You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DEL NORTE
SAN ISIDRO DISTRICT
San Isidro, Davao del Norte
GOV. DUJALI ELEM. SCHOOL

Oratorical Piece

“Pagpapaunlad ng Pagkatao, Pakikipagkapwa, Pananampalataya:


Hamon sa Panahon ng Pandemya.”

Covid 19, ito ang pangalan ng isang pandemya/ na dati ay minamaliit


lamang/ ngunit ngayon /ay labis-labis na kinatatakutan. /Paano tayo
tutugon/ sa krisis na kinakaharap nating mga Pilipino? /Mga tanong na
nagmumula sa mamamayan /na tila/ hindi parin nabibigyan ng isang
malinaw na kasagutan./ Lampas isang taon na ang Corona Virus
Pandemic/ ngunit /tila malayo pa ang tatahakin ng Pilipinas/ bago nito
masabing/ maaari na tayong magbalik sa dati nating mga gawi./ Hindi
maipagkakailang /binago ng pandemya ang maraming gawi sa ating
buhay,/ ang ating pakikipagkapwa,/ pagkatao, /at sinubok ang ating
pananampalataya sa Diyos./ Napakalaking hamon sa ating buhay/ na
kinakailangan manatiling matatag /sa kabila ng napakalakas na unos/
na dala nito./

Mga minamahal kong tagapakinig,/ naririto ako ngayon sa inyong


harapan/ upang bigyang diin/ ang mga hamon sa pandemya /na
kinakaharap natin ngayon sa kasalukuyan./ Masalimuot man/ at
mahirap,/ ipamalas nawa nating mga Pilipino /ang pagbubuklod-
buklod/ sa pamamagitan ng ibat ibang porma ng bayanihan./ Tulungan
ang mas nangangailangan /pero ang iba /ay mas piniling sarili muna.

Marami ang nawalan ng trabaho/ at piniling bumalik na lamang sa kani-


kanilan probinsya./ Nagbago ang pamamaraan ng pagtuturo/ at
nagbigay ng dagdag na trabaho sa mga guro /at lalong-lalo na sa mga
magulang ng mga mag-aaral. /Totoo naman/na mayroon tayong mga
gamit na electronics /bilang tulong /upang makarating sa ibang mga
tao/ ang mga bagay /at impormasyon sa pag-aaral./ Dahil dito,/ patuloy
nating isasahimpapawid/ ang ating mga aralin /at iba pang mga
pampaaralang gawain./ Ang iba ay na-depressed/ dahil nagkaroon ng
maraming utang,/ problema sa pamilya,/ huminto sa pag-aaral /o di
kayay/ nalugi ang mga negosyo /na nagdulot sa ilang kababayan natin/
na tapusin na lamang nila ang kanilang buhay./ At hindi mawawala
/ang mga Pilipinong/ nawalan ng minamahal sa buhay/ dahil nadapuan
ng malalang sakit na Covid-19./Ang mahirap pa dito /ay ang mahigpit
na alituntunin/ para dalawin ang maysakit sa mga ospital/ o sa bahay
upang makumusta /at maka-usap/ kung okay lang ba,/ ang kanilang
kalagayan./ Maging ang pagbabasbas sa mga patay /at ang
paglilibing /ay nagiging pabigat sa mga ka-anak/ o kaibigang
namimighati sa kalungkutan./ Dagdag pa ditto/ ang kawalan ng
kakayahan ng gobyerno /na tustusan/ ang mga pangangailangan ng
sambayanang/ kumakalam na tiyan/ at minabuting bilisan na
lamang /ang pagbibigay ng bakuna/ upang kahit papaano/ ay naibsan
ang ating pangamba./ Samo’t saring hinaing ng paghihirap/ ang
maririnig /at karamihay/ unti-unting nawawalan ng pag-asang
makabangon/ mula sa pagkalugmok./

