You are on page 1of 3

Gradweyt ng K to 12 Hinubog ng Matatag na Edukasyon

Una sa lahat, nais ko munang batiin ang ating mga bisita. Ang
ating Public Schools District Supervisor, Ginoong Jose T. Arcilla Jr., sa
namumuno ng mataas na paaralan ng Dororian, Ginoong Rico Trollano,
sa namumuno dito sa mababang paaralan ng Dororian, Ginoong Wilson
T. Olino, sa ating mga validators, sa mga guro, mga magulang, mga
mag-aaral na magsisipagtapos, maging ang mga paparangalang mag-
aaral at sa mga manonood. Magandang hapon sa inyong lahat.
Sisimulan ko ang aking mensahe sa pamamagitan ng isang sipi na
aking nabasa minsan, “the journey doesn’t start at the beginning, it
begins at the end”. Sa unang pagkabasa ko ng sipi na ito, ako ay
napaisip. Matalinhaga, malalim, di ko mawari ang ibig sabihin, sa
ikalawa napagtanto ko, matalinhaga nga, sapagkat para sa akin ito ay
nagpapakahulugan na ang bawat pagtatapos ay may panibagong
simula. Ang yugto ng buhay ninyo ngayon ay hindi masasabing tapos
na, bagkos isa na naman itong pagbubukas ng bagong pinto para sa
panibagong daang inyong tatahakin. Kung kaya’t instead of saying “hay
salamat tapos na kami sa elementarya, mas maganda pakinggan ang
“hay salamat high school mana”.
Ang edukasyon natin ngayon ay patuloy na pinatatag ng ating
pamunoan. Marahil hindi naman lingid sa inyo na napakalayo ng agwat
ng edukasyon ngayon sa edukasyon noon. Updated na learning
materials, mga guro na patuloy pinalalawak ang kaalaman upang
mameet ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Maganda, malinis at
komportableng paaralan. Lalo na ngayong mayroong inclusive
education, kung saan tangap ang lahat. Walang pili ang edukasyon,
sapagkat ang pagkakaroon ng mataas at matibay na edukasyon ay isang
saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa
pagkakaroon ng masaganang ekonomiya. Kayong mga kabataan ay
nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa
pamamagitan ng inyong mga karanasan at pormal na programa na
nakukuha sa ating mga paaralan. Ito ang inyong magiging armas upang
maharap ang mga bagay na kaakibat ng inyong magiging kinabukasan.
Ako ay isa rin sa mga mag-aaral na hinubog ng paaralang ito. Ang
pinakamamahal kong mababang paaralan ng Dororian. Paaralan kung
saan ako natutong magsulat at magbasa, natutong magkwenta at
mangatwiran. Ito ang lugar kung saan maraming nabuong masasayang
alaala, mga di malilimutang ekspiryensya, mga ekspiryensya na
hanggang ngayon paulit ulit kong naikukuwento sa aking mga anak.
Masaya maging bata hindi ba? Masaya maging bata.
Ang mga magsisipagtapos ngayon ay larawan ng matatag na mag-
aaral. Matatag sapagkat nalampasan nila ang isang hamon ng buhay,
ang makapagtapos. Nairaos nila ang pag-aaral kahit na maraming
suliranin, Suliraning pangkalusugan katulad ng covid 19, suliraning
pangpanahon gaya ng kalamidad, matinding init at ulan, maging ang
suliraning pang pinansyal. Di lingid sa kaalaman ng lahat ang hirap ng
buhay. Mataas na presyo ng bilihin ngunit hindi sapat na sahod ng
kanilang mga magulang. Naranasan ko at patuloy na nararanasan ang
kahirapang ito. Noong ako ay nasa elementarya, madalas ang ulam
naming ay bagoong na dilis na iginigisa (manamsi baga), kinayod na
niyog na binudbudburan ng asin, madalas na pagkain ay ginataang
saging (paklo) o kaya lugaw na hinaluan ng buko saro sa mga paborito
ko. Papasok sa iskwela ng dalawang tinapay at kape lamang ang
almusal, walang baon at uuwi sa tanghali na nangangatal sa gutom. Sa
hapon naman masaya na ako kung may dadatnang tirang kanin,
sinasabawan ng kape bilang merienda. Ngunit ang kahirapang ito ay
hindi nagging sapat na dahilan upang ako ay sumuko sa pag-aaral. Sa
halip, ginawa ko itong dahilan upang magsikap, sana kayo rin. Taong
2001 ng ako ay magtapos sa elementarya 2005 ng matapos ko ang
sekondarya at marahil kagulat-gulat sa iba na natapos ko ang kolehiyo
taong 2019. Minsan na rin kasi akong nawalan ng pag-asa, mahirap
pumasok sa kolehiyo ng walang pantustos, noon hindi pa libre ang
matrikula. Syempre mas prayoridad ang pagkain ng pamilya. Napilitan
akong huminto. Naghanapbuhay upang sa pamamagitan man lamang
noon ay makabawas ako sa bigat ng buhay na pilit dinadala at iniraraos
ng aking mga magulang. Nakapag asawa at nagkaanak ng dalawa, isa
ang aking anak sa mga nagtatapos ngayon sa ika anim na baitang.
Lumipas ang ilang taon hindi nawala sa aking isipan na nais ko paring
mag-aral. Nais kong makamit ang minsan ko nang pinangarap. Salamat
sa pagpupursige ng aking butihing asawa, siya ang nagpumilit na ako ay
bumalik sa pag-aaral. Nakapasa ako sa DOST scholarship na isang
malaking tulong upang makapagtapos ng hindi gaanong nahihirapan sa
araw araw na gastusin.
Ang paglalahad ng aking buhay ay isa lamang maliit na
inspirasyong maibibigay ko sa inyo ngayon. Ako ay wala pang gaanong
narating, hindi pa masasabing matagumpay. Ako ay katulad nyo ring
patuloy pang naglalakbay at magpa sa hangang ngayon ay patuloy na
kumakatok sa mga pinto ng panibagong yugto ng aking buhay. Hindi pa
rin sapat ang aking kaalaman kung kayat lagi paring bukas ang aking
isipan sa mga bagong pagkatuto. Isa lang ang minsaheng iiwan ko sa
inyo “ang wastong edukasyon ay pahalagahan, ito ay susi ng iyong
kinabukasan, sapagkat ang kaalamang taglay ay isang yamang di
maiaalis ninuman”.
Sa bumubuo ng paaralang ito, lubos akong nagpapasalamat sa
imbitasyon upang maging isang inspirasyon ng mga nagsisipagtapos
ngayon. Salamat dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataong maipabatid
sa kanila na walang pinipiling panahon o edad ang pag-aaral.
Sa mga mag-aaral, tiyaga at pagsisikap lamang ang kailangan
nating baunin upang makamit ang ating mga mithiin. Dahil matatag ang
edukasyon, patuloy itong nakatindig at naghihintay na ating yakapin.
Sa mga magulang nais ko ring kayo ay batiin. Napagtagumpayan
ninyong mairaos sa panibagong hakbang ang inyong mga anak, you are
one step ahead, keep it up!
Sa muli ang aking pagbati sa mga batang ito Congratulations! at
maraming salamat.

You might also like