You are on page 1of 20

Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Unang Linggo / Unang Araw

Paksa: Batayang Kaalaman sa Pananaliksik: Kahulugan at Kahalagahan


LAYUNIN: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika sa pananaliksik

PANIMULA

Napaisip ka ba sa mga katanungang ito? May mga nabuo bang kasagutan sa isip mo? Lahat ng
tao sa buong mundo ay ganyan din ang iniisip dahil sa malaking epekto nito sa buhay ng bawat isa.
Napakalaking nitong suliranin na nangangailangan ng solusyon. Ano ang dapat gawin upang masagot
at mabigyang solusyon ito? Pananaliksik ang kasagutan.

Pananaliksik
Ang salitang pananaliksik ay hango sa salitang saliksik o ang ibig
sabhihin ay masusing paghahanap.
Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong ang mga
naunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring
maghanap ng mga kasagutan para sa mga katanungang ito. Halimbawa ng mga ito
ang mga lumikha ng gulong at ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng
mga bituin ng kalangitan. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong
gawi sa pagsasaliksik dahil kay Galileo Galilei noong mga 1500 .
Ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng
pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag- oorganisa, at pagpapakahulugan ng
mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng haypotesis at
pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.
Kahalagahan ng Pananaliksik
Napakahalaga ng pananaliksik hindi lamang sa mga mag-aaral kundi
sa iba’t ibang uri ng tao. Saklaw nito ang napakaraming benepisyo para sa
ikabubuti ng pamumuhay ng tao sa iba’t ibang larangan. Ginagamit ang
pananaliksik upang:
1. Maging solusyon sa suliranin
2. Makadiskubre ng bagong kaalaman, konsepto, at imporamasyon
3. Makita ang kabihasnan na umiiral ng isang bagay
4. Umunlad ang sariling kaalaman ng mga mag-aaral
5. Mapalawak na kaalaman ng mga mag-aaral.

Page 1 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN:

Ang isang mahalagang dapat mong alamin tungkol sa


pananaliksik ay nauukol sa paksa. Maraming paksa na maaaring
pagtuunan ng pananaliksik na makatutulong sa pagpapaunlad ng
Sa iba’t ibang larangan ng buhay.

Gawain 1
Mula sa mga icons sa ibaba, tukuyin kung ano ang iyong gustong pag-aralan mula rito at ang
dahilan kung bakit?

Page 2 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Kung natukoy mo ang mga paksang gusto mong pag -aralan sa unang gawain, subukin
mong kilalanin ang mga kahalagahan ng mga sumusunod sa pag -aaral batay sa mga
sumusunod:

Panuto: Punan ng angkop na kasagutan ang mga hanay batay sa kahalagahan ng mga paksa sa
pananaliksik.

Gawain 2
Kahalagahan ng pananaliksik sa
PAKSA Kahalagahan nito sa iyo
ibang larangan

1. Pagpapabuti ng daloy ng
trapiko

2. Sistema ng edukasyon

3. Anti -Terrorism Law

4. COVID 19 Pandemya

5. Balik Probinsya Project

PAGMAMARKA: Isang Puntos sa bawat kasagutan.(10)

Page 3 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT:
PANUTO: Ibigay ang iyong panig kung Sang-ayon o Hindi Sang-ayon sa isinasaad ng pahayag tungkol
sa Pananaliksik.
__________________1. Ang Pananaliksik ay may sistema at sistematikong pamamaraan.

__________________2. Maaaring magbigay ng sariling opinion tungkol sa resulta ng pananaliksik.

__________________3. Napabubuti ng pananaliksik ang kalagayan ng buhay.

__________________4. Nakatuon ang pananaliksik sa pagbibigay ng problema.

__________________5. Nagsimula ang pananaliksik ng maunang magtanong ang mga tao tungkol sa

pangyayaring nagaganap sa mundo.

__________________6. Mahalaga ang pananaliksik sa mga taong matatalino.

__________________7. Ang mga mag-aaral ay kulang pa ang kaalaman sa pananaliksik.

__________________8. Mahalaga ang pananaliksik sa lahat ng paraan ng paghahanap ng solusyon sa

mga suliranin.

__________________9. Makatutulong ang pananaliksik sa pagdidiskubre ng mga makabagong

pamamaraan.

