You are on page 1of 2

1. Naging epektibo ba ang pangungumbinsi ng may akda? Patunayan.

1.1 Naging epektibo ito sa pangungumbinsi ng may-akda sa pagkat sa produktong ito nakikita na ito ay
masarap at mura, dahil sa pagiging masarap at mura ng produktong it mas tinangkilik ito ng mga
mamayan at dahil naipapalabas na rin ito o mapapanood na rin natin ito sa telebisyon tuwing may
patalastas ng sardinas.

2. Anu-ano ang mga katibayang mga ginamit ng may akda upang paniwalaan at makahikayat ito?
Patunayan.

2.1 Patalastas- Sa paggamit ng patalastas o pagiinderso,maraming manonood o mamimili ang


mahihikayat na bumili sa produktong ito.Upang sa ganon din mapaniwala ng may-akda ang mga
mamimili sa kung ano nga bang meron sa produktong ito.

2.2 Larawan- Sa paggamit ng larawan na nakadikit sa lata,ito ay kadalasang ginagawa ng may-akda


upang sa ganon ito’y kapanipaniwala at upang sa ganon mahikayat ang mga manonood o mamimili.At
upang sa ganon ay mapaniwala ng may akda kung anong pwede nating makuha sa produktong ito.

2.3 BillBoard- Sa paggamit ng billboard mahihikayat ang mga mamamayan lalo na sa mga kapwa tao
nating walang telebisyon at upang sa ganon din ay mapaniwala ng may akda kung anong meron sa
produktong ito.

3. Ano ang mga dahilan kung bakit nahikayat ka para magustuhan ang produkto o tekstong ito?
Ipaliwanag.

3.1 Nakukuha dito ang mabuting kolesterol at pinoprotektahan ang ating puso at ugat, dahil dito
makakaiwas tayo sa atake sa puso at istrok, gayundin ay may koensaym, ito ay isang antay-oksidant na
nagpapalakas ng katawan meron ding kalsyum na nagpapalakas ng buto.

4. Saan o kanino ka nakumbinsi sa produkto o sa nagiindorso? Patunayan.

4.1 Nakumbinsi ako sa panonood ng telebisyon at pakikinig ng radio na inindorso ni Piolo Pascual na
mayroon itong mga nakukuhang bitamina.

5.Anu-ano ang nakatagong bahagi ng mga impormasyon ang iyong natuklasan?

5.1 Positibo

5.1.1 Ang positibong naibibigay nito ay mayroong mga makukuhang kalsyum, bitaminang D,
bitaminang B12. Pwede rin itong gamitin tuwing may mga pangyayaring di sinasadya
halimbawa na lamang ang mga kalamidad na nangyayari sa ating mundo.

5.2 Negatibo

5.2.1 Minsan mayroong mga nakararanas na taong nakakakuha o nakabibili ng hindi pa


masyadong luto na laman nitong isda at ang sarsa.
6. Paghambingin ang paraan ng pangungumbinsi ng argumentatibo at tekstong sinuri.

6.1 Ang tekstong argumentatibo ay lantad mismo ng mga binibigay nitong ebidensya, kailanganng
makumbinsi ang mga tagapakinig base sa katotohanang isiniwalat ng tagapagtanggol . Ang tekstong
persuweysib naman ay naghihikayat na paniwalaan ito sa pamamagitan ng pagsubok ng produkto.

7. Paano nakatulong ang nasabing produkto o teksto sa,

7.1 Sarili

7.1.1 Nakapagbibigay ito ng ideya o impormasyon na kailangan ng ating pangangatawan lalo


na’t magaan ito sa bulsa.

7.2 Pamilya

7.2.1 Nakakatulong ito sa aming pamilya o sa mga pamilya lalo na sa mga nanay na
namomoblema sa gastusin sa bahay. Ito rin ay pang madaliang paghain sa hapag
kainan.Nakatutulong din ito lalo na’t nagbibigay itong ng iba’t ibang bitamina sa ating katawan.

7.3 Komunidad

7.3.1Nakatulong ito sa mga pangmadaliang pag-bibigay ng pagkain o mga relief goods sa


mga kababayang nasalantahan ng bagyo.

7.4 Bansa

7.4.1 Nakatutulong ito sa mga gustong tumulong sa mga nangangailangan lalo na’t magaan ito sa
bulsa. Gayundin hindi agad ito nasisira kaya pwede itong ipadala kahit pa nasa malayong lugar
ang pagbibigyan.

7.5 Daigdig

7.5.1 Nakatutulong ito sa daigdig dahil ito ay mura at masarap. Marami tayong makukuhang
sustansya o bitamina sa produktong ito nakakatulong din ito sa mga nasasalantahang bagyo
tuwing may kalamidad na nararanasan natin dito sa daigdig.

You might also like