You are on page 1of 3

Sa ating mahal na punong-guro, Doctor Anna Grace V. Vergara.

Sa ating mga dalub-guro, Doctor Ma. Cristina A. Frondozo at Ginang Mary Grace M.
Jabon.
Sa mga masisipag at magagaling na guro at iba pang kawani ng ating sinisintang
paaralan
Sa aking Bise-Presidente Jizelle G. Andos
Sa iba pang mga opisyal sa Supreme Elementary Learner Government
Sa mga pangulo ng iba’t ibang organisasyon ng mga mag-aaral sa ating paaralan
At sa mga minamahal kong kapwa Batang Potrero One,
isang mapagpalang araw po sa ating lahat!

Isa sa mga tanyag na kataga mula sa ating pambansang bayani na si Gat Doctor
Jose Rizal ay ang “Kabataan ang pag-asa ng bayan”. Malaki ang inaasahan ng ating
bayani sa susunod na henerasyon upang maging daan sa pag-unlad ng Pilipinas.
Naniniwala siya na ang mga kabataang anak ng bayan, sa pamamagitan ng maayos
na edukasyon, ay magdudulot ng bagong bukas para sa bansa.

Sa pagsisimula ng ating panunungkulan noong Agosto (dalawang libo’t dalawampu’t


tatlo), malinaw ang ating naging gabay sa paglilingkod, tayong mga inihalal bilang
mga kabataang pinunong lingkod, ang pag-asa ng ating paaralan na magbibigay
inspirasyon sa mga kapwa mag-aaral sa bawat pagsisikap na ating gagawin.

Sa tulong ng ating mga kasama sa pamamahala, nakabuo tayo ng isang buong taon
na plano ng mga programa, proyekto at mga gawain para sa taon akademiko
dalawang libo’t dalawampu’t tatlo – dalawamput’ apat, na ating isinumite sa
tanggapan ng ating punong-guro. Lubos ang ating pasasalamat kay Doctor Vergara
para sa kanyang masusing pagsusuri at walang pasubaling pagsang-ayon sa ating
mga plano.

Hayaan ninyo po akong ilahad sa inyo ang ating mga gagawin:

Sa gawaing administratibo:

Buwanang pagpupulong ng konseho upang matiyak na maayos na mailalahad at


matatalakay ang mga gawain, programa at proyekto. Isa din itong pagkakataon
upang mahasa ang mga kabataang opisyal sa pagbabahagi ng sariling pananaw,
paninindigan, at pagdedesisyon. Itinakda ito tuwing unang Miyerkules ng buwan.

Naniniwala tayo na upang maging epektibo tayo sa ating paglilingkod, kinakailangan


natin magkaroon ng kaalaman at kasanayan sa pamumuno. Ating ipinagpatuloy ang
pagsasagawa ng leadership-training seminar na kung tawagin ay SILAB o Student in
Leadership Advancement and Beyond, na nagsimula noong nakaraang school year.
Katuwang natin dito ang Bayanihan Youth for Peace, isang non-government
organization, sa paghuhubog sa ating mga student leader.
Inaasahan ng Kagawaran ng Edukasyon na ang S.E.L.G. ay magiging katuwang sa
paghuhubog sa mga mag-aaral, mga batang Matatag, na maging Maka-Diyos,
Makatao, Makakalikasan at Makabansa.

Para sa Maka-Diyos,

Isinusulong natin ang pagkakaroon ng inclusive expression of faith sa ating


paaralan. Batid natin na karamihan sa ating mga mag-aaral ay Katoliko, subalit hindi
din natin maaaring pabayaan ang ibang mag-aaral na may ibang paniniwala at
pananampalataya. Nakipagtulungan tayo kay Ginang Mary Jane B. Ruiz, Tagapag-
ugnay ng Edukasyon sa Pagpapahalaga upang magkaroon ng datos ng mga mag-
aaral batay sa kanilang relihiyon at magkaroon ng buwanang pagdiriwang ng kani-
kanilang pananampalataya. Ito ay pagpapakita na ating pinapahalagahan ang
paniniwala at pananampalataya ng bawat Potrero Juan.

Nilalayon din natin na muling maitaguyod sa ating paaralan ang Project WATCH o
We Advocate Time Consciousness and Honest. Layunin ng proyektong ito na
maipalaganap sa mga paaralan ang mga mabubuting pag-uugali - ang
pagpapahalaga sa oras at pagiging matapat sa lahat ng oras. Mayroon na tayong
potential partner para sa pagsasagawa ng proyektong ito at umaasa tayo na bago
matapos ang ating termino ay maisasakatuparan ang mga gawain kaugnay nito
tulad ng paglalagay ng mga orasan sa bawat silid-aralan at tanggapan sa ating
paaralan, pagkakaroon ng lost and found area, at honest store.