__________________10. Ang pagiging sistematiko ng pananaliksik ay paraan upang mas maging

makatotohan ang resulta ng pag-aaral.

Tandaan na ang pananaliksik ay isang mahalagang pamamaraan o proseso


sa paghahanap ng solusyon sa mga suliranin, Ito rin ay nakatutulong upang
ang kalagayan ng buhay ng tao ay mapaunlad at mapabuti. Nagiging daan ito
tungo sa isang mas maayos na pagpapalakad sa mga bagay na maaaring
nagiging komplikado sa pagdaan ng panahon. Ang Pananaliksik ay mahalaga
sa lahat ng aspekto ng buhay maging maliit man o malaking suliranin ay
kailangan ng pananaliksik.

PAGTATAYA:
Basahin ang Panimula ng isang Pananaliksik.

Ano nga ba ang PORNOGRAPIYA? Ang Pornograpiya ay pagpapakita ng malalaswang


bidyo. Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne,” na may kahulugang
prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan. Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin,
larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o
nagbabasa.

Madaming millennials ang naapektuhan ng pornograpiya na nauukol sa kanilang gawi tulad


ng mga millennials na natutukso dahil dito at pagkakaroon ng hindi tamang pag-iisip sa mga bagay.

Page 4 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Mga bagay na nagpapakita ng hindi naman talaga masama pero dahil panonood aynagkakaroon ng
ibang pag-iisip. Ito rin ang dahilan kung bakit madaming millennials ang nakakabuntis sa murang edad,
Madaming nagagawang pamilya na hindi inaasahin dahil sa panonood nito.

Ang pananaliksik na napili ng grupo ay ang epekto ng panonood ng pornograpiya sa mga


millennials sa kanilang gawi at pag-iisip. Ang pamamaraang gagamitin ng pangkat ay Palarawan o
Deskriptibo upang mailarawan ang tunay na sitwasyon at suliranin.

Suriin ang binasa sa pamamagitan ng pagsagot ng mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang angkop na pamagat ng Pananaliksik?

2.Ano ang layunin ng nabasang panimula ng pananaliksik? Ipaliwanag.

3.Ano ang kahalagahan ng nabasang pananaliksik? Ipaliwanag.

4. Sino-sino ang makikinabang sa resullta ng pananaliksik? Patunayan.

5. Angkop ba ang deisenyong gagamitin? Patunayan.

Inihanda ni:

BEVERLY P. GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Page 5 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Unang Linggo / Ikalawang Araw

Paksa: Batayang Kaalaman sa Pananaliksik: Katangian


LAYUNIN: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika sa pananaliksik
PANIMULA
Matapos ninyong malaman ang kahulugan at katangian ng Pananaliksik,
sa modyul na ito ay tatalakayin naman ang katangian ng pananaliksik.

Ang isang pag-aaral o pananaliksik ay masasabing makatotohanan at


kapani-paniwala kung magtataglay ito ng mahahalagang katangian. Magiging
mahirap paniwalaan ang isang pag-aaral kung hindi ito mapapatunayan nang
tama at dito nakasalalay sa mga Katangian ng Pananaliksik.

2. Mula sa Iba’t Ibang Datos


1. Obhetibo
Kinakailangang malawak ang pinagkunan
Ang datos at interpretasyon ng
ng mga datos at impormasyon.
pananaliksik ay kinakailangang
Halimbawa: Ang mga datos ay hindi
patas sa lahat ng panig.
lamang dapat nanggaling sa internet.
Halimbawa: Kung ang paksa ng
Kailangan ding nakapangalap ng mga
mananaliksik ay tungkol sa isyu
datos mula sa mga journal, panayam, at
ng reproductive health law, kailangan
iba pang batis ng impormasyon upang
niyang kunin ang panig ng pabor at
maraming mapag-aralang datos.
laban dito.

