You are on page 1of 2

To our invited guest speaker, Honorable Councilor Sherry Ann Danuy-

Bolisay, to our kind and very energetic Brgy. Captain Kristian A.


Villaroman, to our hardworking and very supportive district supervisor,
Ma’am Gina G. Abesamis, to our ever-dynamic school principal, Ma’am
Nerissa S. Manabat, to our wonderful and competent teachers, to our
indeed proud parents, guests and to my fellow graduates, a pleasant
evening to all.
On behalf of the graduating class of Bago Elementary School, Batch
2021-2022, I am very grateful and honored to welcome each and every one
who are present here today to join us as we celebrate the 66th
Commencement Exercises with the theme, “Pursuing Dreams and
Fostering Resiliency in the Face of Adversities." Truly, we are deeply very
happy that we are here today to witness one of our biggest
accomplishments as we later receive the fruit of our labor, our diploma.
Naaalala ko pa nung unang araw, ng kami ay mga batang paslit pa
lamang, nang mangahas kaming mangarap at simulan ang mga
mahahalagang bagay at hakbang tungo sa pagtupad ng aming mga
pangarap patungo sa tagumpay. At sa nakalipas na pitong taon, labis
kaming natutuwa na sa kabila ng mga sakripisyo at paghihirap,
matagumpay kaming makakatapos ng aming elementarya.
Habang ginugunita natin ang mga hamon na nasa harapan natin at
ninanamnam ang mga tagumpay na dumating sa ating mga buhay, sana
ay huwag rin nating kalilimutan ang dedikasyon ng ating mga guro, at ang
walang katapusang suporta ng ating mga magulang at pamilya. Dahil sa
kanila, ang ating paglalakbay sa elementarya ay naging madali at sa wakas
ngayon ay matatapos na.
Ang araw na ito ay isang patunay na ang tagumpay sa buhay ng
mga magsisipagtapos na mag-aaral na tulad natin. Ito rin ay araw ng
pagdiriwang at sa isang banda ay araw ng kalungkutan. Isang pagdiriwang
dahil pagkatapos ng isang taon sa Kindergarten at anim na mahabang taon
ng pagtatamo ng ating pangunahing edukasyon, handa na tayong
sumulong ng isa pang hakbang sa mas mataas na antas ng edukasyon. Ito
rin ay isang malungkot na araw dahil malapit na tayong umalis sa ating
mahal na paaralan our Alma Mater, na umaruga at nagturo sa atin noong
tayo ay maliliit pa na mga batang lalaki at babae na gustong makibahagi sa
pang-araw-araw na gawain sa paaralan.
Habang nakatayo ako sa harapan ninyo, alam kong kailangan nating
harapin ang mga hamon sa buhay lalo na ang mabilis na pagbabago ng
panahon, at ang ating mapaghamong paglalakbay sa pag-aaral lalo na
ngayong panahon ng pandemya na humamon sa ating tiyaga at
determinasyon sa pagkamit ng ating mga pangarap.
Alam nating lahat na ang pandemyang ito ay sumubok sa ating mga
guro at mga magulang upang mabigyan tayo ng de-kalidad na edukasyon,
at napakapalad namin na kayo, aming mahal na mga guro at magulang, ay
hindi tumitigil sa paggabay sa amin sa pamamagitan ng pagbibigay ng
liwanag at inspirasyon upang malampasan ang mga kahirapan sa
pamamagitan ng pag-aaral.
Sa katunayan, alam naming na hindi ito madali, maraming hadlang,
may mga problema at pagsubok na dumating at darating pa, ngunit
nakatagpos at nagtagumpay kami sa inyong tulong at higit sa lahat, ng
aming mahal na Alma Mater.
Sa aking mga kaibigan at kaklase, hindi ko akalain na magiging
ganito kasiya ang ating elementarya at sa aking pagbabalik-tanaw sa mga
araw, hindi ko maiwasang mapangiti sa mga alaala at panahon na ating
pinagsaluhan, itong mga pangakong ito ay akin laging iingatan. Ang
pagtanggap ng ating diploma ngayon, ay hindi pa katapusan ng ating
paglalakbay, bagkus ito ay simula pa lamang, lahat tayo ay mag-aral ng
mabuti at maging masipag sa pagtupad ng ating mga pangarap. Remember
what Eleonor Roosevelt says, “The future belongs to those who believe in
the beauty of their dreams” Nawa'y ang ating mga pangarap ay maging
motivation at gabay natin upang makamit ang ating mga layunin at nais sa
buhay, hindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa ating mga pamilya.
Maniwala tayong lahat na makakamit natin ang ating mga pangarap
sa kabila ng maraming hadlang sa panahong ito ng pandemya. Ang lahat
ng pagsubok na ito ay panandalian lamang at lahat ng sakripisyo natin ay
magbubunga rin sa huli. Panatilihin lamang natin ang pananampalataya at
huwag tayong sumuko. Higit sa lahat, laging nating tandaan na luwalhatiin
at dakilain ang Ating Panginoong Hesukristo habang sinisikap nating ituloy
ang ating mga pangarap at mithiin.
I hope that I left an impact in your hearts with these words of
inspiration. Again, I am Prince Cyrus John Dela Cruz Agas, joined you in
this celebration of wondrous experiences. WELCOME and
CONGRATULATIONS, BATCH 2021-2022. MABUHAY TAYONG LAHAT!

You might also like