Para sa Makatao values:


Kabilang sa pagpahahalaga na ito ay ang pagbibigay atensyon sa kalusugan ng
ating mga kapwa mag-aaral kung kaya naman naghanda tayo ng mga gawain at
proyekto para sa pagsusulong ng isang malusog na batang Potrero Juanian:

Nakikiisa tayo sa pagpapatupad ng mga gawain ng Project WINs o Wash In Schools


na pinamumunan ni Doctor Frondozo, Tayo ay tumutulong na matiyak na maituturo
at maisasagawa ang wastong paraan ng paghuhugas ng mga kamay at tamang
pagsisipilyo sa mga mag-aaral.

Tinutukan din natin ang ilang napapanahong isyu sa ating lipunan na apektado ang
mga bata tulad ng cyber-bullying at drug abuse kung kaya may inisyatibo sa
pagkakaroon ng mga seminar na tatalakay dito upang mabigyan ng sapat na
kaalaman ang mga batang Potrero Juan tungkol sa epekto ng cyber bullying at drug
abuse. Katuwang natin dito ang Pambansang Pulisya na siyang nagbigay ng
seminar sa ating mga mag-aaral sa baitang lima at anim.

Pinangunahan natin paghahanda ng mga malalaking pagdiriwang tulad ng National


Teachers’ Month na kung saan naghanda tayo ng programa at mga serbisyo para sa
ating mga guro, at pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo para sa mga batang
Potrero Juan; ang National Children’s Month na kung saan katuwang natin ang iba’t
ibang organisasyon tulad ng Araling Panlipunan Club, Mathematics Club, GREV
Club, YES-O, Boy Scouts and Girl Scouts of the Philippines, Batang Emergency
Response Team, Batang Kontra Droga at Red Cross Youth. Nagkaroon tayo ng mga
seminar patungkol sa basic life support skills, responsible wildlife interaction, at
karapatang pambata; sa pagdiriwang ng National Student’s Day, kaiisa ang mga
kaguruan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga piling mag-aaral sa baitang lima at
anim na maranasan kahit sa isang araw man lang ang pagtuturo.

Ngayong taon, naglunsad tayo ng proyektong pinamagatang Project Paskong


Chikiting. Layunin ng proyektong ito na matulungan ang mga batang paslit na mas
nangangailangan, mga batang inabando na ng kanilang mga magulang at
pansamantalang inaalagaan sa Home for Angels, isang crisis home, sa Maynila.
Katuwang natin ang mga guro, mag-aaral at kanilang pamilya na makalikom ng mga
donasyon tulad ng gamit, laruan at gatas para sa mga bata sa ampunan.

Bago matapos ang ating termino, sisikapin natin na maisakatuparan ang Project
T.A.K. (Tutor ko si Ate at Kuya) na naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na
nahihirapan sa kanilang pag-aaral at nang makasabay sila. Gayundin ang
pagsasagawa ng mga seminar patungkol sa maayos na kalusugan at wastong
nutrisyon.

Para sa Makakalikasan:
Cleanliness is next to Godliness kung kaya naman prayoridad din natin ang mga
gawain na may kinalaman sa pangangalaga at pag-papaunlad ng ating kalikasan.

Pagsusumikapan natin na bago matapos ang taon ay maisakatuparan ang ating


mga proyekto at gawain na nilalayong magkaroon ng malinis na kapaligiran sa ating
paaralan tulad ng pagmonitor sa kalinisan ng bawat silid-aralan, Bayanihan para sa
Kalikasan, at Smoke- and Tobacco Free Campaign.

Para sa Makabansa
Sa pagkakaroon ng Matatag na Republika, kinakailangan magkaroon ng Matatag na
Lipunan, at upang matiyak ito ay kinakailangang makapaghubog ng mga Batang
Matatag, Batang Makabansa.

Nararapat na bata pa lamang ay maimulat na ang ating mga kapwa mag-aaral ay


maikintal na sa kanila ang nasyonalismo. Naghanda tayo ng seminar patungkol sa
ating watawat at iba pang mga sagisag. Gayundin nakikibahagi tayo sa
pagsasagawa ng flag raising ceremony.

Ang tagumpay ng mga proyektong ito ay nakasalalay sa pakikiisa at pagtutulungan


ng bawat isa. Tayo na at magsama-sama para makamit natin ang magandang bukas
para sa ating paaralan, para sa bawat Potrero Juan. Ipakita natin na basta Potrero
Juan, kayang kaya yan! Dahil ang batang Potrero Juan, pag-asa ng bayan!
Magandang araw po muli sa inyong lahat!

You might also like