4. Mapanuri o Kritikal
3. May Angkop na Metodolohiya Kinakailangang timbangin ang katotohanan
-- Kinakailangang sundin ang mga
ng mga datos bago gamitin ang mga ito.
S sistematikong hakbang sa pagbuo
Halimbawa: Siguraduhing awtentiko ang
ng pananaliksik. mga impormasyong nakalap bago ito
Halimbawa: Dapat ay sinang-ayunan
gamitin.
na ng gurong tagapayo ang unang
burador bago isagawa ang pinal na
burador
5.Dokumentado
Kinakailangang kompleto ang
mga detalye ng mga pinaghanguang
Iba pang Katangian ng Pananaliksik
impormasyon.
1.Sistematik Halimbawa: Siguraduhing tama at kompleto
2. kontrolado ang bibliograpiya.
3. Emperikal
4. Akyurayt
5. Orihinal

Page 6 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN:

GAWAIN 1
Ang isang pag-aaral o pananaliksik ay nagiging matagumpay kung taglay
nito ang iba’t ibang katangian na magsisilbing katunayan
Na ito ay dumaan sa sistematiko o sayantipikong proseso.

Panuto: Kompletuhin ang concept map para sa katangian ng pananaliksik.

Katangian
ng
Pananaliksik

Page 7 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN 2 Panuto: Suriin ang usapang


pampananaliksik. Punan ng tamang
Kung tunay na naintindihan ang mga katangian kasagutan ang mga sumusunod na usapan;
ng pananaliksik, maaaring pag-usapan o
talakayin ito isa-isa sa pamamagitan ng mga
sumusunod na usapan.

1. Paano natin gagawing


obhektibo o patas ang
gagawing pananaliksik?

2. Ano ba ang ibig sabihin ng emperikal sa


pananaliksik?

3. Saan tayo makakakuha ng mga datos o


impormasyon sa pananaliksik?

4. Ano-ano nag mga dapat nating tandaan sa


pamamaraan ng pagkuha ng datos?

5. Paano ba ang paggawa ng


dokumentasyon sa
pananaliksik?

Dalawang Puntos sa bawat tamang kasagutan.

Page 8 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT:
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot:

A. Dokumentado D. Mula sa iba’t ibang Datos


B. Obhektibo E. May Angkop na Metodolohiya
C. Mapanuri o Kritikal

_____1. Ang isang pananaliksik ay dapat walang panig o kinakampihan .

_____2. May angkop na pamamaraan at disenyo sa pagsasagawa ng pag-aaral

_____3. Ang mga detalye ng pinagkunan ng datos ay dapat nakatala na nakaayos sa tinatawag
na

bibliograpiya.

_____4. Mapagkukunan ng mga impormasyon ang internet at mga aklat sa mga librari

_____5. Sinusuring mabuti ang detalye dahil nakasalalay ang katumpakan ng mga
impormasyon.

A. Akyureyt D. Orihinal

B. Kontrolado E. Sistematik

C. Emperikal

____6. Masistema at may proseso ang isang pananaliksik.

____7. Ang mga datos ay wasto at may tamang pinagbasehan.

____8. Ang pangongopya ng pananaliksik ay isang may kaukulang parusa.

____9. Limitado ang mga respondent, pati ang iba pang kasangkot sa pananaliksik.

____10. Hango sa katotohanan ang mga detalye o nagaganap sa tunay na sitwasyon sa buhay.

Tandaan na ang. Napaka halaga ng pananaliksik hindi lamang sa mga


mag- aaral kundi sa iba’t ibang uri ng tao. Saklaw nito ang napakaraming
benepisyo para sa ikabubuti ng pamumuhay ng tao sa iba’t ibang larangan.
Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali. Kailangang pagtiyagaan
ang bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang
accuracy ng mga datos na makakalap, pati na rin ang magiging resulta nito. Pinaglalaanan ito
ng sapat na panahon at ibayong pag-iingat dahil kung hindi ay hindi magiging matagumpay ang
pananaliksik at hindi magiging matibay ang mga reulta at kongklusyon. Nararapat lamang na
ang kongklusyon sa isang pag-aaral ay may kaakibat na matibay na ebidensya upang
sumuporta ditto.

Page 9 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGTATAYA:
Basahin ang isang bahagi ng Pananaliksik.

