You are on page 1of 3

Mensahe para sa mga Magsisipagtapos

My respect to our very owned Schools Division Superintendent Dr. Raphael C. Fontanilla, CESO
V, to our Division Personnel who are here headed by _________________, To the respected
school administrators, our beloved Teacher In-Charge Mr. Severino L. Magbanua Jr. sir, teachers,
barangay officials headed by Hon. Rogelio Talagtag, Cap, to the PTA Officials headed by
_____________, to my classmates who are here, friends, guests, to our proud parents,
completers and Graduates. Magandang buhay to each and every one!

At this moment, Im in a bit of surprised pa talaga. When I was at Division office last March 19 at
3:00 pm there was a pop up message from my Facebook Account that came from sir Leonard
Noquira, asking for an invitation to be a guest speaker in this celebration. And by that, my answer
is yes. Dahil ito na yung pagkakataong masisalayan ko muli ang paaralang naghubog at bumuo
ng aking pagkatao. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggapin ang imbitasyon sa akin
kasi EAMNHS will always have a special place in my heart. Once a again thank you so much
EAMNHSians Teachers for having me as your guest speaker on this celebration. Sa paaralan na
ito, dito ako sinanay na maging malikhain, matatag at masipag na mag-aaral. Dito na minsan rin
gaya niyo ay nabigyan ng parangal dahil napagbuti ang pag-aaral. But this time, it is different.
Dahil ngayon, hindi ako ang pararangalan. Hindi ako ang nagmamay-ari ng entablado. Hindi ako
ang bida ngayon. Kundi kayo, kayong mga estudyante na nagsumikaap at nag-aral ng mabuti.
Ang bida ngayon, ay kayo who excel among the rest of the class.

In your 4th Moving Up Ceremony and 2nd Commencement Exercises tanggapin po ninyo ang aking
pagpupugay sa larangan ng pagbabahagi ng equal education regardless in our different tribes.
Since our theme, Unity in Diversity: Quality Education for All. Nagpapahiwatig lamang ito na kahit
magkaiba iba man tayo ng pinanggalingan, tradisyon at paniniwala ang edukasyon ay sama sama
pa rin nating tinatamasa. Ang edukasyon ay para sa lahat. Kung mapapansin natin noong una
pahirapan pa ang pagpasok sa paaralan dahil sa layo nito pero ngayon kusa ang paaralan na
mismo ang lumalapit sa atin. Dahil, sinisiguro ng Kagawaran ng Edukasyon na dapat lahat ng
mga kabataan ngayon ay makapag-aral upang magkaroon ang bawat isa ng mas malawak na
kaalaman. Napakaganda po ang hangirin ng Kagawaran ng Edukasyon para sa ating lahat.
Sinisiguro nito ang kaalamang nararapat na ibahagi para sa inyong mga anak. Ang paaralan
ngayon ay iisang aklat lamang ang ginagamit, iisang competencies, kaya huwag na tayong mamili
pa na paaralin ang inyong mga anak kung saan saan dahil I do believe na ang paaralan na ito
ay isa sa mga competent school in terms in giving quality education. Mga mahal kung magulang
ang suporta ninyo paaralan na ito ay isang malaking kontribusiyon dahil kung wala kayo wala
itong mga nagsipagtapos ngayon.

To our completers and graduates, hinahangaan ko kayo, dahil isa kayo sa mga batang nagbibigay
halaga sa edukasyon. Edukasyon na pinaghihirapang ibigay sa atin ng ating mga magulang. Ang
edukasyon na tutulong sa atin pagdating ng panahon. Kaya ganoon na lamang ang
panghihinayang ko sa mga kabataang napapariwara ang buhay. Kaya mapapalad kayong mga
nakapag-aral at may mga magulang kayo na handang isakripisyo ang lahat.

Narito tayong lahat at nagtipon-tipon upang ipagdiwang ang isang malaking pangyayari sa
buhay bilang isang mag-aaral. Ito ang araw na inyong pinakahihintay… ang katuparan ng
inyong masidhing pangarap na matapos ang inyong puspusang pagpupunyagi sa pag-
aaral. Mga hirap na inyong naranasan upang matapos ang apat at anim na taon sa piling ng
inyong mga kaibigan, kapwa-mag-aaral at mga guro.

