You are on page 1of 2

🧩PAGYAMANIN

•PAGSASANAY 1

1. Ano-ano ang bahagi ng konseptong papel? Balut mahalaga ang bawat bahagi nito?

●Ang mga bahagi ng konseptong papel ay Pahinang Nagpapakita ng Paksa, Kahalagahan ng Gawaing
Pananaliksik(Rationale), Layunin, Metodolohiya, Inaasahang Awtput o Resulta, at Sanggunian. Ang
bawat bahagi ay batayang tuntungan sa pagbuo ng pananaliksik. Nagsisilbing gabay ito o nagbibigay
direksyon sa mga gagawin ng mananaliksik.

2.Bakit mahalaga ang feedback at munglahing guro sa pagbuo ng isang konseptong papel?

●Kung ikaw ay baguhan, ang feedback ay makakatulong sayo upang maisaayos ang bawat mali sa
iyong gagawing konseptong papel.

🧩ISAISIP

Sagot:

1. Ano ang kahalagahan ng konseptong papel sa pananaliksik?

Ang konseptong papel ay mahalaga sa isang pananalisik sapagkat ito ay nag sisilbing taga organisa at
taga balangkas ng mga ideya sa gagawing pananaliksik. Bukod dito, makakatulong rin ang konseptong
papel upang lalo pang maisayos at matuguna ang mga nakaambang problema at kakulangan na maaring
harapin sa pag gawa ng pananaliksik

2. Ibigay ang bahagi ng konseptong papel at ilahad ang gagawin sa bawat bahagi nitó?

• Pahinang nagpapakita ng paksa – naglalarawan ng pinakabuod ng manuskito

• Rationale – ito ay bahagi na nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang
isang paksa

• Layunin – bahagi na mababasa ang hangarin o nais na makamit ng pananaliksik base sa paksa na
napili

• Metholohiya – Dito inilalahad ang pamamaraan na gagamitin ng isang mananaliksik sa pangangalap


ng datos

• Inaasahang output o resulta – inilalahad dito ang inaasahang kalalabsan o resulta ng pananaliksik

• Sanggunian – sa bahaging ito inililista ang sanggunian ginamit sa pagkuha ng paunang mga
impormasyon, nabanggit sa mga kaugnay napag-aaral.

3. Ano ang dapat isagawa kapag ang konsepto ay malawak? Bakit?


Kung ang isang konsepto ay malawak pa, dapat itong paikliin at gawin espisipiko dahil dapat ang
gagawing paksa sa pananaliksik ay nakatuon lamang sa iisang kosepto. Kung ang konsepto ay malawak,
mahihirapan ang mga mananaliksik na kumuha ng isang paksa na pagtutuunan.

4. Ano ang dapat gawin ng isang mananaliksik upang maging maganda ang kinalabasan ng kaniyang
gagawing konseptong papel?

Unang una ay dapat natukoy niya na ang paksa na kanyang gagamitin. Dapat rin ay konkreto na ang
kanyang layunin sa gagawing paksa ang ang pinaka mahalaga ay dapat nakapag saliksik na siya ng mga
impormasyon ukol sa kanyang paksa lalong lalo na sa mga pamamaraan na gagamitin, mga instrumento
at iba pa na maaring makita ng mananaliksik sa iba pang mga pag aaral na may kaugnayan sa paksang
napili.

You might also like