PaglalahadngSuliranin

Ang pag aaral na ito ay nag lalayong malaman ang perspektibo ng mga kabataan ukol sa mga
usaping pampulitika. Ang pananaliksik na ito ay sisikaping suriin ang perspektibo at pananaw ng mga
kabataang Pilipino ukol sa pulitika
Ang mga sumusunod na tanong ay sisikaping tugunan sa pananaliksik ito:

1. Ano- ano ang mga mga pananaw ng mga kabataan tungkol sa usaping pampulitika?
2. Ano- ano ang mga pinagmumulan ng mga pananaw na ito?
3. Ano ang epekto ng mga pananaw na ito sa kulturang pampulitika ng bansa?

PANUTO: Sagutin at patunayan ang mga kasagutan: May 2 puntos sa bawat kasagutan.

1.Angkop ba ang pagkakabuo ng mga tanong sa suliranin ng pag-aaral?

2. Napapanahon ba ang suliraning nabuo sa pag-aaral?

3. Ang mga katanungan bang nakasaad sa layunin ng pag-aaral ay


obhektibo?

4.Kontrolado ba ang mga datos o impormasyong kakailanganin sap ag-


aaral na ito?

5. Makatotohanan ba ang isasagawang pananaliksik?

Inihanda ni:
BEVERLY P. GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Page 10 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Unang Linggo / Ikatlong Araw

Paksa: Batayang Kaalaman sa Pananaliksik: Uri ng Pananaliksik


LAYUNIN: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika sa pananaliksik

PANIMULA

Sa pagtalakay sa mga katangian ng pananaliksik, natutuhan ninyo mga bagay tungkol sa


pananaliksik. Ngayon naman ang mga uri ng pananaliksik na magiging gabay sa pagsasagawa ng
sariling pananaliksik. Bakit mahalaga na matalakay ang mga uri ng pananaliksik? Dito nakasalalay
kung ano at paano ninyo isasagawa ang inyong pag-aaral tulad ng metodolohiya, disenyo at
pamamaraan na bahagi ng pananaliksik.

PANGKALAHATANG URI NG PANANALIKSIK


BASIC RESEARCH APPLIED RESEARCH / ACTION RESEARCH
PRACTICAL RESEARCH
-Ito ay pananaliksik para sa -Umiinog ito sa layuning mabigyang Pananaliksik na kinakailangan
karagdagang kaalaman. Ito ay kalutusan angi sang praktikal na ng mabilisang solusyon o
isang mausisang pananaliksik problema sa lipunan aksyon sa problema

-Maaaring ito ay tungkol sa isang -Nakatutulong upang malutas ang Sa edukasyon kadalasang
konsepto o kaisipan, isang mabibigat na isyu o suliranin ng lipunan ginagamit ito upang
penomenong di mauunawaan o at maisaayos ang di kaiga-igayang maremedyuhan ang problema
isang suliraning nararanasan sa kalagayan sa paaralan, klasrum,
lipunan, sa sarili, o sa pagkatututo at iba pa sa loob
kapaligiran. -Nakikita agad sa uring ito ang ng paaralan
aplikasyon ng natamong resulta sa
-Malinang lamang ang teorya at pang-araw-araw na buhay o epekto ng
prinsipyo upang makalibot o ginawang pananaliksik
makasiyasat na magsisilbing Hal. Paano makontrol ng populasyon?
basehan sa pagpapaunlad ng Paglutas sa suliranin sa droga
kaalaman at pagbabago
Iba pang Uri ng Pananaliksik:

EVALUATIVE RESEARCH- tinataya kung ang pananaliksik, proyekto o programa ay


naisagawa nangmatagumpay. Matutukoy ito batay sa resulta kung itutuloy pa o hindi na ang
proyekto o programa.
SCIENTIFIC RESEARCH- ito ay pagpapaliwanag sa kinahinatnan, sanhi, at bunga batay sa
salik o baryabol naginamit na disenyo ng pananaliksik.
HISTORICAL RESEARCH Nauukol ito sa pag-aaral sa mga bagay o isyu ng nakaraan. Kung
may pagdududa sa isang pangyayari sa nakaraan, maaaring pag-aralan ang mga pangyayari
sa likod nito at sa mga pangyayari na bumabalot dito.
CASE STUDY Nagagamit ang paraang ito ng pananaliksik sa isang usaping panghukuman na
naging lubhang kontrobersyal, inaalam dito ang mga dahilan kung bakit naganap ang mga
pangyayari.
PHENOMENOLOGICAL RESEARCH Isang uri ng pananaliksik ay ang Phenomenological
Research na kung saan nababatay ito sa mga paniniwala ng mga tao at ginagawa nila ayon sa
kanilang iniisip.

