Palit-koda sa Pagtuturo ng Filipino, Araling Panlipunan at
Edukasyon sa Pagpapakatao sa Baitang 7 ,” batay sa layunin,
gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Sundin ang pormat na
makikita sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
TAYAHIN

Panuto: TAMA o MALI. Basahing mabuti ang bawat


pahayag sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA kung ang
pahayag ay wasto at MALI kung hindi. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.

You might also like