You are on page 1of 2

Borja, Mark Joseph 07 March 2022

11-Midship: Tan-Aw Mrs. Priscila Estanislao

Kahalagahan ng Tekstong Prosedyural sa Sarili


Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na naglalayon na bumuo ng hakbang
upang maisagawa ng maayos ang isang bagay o gawain. Ito ay nagbibigay sa atin ng
direksyon upang maisagawa ng tagumpay ang isang bagay ng maayos at episyente.
Nakatutulong ito sa ating mga sarili sa paraan na mas naisasaayos nito ang mga
pagsasagawa ng isang bagay at mas madali itong magagawa dahil may roong hakbang na
ating maaring sundan. Katulad sa pagluluto, hindi magiging masarap ang ating luto kung
isasawalang bahala natin ang mga hakbang.

Kahalagahan ng Tekstong Prosedyural sa Pamilya


Mahalaga ang tekstong prosidyural sa Pamilyang Pilipino dahil ito ang sinunusunod
ng mga miyembro upang mapanatilihing maayos at mabuting nagagawa ang tungkulin nila.
Katulad ng ama na tumatayong haligi sa pamilya, siya ang nagbibigay sa mga anak niya at
ibang miyembro ng pamilya ng instruksyon na dapat nilang sundin para maging maayos at
maganda ang kalalabasan. Ang gandang tignan kung ang isang pamilya ay may sinusundang
patakaran dahil ito ang makakabuti sa kanila at nagiging organisado natutong gumawa
nang matagumpay. Sa aking pamilya, mayroon kaming sinusunod na prosyedur sa
paglilinis ng bahay. Maauna muna ang pag-aayos ng gamit at pagwawalis, at sumunod
naman ang pagpupunas ng lamesa at paglalampaso.

Kahalagahan ng Tekstong Prosedyural sa Komunidad


Mahalaga ang tekstong prosidyural sa komunidad, upang malaman ang
pagkakasunod sunod ng proyektong nais maisagawa. Nagbibigay din ito ng panuntunan
patungkol sa pagsasagawa ng isang bagay. Naglalayon itong magbigay ng sunod-sunod na
impormasyon at direkyson sa mga tao para matagumpay na maisagawa ang iba’t-ibang
gawain ng ligtas, tama, episyente at sa paraang angkop. Sa ating komunidad, lagi tayong
may sinusunod na hakbang. Tulad na lamang ng paglilinis, inuuna muna ang unang purok
hanggang sa huling purok. Mayroon din naman ang tamang pagtatapon ng basura kung
saan tuwing nakatakdang araw ay ilalagay natin ang ating basura sa labas ng ating pintuan.
Kahalagahan ng Tekstong Prosedyural sa Bansa
Kahalagahan ng tekstong prosidyural sa bansa ay nagbibigay ng tamang
impormasyon upang maisagawa ang isa bagay batay sa mga proseso nito. Sa pamamagitan
ng tekstong prosidyural naipaliliwanag sa mga mamamayan ang proseo ng isang batas.
Nakatutulong ito sa pagpapadali ng isang gawaing para sa serbisyong-publiko. Sa
pamamagitan ng tamang proseso natuturuan ang mga mamamayan sa ikauunlad ng
kanilang personalidad para sa magandang hanap buhay at kinabukasan. Halibawa nito ay
ang mga prosyedur tuwing may kalamidad na sinusunod natin upang maging ligtas ang
isa’t isa. Isa pang halimbawa ay ang mga prosyedur sa pagkuha ng National ID.

Kahalagahan ng Tekstong Prosedyural sa Daigdig


Sa daigdig na ating kinagagalawan, bawat kilos na ating maisasagawa ay dapat nating
bantayan sa kadahilanang halos lahat sa daigdig na ito ay dumaan muna sa isang hakbang o
proseso. Kaya napakahalaga na lang talaga ng tekstong prosidyural, at tila hindi na ulit
natin makikita ang daigdig gaya ng dati kung wala ito. Mga hakbang o proseso na
nagaganap sa lugar na ating kinakatayuan kagaya ng pagpapanatili ng kagandahan ng ating
daigdig na kahit unti-unti itong nasisira ay may hakbang parin upang mapanatili ang
makapigil hiningang angking ganda nito. Ang pagsunod sa mga paraan upang maiwasan
ang climate change ay isa sa mga halimbawa nito. Hindi natin napapansin ngunit sa
pakikipag-ugnayan sa ibang bansa, mayroon din tayong sinusunod na mga prosyedur tulad
ng mga kasunduan.

You might also like