Page 11 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN:
Sa pagkilalal sa mga uri ng pananaliksik, mas magiging malinaw sa inyo ang paggamit ng
angkop na pamamaraan sa pagsasagawa nito. Makatutulong ito upang maunawaan ninyo ang tunay
na sitwasyon, senaryo at aktwal na larawan ng suliraning pag-aaralan.

GAWAIN 1

Panuto: Isulat ang sumusunod na pamagat ng pananaliksik ayon sa mga


uri na nasa unang hanay at ibigay ang kadahilan o paliwanag sa sagot.

1. Epekto ng computer games sa pag-uugali, pag-iisip at kalusugan ng Estudyante


2. Disenyo at Gabay sa Paggamit ng Internet Website.
3. Mga Mag-aaral na May Malalang Vayolasyon sa Patakaran ng Paaralan:
Isang Pag-aaral
4. Mga Istratehiya ng Promosyon ng mga Produktong Pampaputi
5. Pag-aaral sa paghahanap ng Vaccines Laban sa COVID 19

Uri Pamagat Patunay/Paliwanag

Basic Research

Applied Research

Action Research

Evaluative Research

Scientific Research

Pagmamarka: Tig -iisang puntos sa bawat sagot sa hanay.

Page 12 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Subukin ang kakayahan sa papamagitan ng pagtugon sa mga kailangang impormasyon


sa pagbubuo ng pananaliksik.

GAWAIN 2
PANUTO: Isulat sa mga kahon ang mga kasagutan batay
sa kategorya nakasaad

URI NG PANANALIKSIK
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

MGA MAKIKINABANG SA PANANALIKSIK


Ang Suliraning Kinakaharap ng mga
Manlalaro sa SHS na nauukol sa
Akademikong Aspeto

PAMAMARAANG SA PAGKALAP
NG DATOS SA PANANALIKSIK
MGA KASANGKOT SA PAG-AARAL

Dalawang Puntos sa bawat tamang kasagutan.

Page 13 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT:
PANUTO: Pagtapat-tapatin ang magkakaugnay sa Hanay A at B. Isulat lang ang letra sa patlang.

HANAY A HANAY B
_______1. Tinataya kung ang pananaliksik, A..PANANALIKSIK
proyekto,o programa ay naisagawa
nang matagumpay

_______2. Ito ay pagpapaliwanag sa kinahinatnan, B. MANANALIKSIK


sanhi, at bunga batay sa salik o baryabol
na ginamit na disenyo ng pananaliksik.

_______3. Nauukol ito sa pag-aaral sa mga bagay C. PHENOMENOLOGICAL


o isyu ng nakaraan.
RESEARCH

_______4. Ito ay pananaliksik para sa karagdagang D. ACTION RESARCH


kaalaman.

_______5. Umiinog ito sa layuning mabigyang E. CASE STUDY


kalutusan ang isang praktikal na problema
sa lipunan.

_______6. Nagagamit ang paraang ito ng pananaliksik F. APPLIED RESEARCH


sa isang usaping panghukuman na
ang mga dahilan kung bakit naganap ang mga
pangyayari.

_______7. Pananaliksik na kinakailangan ng mabilisang G. BASIC RESEARCH


solusyon o aksyon sa problema.

_______8. Isang uri ng pananaliksik ay ang Phenomenological H. SCIENTIFIC RESEARCH


Research na kung saan nababatay ito sa mga
paniniwala ng mga tao at ginagawa nila ayon sa
kanilang iniisip.

_______9. Isang masistemang paraan ng pangangalap ng datos I. HISTORICAL RESEARCH


tungo sa paglutas ng suliranin.
_______10. Ang tinatawag na researcher. J. EVALUATIVE RESEARCH

Tandaan na sa maraming uri ng pananaliksik dahil sa iba -ibang mga uri ng


suliranin na nangangailangan ng solusyon. Dito rin napapaloob ang disenyo o
pamamaraang gagamitin sa isasagawang pannaliksik. Sa pamamagitan ng mga uri nito
ay mailalarawan ang tunay na sitwasyon sa loob ng suliranin at sa mga datos na
kakailanganin.