Ito ang araw ng katuparan. Ang pinakaaasam-asam ninyong lahat… ang magawaran ng
kaukulang pagkilala ang inyong pagtitiis, paghihirap at pagsusumikap. Ito ang tamang araw
upang ipagdiwang ninyo ang matagumpay na maisakatuparan ang pagsusunog ng ating kilay
alang-alang sa inyong kinabukasan. Ang tagumpay ay hindi lang para sa mga natatanging
mag-aaral. Hindi lamang para sa isa ang karangalan na makapagtapos nang may natatanging
pagkilala, kundi ang karangalan ay para sa ating lahat.

Ang araw na ito ay ang katuparan ng pagtupad ninyo sa pangarap ng inyong mga
magulang. Ang pangarap nilang mabigyan ng tamang edukasyon ang kanilang mga
anak. Mapapalad kayo at iginawad sa inyo ng inyong mga magulang ang inyong karapatang
makatanggap ng tamang edukasyon at mainit ninyong natanggap ang kanilang walang-sawang
suporta sa inyong pag-aaral. Mga magulang at guro na magkatuwang na humubog at
gumabay sa inyong wastong asal. Sa kanilang mahabang panahon na ginugol, kaalamang
itinuro at pagtuklas sa inyong talino na kanilang nilinang, nakarating kayo sa espesyal na raw
na ito. Ang lahat ng ito, na inyong tinatamasa ngayon ay isang malaking tagumpay sa lahat ng
mga taong naghirap upang marating ninyo ang pagtatapos na ito.
Ang hirap at pagsasakripisyo ng inyong mga magulang ay makikita sa inyong pagtatapos.
Masasabi kong puno ng kagalakan ang inyong mga puso ngayon. Ang tagumpay na ito ang
bunga ng inyong mga pagsisikap, sa bawat araw ninyong pagpunta sa paaralan upang makamit
ang inyong mga mithiin sa buhay sa loob ng maraming taon.

Sa ating pinakamamahal at masipag na mga magulang, humahanga po kami sa inyo. Dahil sa


kabila ng lahat ng paghihirap pilit niyo paring iginagapang ang inyong mga anak. Kayo yung taong
walang sawang sumuporta at pagbibigay sa lahat ng pangangailangan sa pag-aaral, na kahit
minsan (aminin man natin) kapos tayo sa pera matustusan lamang ang inyong mga anak para
makapagtapos, ang hirap na dinanas nyo sa ilalim ng sikat ng araw at kahit ito`y tag-ulan man
ay pilit paring magtrabaho, sa wakas, ay may katumbas din.

Alam ko na hindi birong sakripisyo at hirap ang ginagawa ninyo para lamang maibigay sa kanila
ang mithiing makapag-aral.

Sa mga nagsipagtapos, para sa inyong mga tropa, barkada o samahang walang iwanan, this is
not the end. alam kong nalulungkot ang bawat isa sa inyo sapagkat ito na yong pagkakataong to
say goodbye my friend. Tatahakin ninyo ang bagong yugto ng inyong buhay ang buhay ng
koheliyo para sa mga graduates at buhay grade 11 for our completers. Alam kong hindi pa ito
ramdam ng iba pero pag uwi niyo mamaya masasabi mong TAMA NGA si sir Namimiss ko nga
si kwan.....

Kung mamimiss ninyo ang bawat isa syempre mamimiss din kayo ng inyong mga guro. Alam
nating lahat na sila ang kasa-kasama niyo sa loob ng mahabang panahon na pagsusumikap.
Saludo po ako sa mga gurong binigay ang lahat lahat upang turuan ang mga batang ito na maging
kapakipakinabang sa susunod na panahon. Alam kong hindi madali ang pagiging guro maliban
sa pagtuturo marami pang dapat ayusing paper works kaya minsan pag pinagalitan kayo
malamang stress ang teacher niyo (joke lang). Syempre di naman magagalit si teacher pag di
kayo pasaway. ugali na kasi ng mag-aaral ngayon ang pasaway, palasagot, bugoy, palascape,
palaabsent, tamad at loading. Mabuti na lamang ang mga teacher ninyo ay maawin. Kayo ay
binigyan pa ng chance. But mind you students, kung may ugali man kayong ganun please lang
baguhin niyo ito dahil yan ay hindi para sa aming mga teachers, hindi para sa mga magulang
ninyo, kundi yan ay para sa sarili ninyo. Dapat nating tandaan na, Ang ugali ng isang tao ang
magsasabi kung ano ang kanyang maging kapalaran.

