You are on page 1of 3

SOSA (STATE OF SCHOOL ADRESS)

by Pedisa O. Gura Kilagasan Elementary Schol Greetings- Barangay Captain- Honorable Melchor Manuel, Barangay Councils, Executive Officers, District Supervisor, stakeholders, parents, teachers and visitors Una sa lahat ako ay nagpapasalamat sa pagtugon ninyo sa aming imbitasyon sa makasama kayong lahat sa asembleang pagpupulong na ito mga mahal naming magulang mula kinder hanggang ikaanim na baitang ng Kilagasan Elementary School ang paaralang ito. Ayon sa ating DEPED ORDER No. 54, s of 2009 Revised Guideline Governing Parent-Teachers Association ang pagbuo sa school level ang organisasyon ng PTAs sa lahat ng pampublikong paaralan madiin na masiguro batay sa suporta ng mga magulang sa ikabubuti ng edukasyon ng ating mga kabataan. Ang PTA ay isang napakahalaga na katuwang ng paaralan para sa edukasyon hindi lamang sa curriculum kundi sa pisikal na kaanyuan ng paaralan kung saan hinihikayat ko kayong lahat mga magulang na makisali sa mga gawain dito sa ating paaralan sa pamamagitan ng pagbabayanihan. Atin po ang paaralang ito kaya ating itaguyod ang pag uunlad tungo sa pagbabagong paraan bilang bagong pinuno ng paaralan . Ang nakaraang ay dadagdagan at ating ipagpapatuloy tungo sa mas mabuting pagkakaisa. Ang disiplina sa sarili para sa akin ang susi para sa kaunlaran. Naniniwala akong magagawa nating maibalik ang ating minimithi o hinahangad sa kaunlaran kung tayo ay nagkakaisa na bawat magulang, stakeholders ay merong layuning mapabago at makisali sa kaunlaran sa paaralang ito. Ang pangunahing layunin nating partnership na magiging produktibong mamamayan ang ating mga kabataan sa pagtahak ng mga programa at activities samasama tayong magtulungan upang makamit ang good governance na ito ang tanda ng tagumpay.

Makikita ninyo ang pagsisimula na mapaganda ang ating paaralan..nakita nyo po? Sa tulong ng pinansyal ,IGP, MOOE, PTA projects, homeroom projects, mga donasyon ay malaking tulong sa ating paaralan. Naorganisa na ang bawat baitang na homeroom ..at kung anuman ang napagkakasunduan sa ating mga pagpupulong ay ating isasagawa. Ang mga opisyales ng board of directors na kung saan ito ung mga presidente ng bawat klase ay sya nating tinatawag na EXECUTIVE OFFICERS sila yong mga sumumpa kanina na kanilang gagampanan ung kanilang mga tungkulin bilang bahagi sa pag-unlad bagamat tayong lahat mga mgulang at stakeholders sa comunidad na syang bumubuhay at nagdedepende po kami sa inyo dahil walang paaralan kung wala ang inyong mga anak dito na nag-aaral, wala kaming tuturuan di po ba? Ang pagkakabit natin ng connection sa NAWASA water district ay naisagawa na at ito ang nakaraang proyekto ninyong pera kasama ng mga bagong upuan na naririyan ay nakikita na po na naghahalaga ng almost 15 thousand. Sa tulong din ng MOOE natin ay dumating na kaya nasimulan na rin ang pagpinta ng social hall na ito makikita po natin mga balusters ng rooms at marami pa pong susunod na kailangan nating I improve pati na ang ating bakod ng paaralan sa harapan at iba pa. Sa mga natatanggap naming MOOE at Repair ng mga gusali sa paaralan ay wala pong LABOR na budget kaya sa paraang bayanihan na inyong tulong PTAs kami ay umaasa. Kung sa paraang d naman tayo lahat karpentero ,magagawa rin nating magtulungan sa mga gardens at parts ng mga bata.Meron pong dumating na DEPED order ang pagtatanim ng gulay ngayong buwan ng Nutrisyon..Naisasagawa na rin ang feeding program na kung saan ito ay napagkasunduan ninyo sa inyong klase.

Maaramid tay amin dagitoy kakabsat mga mahal na magulang no adda ti danggay tay nga tumulong ken mkipagmaymaysa iti amin nga aramid ti eskwelaan tayo naimbag nga malem kadakayo amin. Maraming salamat po.

You might also like