Page 14 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGTATAYA:
PANUTO: Suriin ang mga pamagat ng pananaliksik batay sa uri. Piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Ang Pag-aaral sa Sakit na Dengue.


A. Action C. Basic
B. Applied D. Scientific

2. Ang Pagsusuri sa Patakarang Pinatutupad sa PCSHS


A. Action C. Evaluative
B. Applied D. Scientific

3. Ang Suliranin sa Trapiko sa Pilipinas


A. Action C. Basic
B. Applied D. Scientific

4. Ang Epekto ng Pagtaas ng Presyo ng Sigarilyo sa Ekonomiya


A. Action C. Basic
B. Applied D. Scientific

5. Ang Martial Law noon at Ngayon

A. Action C. Basic
B. Applied D. Historical

6. Pag-aaral na nauukol sa isang taong adik sa alak


A. Action C. Case Study
B. Basic D. Scientific

7. Pag-aaral sa mga tauhan ng Noli MeTangere


A. Action C. Basic
B. Applied D. Scientific

8. Ang pananaliksik tungkol sa mga mag-aaral na madalas na mahuli at lumiban sa klase


A. Action C. Basic
B. Applied D. Scientific

9. Isang Pag-aaral sa mga Mag-aaral na May Suliranin sa Pagsasagawa ng Pananaliksik ay isang


uri ng ______
A. Action C. Historical
B. Applied D. Scientific

10.Pag-aaral tungkol sa Ikalawang Digmaan sa Panahon ng Hapon


A. Action C. Historical
B. Applied D. Scientific

Inihanda ni:

BEVERLY P. GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Page 15 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Unang Linggo / Ika-apat na Araw

Paksa: Batayang Kaalaman sa Pananaliksik:


Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksang Pampananaliksik

LAYUNIN: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika sa pananaliksik
PANIMULA

Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon ng gagawing pananaliksik. Ang paksa ay
ang pangunahing ideya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng pamanahong
papel at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay na datos.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Mga Hanguan ng Paksa


Paksa Sarili – Maari tayong makakuha ng paksa mula
Kasapatan ng datos – Kinakailangang mismo sa saliri. Maaring ang maging paksa ay
may sapat na impormasyon na tungkol sa batay mismo sa karanasan, nabasa, napakinggan
napili mong paksa. Kapag kakaunti ang at maging sa mga kaalaman na natutunan..
datos na makakalap mo tungkol sa paksa, Dyaryo at Magazine – Sa dyaryo at magazine,
maaring kapusin sa mga detalye sa makikita at mababasa ang mga napapanahong
gagawing pag-aaral. isyu sa loob at labas ng bansa na pwede
Limitasyon ng pag-aaral – Ang pagbatayan sa pipiliin paksa.
limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o Radyo at TV – Katulad sa dyaryo at magazine,
ang oras kung hanggang kailan lamang natatampok din sa mga programa ng telebisyon at
maaaring gawin ang iyong pananaliksik. radyo ang mga napapanahong isyu sa lipunan.
Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan – Sa
paksa, dapat isaalang-alang ang iyong pagtatanong sa kanila, maari magkaroon at
kakayahang pinansyal. May mga paksang makabuo ng ideya batay sa mga impormasyong
masyadong magastos at mabigat sa bulsa. ibibigay nila patungkol sa gagawin pananaliksik.
Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng Internet – Dahil sa lumalago teknolohiya, mas
paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon mabilis na ang pangangalap ng impormasyon. Sa
lamang, sa halip dapat ito ay pamamagitan ng pag browse sa internet,
makakatulong din sa iba pang makakakalap ng mga ediya na pwedeng gawing
mananaliksik at ibang tao. paksa. Maari makakuha ng paksa sa mga social
Interes ng mananaliksik – May media websites tulad ng Facebook, sa pagse-
kasabihan tayo na kapag gusto mo ang search sa Search Engines tulad ng Google, at sa
isang bagay lahat ay gagawin mo para mga online web articles na nababasa.
makuha ito. Sa pananaliksik, mas Aklatan – Maari ding humango ng paksa mula sa
mapapadali ang iyong gawain kung ang Aklatan. Magandang kumuha ng paksa sa aklatan
paksa ay nakabatay sa interes. Magagawa kung ang nais nating maging pangunahing
at matatapos ng komportable ang pag- ideyaay may kaugnayan sa Edukasyon at
aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong Akademya.
paksa.