Bilang isang mag-aaral, marapat lamang na ugaliin nating pangarap ng mga positibo sa buhay.
Dahil ako may ugali narin ang mangarap noon. Matatandaan ko noong bata pa ako nangarap na
akong maging isang guro. Kahit alam kong imposibleng mangyari yun dahil sa katunayan lugmok
at naghihikahos rin kami. Hindi ako nanggaling sa isang marangyang pamilya. Galing ako sa
mahirap na pamilya. Syempre kilalang kilala ako ditto ng marami. Nagdedeliver pa ako noon ng
tuba sakay ng kabayo papuntang sentro basak kung saan doon pinapabili. Simply lang pamilya
namin kagaya din ng iba. Naalala ko tuloy yung madalas ibilin sa akin ng Nanay ko, “Jan
magskwela ka sang tarong kay wala kami manggad nga ihatag sa inyo, kundi ang inyo nga
pag skwela.” And that word ay nakatatak palagi sa aking isipang kailangan ko magsikap para sa
pamilya ko. Kahit naranasan ko noong papasok ng paaralang walang baong pera, But still, hindi
ako nawalan ng pag-asa. Naging positibo ako sa lahat ng bagay. Dapat at marapat lamang upang
magtagumpay. Kung sa tingin moy di mona kaya Just pray. Suntok sa buwan ang dapat gawin
dahil darating ang araw lahat ng hiling moy matutupad. Dapat positibo sa lahat ng bagay hindi
nega. Ika nga, ang kahirapan ay hindi hadlang sa tagumpay.

My dear completers and graduates, walang imposible sa taong nagsusumikap, nag-aaral ako ng
college noon walang wala kami. Financial assistance pangtustos sa pag-aaral ko pahirapan pa
noon. Kaya I encourage everyone to enroll in college, dahil yung mga state university natin ay
libre na. Hindi kagaya namin dati na kailangan mo magpromisory kung wala kang pambayad para
makaexam. Natatandaan ko pa noon na pumasok ako bilang isang student labor noong nag-aaral
pa ako ng college. Trabaho ko noon ang maglinis sa opisina ng campus dean namin at maglinis
sa school ground. Early in the morning 4:30 ng umaga gising na ako para pumunta sa paaralan
at maglinis. Hirap at pagod ang puhunan ko noon sa pag-aaral. Pero ang lahat ng iyon ay di ko
alintana sapagkat nais kong makatapos para maging proud ang mga magulang at mga kapatid
ko sa akin. At sa wakas natapos ko nga ang pagiging isang kolehiyo bilang isang guro.
Napakaganda sa pakiramdam na suot suot mo yung itim na toga kasama ang yung mga
magulang at tatanggap ng diploma. Yung sigaw ng puso mo is YES nakasurvived na gid ko. Sa
wakas may teacher na rin sa pamilya namin. At sa kabila ng paghihirap naabot rin ang rurok ng
tagumpay. Tagumpay na hindi makukuha nino man. Tagumpay na magbabago sa buhay mo at
sa pamilya mo. At ang tagumpay na iyon ay naging possible na pangarap ko lamang noon ngunit
ngayon naabot ko na. Mga mahal kong tagapakinig, libre po ang mangarap ngunit kailangan mo
itong paglaanan ng panahon na may pagtitiyaga at determinasyon.

Sa aking pagtatapos, nais ko pong pasalamatan ng boung puso ang aking mga magulang dahil
kung hindi sa kanila hindi ko naabot ang tagumpay kung ano meron ako ngayon, ang aking
tagumpay ay tagumpay nyo rin.

Sa muli, isang mainit na pagbati para sa pagtatapos ninyong lahat. Nawa’y magtagumpay ang
bawat isa sa inyo, sa inyong buhay, pag-aaral, gawain at higit sa lahat sa mata ng Diyos.
Inaasahan rin namin ang muli niyong pagbabalik at maapakan ang intablado na ito pagkatapos
ng 6 o sampung taon.

Sa muli, maraming-maraming salamat po at sa uulitin, magandang hapon sa inyong lahat!

You might also like