Maulap man ang kalangitan ngayon /ngunit/ nakasisigurado ako,/ tayo,/


na sisikat din ang liwanag ng araw./ Ang pandemyang ito/ ay
nagpagising sa ating maling seguridad./ Maraming bagay tayong
ipinagwalang bahala,/ hindi lamang/ ang tungkol sa ating mga
pangangailangan bilang tao /kundi/ bilang mananampalataya/ at
kaanib ng Simbahan./ Isang araw/ ay nagising tayong /ang karamihan
sa atin /ay hindi na makasimba tuwing lingo/ o araw-araw man./ Mula
sa physical quarantine /ay napilitan din tayo /na mag-spiritual
quarantine. /Napilitan tayong tanungin ang sarili/ kung ano ang
mahalaga sa ating buhay:/ hindi lamang ang tungkol sa ating pangaraw-
araw na pagkain,/ kundi /maging tungkol sa ating pananalig sa Diyos/
na sa wari natin/ ay hindi sinasagot ang ating mga ipinagdarasal./

Sa kabilang dako naman /ay sinubok din tayo /sa ating magandang
ugnayang-personal./ Halimbawa nito/ ang isang pamilya /na kung
saan/ ang bawa’t isa ay nasa kanya-kanyang kwarto, /doon kumakain;/
at nag-uusap /sa pamamagitan lamang ng social media:/ manghihina
ang kanilang ugnayan sa isa’t isa./ Ang Covid-19 /ay may kakayahang
pumatay/ sa mga taong nahawahan nito./ Bukod pa dito, /ito rin ay
may kakayahang sirain /at putulin ang ugnayan ng mga tao./ Kaya,/
ang matatanda,/ ang mga malimit magkasakit,/ ang mga taong may
kapansanan /at iba pa /ay nasa panganib/ at sila ay inihihiwalay/ sa
karaniwang takbo ng buhay./ Dahil sa takot na mahawa,/ nariyan ang
panganib/ na ituring ang ibang tao/ na banta sa ating kalusugan /at
tayo rin/ ay banta sa kanila./ Napakasakit na realidad/ ngunit
kailangan nating tanggapin. /

Bilang mga mamamayang Pilipino /na nasanay sa magandang ugnayan sa


pamilya,/ dapat nating ibuhos ang lahat/ ng ating makakaya /upang
labanan /ang umiiral na pagdududa sa kapwa/ at paglayo sa isa’t isa./
Dapat nating pangalagaan ang ating kalusugan/ at maging mahinahon;/
subalit/ alisin natin ang labis na pag-alala/ at hysteria./ Totoong dapat
tayong sumunod sa mga alituntunin sa pamahalaan,/ subalit,/ hindi
natin dapat ituring /ang mga alintuntuning ito na dahilan /upang hindi
natin ituring ang kapwa/ bilang kaanib ng isang komunidad /at
kapamilya./

Tulad ng nakararami,/ tayo ay nakikibahagi sa iisang lipunan,/ lahat tayo


ay nanganganib/ at natatakot sa pandemya/ at sa iba pang mga
pagbabanta ng sakit./ Ang tanong ay/ kung paano natin haharapin /ang
ganitong sitwasyon /bilang mga tagasunod ng Panginoon. /Itinuro niya
sa atin /na ituring ang sarili bilang mga anak ng ating Amang nasa
langit /na sa atin ay lubos na nagmamahal./ Ang ibig sabihin ba nito/
ay magiging masaya lagi ang ating buhay?/ Hindi!/ Sa halip,/ ito ay
nagangahulugan/ na hindi niya tayo pababayaan/ maging sa sitwasyon
ng pagkabalisa /at matinding pagsubok.

Sa gitna ng bagyo sa ating buhay,/ pinapaaalahanan tayo /na gumising,


magkaisa /at magkaroon ng pag-asa /na makapagpapalakas,/
tutulong /at magbibigay ng kahulugan/ sa mga sandali /na kung
kailan/ ang lahat ay parang lumalabo./ Sama-sama nating harapin ang
krisis na ito /kasabay ng lalong pagpapatatag/ sa ating pananalig sa
Poong Maykapal /at pagmamahal sa kapwa./ Kasama natin ang Diyos/
sa takipsilim /at sa bagong umagang darating./

Prepared by:

RUTH D. SALARDA
School ESP Coordinator

Noted:

ARNULFO P. PACAŇA
Principal I

You might also like