Page 16 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN:

GAWAIN 1
Ang gawaing ito ay maaaring pagtulungan ng mga kasama sa bahay. Ito ay
ang pagpaplano sa paghahanap ng isang paksa para sa pananaliksik

Panuto : Punan ang mga kahon ng kasagutan kung paano ang gagawing hakbang
sa pagpili ng paksa.

Pagmamarka: may dalawang puntos sa bawat kahon ng kasagutan.

Page 17 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN 2
Naririto ang ilang larawan na maaaring pagkuhaan ng paksa sa pananaliksik .

Panuto: Sa pamamagitan ng pagkuha ng ideya o kaisipan mula sa mga larawan, Umisip ng mga
maaaring maging paksa sa pananaliksik. Isulat sa mga patlang ang kasagutan.

Dalawang Puntos sa bawat tamang kasagutan.

Page 18 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT:

Panuto: Lagyan ng kung tama ang tip sa pagpili ng paksa

______1. Sa internet lamang makakukuha ng paksa.

______2. Madami ring magagandang paksa na makukuhanan sa library.

______3. Walang limit o hindi limitado ang pagpili ng paksa.

______4. Bago pumili siguraduhing sapat ang mapagkukuhan ng datos.

______5. Ang mananaliksik ay dapat may interes sa paksang gustong talakayin.

______6. Dapat ay may kabuluhan ang paksang plpiliin.

______7. Dapat ding sapat ang pinansya na suporta sa pananaliksik

______8. Maaaring makakuha sa TV, radio, dyaryo na mapagkukunan ng paksa

______9. Hindi pwedeng pagkuhaan ng paksa ang sarili.

______10. Maging maingat sa pagpili ng paksa at siguraduhing abot ng kakayahan.

______11. Gumawa ng magandang pamagat ng pananaliksik

______12. Alamin kung ang paksa ay kayang gawin sa tamang panahon.

______13. Maari makakuha ng paksa sa mga social media websites tulad ng Facebook, sa pagse-
search sa Search Engines tulad ng Google, at sa mga online web articles na nababasa.

______14. Maaari ring gumaya sa iba ng mga paksa.

______15. Pumili ng mga paksang di na gaanong pinag-uusapan.

Pagmamarka: 10 puntos para sa sampung

Tandaan na mahalagang pagplanuhang mabuti ang paksang nais na pag-aralan o


saliksikin. Sa pagpili ng paksa mahalaga ring makapagbigay ng gagawing pamagat
kung saan dito na papasok ang mga saklaw at limitasyon ng gagawing pag-aaral. Sa
pagpili ng paksa, may mga dapat isaalang-alang upang maisakatupatan ng maayos
ang gagawing pananaliksik tungo sa mas makabuluhang pananaliksik.

Page 19 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGTATAYA:
PANUTO: Suriin kung ANGKOP o HINDI ang mga mga sumusunod na etika sa pagpili ng paksa.

__________1. Alamin ang interes at tukuyin kung anong paksa ang tumatawag sa iyong
pansin.

__________2. Gawing partikular o espesipiko ang paksang napili. Iwasan ang malawak na

paksa.

__________3. Iangkop ang paksang napili ayon sa panahon o time frame na inilaan upang

matapos ang pananaliksik

__________4. Suriin kung ang paksang napili ay napapanahon.

__________5. Tukuyin kung may makakalap na sapat na datos at sanggunian upang

maisagawa ang pananaliksik.

__________6. Dapat na alam ng isang mananaliksik ang kanyang mga pananagutan.

__________7. Ang pagpanig o pagkiling ay nararapat sa pagbuo ng paksa at pamagat.

__________8. Isipin ang pinakamadaling paksa.

__________9. Ang mga suliraning may kasagutan o kalutasan na ay hindi magandang paksa

sa pananaliksik.

__________10. Ang pagpili ng paksa ay mahirap kaya maaaring humingi ng tulong sa mga

may sapat na kaalaman.

Inihanda ni:

BEVERLY P. GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Page 20 of 20

You might also like